Nalalapit na ang kasal nina Johnny at Angela. Naghahanda na din si Johnny. Ibinigay niya ng personal ang mga imbitasyon. Hindi niya nakasama si Angela. Dahil busy daw ito sa trabaho. Ang dami nitong dahilan para lamang hindi makasama sa pag-aayos ng kasal nilang dal'wa.Maaga pa ay nasa bahay na nina Angela si Johnny."Good morning po, Tito," bati niya sa Tatay ni Angela. Tumango ito ng ulo sa kanya at ngumiti. "Ang aga pa, Johnny. Ano bang lakad niyo ni Angela ngayong araw?" "Titignan po namin ngayon ang venue para sa reception. 'Staka food tasting.""Ganoon ba," nilinga ni Cain ang paligid. "Nakaalis na si Angela. Pumasok sa boutique niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang sa boutique," mungkahi niya sa binata."Puntahan ko na lang po si Angela sa boutique," saad ni Johnny. Iniiwasan pa din siya ni Angela. Ni hindi niya ito nakakasama sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal.Lulan ng kanyang kotse si Johnny. Papunta na siya ngayon sa boutique ni Angela. Baka kapag doon siya dumi
AFTER FIVE YEARS "Ingrid!" tawag ng isang babae sa magpa-five years old na batang babae. Tumatakbo naman itong lumapit sa ina."Mama!" masayang tawag nito sa ina. Kinarga ng ina nito ang anak at pinanggigilan ang pisngi ng batang ang cute tingnan. Natatawang nakikiliti ang magandang bata sa ginagawa ng ina.Ito ang masayang tagpo na nakikita ni Angela habang nakaupo sa isang bench sa mall. Ang saya ng mag ina, makikita mo ang sobrang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak."Mommy!" napalingon siya sa batang tumawag sa kanya habang hawak ito sa isang kamay ng yaya nito. Masayang ngumiti si Angela sa anak.Siya si Alexander Johnson Delos Santos ang anak nila Angela at Johnny.Limang taon na ang nakakaraan ng hindi nito siputin ang kasal nilang dalawa ni Johnny. Kinumstaba ni Angela ang kapatid na si Angelo para takasan si Johnny sa mismong araw ng kanilang kasal.Nagpakalayo layo siya pero pagkalipas ng ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Ipinaalam niya ito agad sa kanyang nak
Araw ng Linggo habang nag aalmusal si Angela nakaagaw ng pansin sa kanya ang isang news sa front page ng isang tabloid. Kinuha niya ito at binasa ang nakalagay na balita doon.Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang tasa ng kape na sanay iinumin niya. Ang front page doon ay isang kuhang larawan ng isang bata kasama ang isang sikat na modelo.Binuklat niya ang karugtong ng balitang iyon at binasa. Hindi makapaniwalang si Alex at si Johnny ang nakikita niyang magkasama at masayang nakikipag usap si Johnny sa anak nila. Inilapag niya ang tabloid sa mesa at agad tumayo. "Paano nangyari ito?" nagtatakang tanong ni Angela sa sarili habang nanlalaki ang mga mata. Dali daling tumakbo si Angela sa kuwarto niya para kunin ang cellphone niya para tawagan si Saimon. Nang makuha ang telepono sa kanyang bag ay idinayal niya ang numero ng telepono ni Saimon."Saimon, you need to explain to me about the news!" may diing salita ni Angela sa telepono.Alam na ni Saimon ang tinutumbok ng mga salita
Palinga linga si Johnny sa buong restaurant. Sinabi ng Manager niya na mayroon siyang imemeet na prospect project."Sir, oorder na po ba kayo?" tanong ng waiter ng makalapit kay Johnny."No, later na lang" sagot ni Johnny dito.Medyo naiinip na din siya dahil halos kalahating oras na siyang naghihintay. May inis na muling sinulyapan niya ang pintuan ng restaurant.Nanlaki ang mga mata niya ng iniluwa niyon sina Saimon at Angela. Hawak nila sa magkabilang kamay ang batang si Alex.Nagtama ang mga tingin nila Angela at Johnny."Hi po Tito Johnny" masiglang bati ni Alex. Ngumiti si Johnny sa bata at binalingan sina Angela at Saimon."Upo kayo" kahit na medyo alangan ay niyaya pa din ni Johnny sina Angela at Saimon na maupo.Pinaghila ni Saimon ng upuan si Angela at umupo sa tabi niya. Si Johnny naman ay inayos sa pagkakaupo si Alex. Napatingin si Angela sa ginawa ni Johnny para sa anak. "Gusto ninyo na bang kumain?" tanong ni Johnny. "Alex baby, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ange
Angela's POVHindi ako isang laruan nakung ayaw mo na ay papalitanMatapos angkinin at pasawaanAkoy may damdamin marunong masaktanTulad mo rin akong pusoy nasusugatanPinapatugtog na naman ni Nanay 'yung paborito niyang kanta ni Miss Imelda Papin. Nalulungkot na naman si Nanay kapag gusto niyang maglasing, tapos kakanta mag isa. Naalala niya ang Tatay ko na umiwan sa amin nina Nanay. Maganda sana ang buhay namin kung hindi kami iniwan ni Tatay. At hindi na nagkakandakuba sa pagtatrabaho si Nanay para sa aming tatlo. "Angela! Bilhan mo nga ako ng yelo sa tindahan!" utos na sigaw ni Nanay sa akin."Opo, Nay" sinunod ko naman ang utos ni Nanay sa akin."Bilisan mo, ha" malambing pa na sabi ni Nanay sa akin at ngumiti lang ako kay Nanay.Pinagbibigyan ko si Nanay kapag ganito na may lungkot siyang nararamdaman. Gusto ko sana na ako na lang ang aako ng lahat ng sakit na nararamdaman ni Nanay. Mahal na mahal ko si Nanay kahit na may pagkalasengga siya. Hindi naman siya pabayang ina sa
"Gusto ko lang naman makasama si Angela, pero parang ayaw niya ako makita" malungkot na sabi ni Johnny sa sarili."Pangit ba, ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!" madramang sabi ni Johnny ng may tumama sa ulo niya."Ouch, aray! daing sa sakit ni Johnny sabay hawak sa ulo niya. Nakita niya ang stinelas na tumama sa ulo niya."Bakit ka ba nangbabato ng stinelas?!" galit na tanong ni Johnny sa kaibigang si Andy."Ang drama mo, Pare. Tapos 'yung line mo gasgas na. Para ka tuloy sira ulo. Alam mo ba' yun!" bulyaw na sagot ni Andy sa kaibigan."Si Angela kasi parang diring diri sa akin. Ayaw akong makasama. Wala naman tayong pasok ngayon" may lungkot sa boses na sabi ni Johnny."Alam mo, Pare. Hayaan mo na nga iyang jowa mong Pangit!" saway na sabi ni Andy sabay akbay sa balikat ni Johnny. Tinanggal naman ni Johnny ang kamay ng kaibigan sa balikat niya at akmang susuntukin si Andy."Hoy, hindi pangit ang mahal ko" pagtatanggol ni Johnny kay Angela. At sinuntok sa tiyan si Andy. Nasalag na
Tinanghali ng gising si Johnny. Dali dali siyang nagpunta ng banyo at pagkatapos ay naligo. Pagkababa niya ng sala ay nakita niya ang Mommy niya na inaasikaso ang Tito niya. Baldado na ang stepfather niya dahil sa, isang aksidente."Good morning, Son" nakangiting bati ng Mommy ni Johnny. Lumapit naman si Johnny sa ina at hinalikan ito sa pisngi pati na ang Tito Cain niya. At ngumiti sa kanila."Good morning too, Mom. What's for breakfast?" ganting bati at tanong ni Johnny sa ina."Hijo, lagpas na ang almusal. At magtatanghalian na tayo" sagot ng Mommy ni Johnny."Sorry, Mom. Tinanghali po ako ng gising" napakamot ng ulo si Johnny. Binalingan niya ang Tito Cain niya. "Tito, I will visit her again at susubukan ko pong kausapin siya." tumango lang ng ulo ang Tito Cain niya bilang sagot."Come, let's have lunch" yaya ng Mommy ni Johnny. Pagtakapos na magtanghalian ang pamilya nina Johnny ay umalis ito at pumunta kina Andy.Samantala... "Kuya, ito na ata iyon?" sabi ni Angela habang turo a
Masama ang naging timpla ng mukha ni Johnny habang kumakain sila sa fast food. Pagkatapos nilang kumain ay hindi na siya muna sumama pa kina Angela na pumunta sa bahay ng nobya. Lagi na lang ganoon ang nangyayari sa relasyon nilang dalawa ni Angela. Palaging may tampuhan at may pagtatalo.Away bati pero mas madalas siya ang sumusuyo kay Angela. Pero kahit na parang napapagod na si Johnny sa relasyon nila ni Angela ay iniintindi pa rin niya ito ganoon niya kamahal si Angela. Sobra sobra ang pagmamahal niya para sa dalaga. Mapapagod siya pero hindi siya kahit kailan man bibitiw."Angela, bakit naman ganon ang inasal mo sa boyfriend mo? Hindi kita maintindihan talaga" sabi ng Kuya ni Angela. Kasalukuyan silang nanonood ng T.V. sa sala."Kuya, ano bang ginagawa ko kay Johnny?" nagmamaang maamang tanong ni Angela sa kapatid."Ewan ko sayo, Angela. Basta ako sinasabihan na kita. Kung ayaw mo kay Johnny mas maganda sabihin mo ng maayos hindi ganyan ang ipinapakita mo sa tao. Nakakaawa naman