Tinapik ng tiyahin ni Nancy, si Roanne Drew, ang kanyang balikat at sinabi sa hindi nasisiyahang tono, "Bakit ka sumisigaw? Ilang taon ka na ngayon? Wala kang karelasyon sa ngayon, kaya isang batang businessman mula sa bayan natin ang ipapakilala ko sa iyo. Siya ay nagmamay-ari ng isang food factory, at ang kanyang pamilya ay may mga ari-arian na nagkakahalaga ng hanggang ten million dollars. Hindi mo ba naisip na tama siya para sa iyo?"Ang nanay ni Nancy, si May Brand, ay sumang-ayon at sinabing, "Tama siya, Nancy. Siya ay may magandang pamilya at may magandang hitsura din. Sinuri namin siya para sa iyo."Ang kanyang ama, si Joshua Brand, ay tila masigasig, na nananatiling tahimik sa panahong ito.Imposible na tatanggapin ito ni Nancy. Mabilis niyang sinabi, "Ayoko pang makipag-date sa kahit kanino. Wilbur, ihinto mo na ang sasakyan. Hindi ako sasama."Wala siyang ideya na ang tanghalian ay isang blind date.Ayaw niyang gawin iyon, at naroon din si Wilbur. Nakaramdam siya ng hiy
Hinila din ni Joshua si Wilbur kaya walang magagawa si Wilbur kundi ang sundan sila.Ilang saglit pa ay nasa isang kwarto na sila na halatang nakareserve.Umupo na sila, at sinadyang umupo si Nancy sa tabi ni Wilbur. Umikot ang mga mata ni Roanne sa inis at tumingin siya ng masmaa kay Wilbur.Naging awkward si Wilbur. Umupo siya sa tabi ni Nancy na parang nasa panganib, at hindi siya nagsasalita.Ano pa ang magagawa niya?Hindi siya pinayagan ni Nancy na umalis, ngunit kung mananatili siya, titig ng masama sa kanya si Roanne. Iyon lang ang pagpipilian niya.Biglang nag-serve sa kanila ng mga inumin ang waiter. Dali-dali siyang tumayo at nagbuhos ng tubig para sa lahat para maibsan ang awkward tensyon. Tanong niya, "Bakit wala pa ang businessman?"Sa kaso ng mga blind date, ang lalaki ay kadalasang darating nang mas maaga at dapat ay handa ito para dito.Bakit sa halip ay ang pamilya ng babae ang nag-aayos para hintayin ang lalaki sa blind date na ito?Napamulat agad ng mata si
Napansin iyon ni Roanne, kaya mabilis niyang ipinaliwanag, "Ito ang driver ni Nancy. Siya ang naghatid kay Nancy hanggang dito, kaya nagpumilit siyang sumama sa atin sa tanghalian.""Ah." Dahan-dahang tumango si Jason. Umupo siya sa tapat nina Nancy at Wilbur at inihagis ang bag niya sa mesa."Waitress, ihain mo na ang pagkain," sigaw ni Roanne.Gayunpaman, kinawayan ito ni Jason at sinabing, "Hindi kailangan magmamadali.""Sige. Hindi kailangan magmadali." Nagmamadaling pinahinto ni Roanne ang waitress.Ngumiti si Jason. Tumingin siya kay Nancy at nagtanong, "Ikaw siguro si Miss Nancy Brand, ang general manager, tama ba?""Titulo lang. Empleyado lang ako na nagtatrabaho sa iba," walang pakialam na sagot ni Nancy.Tanong ulit ni Jason, "Balita ko kamakailan lang na-promote ka bilang general manager ng Willow Corp?""Oo."Humalakhak si Jason at sinabing, "Ang Willow Corp ay isang malaking business, hindi katulad ng business ko na mula sa isang maliit na bayan tulad ng sa atin.
umawa si Jason at sinabing, "Sige, pero dapat ingatan mo ang katayuan mo, Miss Brand. Bawal pumasok ang driver ko sa kwartong ito. Ang tanging paraan na igagalang ka ng mga empleyado mo ay kung magdi-distansya ka. Kung naging mabait ka sa kanila tulad nito, magiging madali para sa kanila na bumuo ng isang masamang pag-iisip at tumawid sa linya.""Hindi mo kailangang alalahanin iyon," sabi ni Nancy.Napaisip si Wilbur sa sinabi ni Jason. Hindi siya makapaniwala na talagang may katuturan ang sinabi ni Jason, kahit kaunti lang.Biglang binuksan ulit ng waiter ang pinto. Dahan-dahang pumasok ang isang middle-aged na lalaki na may kalbong buhok at malaki ang tiyan.Nagmamadaling tumayo si Jason at ipinakilala si Harold sa lahat, "Everyone, this is my uncle, Harold Yates."Nagmamadaling tumayo si Roanne at lumapit siya. Hinawakan niya ang kamay ni Harlod at sinabing, "My goodness, nakilala ko na rin po kayo. Salamat at nagbigay po kayo ng oras sa busy na schedule. Isang karangalan sa am
Huminahon ng konti si Harold pagkatapos itong marinig. Kumunot ang noo niya at sinabi niya, “Ito ang unang beses na magkakilala tayo, at ito ay tungkol sa kinabukasan ng mga batang ito. Hahayaan ko ito para kay Nancy, pero ito lang ang nag iisang pagkakataon.”“Opo.” Walang tigil si Roanne sa paghingi ng tawad. Pagkatapos, sinabi niya, “Jason, naaalala mo ba kung ano ang sinabi ko tungkol sa anak na lalaki ko sa bayan natin? Nandito ang tiyuhin mo ngayon, kaya pwede ba natin itong asikasuhin ngayon?”Tumingin siya sa kanila ng may sabik na ekspresyon.May napagtanto si Wilbur. Kahit na mahalaga kay Roann ang arrangement kay Nancy. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa kinabukasan ng anak na lalaki ni Roanne.Umiling si Wilbur nang maisip ito at ngumiti siya ng tahimik.Napansin agad ito ni Roanne at sinigawan niya si Wilbur, “Ano ang ibig mong sabihin nito?”“Wala po akong ibig sabihin.” Ayaw makipagtalo ni Wilbur sa harap ni Nancy at ipahiya ang pamilya, kaya tiniis niya ito.Ga
Tumingin sa kanila si Jason at sinabi ng mabagal, “Walang kahit sino ang pwedeng bumastos sa akin ng ganito sa lungsod na ito. Magbabayad ang pamilya niyo sa ginawa niyo ngayong araw.”“Ano ang balak mong gawin?” Ang galit na tanong ni Nancy.Nangutya si Jason at sinabi niya, “Ano ang balak ko? Malalaman niyo rin. Gusto ko na lumuhod, magmakaawa, at humingi ng tawad ang lalaking ito ngayon. Baka pagbigyan ko pa kayo. Hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad.”“May kakaibang imahinasyon ka talaga, Mister Yates,” Ang kaswal na sinabi ni Wilbur.Mukhang naiinis si Jason. Kumaway si Harold at tinanong niya, “Tama na. Ano ang ibig sabihin nito?”Umupo ng galit si Jason nang marinig niya ito, tumitig siya sa mga mata ni Wilbur habang nakatingin ng masama.Kumunot ang noo ni Harold at nagsalita siya ng mabagal, “Hindi ako nanghuhusga, pero isang malaking gulo ito. Paano namin ipapakita ang mukha namin sa bayan na ito pagkatapos ng ganitong kahihiyan?”“Patawad po, sir. Kasalanan p
Si Jason ang usapin ng bayan. Paano niya titiisin ang ganitong kahihiyan?Siguradong gagawa siya ng gulo.Plano ni Wilbur na turuan ng leksyon si Jason kung sakali na gusto nito na gumawa ng gulo para sa mga magulang ni Nancy sa darating na panahon.Hindi na mahalaga kung ano ang binabalak ni Jason.Kailangan niya na lang harapin kung anuman ang dumating. Simple na lang para sa kanya na harapin si Jason Yates.Galit na galit si Roanne sa punting ito. Nakatingin siya kay Wilbur na para bang gusto niya itong punitin.Gayunpaman, natapos na ito, kaya hindi pinansin ni Wilbur si Roanne.Ang mga magulang ni Nancy ay mukhang nagaalala habang nagbuntong hininga sila.Biglang naglakad si Jason pabalik ng kwarto at umupo siya ng mayabang. Gusto humingi ng tawad ni Roanne, ngunit tinaas ni Jason ang kamay niya at sinabi niya, “Wala kang kailangan sabihin.”Agad na nabigla si Roanne.Tumingin si Jason kay Wilbur at Nancy, pagkatapos ay sinabi niya ng may mahinang boses, “Kapag walang ka
“Mag isip ka ng paraan. Wag mo lang silang labanan. Alam ko na kaya mong lumaban, pero magiging mahirap kapag may pinatay ka na tao. Hindi rin magkakaroon ng madaling buhay ang mga magulang ko.” Tila nagmamakaawa si Nancy.Nagbuntong hininga si Wilbur at sinabi niya, “Susubukan ko ang makakaya ko.”Naglakad si Jason palabas ng private room. Tumingin siya kay Wilbur at Nancy na siyang nakatayo sa hall at tumawa na parang baliw.“Sige! Umalis kayo kung kaya niyo!” Ang mayabang na sigaw ni Jason.Ang mga magulang at aunt ni Nancy ay lumabas sa kwarto. Mukhang nag aalala sila dahil sa gulo na hindi maiiwasan.Napansin ng mga lalaki si Jason, kaya binati nila ito. Nakatayo lang sila sa pinto, hinihintay ang utos.Ngumiti ng matagumpay si Jason.Wala kahit anong bagay na hindi niya pwedeng gawin sa Daneville, at hindi siya kailanman natakot sa kahit sino.Ang dalawang luxury car ang nagpark din sa entrance. May ilang mga lalaki sa Food and Drugs Administration uniform ang lumabas ng