Chapter sixty oneGRACEKailangan ba magpatalo sa legal? Iniwan nan ga niya si Lance tapos babalik balik pa? ano to? Ganun ganun lang? pwes hindi ako papatalo, ang kapal ng mukha ng isang asawa na babalik lang dahil mayaman na ang iniwan niya.Nanggigigil ako sa totoo lang, hindi ako masamang tao pero nagiging masama ako pagdating kay Jamie, sino bang girlfriend ang hindi maiinis?Maayos kami ni Lance eh, okay kami kaso biglang dumating yang Jamie nagpabuntis? Tsk, nalaman talagang mayaman na ang iniwan niya tapos babalik? Sinong hindi magagalit lalo nagmukha akong kabit?Hindi naman sa naiinsecure masyado kase akong nadown lalo akala ko wala na silang komunikasyon at ngayon buntis pa ang ex wife niya? sa tingin nila sasaya ako? Okay na agada ko? Hindi naman pwede yun, para akong naparanoid sa sobrang kakaisip sa kanila, ang laki ng tiwala ko kay Lance pero ganito ang nangyari.Nag away kami ng sobra noong nalaman ko ang tungkol sa dati niyang asawa na nabuntis niya, masisisi ba nila
Chapter sixty twoJAMIENapapansin kong madalas na iniimbitahan ni Grace si Arthur dito sa bahay, siya ata ang may gusto kay Arthur, bakit kase palagi niyag iniimbitahan?I mean halos isang araw lang ang agwat pupunta nanaman dito si Arthur, hindi ko alam kung pinapaalam niya kay Lance ito dahil madalas naman wala si Lance dito sa bahay.Pwede naman siya manuod sa internet ng mga vlogs na nagtuturo kung paano lutuin ang putaheng gusto niya kaso ang ginagawa niya? iniimbitahan niya si Arthur at nagpapaturo.Baka nga siya ang may gusto talaga dito.Si Arthur naman go with the flow lang, hindi ko sila iniistorbo kaso si Arthur nahihiya kaya palagi akong tinatabihan.Wala din akong pahinga kase naman imbis na magpahinga ako ineentertain ko kase si Arthur dahil kapag wala ng kailangan si Grace sa kaniya iniiwanan na siya.Syempre alangan naman hindi ko ientertain dito sa bahay, ako naman ang naunang nakilala nito ginagamit lang ata siya ni Grace hay nako, basta nakakaramdam ako ng kakaiba
Chapter sixty threeLANCEIba din pala nagagawa kapag busy sa trabaho, halos hindi ko namamalayan ang araw lalo naang oras, nakalipas na pala ang isang linggo akala ko araw pa lang.Kakatapos ko lang ng mga paper works ko, napakagaan sa pakiramdam kaya namanmakakapagpahinga na ako pwede na rin akong hindi pumasok para makapagbakasyon.Nagpapahinga ako dito saharap ng table ko, ipinikit ko muna ang aking mga mata dahil sa pagod at nakinig ng magandang music, kaso nga lang tumunog bigla ang phone ko.Napasilip ako kung sino ang tumatawag, yung isa sa mga kasambahay ko pala kaya naman agad ko rinsinagot. Narinig ko na natataranta ang tumawag at sinabing nag aawya sila Grace at Jamie ngayon, pinapauwi nila ako agad kaya napatayo ako at kinuha agad ang bag ko.Nagmadali akong umuwi sa bahay, kaso hindi namanako agada gad makakarating lalo mabagal ang mga usad ng sasakyan. May ibang sasakyan na nakapark, siguro ito yung sinasabing kaibigan ni Grace na pupunta dito,nagpaalam siya sa
Chapter sixty fourLANCESumabay akong nag almusal sa kaniya, hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko kung paano ko sasabihin lahat kay Grace ang mga nasa isipan ko.Alam ko masama ako sa paningin niya kapag ginawa ko yun kaso kung papatagalin ko pa baka mas lalong mahirapan sa amin.Hindi naman ako papayag na manganganak lang dito si Jamie, gusto ko rin makita ang anak ko, gusto ko rin alagaan, alangan ibang tao ang mag aalaga sa kaniya? Ramdam kong gusto niyang umalis dito pagkatapos niyang manganak at sumama kay Arthur, hindi ako tanga para hindi makaramdam.Hindi ko naman gugustuhin na si Arthur ang mag alaga ng anak ko, na siya ang kumarga at kilalaning ama? Kung malayo sa akin ang bata malamang hindi lalapit ang loob niya sa akin.Hays, napunta na sa bata ang usapan pero ang kailangan kong gawin ay ang masabi kay Grace ang saloobin ko.Matagal ko na talagang pinag isipan ito, hindi ko kaya kaseng iderekta, wala naman kaseng tao na kayang manakit ng harapan lalo kung tungko
Chapter sixty fiveLANCEGising na si Grace, iba na mood niya hindi na siya nagsasalita at hindi na siya kagaya kanina na madaldal at ngumingiti.Kasalanan ko ito, nakakakonsensya pero hindi naman pwede kaseng patagalin ang ganitong sitwasyon, naiintindihan ko si Grace pero sana naman maintindihan niya ako, oo masama na ako kase parang ginawa ko siyang panakip butas, madaling bitiwan pero nakakasakit na rin siya ng iba, kung maayos lang sana pakikitungo niya sa lahat hindi magkakaganito.Ayaw ko na manisi basta sinusunod ko na ang puso ko, oo mali na, oo masama na, nagpapakatotoo lang ako, kung may masaktan man dito alam kong kasalanan ko.“Kumain ka na.”“Wala akong gana.” Sagot niya, dinalhan ko siya ng pagkain dito sa kwarto. “Ano pang silbi kong mabuhay?”“Please lang Grace huwag kang ganiyan.”“Totoo naman ah, anong silbi kong mabuhay? Kung wala ang taong mahal ko, anong gagawin ko? Tatanggapin lahat ng sinabi mo? tatanggapin na iiwan mo na ako? Tatanggapin na ipapalit moa ko diy
Chapter sixty sixJAMIEHindi ko alam kung okay ba o hindi sila Lance at Grace noong nakaraang araw lang kase sabay sila kumain at matulog pero kahapon umiba na, wala naman akong narinig na sigawan o alitan nila, ano kaya nangyari?Napansin ko kase na dito na sa sofa sa living room namamalagi si Lance mask isa gabi hanggang umaga dito na siya natutulog, nakick out ba siya sa kwarto nila?Maski ang mga kasambahay nag oobserba lang, ako kase nagtataka na, wala kase akong narinig na anumang awayan nila, kase kung makikipag away si Grace malamang sisigaw yan kaso hindi eh, at madalang siyang lumabas ng kwarto.Nahihiya naman akong derektahin si Lance basta ang akin concern lang ako dahil dito siya sa labas natutulog, siya yung may ari ng bahay tapos wala siyang kwarto, sinabi ko nga ipalinis niya yung isang kwarto kaso ayaw naman niya.Napapansin ko s aumaga pabalik balik siya sa kwarto nila, parang chinicheck si Grace palagi, ewan ko ba sa kanila, kahit sabihin ko na hindi ako mangengeal
Chapter sixty sevenLANCEAkala ko napakalma ko na si Grace pero hindi pala, mas malala pala ang ginawa niya, may ginawa siyang hindi maganda sa kaniyang buhay kaya naman pagkakit ko palang sa kaniya sa kwarto ay agad ko siyang binuhat papunta sa sasakyan, idadala ko siya sa ospital.Wala siyang malay pero alam kong humihinga pa siya kaya agad ko siyang pinagmaneho papunta sa ospital.Mabuti na lang naagapan siya dahil kung hindi making konsensya at bagabag sa akin kung natuluyan siyang mawala, dahil sa akin kaya siya nagkakaganiyan.Maayos na ang kaniyag lagay ngunit hindi pa siy nagigising, hinihintay ko lamang ang paggising niya bago para makausap ng maayos.Nataranta ako kanina, hindi ko inasahan ang ganito.Sinabi ko naman kase sa kaniya na maayos akong nakikipaghiwalay sa kaniya, maganda ang pakikiusap ko sa kaniya kaso mas malala pala ang dating sa kaniya ng ganun.Gumalaw ang kaniyang ulo kaya lumapit ako sa kaniya.“Kamusta pakiramdam mo?”“Bakit buhay pa ako?”“Grace.”“Tsk,
Chapter sixty eightGRACEHindi pwedeng maging talunan ako.Hindi pwede!Akala nila ganun ganun lang kadali tanggapin? Ako nagdudusa samantalang sila nagpapakasaya habang bumubuo ng pamilya? Ganun ganun na lang ba yun? hindi pwedeng ako ang masaktan dito!Napakaunfair ng gusto ni Lance, ginawa niya akong basura na tinapon na lang basta basta, anong ginawa ko? Wala namang away na naganap tapos ganito magiging resulta ng lahat ng sakripisyo at pagmamahal ko sa kaniy? Love and care I did that to him tapos ganito lang kapalit?Hindi ako makatulog sa sobrang kakaisip, anytime pwede na niya akog paalisin, hindi ko inaasahan ito na gagawin niya sa akin, akala ko okay na kami pero humahanap lang pala siya ng tsempo.Hindi ako makakain dahil sa sinabi niya, palagi niya akong dinadalhan dito ng pagkain pero hindi ko makain, ang dami daming gumugulo sa isipan ko para akong walang kwenta, walang silbi at wala ng pakinabang sa kaniya.Nadodown ako ng sobra.Iyak ako ng iyak habang nakatanaw sa bin
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti