“Si Chloe, hindi ba?” Ang tanong ni Wilbur.Umiling si Elsa. “Ayos lang siya, pero mas malala ang kondisyon ni Sherry.”Naglakad si Wilbur patungo kay Sherry. Dahil protektao niya ang laman ni Sherry gamit ang spirit energy niya, ang kondisyon ni Sherry ay hindi nakakamatay kahit na malubha ang sugat nito.Napaluha si Sherry nang makita niya si Wilbur, hindi niya alam ang sasabihin niya.Naiintindihan niya na ngayon na nakakatakot talaga ang sitwasyon na pinasok niya, halos nawalan siya ng buhay dahil dito.Ang mundo ay hindi tulad ng nasa pananaw niya, at ang mga walang awang tao na tulad nito ay tunay.Nakakatakot talaga sila.Nakita ni Wilbur na takot na takot talaga si Sherry.Nagbuntong hininga si Wilbur. “Nakikita mo na ba ang panganib nito? Pakiusap, wag ka nang gumawa ulit ng ganitong bagay.”Tumango ng mahina si Sherry. Pagkatapos ng nangyari, hindi na ulit siya gagawa ng ganito.Sa oras na yun, dumating na ang ambulansya at sinigurado niya na dalhin si Sherry sa hos
Sa oras na yun, sinabi ni Faron, “Baka walang ebidensya ang Joy Corp na hindi kayang makuha ng Cape o ng mga awtoridad, pero hindi maitatanggi na sinetup ni Jordan ang Cape at pinatay siya ni Dorson dahil dito. Base lang dito, kailangan magbigay ng bagay sa atin ang Joy Corp kung ayaw nila na abalahin sila ng Cape sa nangyari. Hindi sila pwede gumawa ng mas malaking gulo tungkol dito dahil maaaring maapektuhan ang kumpanya nila at mapunta sila sa isang seryosong krisis. Tama si Wilbur.”Naintindihan agad ito ni Elsa at tumango siya. “Ito ay magiging mabuti pala para sa Cape.”“Salamat ito kay Wilbur. Kapag nakatakas si Dorson pagkatapos ng assassination niya, ang parehong panig ay magkakaroon ng tie at mawawalan ng rason ang Joy Corp para umatras. Baka maging mayabang pa sila tungkol dito,” Ang sabi ni Faron.Nagkibit balikat si Elsa, umiling siya. “Hindi ako business-minded na tulad niyo.”Agad na dumilim ang ekspresyon ni Faron. “Ano ang problema sa pagiging business-minded? Mas
Tumango si Wilbur. “Ito ang tamang desisyon. Ang pakikipaglaban ay ang huling plano natin. Tama ang ideya mo.”“Hahayaan natin sila sa ngayon. Oo nga pala, hindi ba’t dapat tayo magdiwang sa malaking panalong ito?” Ang tanong ni Faron.Ngumiti si Faye. “Sire! Ang Cape ang bahala, magsaya tayo.”“Woohoo!” Si Faron at Elsa ay sabay na nagdiwang.Ngumiti si Wilbur. Halos imposible para sa kahit sino para yayain ang dalawang ito sa ibang araw.Gayunpaman, masigasig sila sa pagtulong, alam niya na mapagkakatiwalaan na sila ngayon.Sa oras na ito, nagpakita si Jose mula sa kawalan. Pinapasok siya ni Wilbur.“Sir, may sasabihin po ako sa inyo,” Tumingin si Jose sa mga tao sa paligid at nagdalawang isip siya.“Tayos lang naman ito. Sige na,” Ang sabi ni Wilbur.Sinabi ni Jose. “Okay po pala. Nagpadala po si Marcus nag one hundred million dollars at sinabi niya po na ipasa ko ito sa inyo sa pagligtas sa kanya.”Yumuko sina Faron at Elsa sa kanilang mga tasa ng mug. Ang buhay ni Wilbur
Umiling si Wilbur. Klaro na ang lalaking ito ay maraming nainom at hindi nag iisip ng diretso. Isang manyak.Kumunot din ang noo ni Faron sa inis.Sumigaw si Elsa, “Umuwi ka na kung marami kang nainom! Wag mong dalhin sa gulo ang sarili mo para sa wala.”Nilagay ni Faye ang ulo niya sa balikat ni Wilbur, tumawa siya ng mahina.Nagalit ang lalaki sa malupit na pagtanggi sa kanya. Bago pa siya makapagsalita, may dalawang lalaki mula sa likod niya at sinabi ng mga ito, “Walang hiya ka! Kilala mo ba kung sino siya?”“Wala akong pakialam kung sino siya. Lumayas kayo,” Ang malamig na sinabi ni Elsa.Agad na nagalit ang isa sa mga lalaki. “Ito si Mr. Leon mula sa Bureau of Commerce and Trade! Walang hiya ka para kausapin siya ng ganito?”“Ganun ba? Okay.” Halatang naiirita si Elsa ngayon.Ang mga lalaki, na halatang lasing, ay mas lalong nagalit.Tutal, pinahiya sila sa publiko at nakuha nila ang atensyon ng marami.Ang lalaking si Mr. Leon ay nagsalita ng malamig. “Makinig kayo. Wa
Kung ang lalaking ito ay may kinalaman talaga sa mga Campbell, tapos na talaga si Leon.Mabilis siyang lumapit kay Faron at sa iba, lumhod siya sa sahig. “Pakiusap, patawad. Kasalanan ko po ito. Kilala ko po dapat kung sino ang kinausap ko. Patawad. Sana po ay pagbigyan niyo ako.”“Umalis kayo sa daan ko. Wag kayo maging abala. Nandito ako para sa dinner ko,” Ang malamig na sinabi ni Faron.Agad na nalaman ni Leon na wala nang punto ang magmakaawa siya. Kapag nagpatuloy siya sa ginagawa niya, baka magdusa siya ng mas malala pa kaysa sa mawalan siya ng trabaho.Tumayo siya at yumuko siya ng malalim kay Faron at sa iba, humingi siya ng tawad ng huling beses bago siya tumakas kasama ang mga tao niya ng natataranta.Nabigla ang lahat ng nasa restaurant sa kanilang nakita.Ang babaeng ito ay isang pambihirang manlalaban, at ang lalaki ay inutusan ang mga lalaki na humingi ng tawad at lumuhod ng ganun lang? Sino ba ang mga taong ito?Sa oras na yun, tumingin si Elsa sa waiter at tinan
Ang tao ay may hawak na suitcase sa kanang kamay at ang kaliwang kamay ay puno ng bandage, nakatayo ng diretso.Tumingin si Wilbur sa lalaki at nabigla siya, tinanong niya, “Ryder?”Mabilis siyang dumaan sa tulay at lumapit siya kay Ryrder. Tumingin siya sa braso ni Ryder at tinanong niya, “Paano ka nakarating dito ng mabilis?”“Ryder Litwing, elite combat personnel ng Department of Paranormal Research and Defense, reporting in,” Ang sabi ni Ryder habang sumaludo siya ng may standard military gesture.Tumingin si Wilbur sa sasakyan sa likod ni Ryder, pagkatapos ay kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Ano ang ibig sabihin nito?”“Ang equipment na ito ay mula sa branch namin, at may ilang staff member din,” Ang paliwanag ni Ryder.“Paano mo nalaman na dito ako tumutuloy?” Ang tanong ni Wilbur.“Inutos ng Commander-in-Chief sa mga department sa Kardon Province. Ito ang rason kung paano ko nalaman,” Ang sagot ni Ryder.Walang masabi si Wilbur.‘Kagagawan siguro ito ni Orin!’ An
Ang apat na staff member ay nagsimula sa pag install ng equipment.Ang bilog na radar ay installed sa bubong at ang maraming mga machine na sinetup sa loob ng kwarto.“Ano ang mga bagay na ito?” Ang tanong ni Wilbur.Sumagot si Ryder, “Isang satellite signal receiver, ang Skynet Integration System, at ang specialized supercomputer ng Department of Paranormal Research and Defense.”“Ah,” Ang sagot ni Wilbur na para bang naiintindihan niya.Ang satellite signal receiver ay ginagamit para kumonekta sa mga satellite signal, at mas stable ito kaysa sa ibang mga linya.Alam ni Wilbur ang tungkol sa Skynet. Isa itong national defense program na konektado sa mga security camera sa buong bansa. Pwede nila bantayan ang kahit anong security footage sa buong bansa sa kahit anong oras.Kahit na hindi siya sigurado kung ano ang specialized supercomputer, alam niya na isa itong epektibo na supercomputer.Ang set ng equipment ay mas makapangyarihan kaysa sa equipment na gamit ng provincial dep
“Lintik na,” Ang mura ni Wilbur. Iniisip niya kung may masamang nangyari.“Pumasok ka.”Pumasok sa kwarto si Ryder.Kumunot ang noo ni Wilbur at tumingin siya kay Ryder. Pagkatapos ng mahabang sandali, tinanong niya, “Walang kailangan puntahan, hindi ba?”“Base sa protocol, pumasok kayo sa opisina at mag setup ng password,” Ang sagot ni Ryder.Agad na nakahinga ng maluwag si Wilbur at sinabi niya, “Akala ko ay may masamang nangyari. Tinakot mo ako.”Agad niyang sinabi kela Faye na maghintay, pagkatapos ay pumasok siya sa operation room kasama si Ryder ng silang dalawa lang.Ang staff ay tapos na mag install ng equipment at umalis na. Silang dalawa na lang ang nandito.Ipinaliwanag ni Ryder ang nagagawa ng equipment, pagkatapos ay sinabi niya na mag setup ng iba’t ibang password.May password para sa satellite connection, may password para mag activate ng supercomputer, may pangalawang password para sa personal operation, at may password din para sa self-destruct.Nag setup si
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf