Angela's POV
Hindi ako isang laruan na
kung ayaw mo na ay papalitan
Matapos angkinin at pasawaan
Akoy may damdamin marunong masaktan
Tulad mo rin akong pusoy nasusugatan
Pinapatugtog na naman ni Nanay 'yung paborito niyang kanta ni Miss Imelda Papin. Nalulungkot na naman si Nanay kapag gusto niyang maglasing, tapos kakanta mag isa.
Naalala niya ang Tatay ko na umiwan sa amin nina Nanay. Maganda sana ang buhay namin kung hindi kami iniwan ni Tatay. At hindi na nagkakandakuba sa pagtatrabaho si Nanay para sa aming tatlo.
"Angela! Bilhan mo nga ako ng yelo sa tindahan!" utos na sigaw ni Nanay sa akin.
"Opo, Nay" sinunod ko naman ang utos ni Nanay sa akin.
"Bilisan mo, ha" malambing pa na sabi ni Nanay sa akin at ngumiti lang ako kay Nanay.
Pinagbibigyan ko si Nanay kapag ganito na may lungkot siyang nararamdaman. Gusto ko sana na ako na lang ang aako ng lahat ng sakit na nararamdaman ni Nanay. Mahal na mahal ko si Nanay kahit na may pagkalasengga siya.
Hindi naman siya pabayang ina sa amin ni Kuya. Sa katunayan nga nag aaral ako sa isang University. First year college sa Rizal State University dito sa Rizal, maliit na bayan kung saan ako lumaki.
"Nay, ito na po ang yelo niyo" sabi ko kay Nanay sabay abot ng yelo sa kanya.
"Salamat, Anak" sagot ni Nanay. Namumungay na ang mata sa niya sa kalasingan.
"Nay, tama na po iyan" sabi ko kay Nanay at lumapit pa ako sa kanya.
"Mauubos na ito, Anak" tanggi ng sagot ni Nanay sa akin.
"Bukas mo na lang po ituloy at matulog na kayo" sabi ko ulit kay Nanay. Tumango lang ng ulo si Nanay sa akin at inalalayan ko na siya papasok sa kwarto niya. Inihiga ko siya sa higaan niya at inayos ang unan sa ulo niya.
Wala namang pasok si Nanay sa factory kaya okay lang na magising siya ng tanghali. Bumalik ako sa sala, nai off ko ang karaoke pagkatapos ay kinuha ko yung mga ginamit ni Nanay sa pag inom ng alak. Yung yelo na binili ko ay inilagay ko na lang sa jug. Nilinis ko ang buong sala namin. Nang marinig ko na may kumatok sa pinto. Pumunta ako sa pintuan at binuksan ang pinto.
"Hi, Angela" nakangiting bati ni Johnny— ang boyfriend.
"Bakit ka pumunta dito?" tanong ko kay Johnny.
"Angela, may problema ako sa isang subject ko sa Math" nagkakamot sa ulo na sagot sa akin ni Johnny. Dakilang taga-gawa ng assistment.
"Puwede ba pumasok?" dugtong na tanong sa akin ni Johnny.
"Tulog na si Nanay hindi ka puwede pumasok sa bahay" sabi ko sa kanya na gusto ko ng itaboy. Alam ni Nanay na may boyfriend na ako sa edad ko na disi otso(18), matanda si Johnny ng tatlo ng taon sa akin. Hindi ako hinihigpitan ni Nanay kaya hindi ako gumagawa ng bagay na pagsisihan ko sa huli.
Payo ni Nanay sa akin na irespeto ko ang sarili ko at sana daw hindi ako matulad sa kanya na iniwan ng asawa.
"E, pano 'yan? Ikaw lang ang alam kong makakatulong magturo sa akin" kinunsensiya pa ako. Tinignan ko ang mukha ni Johnny na nagpapaawa.
"Sa Monday na kita tuturuan. Hindi talaga puwede ngayon dito sa bahay pag ganitong tulog na si Nanay tapos wala pa si Kuya" paliwanag ko kay Johnny.
May kapatid ako. Panganay sa akin— si Kuya Angelo. Pumunta sa barkada niya kaya wala sa bahay.
"Sige na umalis ka na" pagtataboy ko sa boyfriend ko. Biglang nag iba ang mukha ni Johnny.
"Parang hindi mo na ko love" nagtatampo na sabi ni Johnny sa akin at sumimangot ng mukha.
"Heh! Sige magtampo ka! Kundi break na tayo!" galit kong sagot sa kanya.
Nakakainis kasi masyadong ipinipilit ang hindi puwede. Ayaw na ayaw ko talaga 'yung namimilit.
"Babe, Love, Honey, huwag naman ganon. Sige, uuwi na ako " pang aalo niya sa akin.
"'Yun naman pala. Pinahirapan mo pa akong magpaliwanag" inis na sabi ko kay Johnny.
"Sorry na Babe, Love, Honey ko" natatakot na sabi sa akin ni Johnny. Si Johnny ay anak mayaman, kung napanood niyo na sa TV si Johnny Bravo ganoon ka-guwapo at ka-macho si Johnny ko. Patay na patay sa akin sa ganda ko ba namang ito siyempre matatakot siya na makipaghiwalay ako sa kanya. Average lang ang ganda ko kumbaga. Pero maswerte ako na minahal ako ni Johnny. Kahit pa ganito ang ugali ko sa kanya.
"Bati na tayo Babe, Love, Honey ko" sabi ulit ni Johnny sa akin. Nagpapaawa na naman sa harapan ko.
"Okay, sige na umuwi ka na" nakataas ang kilay ko na sabi ko sa kanya. Sa totoo lang napilitan lang ako na sagutin siya dahil sa pustahan. Natalo ako kaya iyon sinagot ko siya at kami na nga. Naalala ko pa nuon.
Flashback
"Angela kapag natalo ka sa pustahan natin. Jowa mo na si Johnny kapag nanalo ka naman libre ka namin sa canteen buong taon" sabi ni Mandy sa akin, ang kaklase kong kaibigan.
"Huh, ano nga ulit yung pagpupustahan natin?" tanong ko.
"Hay naku Angela! Di ba matalino ka pero bakit paulit ulit tayo! Sinabi ko ba sayo kanina tapos uulitin ko na naman!" inis na sagot ni Mandy.
"Eh sa nakalimutan ko! Sige na sabihin mo na!" galit ko na sabi.
"Okay. Dadahan dahanin ko para hindi ko ba uulitin" wika na Mandy. "Pag ikaw ang nag top ngayon libre ka namin sa canteen the whole year. Pero kapag 2nd ka lang. Dapat kayo na ni Johnny" sabi pa ni Mandy sa akin. Nagulat ako sa huling sinabi ni Mandy sa akin.
"Huh! Paano magiging kami e, hindi naman nanliligaw 'yung Johnny na yun sa akin? inis na sagot ko at tumalikod sa mga kaibigan ko dahil sa inis ko sa kanila.
"Iyon na nga ang twist' pag hindi mo nagawa na maging kayo ni Johnny Boy. Ikaw ang gagawa ng assignment namin sa loob ng limang buwan" wika ni Lovely. Isa din sa mga kaibigan ko. Lagi naming ginagawa ang mga pustahan. Nag-enjoy naman kami at nakakatulong pa sa amin. Pero ngayon parang gusto ko ng umatras.
"Grabe naman kayo sa akin. Parang hindi ko kayo kaibigan" pangkokonsensiya na sabi ko.
"Hoy Angela! Lahat ng dare mo sa amin ginagawa namin. Tapos ito lang. Aangal ka pa" ani ni Vannie sa akin.
"Anong 'yun lang? Iyon maging boyfriend si Johnny, ayoko' nun!" tangging sagot ko sa kanila.
"Wow, Angela chossy ka pa niyan. Ang gwapo kaya ng magiging boyfriend mo!" inis na sabi ko isip ko.
End of Flashback
Ganon nga ang nangyari natalo ako at mabilis ko naman naging boyfriend si Johnny dahil sa mahilig magpagawa ng assignment si Johnny kahit pa ahead siya sa akin. Senior siya sa akin. 4th year at ako ay freshman. Hindi ko nga malaman kung pano naging 2nd ako ng buwan na 'yun then the next month naging top ako. Ang saklap talaga oh! Napasubo ako doon!
Nabalik ako sa ulirat ng magpaalam si Johnny sa akin.
"Bye, Baby. I love you" malambing na paalam ni Johnny sa akin.
"Sige na" inis na sabi ko at akmang isasarado na ang pinto ay iniharang ni Johnny ang kamay niya at hindi ko na natuloy ang pagsara ko ng pinto.
"Love, wala ka man lang bang reply sa akin na I love you too?" namumungay ang mata na tanong sa akin.
"Sige mamaya ichat ko sayo para may reply ako sayo" inis na sagot ko sa kanya. "Sige na umuwi ka na!" galit na taboy ko ulit kay Johnny. Laglag ang balikat na tumalikod na sa akin si Johnny. Naawa naman ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit ganito ako kay Johnny. Mahal ko naman siya pero ang hilig kong magsungit sa kanya. Lagi din akong galit at inis sa kanya.
"Gusto ko lang naman makasama si Angela, pero parang ayaw niya ako makita" malungkot na sabi ni Johnny sa sarili."Pangit ba, ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" madramang sabi ni Johnny ng may tumama sa ulo niya."Ouch, aray! daing sa sakit ni Johnny sabay hawak sa ulo niya. Nakita niya ang stinelas na tumama sa ulo niya."Bakit ka ba nangbabato ng stinelas?!" galit na tanong ni Johnny sa kaibigang si Andy."Ang drama mo, Pare. Tapos 'yung line mo gasgas na. Para ka tuloy sira ulo. Alam mo ba' yun!" bulyaw na sagot ni Andy sa kaibigan."Si Angela kasi parang diring diri sa akin. Ayaw akong makasama. Wala naman tayong pasok ngayon" may lungkot sa boses na sabi ni Johnny."Alam mo, Pare. Hayaan mo na nga iyang jowa mong Pangit!" saway na sabi ni Andy sabay akbay sa balikat ni Johnny. Tinanggal naman ni Johnny ang kamay ng kaibigan sa balikat niya at akmang susuntukin si Andy."Hoy, hindi pangit ang mahal ko" pagtatanggol ni Johnny kay Angela. At sinuntok sa tiyan si Andy. Nasalag na
Tinanghali ng gising si Johnny. Dali dali siyang nagpunta ng banyo at pagkatapos ay naligo. Pagkababa niya ng sala ay nakita niya ang Mommy niya na inaasikaso ang Tito niya. Baldado na ang stepfather niya dahil sa, isang aksidente."Good morning, Son" nakangiting bati ng Mommy ni Johnny. Lumapit naman si Johnny sa ina at hinalikan ito sa pisngi pati na ang Tito Cain niya. At ngumiti sa kanila."Good morning too, Mom. What's for breakfast?" ganting bati at tanong ni Johnny sa ina."Hijo, lagpas na ang almusal. At magtatanghalian na tayo" sagot ng Mommy ni Johnny."Sorry, Mom. Tinanghali po ako ng gising" napakamot ng ulo si Johnny. Binalingan niya ang Tito Cain niya. "Tito, I will visit her again at susubukan ko pong kausapin siya." tumango lang ng ulo ang Tito Cain niya bilang sagot."Come, let's have lunch" yaya ng Mommy ni Johnny. Pagtakapos na magtanghalian ang pamilya nina Johnny ay umalis ito at pumunta kina Andy.Samantala... "Kuya, ito na ata iyon?" sabi ni Angela habang turo a
Masama ang naging timpla ng mukha ni Johnny habang kumakain sila sa fast food. Pagkatapos nilang kumain ay hindi na siya muna sumama pa kina Angela na pumunta sa bahay ng nobya. Lagi na lang ganoon ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa ni Angela. Palaging may tampuhan at may pagtatalo.Away bati pero mas madalas siya ang sumusuyo kay Angela. Pero kahit na parang napapagod na si Johnny sa relasyon nila ni Angela ay iniintindi pa rin niya ito ganoon niya kamahal si Angela. Sobra sobra ang pagmamahal niya para sa dalaga. Mapapagod siya pero hindi siya kahit kailan man bibitiw."Angela, bakit naman ganon ang inasal mo sa boyfriend mo? Hindi kita maintindihan talaga" sabi ng Kuya ni Angela. Kasalukuyan silang nanonood ng T.V. sa sala."Kuya, ano bang ginagawa ko kay Johnny?" nagmamaang maamang tanong ni Angela sa kapatid."Ewan ko sayo, Angela. Basta ako sinasabihan na kita. Kung ayaw mo kay Johnny mas maganda sabihin mo ng maayos hindi ganyan ang ipinapakita mo sa tao. Nakakaawa naman
Araw ng Lunes simula ng pasok ni Angela sa damitan. Hindi niya nakausap si Johnny kagabi alam niya na masama na naman ang loob ng boyfriend niya. Nasasaktan na niya si Johnny dahil sa malamig niyang pakikitungo sa nobyo. Nararamdaman niya na nawawala na sa isip niya ang nararamdaman ni Johnny. Dahil sa dami ng mga iniisip niyang problema.Una, ay ang Nanay niya lagi na lang lasing. Kaya napapabayaan na ang trabaho sa factor. Pati sila ng Kuya niya ay napapabayaan na din nito. Hindi na nila alam na magkapatid kung anong gagawin sa Nanay nila. Pangalawa, ay hindi siya sigurado kung makakapasok pa siya sa University next school year. Kahit na scholar siya ay tuition fee lang ang libre. Kaya kailangan niya munang magtrabaho. Hindi na nila kaya ang gastusin sa bahay. Patong patong na ang problema nilang magkapatid. Ang Kuya Angelo niya ay naghahanap na din ng trabaho. Hindi nakatapos ng pag aaral ang Kuya niya. Kaya baka mahirapan itong makahanap ng trabaho."Hay, buhay!" nasambit ni Ange
Tinupad nga ni Johnny ang sinabi nito kay Angela na sandali lang sila at ibabalik din niya kaagad sa stall ang dalaga. Kumain lang sila sa labas. Dahil sa hindi nila pagkalaunawaan na dalawa noong nakaraang magkasama sila na kumain sa isang fast food. Na ayaw nang maulit ni Johnny. Hindi niya kayang hindi sila nagkikibuan ni Angela. Kahit pa iba ang trato ni Angela sa kanya. Magtitiis siya dahil mahal na mahal niya ito. Pinagtitinginan sila ng mga kasama niya sa trabaho pagkapasok nilang dalawa ni Johnny sa loob ng stall. Nagtataka siguro sila na kasama ni Angela ang may ari. Nuong nakaalis na si Johnny ay nilapitan si Angela ni Maricel. Isa sa kasama niya sa trabaho."Hoy Angela! Hindi ko alam na malakas ka pala sa amo natin" may pag uuyam na sabi ni Maricel."Hindi, ah. Nagkataon lang kilala ko si Sir Johnny" pagsisinungaling na sagot ni Angela. Ayaw niyang malaman ng mga kasama niya sa trabaho na boyfriend niya si Johnny dahil baka maging issue pa ito. At sabihin kaya siya makapas
Hindi na nakatanggi pa si Angela ng makita si Johnny sa labas ng bahay nila na naghihintay sa kanya para ihatid siya sa trabaho. As usual lasing na naman ang Nanay nito at tulog na tulog. Hindi ito nakapasok sa trabaho iniisip niya na baka mawalan na ng trabaho ang ina dahil sa laging pagliban sa pagpasok sa trabaho."Good morning, Babe" malambing na bati ni Johnny kay Angela at kinuha ang mga dala ng dalaga."Good morning din sayo" nakangiting ganting bati niya. Saka sumakay na sa kotse ni Johnny. Pagkasakay niya ay umupo na din si Johnny sa driver seat at ikinabit ang seatbelt niya at sa kanya."Okay lang naman na magcommute na lang ako papasok sa trabaho" sabi ni Angela habang si Johnny ay binubuhay ang makina ng sasakyan. Napalingon si Johnny sa nobya."Diba, na pinag usapan na natin ito kagabi na ihahatid kita pagpasok sa trabaho mo at susunduin kita sa pag uwi mo sa bahay" sagot ni Johnny."Hindi naman sa maku—" napahinto sa pagsasalita si Angela nang pigilan ni Johnny ang sasab
Kaharap ni Johnny si Anica sa upuan habang si Andy ay kumukuha ng meryenda para sa kanilang tatlo. Naisipan ni Johnny na pumunta kina Andy para doon magpalipas ng oras habang naghihintay ng oras ng uwian nina Angela sa trabaho. Gusto din niyang kausapin ang kaibigan tungkol sa gustong mangyari ni Tito Cain niya. Ang Stepfather ni Johnny. "Oh, magmeryenda muna tayo" aya ni Andy habang nilalapag sa mesa ang meryenda na ipinahanda niya. Kumuha ng juice si Johnny para inumin habang si Anica ay kumuha ng banana que at tahimik na kumain. Hindi nag abalang batiin ni Johnny si Anica. Hindi niya gusto ang babaeng ito para sa kaibigan niya. "Andy, mukhang may pag uusapan kayo ng kaibigan mong isnabero. Kaya pagkatapos kong kumain ay babush na muna ako." maarteng sabi ni Anica. Hindi niya gusto ang atmosphere kasama ang kaibigan ni Andy. "Saka na lang tayo ulit magkita. Kapag libre ka na." sagot naman ni Andy at hinawakan sa kamay si Anica. Pailing iling naman ng ulo si Johnny dahil sa harap
Maagang balisa si Angela dahil hindi nakauwi ang kapatid na si Angelo. Pumasok siya sa trabaho ngayong umaga pero hindi siya mapakali at makapag focus sa trabaho. Tinawagan na nito si Johnny. Nuong lulan sila ng sasakyan ni Johnny ay hindi siya nagsasalita at hindi nito sinabi ang tungkol sa kapatid."Johnny, si Kuya kasi hindi umuwi kahapon. Katatawag ko lang kay Nanay kanina at sinabing wala pa din si Kuya Angelo sa bahay" bungad na sabi ni Angela kay Johnny sa kabilang linya."Don't worry pupunta ako ulit diyan at hahanapin natin ang Kuya mo" pakalma na sabi ni Johnny sa nobya. At pinatay ni Angela ang tawag. Sobrang nag aalala na siya para sa kalagayan ng kapatid.Nagmamadali naman si Johnny na pumapasok sa stall na pinagtatrabahuhan ni Angela."Anong nangyari sa Kuya mo" tanong ni Johnny ng makalapit ito kay Angela."Hindi ko alam. Hindi siya tumawag o nagtext man lang sa akin kagabi. Hindi pa din siya nakakauwi ng bahay. Kaya sobrang nag aalala na ako para kay Kuya Angelo." nat
Palinga linga si Johnny sa buong restaurant. Sinabi ng Manager niya na mayroon siyang imemeet na prospect project."Sir, oorder na po ba kayo?" tanong ng waiter ng makalapit kay Johnny."No, later na lang" sagot ni Johnny dito.Medyo naiinip na din siya dahil halos kalahating oras na siyang naghihintay. May inis na muling sinulyapan niya ang pintuan ng restaurant.Nanlaki ang mga mata niya ng iniluwa niyon sina Saimon at Angela. Hawak nila sa magkabilang kamay ang batang si Alex.Nagtama ang mga tingin nila Angela at Johnny."Hi po Tito Johnny" masiglang bati ni Alex. Ngumiti si Johnny sa bata at binalingan sina Angela at Saimon."Upo kayo" kahit na medyo alangan ay niyaya pa din ni Johnny sina Angela at Saimon na maupo.Pinaghila ni Saimon ng upuan si Angela at umupo sa tabi niya. Si Johnny naman ay inayos sa pagkakaupo si Alex. Napatingin si Angela sa ginawa ni Johnny para sa anak. "Gusto ninyo na bang kumain?" tanong ni Johnny. "Alex baby, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ange
Araw ng Linggo habang nag aalmusal si Angela nakaagaw ng pansin sa kanya ang isang news sa front page ng isang tabloid. Kinuha niya ito at binasa ang nakalagay na balita doon.Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang tasa ng kape na sanay iinumin niya. Ang front page doon ay isang kuhang larawan ng isang bata kasama ang isang sikat na modelo.Binuklat niya ang karugtong ng balitang iyon at binasa. Hindi makapaniwalang si Alex at si Johnny ang nakikita niyang magkasama at masayang nakikipag usap si Johnny sa anak nila. Inilapag niya ang tabloid sa mesa at agad tumayo. "Paano nangyari ito?" nagtatakang tanong ni Angela sa sarili habang nanlalaki ang mga mata. Dali daling tumakbo si Angela sa kuwarto niya para kunin ang cellphone niya para tawagan si Saimon. Nang makuha ang telepono sa kanyang bag ay idinayal niya ang numero ng telepono ni Saimon."Saimon, you need to explain to me about the news!" may diing salita ni Angela sa telepono.Alam na ni Saimon ang tinutumbok ng mga salita
AFTER FIVE YEARS "Ingrid!" tawag ng isang babae sa magpa-five years old na batang babae. Tumatakbo naman itong lumapit sa ina."Mama!" masayang tawag nito sa ina. Kinarga ng ina nito ang anak at pinanggigilan ang pisngi ng batang ang cute tingnan. Natatawang nakikiliti ang magandang bata sa ginagawa ng ina.Ito ang masayang tagpo na nakikita ni Angela habang nakaupo sa isang bench sa mall. Ang saya ng mag ina, makikita mo ang sobrang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak."Mommy!" napalingon siya sa batang tumawag sa kanya habang hawak ito sa isang kamay ng yaya nito. Masayang ngumiti si Angela sa anak.Siya si Alexander Johnson Delos Santos ang anak nila Angela at Johnny.Limang taon na ang nakakaraan ng hindi nito siputin ang kasal nilang dalawa ni Johnny. Kinumstaba ni Angela ang kapatid na si Angelo para takasan si Johnny sa mismong araw ng kanilang kasal.Nagpakalayo layo siya pero pagkalipas ng ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Ipinaalam niya ito agad sa kanyang nak
Nalalapit na ang kasal nina Johnny at Angela. Naghahanda na din si Johnny. Ibinigay niya ng personal ang mga imbitasyon. Hindi niya nakasama si Angela. Dahil busy daw ito sa trabaho. Ang dami nitong dahilan para lamang hindi makasama sa pag-aayos ng kasal nilang dal'wa.Maaga pa ay nasa bahay na nina Angela si Johnny."Good morning po, Tito," bati niya sa Tatay ni Angela. Tumango ito ng ulo sa kanya at ngumiti. "Ang aga pa, Johnny. Ano bang lakad niyo ni Angela ngayong araw?" "Titignan po namin ngayon ang venue para sa reception. 'Staka food tasting.""Ganoon ba," nilinga ni Cain ang paligid. "Nakaalis na si Angela. Pumasok sa boutique niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang sa boutique," mungkahi niya sa binata."Puntahan ko na lang po si Angela sa boutique," saad ni Johnny. Iniiwasan pa din siya ni Angela. Ni hindi niya ito nakakasama sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal.Lulan ng kanyang kotse si Johnny. Papunta na siya ngayon sa boutique ni Angela. Baka kapag doon siya dumi
Hindi matanggap ni Angela na ikakasal siya kay Johnny. Minahal niya ito nuong una pero hindi na niya alam kung pareho pa din ngayon ang nararamdaman niya para sa binata. Napuno na siya ng mga kasalanan nito sa kanya.Pati ang mga magulang niya ay pumayag sa gustong mangyari ni Johnny. Akala ba niya ay galit ang Nanay niya dahil sa nangyari noon sa kanila ng Tatay niya. Iniwan sila ng Tatay niya at sumama sa ibang babae. Ang babae na iyon ay ang ina ni Johnny. Napatawad na niya ang Tatay niya. Ngunit, hindi niya makakalimutan ang lahat ng ginawang pagkakamali nito sa kanila. "Hindi ako magpapakasal sa Johnny na iyon!" pinal na sambit ni Angela sa sarili. Hindi niya maatim na magpakasal si Johnny. Kahit mahal mo pa din niya si Johnny ay hindi pa niya ito napatawad.Hinsi siya magpapa-sakop sa gusto ni Johnny. Kahit na anong mangyari. Hindi siya magpapakasal dito. Masayang si Johnny pumayag ang Tatay ni Angela na ikasal sila. Papunta sila ngayon upang pormal na mamanhikan noong una ay
Nagising si Johnny na masakit ang ulo. Pupungas-pungas pa siya ng kanyang mga mata. Napansin niya na may katabi siyang natutulog. At nang lingonin niya ay si Angela ito. Ngumiti siya ng maalala ang lahat ng naganap sa kanila kagabi.Pinagsisihan niya ang mga ginawa niyang pagsisinungaling. Kung sana ay inamin na niya na kilala niya ang Tatay ni Angela. Na kasama nila ng Mommy niya ang Tatay niya. Siguro ay natanggap pa ni Angela ang mga paliwanag niya. Siguro ay magkasama pa din sila hanggang ngayon. Sana masaya pa din sila na magkasama. Mahal na mahal pa din niya si Angela. Sobrang masaya siya. Nalaman niyang siya pa din ang unang lalaki sa buhay ng dalaga. Siya lang ang nakaankin dito. Kailangan niyang gumawa ng hakbang para panagutan si Angela. Pakakasalan niya si Angela. Kahit saang simbahan pa.Hindi niya pinagsisihan ang mga ginawa niya kagabi. Kahit pa magalit si Angela sa kanya ay tatanggapin niya. Pananagutan naman niya ang mga nangyari sa kanila. Alam niya ang ginagawa niya
Natapos ang buong araw ni Angela na pagod kakapanood lang ng photoshoot. Nalibang siya habang nanonood dahil lagi siyang kinakausap ni Saimon kapag tapos na ito sa bawat pagkuha ng mga larawan. Hindi siya nakaramdam ng inip dahil sa pagiging madaldal ni Saimon. Madaling nakagaanan ng loob ni Angela si Saimon. Kwela naman kasi itong kausap dahil mapagbiro ito at hindi nauubusan ng ikukuwento.Nakasimangot naman si Johnny buong maghapon. At nakailang take sila dahil hindi nito makuha ang gusto ni Saimon na pose niya.Titigil muna silang lahat sa hotel na nasa mismong Highland. Nagkakasayahan ang mga crew member habang nakapalibot sa bonfire kasama sina Angela, Saimon at Nathan. Si Jenny naman ay umuwi muna sa kanila at ipinahatid ni Angela sa driver niya. "Ang sarap ng simoy ng hangin dito, Johnny at saka ang tahimik ng paligid" sabi ni Elizabeth at hinawakan ang kamay ni Johnny para iakbay sa kanya. Para namang halos magkayap na ang dalawa. Nakabukod sila na medyo malayo ang upo sa m
Dumating na ang crew ng agency at ang photographer. Hindi na nag-usap pa sina Johnny at Angela pagkatapos ng nangyari kanina. Medyo ilang na din si Angela kay Johnny. Lalo na may babae itong laging kasama.Paalis na silang lahat sakay ng kanya kanyang sasakyan. Si Angela ay kasama ang sekretarya nito sa sasakyan niya, sina Johnny at Elizabeth ay magkasama sa sasakyan ni Johnny at sa van ang crew kasama si Nathan at Manager na si Mike.Binabagtas na ng buong team ang daan papunta sa kanilang location, sa Tagaytay. Iyon ang napili nila para hanapin ang photo shoot. Tahimik si Angela na lulan ng kotse niya may kasama silang tagamaneho. Napansin ni Jenny ang pagiging tahimik ng amo niya simula ng bumalik ito sa opisina niya."Johnny, may napansin lang ako sa inyo ni Miss Angela parang may malalim kayong pinagsamahan. The way the both of you talk at sa kilos ninyo na din." punang sabi ni Elizabeth. Napansin niya kung paano sila magtinginan ni Johnny. Hindi niya iyon nagustuhan."Guni guni
After One Year"Angela, we're planning to get a model for our boutique. Makakatulong ito para lalong makilala ang mga boutique natin. At sayo na din. Mas lalong matututo ka." sabi ni Cain sa anak. Napatingin si Angela sa Tatay niya.Gumaling na si Cain at nakakalakad na din. Naging maayos na ang pangangatawan niya at nakarekober galing sa isang aksidente. "Tay, may napili na po ba kayong modelo para doon?" tanong ni Angela. At itinuloy ang pagsubo ng pagkain. Napalago ni Angela ang kanilang boutique at mabilis din siyang natuto sa pasikot sikot sa negosyo. "May kinontact na ang Kuya mo na agency. I think one of this day ay pupunta na sila to start the photo shoot" sagot ni Cain. Naging maayos na ang pakikitungo ni Angelo sa kanya. Napatawad na din siya ng kanyang panganay na anak. "Okay po, 'Tay" maikling sagot ni Angela.Makalipas ang ilang buwan ay hindi na nakikita ni Angela na pumupunta si Johnny sa tindahan para kulitin siya at humingi ng tawad sa kanya. Sa loob ng isang taon