Ilang ulit kong tinatanong ang sarili ko kung ano ba ang mali sa akin. Kung bakit parati nalang ako iniiwan ng mga taong malapit sa puso ko. Deserve ko ba talaga ang maiwan?
Nagmahal lang naman ako. Nagmamahal lang naman ako at umaasa na sana magkaroon din ako ng buong pamilya.Dibale nang hindi kami masaya parati, ang mahalaga sa akin ay makasama ko ang pamilya ko. Makasama ko siya hanggang sa pagtanda. Kaya lang ang unfair, eh. Ang unfair unfair! Bakit ako? Bakit ako nasasaktan? Diba dapat Masaya ako? Diba dapat nag e-enjoy ako? Masaya dapat ako kasi kinasal na ako sa lalaking mahal ko.Bakit ako nag-iisa?Bakit pakiramdam ko maiiwan na naman akong mag-isa? I-iwanan na naman ako ng taong mahal ko. Masakit lang isipin na kahit anong gawin ko at the end of the day ako nalang pala ang mag-isang lumalaban.Ako nalang ang naniniwala na mag wo-work pa ang relasyon namin. Na tutuparin niya ang pinangako niya sa akin na magkasama kami hangganI don't want to assume that there's something wrong sa pamilya ng asawa ko pero very disturbing talaga ang kinikilos nilang lahat. Maski ang kilos ni Rowan hindi ko na makilala. Para bang may tinatago siya sa akin na pilit niyang binabaon sa limot."Rowan, ano bang problema mo? Pwede mo naman ako kausapin. Kung may problema ka sa'kin maiintindihan ko naman. Makikinig naman ako hindi iyong dine-deadma mo lang ako na parang hangin.""Honey, busy ako." Tinabig niya ang kamay ko nang akma ko na siyang yayakapin. "Please, Helena, busy ako ngayon. Mamaya nalang tayo mag-usap." Tinapon ko ang mga dokumento sa lamesa niya. Oo nasa mansyon pa rin kami. Higit isang buwan na kaming nandirito. Isang buwan na siyang busy kakatrabaho para sa kompanya nila."Helena, naman! Hindi mo ba nakikita? Busy ako! Konting konsiderasyon naman sana. Walang araw na hindi mo ako ginugulo. Nakakapagod na." Paisa-isa niyang pinulot ang mga nagkalat na papel sa sahig.
Kanina pa kaming lahat nakaupo sa living room-tikom ang bibig ko dahil natatakot ako sa posibleng gawin sa akin ni Rowan. Natatakot ako na baka patayin niya ako..."May dapat ba akong malaman?" Tanong niya, "Ano ba ang tinatago niyo? Ako lang ba ang hindi nakakaalam na pinatulan mo si Celine na empleyado ng kompanya natin at kaibigan ng asawa mo?" Tinapunan muna ako ng tingin ni Rowan bago hinarap ang kanyang ama."Pa, mahal ko po si Helena. Saksi kayo sa pagmamahalan naming dalawa.""Sagutin mo ang tanong ko, Rowan, may relasyon ba kayo ni Celine?""Wala. Wala kaming relasyon." Pagtatanggi ni Rowan. "Ni minsan hindi ko naisipan na lokohin ang asawa ko." Dagdag niya pa."Pambihira, Rowan. Talagang itatanggi mo ako? Itatanggi mo na may nangyari sa atin? So, ano iyon? Wala lang. Trip mo lang, ganoon?" Nanggagalaiti na sabi ni Celine-ang lakas ng loob niya na sabihin na may nangyari sa kanilang dalawa sa harapan pa mismo ni tito.
Rowan POVDumating na iyong araw na kinakatakot ko. Ayaw kong saktan siya pero nasasaktan ko na siya. Nasasaktan siya dahil sa akin-sa maling mga desisyon ko para sa justice na inaasam-asam ko.Nahihirapan akong tingnan siya. Doble ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing pinagtataasan ko siya ng boses. Sa tuwing pinagbubuhatan ko siya ng kamay."Ano bang plano mo? Anong plano mo sa ating dalawa?"Hindi ko lubos maintindihan kung bakit patuloy pa rin akong hinahabol ni Celine. Kung bakit kinukulit niya pa rin ako sa isang bagay na malabo ng mangyari."Gusto ko lang linawin sa'yo, Celine, walang namamagitan sa ating dalawa."Nasa garden kami ngayon. "Joke ba iyan, babe? Well, hindi nakakatuwa, ha. You know how much I love you at alam ko naman na mahal mo rin ako." Nilagay niya sa hita ko ang kamay niya. "I miss you, babe. Can we just continue our conversation at my room? You have no idea how thirsty I am to kiss you." she
Celine POV He's weak. He can't ignore me. He can't resist the temptation. Hindi ko papasukin ang bagay na 'to kung hindi ko alam ang kahinaan niya. He's Rowan Hidalgo after all, hindi ako pwedeng umatras nalang basta-basta at itapon lahat ng effort ko para makuha siya.Hanggat hindi ko nakukuha ang tiwala at pagmamahal ni Rowan, hindi ako titigil na ligawan siya. Alam kong nawawalan na siya ng interest kay Helena. I will use it as an opportunity to destroy their marriage.Helena doesn't deserve a happy life and a complete family. Hindi niya deserve ang attention at pagmamahal ni Rowan-walang ibang sasapat sa tagapagmana ng mga Hidalgo kundi ako.I am their threat. I am the only person who can ruin their almost perfect life.No one can stop me from destroying their marriage. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa concrete plan ko na maging isang ganap na Mrs. Hidalgo.Konti nalang at malapit ko na makuha ang loob ng kanyang mga
One of the worst event that happened in my life is seeing someone I really love with other women. This is not what I wished for. Living with him is like turtoring myself.“Rowan!” I shouted his name. Kanina pa siya hindi bumabalik. “Rowan!” Pag-uulit ko. Nagpatuloy ako sa paghahanap sa loob ng mansyon. As I expected, walang tao pagkababa ko. Ang laki ng mansyon pero hindi makita ang mga tao rito.“Helena!” Tawag ni Simon na nasa sala. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Rowan?” Pagtatanong niya.“Kasama ni Celine.” Umupo ako sa sofa–isang dangkal lang ang pagitan naming dalawa. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan sina tita Nelia at tito Luciano?”“Ewan. Hindi ko alam. Kanina pa ako pinauwi ni sir Luciano. Nagugutom kaba? Gusto mo ba paglutuan kita?”“Hindi na, Simon. Hindi pa naman ako nagugutom.” Napahawak ako sa ulo ko. Kanina pa ako nahihilo. Siguro epekto ito ng pagkakaumpog ko sa pader.“Helena, namumutla ka. May masakit ba sa iy
Nang sabihin kong buntis ako parang hindi siya makapaniwala. Wala man lang akong narinig na 'Magiging tatay na ako!' kundi ang tanging sinabi niya ay..."Sigurado ka bang buntis ka?" Pagtatanong ni Rowan-nakaupo na kaming apat sa sofa. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa marinig nila Celine at Simon ang tungkol sa pagdadalang tao ko."Hindi ata tama na kwestyunin mo ang pagdadalang tao niya, Rowan, lalo na ikaw naman ang asawa niya." Sagot ni Simon na katabi ko. Magkatabi sila Rowan at Celine na mas kinakagalit ko."Bakit ikaw ang sumasagot sa tanong ko? So, totoo ngang may relasyon kayo." Natatawang saad ni Rowan. "Helena, mag asawa tayo pero kung ipapangalan mo sa akin ang anak ng kabit mo, ngayon palang sinasabi ko na sa'yo, hindi ko matatanggap ang dinadala mo.""Tarantado ka pala, eh!" Susugurin na sana ni Simon si Rowan pero pinigilan ko siya."Hindi mo kailangan makipag away sa kanya, Simon." Pilit akong ngumiti. "Rowan, pwede ba
Gulong-gulo ang isip ko hanggang sa makarating kami sa aming silid. Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang mga nangyayari para bang may tinatago ang lahat. I can't imagine tito Luciano na papatol kay Selena—may relasyon din kaya sila ni Celine? Alam ba ni tita Nelia ang kababuyan na ginagawa ng kanyang asawa? Aware din kaya si Rowan na may namamagitan din sa kabit niya at kanyang ama? Pero paano kung mayroon nga?"Helena, mag-ayos kana, aalis na tayo.." Kakatapos lang niya maligo—tanging towel lang ang tumatakip sa pangitaas niya habang pinupunasan ang kanyang buhok. "Hon, may problem kaba? Iniisip mo pa rin ba iyong mga sinabi ni papa kanina?" Lumapit siya sa pwesto ko–nakatayo siya sa harapan ko habang nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama."Naisip ko lang, hon, nag away ba sina tito at tita?" Sumagi lang sa isip ko na baka ganoon ang naging reaskyon ni tito dahil may problema silang mag-asawa. "Are you serious, hon?" natawa siya s
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagsampal ni Rowan kay Celine o maaawa dahil sa kundisyon ng asawa ko. Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Nagtiis ako sa pananakit na ginagawa nilang dalawa sa akin. Pinagmukha nila akong tanga at mangmang.“Rowan!” Sinampal ni Celine ang asawa ko. “How dare you para saktan mo ako!”Pinapanood lang namin ni Simon ang dalawa sa kusina. Hindi nagsasalita si Rowan. Seryoso lang siyang nakatingin kay Celine.“Akala ko ba mahal mo'ko? Bakit mo ako sinampal?” Garalgal ang tono ni Celine.“Dahil gusto ko..” Tipid na sagot ni Rowan sa kanya. Naglakad na siya palapit sa pwesto ko at inabot ang tubig sa akin.“Hon, magluluto na muna ako rito, ha. Mag kwentuhan muna kayo ni Simon.” Tinanguan ko siya.Nagtatakang lumapit sa akin si Celine.“Anong ginawa mo kay Rowan? Anong ginawa mo sa kanya, Helena!” Nakatayo sa harapan ko si Celine–nakatikom ang kamao niya. Halatang galit na galit siya sa kinikilos ng asawa ko.
Malaking bagay ang tulong na ginagawa sa akin ni Emerson. ‘Di ko rin alam kung paano ko siya nakontak basta nakita ko lang ang landline number ng bahay niya kay Simon. Gulong-gulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli. Kung paano ko makakalimutan lahat ng nangyari. Kung sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko nakikita ko silang lahat. Para akong binabangungot.Hindi ko magawang tanggapin na wala na si Rowan, na wala na si Simon. Ang hirap. Ang hirap hirap na maiwan ng mag-isa. Parehas silang nangako sa akin. Ngunit parehas din nila akong iniwanan. Kasabay ng paglisan nila ang pagkawala ng batang nasa sinapupunan ko–ang anak namin ni Simon. ‘Yun na nga lang ang tanging magpapaalala sa akin sa kanya nawala pa.“Ano ba talaga ang totoong nangyari, Helena? Bakit nagpatayan sila Rowan at Simon?”Dapat ko bang sabihin na ako ang pinagmulan ng lahat? Na dahil sa'kin nagawa nilang magpatayan. Nagawang pumatay ng dalawang lalaking mahal ko sa buh
Two years later...“How is she?”“She's not okay. She's experiencing depression.”“Is there a cure? Can she make it”“I don't think so. There's no cure in depression. The only way para ma-realize niya na nag e-exist pa siya sa mundong ‘to is to make her feel that she's not alone. That you're with her.”“Paano ko magagawa iyon? Hindi ko siya makausap ng maayos. She's always out of her mind. Para siyang baliw. What if, ipa-rehab ko siya? Maybe, it works.”“Mas lumala lang ang kondisyon niya nu'ng pina-rehab mo siya. Siguro, isama mo nalang siya sa bahay mo.”“No. No way! I won't allow her sa buhay ko. She might bring bad luck to me.”“Pero ikaw nalang ang natatanging pag-asa niya. Baka kapag pinakita mo na may pakialam sa kanya bumalik ang dati niyang sigla.”“No. That will never happen. I won't allow a murderer in my house. Never. I'll leave her sa bahay ampunan o ipa-rehab ko nalang ulit siya.”“Bro, you should understand her situation. Aba, g
Mabilis na kumabog ang puso ko sa gustong mangyari ni Selena. Hindi ko gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin at pati na rin kay Simon. Hindi pwedeng maiwan siya rito. Hindi pwedeng hindi kami magkasama. “Ano, Helena? Gusto mong makita si Rowan, diba? Hawak mo na ang susi pero iiwan mo sa'kin si Simon.”Bumalik sa pagkakaupo si Selena na nakadikwatro pa. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Parang bigla nalang nagbago ang paniniwala ko na may deperensiya siya sa pag-iisip.“Kung ayaw mo, edi akin na ang susi at kalimutan mo na rin si Rowan.” Binalingan ko ng tingin si Simon. Tahimik pa rin siya hanggang ngayon. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Kinakabahan ako na baka may gawing hindi maganda si Selena sa kanya.“Buntis ako, Selena, kailangan ko si Simon sa tabi ko. Kailangan ko siya.”“Alam kong buntis ka, Helena, kaya nga maiiwan sa'kin si Simon.”“Hindi pwede ang sinasabi mo, Selena, kailangan ko siya sa tabi ko. Wala namang dahilan para maiwan siya rito kasama ka.”“Baka nakak
Wala na akong pakialam kung makita kong buhay o patay si Rowan. Ang gusto kong malaman ay kung saan siya dinala ni Selena. Gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya ngayon. Kaninang umaga pagkagising ko dumiretso agad ako sa kuwarto ni Selena upang tanungin siya sa kinaroroonan ni Rowan. Wala siyang maisagot sa akin. Pilit niyang tinatanggi na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng aking asawa.Ilang beses ko rin na kinumbinsi si Simon na pilitin si Selena upang ibigay ang susi patungo sa underground. Ngunit, sa tuwing pumapasok siya sa kuwarto baril ang sumasalubong sa kanya.Hindi ko alam kung bakit may hawak na baril si Selena. Natitiyak kong kinuha niya ‘yon sa gamit ni Luciano. Inamin sa akin ni Simon na nagmamay-ari ng iba't ibang klaseng baril si Luciano. Nagulantang ako na aminin niyang si Luciano ay kasapi sa isang sindikato. Ngayon ko lang napagtanto na ang kompanya na pinamamahalaan nila ay hindi basta-basta na kompanya. Kundi may
Biglang naghina ang buong katawan ko. Mabuti nalang at nasalo ako ni Simon. Inalalayan niya akong umakyat sa itaas. Pagkarating namin sa kwarto, napansin niya ang dugo sa binti ko. Hinayaan ko siyang gamutin iyon at palitan ang damit ko. Wala talaga akong lakas na kumilos. Ilang minuto na rin akong tulala. Naririnig ko siyang nagsasalita pero wala akong maintindihan.“Mahal, matulog kana.” Hinihimas niya ang buhok ko. “Matulog kana muna. Kalimutan mo muna ang nangyari ngayong araw.”Malabo ata na makalimutan ko ang nangyari ngayong araw. Malabo na makalimutan ko lahat nang nangyari sa loob ng mansyon na ‘to. Para na akong mababaliw sa dami ng mga nangyayari. Hindi ko ginusto ang buhay na ganito. Hindi ko hiniling na magkaroon ng ganitong kagulo na buhay. Paulit-ulit kong hihilingin na magkaroon ako ng masaya at buo na pamilya. Paulit-ulit ko ring kumbinsihin ang sarili ko na kalimutan na ang lahat sa lalong madaling panahon.Gusto ko na
Papalit palit ang tingin ko kina Celine, Simon at Selena. Natitiyak kong may tinatago silang tatlo sa akin at gusto kong malaman kung ano ang pina-plano nila para sirain ako.“Tumigil kana, Celine! Tigilan mo na ang pagsisinungaling mo lalo na kay Helena. Mahiya ka naman.” Giit ni Selena.Nanatiling nakatayo Si Celine–katabi niya si Selena at nasa tabi ko naman si Simon. “Bakit hindi ikaw ang tumigil, Selena? Bakit hindi mo aminin sa kanya na magkapatid kayong dalawa? For sure walang alam si Helena sa bagay na iyon dahil tinakwil siya ng sarili niyang ina.”Parang hindi nag si-sink in sa utak ko lahat ng mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan. Nahihirapan na rin akong huminga.“Wag kang gumawa ng kwento, Celine. Sa ating dalawa alam mong ikaw ang may masamang motibo sa kanya.” Patuloy parin nagbabangayan ang dalawa habang kami ni Simon tahimik lang na nakikinig sa kanila. Katulad ko hindi rin makapagsalita si Simon –hula ko
Sa kalagitnaan nang pag-uusap naming dalawa paunti-unti ko siyang naiintindihan. Marahil malaki ang kasalanan na nagawa ng mga magulang ko sa magulang niya kaya ganoon na lamang siya kapursigido na maghiganti.“Pero gusto ko lang sabihin na tunay ang pagmamahal ko sa'yo at handa akong patunayan ang sarili ko ano mang oras.”Higit dalawang oras na siyang nagmamaneho at pansin ko ring iniinda niya 'yung sakit ng kanyang ulo dahil sa pagpalo ko sa kanya. Ini-insist ko na ako nalang ang mag drive pero hindi siya nakikinig sa akin. “Gustuhin ko man na makilala kapa pero hindi na ako sigurado kung totoo ba o kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin.” Malamya kong sagot.Andoon pa rin ‘yung doubt na nararamdaman ko. Kahit na gaano ko pa siya kagusto na makilala, kung may pumipigil sa akin na gawin iyon wala ring kwenta. Bukod sa hindi ko na kilala ang mga taong nasa paligid ko, mas higit na naguguluhan na ako sa aking sarili. Naguguluhan na ako sa mga desisyon na ginagawa ko. Na para bang
Nanginginig ang kamay ng aking ina sa isang pamilyar na boses. Magkahalo ang kaba at takot na nararamdaman ko gayundin ang matandang babae na tila'y hindi makapaniwala sa kanyang nakita.Inalalayan kong makatayo si Ina ngunit pawang nanlalambot na ang magkabilang tuhod niya. Mabuti nalang agad ko siyang nahawakan at nailayo sa papalapit na si Simon.“Si-mon, anong ginagawa mo rito?” Pinatili ko ang matapang na tono upang hindi niya mahalata ang takot na nararamdaman ko. Ngayon pang alam ko na ang totoo, alam ko na kung ano ang totoong pagkatao niya. Na nagsisinungaling lang siya sa akin kagaya ng pagkakasabi ni Celine at Selena.“Anong ginagawa ko rito? Ikaw anong ginagawa mo rito sa liblib na lugar na 'to?” Seryoso ang boses niya nang ibalik niya ang tanong sa akin. “Oh. Buhay pa pala ang nanay mo, Helena, bakit hindi mo sinabi sa akin agad para naman pormal ko siyang niligawan.”Pinaatras ako ni Ina at siya ang humarap kay Simon–blangk
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat sa dati baka posible pang magkaroon ako ng masayang buhay. Kung hindi lang pinatay ni Luciano ang aking ama, baka may chance pa kami ni Rowan na mamuhay ng matiwasay.“Bakit ngayon ka lang dumalaw?”Nakangiti ko siyang tinitigan. Inakap ko siya patalikod at inayos ang kanyang buhok.. Ilang taon din kaming nagkawalay. Ilang taon kong tiniis ang pangungulila sa aking ina. “Ginawa ko ang pinag-uutos mo sa akin, ina, patay na sina Luciano at Nelia.”Maaga akong umalis ng mansyon. Inakala kong hindi na ako makakalabas ng buhay dahil sa planong pagpatay sa akin ni Celine. Pero nagkamali ako, inunahan na siya ni Selena. Pinainom niya ng pills ang babaeng iyon kaya ako nakalabas. 'Di ko na rin naabutan na gising si Simon kaya hindi na ako nag abala pa na ipaalam sa kanya ang distinasyon ko. Baka maging mahirap sa akin na lisanin ang lugar na iyon.“Pinatay mo ba sila?” Abala sa pananahi ang aking ina. Ni hindi niya nga