Lola's POV
Nakailang pilit na si Scarlet sa akin kinaumagahan nang bumisita siya sa condo ko sa Makati. I admit, ngayon ko lang naiisip na nakakainis ang kaibigan kong ito. Ang hirap na niyang gamitin sa alta sociadad. Masyado na akong nagagasgas sa mga galaw ko kay JD. Simula nang samahan ko ang bruha na 'to ay puro na lang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Isa na roon ay ang nangyari kagabi.Well, ano pa nga ba ang ginagawa ng bitch na 'to sa tabi ko? Pinipilit lang naman ako nito tungkol sa nangyari kagabi.Of course, kalat na sa buong Pilipinas ang nangyaring rebelasyon na pinapakalat ko ng buong gabing iyon at heto ako, nakatalukbong ng kumot sa loob ng kwarto at ayaw pa sana magpaistorbo. Ayaw ko na sana na may isang tao na nakakakilala sa akin ang kakausapin ako tungkol sa nangyari. I can't even face my manager! Wala ako sa mood. Hanggang ngayon ay hindi ko pa matanggap ang lahat. Ito lang talagang bitch na 'to ang mapilit at gustong pumasok sa loob kahit ilang beses na akong nagdadahilan na masama ang pakiramdam ko. Nagsinungaling pa talaga akong may sakit pero hindi umubra sa kanya ang alibi ko na iyon. She knew me very well. Well, who can smell liars? Only liars!“Ano nga kasi ang nangyari, bitch? Dali na, kwento mo na kasi!” pamimilit pa niya. Ilang beses niya akong inuyog-uyog para lang mahilo ako at mapilitang bumangon pero nagmatigas ako.Bahala ka d'yan!Ungol lang ang naisagot ko sa kanya at nagpatuloy sa pagpapanggap ko. "'Wag kang magulo. kagigising ko lang. Gusto ko pang matulog..." pagsisinungaling ko pero ang totoo, hindi talaga ako nakatulog. Kapag naaalala ko talaga ang nangyari kagabi sa loob ng sasakyan ni JD, parang gusto kong sumigaw sa sobrang kahihiyan…“How about I give you that token you’ll never forget?” JD’s voice became low and inviting. I can hear his sharp breathing as he started to approach my area of responsibility.Wait lang. What is he doing?!Sa sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin, automatic na napapikit ako nang mariin habang naka-cross fingers ang magkabilaang kamay ko. Hindi ako nakapag-isip ng ibang bagay kundi ang mapapikit. Sa ganitong sitwasyon ay bobo talaga ako. I admit, malakas lang akong kumapit sa lalaking gullible. Manipulative ako pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag ibang tao na ang kumokontrol sa sitwasyon na gusto kong kontrolin.This time, sa tingin ko ay nakahanap na ako ng katapat. Ang isang tulad ni JD Ferrer ang magiging downfall ko. Isang leon na handang lumapa ng kanyang susunod na biktima.Pero ang tanong: handa na ba akong magpalapa sa isang malaking leon na tulad niya? Katapusan na ba ng mamahalin kong matte lipstick at madidikitan na ng nakapanlalambot na mga labi ng isang James Dean Ferrer?Gosh, hindi pa yata ako handa! Pero bakit ganito? Tila hindi na sumusunod ang katawan ko sa inuutos ng utak ko.Ilang sandali pa akong naghintay na maglapat ang mga labi namin pero wala akong naramdaman, hanggang sa narinig ko na lang ang roaring sound ng sports car niya at ang pag-andar ng sasakyan. Agad akong napadilat at napasulyap sa driver’s seat.“Ihahatid na kita sa inyo. Masyado nang gabi…” he suddenly whispered. Lumamlam din ang kanyang mga mata ngunit sa daan na siya nakatuon at hindi sa akin.Ilang beses pa akong napakurap-kurap ng mga mata bago ko natanggap ang mga nangyayari. I must have been so drunk with the margarita I took during the party. Totoo ba talagang kinakausap ako ni JD sa kalmadong tono?Gosh, Lola! Kailan ka pa kinausap ni JD para malaman mo kung anong klaseng pakikitungo ang gagawin niya sa iyo? pang-ookray naman ng isang bahagi ng isipan ko.Wala sa loob na napairap ang mga mata ko pagkakuwan. Nang matantiya na mukhang safe zone na ako, saka ako umayos ng upo at napatungo lang sa buong biyahe. We both sat in silence as he drove downtown. Ilang saglit lang iyon but it felt like forever. All I can feel right now is humiliation and distress.Agad na huminto ang sasakyan sa harap ng condominium na tinutuluyan ko, not minding the question popping in my head where and how on earth did he know about my address. Wala na akong gana na magtanong. Gusto ko na lang na makaalis dito.Oo nga at nakuha ko ang atensyon niya pero sa masamang paraan naman na hindi niya nagustuhan. Hindi siya naging masaya sa outcome na iyon. Bagkus, napahiya pa ako at nauto! Kung pwede ko lang na sampalin ang gwapo niyang mukha ay ginawa ko na. Pero hindi ko naman kayang gawin 'yun. Sayang ang face niya. Type ko pa rin naman siya, 'no!Akma na akong lalabas ng sasakyan niya without saying anything nang bigla siyang nagsalita ulit.“Don’t feel superior about doing what you want just because of what you have done earlier. I will make sure your gift will be accepted with pleasure. You want to play games? I’ll give you one. Sayang naman kung hahayaan ko na lang na masayang ang laro na gusto mo, hindi ba? Consider yourself lucky that I still have a lot of control over my body. Kung hindi, it would've been worse than you expected. You may go,” he ordered coldly.Wala naman akong ibang masabi. Basta ko na lang nadatnan ang sarili ko na umibis sa sasakyan at sinarado ang pinto nito.The engine roared once again. Nang makaalis na ang sports car niya, saka ako napabuntong-hininga at napapikit.Shit, Lola. Ano ba itong pinasok mo? You’re in big trouble…Napanganga si Scarlet nang sabihin ko sa kanya ang nangyari. It turns out na malala pala ang babaeng ito kapag may gusto siyang makuha mula sa akin. Sa sobrang nakakarindi kasi ng boses niya ay hindi na ako nakapagpigil at tumayo na. At doon ay sinabi ko na ang lahat tungkol sa ginawa ko at ni JD."Oh. My. Gosh!" she uttered while forming an O in her mouth. Itinabon na rin niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig. "G-ginawa niya talaga iyon, bitch?" natatawang tanong niya sa akin.Napairap ako at sinamaan ko siya ng tingin. "Are you here to just laugh at me? Kasalanan mo 'to baka nakakalimutan mo ha!" asik ko sa kanya sabay nagpagpag ng kumot sa harap ko.And speaking of horrible... I literally look one. Walang make-up, walang serum, walang kalatoy-latoy ang pagmumukha ko dahil sa sobrang stressed ako sa huling sinabi sa akin ni JD. Eyebags ko pa! Pakiramdam ko nga ay aayaw na ang utak ko na tumuloy roon sa project na kasama siya. Baka gawin na niya ang mga bagay na hindi ko magugustuhan. Natatakot ako. Sa aura pa lang niya kagabi pakiramdam ko ay mababalatan na ako nang buhay dahil sa mga titig niya.Oo nga at gwapo siya. Oo nga at nakakatuliro siya kung tumitig pero nakakatakot pa rin siya! Ayaw ko na siyang makita pa kung sisirain lang din niya ang iniingatan kong pangalan. Mas sikat siya sa akin at hindi ko rin alam kung anong kayang gawin ng mga fans niya ngayong ipinakalat na ng mga taga-media na ako ang nagwagi sa isang tulad niya. Na ang isang tulad niya na playboy ay matatali sa isang tulad ko na local artist slash oportunista."Duh! Ikaw naman ang gumagawa ng way para mapansin ka, bitch! I'm just here to give you some advice," rason naman ni Scarlet. "Anyway, 'wag mo nang dibdibin ang sinabi sa'yo ni JD. Aren't you happy that he's willing to participate in your schemes? Ibig sabihin lang niyan ay interesado talaga siya sa'yo!"Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya. "How can you say that? Hindi mo ba alam kung gaano ako katakot kagabi dahil sa mga sinabi niya? Sanay ako na ako ang kumukontrol sa sitwasyon, not the other way around!""Duh! Makinig ka, bitch..." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tiningnan nang mataman sa mga mata. "This is your chance. Nakalapit ka na kay JD. Take that opportunity! Huwag kang matakot sa mga sinabi niya. You know, it's not always the last line that matters. The real game is..."Napaisip ako sa sinabi sa akin ni Scarlet at hanggang sa matapos ang araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang isipin kung ano ang susunod kong gagawin kapag nagkita na kaming muli ni James Dean Ferrer.****After the punishing weekends, balik-taping na naman kaming lahat sa team. And as usual, inulan na naman kami ng bystanders sa set. The taping is held sa Bulacan. May isang bakanteng lote roon na medyo mahahaba ang talahib. May eksena kasi na kailangan na ganoon ang set-up.It was a rough day that I had to pay for an ambulance just to drop me out of the traffic jam. Madalas na talagang escapade ang ambulance for an actress like me. Plus, the last week’s headline about me and JD is creeping the hell out of me. Kung dati ay sanayan lang ang labanan sa mga kontrobersya at sa mga makukulit na reporters, ngayon mas triple pa ang horror sa akin dahil sa nagagawa ng pangalan ni JD. Now, I’m really riding on his fame.Kahapon kasi, napuno ang schedule ng manager ko dahil sa dami ng brand companies ang gusto akong kuhanin bilang endorser. Kahit hindi maganda ang timpla ng manager ko sa ginawa kong eskandalo last week, Tita Jet was still thankful that finally I’m on the spotlight. Natatabunan ko na halos ang ibang artista sa TV dahil sa ginawa kong ingay patungkol sa amin ni JD, and I’m really thanking him for not opposing with my plans. Biglang nawala sa isip ko ang plano na malaman ang totoong pakay niya kay Gaia Lopez. I’m just enjoying the fame, for now.Isa lang sa hindi ko kayang bisitahin ay ang social media accounts ko. Takot na takot pa rin ako hanggang ngayon na buksan iyon at malaman ang mga sasabihin nila patungkol sa akin.But then, nakalimutan ko ang PA kong si Michelle na walang kasing tabil na babae."OMG, Miss Lee!" bulalas niya na nakatakip pa ng bibig sa exaggerated niyang pagkabigla."No. Don't!" agap na pagpigil ko sa kanya nang hindi siya nililingon. Nakaharap lang ako sa salaman habang nakaupo at nag-a-apply ng loose powder sa pisngi gamit ang malaking brush. "Kung tungkol 'yan sa social media, manahimik ka na lang...""OMG! Siya? Hindi sila bagay!" bigla ay bulalas ni Michelle.Napakunot ang noo ko at marahas siyang nilingon. Doon ko nakita ang pagbabasa niya sa kanyang cellphone. Muli akong napaharap sa salamin at inilahad sa kanya ang kamay ko. "Phone..." I ordered her."Ha? A-ano po 'yun, Ma'am?""Bingi ka ba o tanga lang? I told you to give me your phone!" sigaw ko pa sa kanya with matching gigil. Pagkatapos niyon ay hindi naman na siya nagprotesta at kaagad na binigay sa akin ang phone niya.Doon ko na sinimulang magbasa ng mga nakalagay roon. Nakahantad sa akin ang isang article na nakalagay sa isang News Page. Patungkol ito sa revelation na ikakasal na kami ni JD.JD Nation Forever: Siya?! Siya ang pakakasalan ng JD natin? E hindi naman 'yan kagandahan!BB JD: What a slvt! Bakit siya pa? Siguro napikot lang niya ang BB JD natin! Aykennat!Guillible JD Fling: She's not that pretty. Baka sa boobs lang niya naakit ang JD natin. Hayaan n'yo, girls. Magsasawa rin ang idol natin. Iiwan din 'yan. HAHAHAHAHA."A-ano?!" Napatayo na ako mula sa kinauupuan at napaturo sa cellphone na naiwan ko sa may mesa sa tabi ko. Galit na galit akong nakatingin doon na halos lumuwa ang mga mata mula sa socket ng mga ito. "Ako, iiwan? Slvt? Ha! Ang kakapal naman ng mga bitch na 'to. Bakit? Pakakasalan ba sila ng idol nila? Ni hindi nga sila kilala ni JD, e! Bwisit! Argh!" napatiling turan ko. Nakapamaywang pa ako at ilang beses napabuga ng marahas na hangin."Umm... Miss Lee..." Michelle tries to interrupt me but I am still angry at how those fans try to call me names."Ang kakapal talaga ng mga pagmumukha nila! Mga bwisit!" Marahas akong napalingon kay Michelle. "Ikaw ba kapag sinabihan ka ng ganito, hahayaan mo lang ba sila, ha? Grabe! Slvt na ba kaagad ako porque engaged to be married lang? Ano bang kasalanan ko sa mga 'yan? Pagmamay-ari ba nila ang tao na sinasabi nilang idol nila?" sunod-sunod na tanong ko."Umm... Miss Lee. Hindi naman ako papay—""Kaya nga, 'di ba? Sino ba naman kasi ang matutuwa sa mga comment na 'yan? Ah, bwisit! Next time, ayaw na ayaw ko nang naririnig ang mga 'yan. Naiintindihan mo ba?"Agad na napatango si Michelle. Halata sa kanyang anyo na nahihintakutan na sa pagbe-vent out ko. "O-opo, Ma'am. Hindi na po mauulit. Sorry po..."Matapos ang pagre-retouch ay nagbihis na ako at lumabas ng dressing room. We’re about to shoot the second quarter of the scenes in the movie. As usual, more intimate moments with JD, again. This time, mas maraming verbatim sa parteng ito. Although I have already rehearsed a dozen of times for the parts I partake in, it’s still not working. I’m an actress. And I’m more of the extrovert than being an introvert pabebeng actress. I need someone to reinact the parts for JD but he’s nowhere to be found. Handa akong lunukin ang lahat at isagawa ang dapat kong gawin kahit pa naiilang ako sa idea na kakausapin siya. Nasa kasagsagan ako ng paghahanap sa PA ko para maging proxy ni JD sa rehearsal ko, nang biglang nahagip ng mga mata ko si Jaxx.I was quite surprised na nasa set siya. I suddenly stood up and asked Direk. “What’s Jaxx doing here, Direk?”“Ay si Jaxx? He’ll play the part of Gary sa movie.” Gary is the love interest of Jenny, my character. So, si Jaxx ang magiging karibal ni JD as ‘Franz’ sa movie? This is nice! I think I know a way to get around JD nang hindi niya ginagawa ang pagbabanta niyang sisirain ang mga plano ko.Agad akong lumapit kay Jaxx at kinawayan siya. "OMG! Jaxx, you're here."“Hey, Lola! I’m so glad makakatrabaho na kita. By the way, congrats sa engagement ninyo ni JD. Okay na ba kayong dalawa?” bungad na tanong niya sa akin. Aw! This guy na talaga! Napaka-thoughtful at sweet! Sana all! Kung bakit kasi hindi niya kasing ugali si JD? E 'di sana hindi ako nahihirapan ngayon.Nag-pout na naman ako. “'Yon nga eh wala siya dito. I’m having trouble with my script. Kami na susunod na sasalang sa camera but I’m not quite sure if I’ll deliver this right since it’s more verbatim than actions, e. Can you help me practice my lines? Pretty please?” Nag-puppy eyes pa ako sa kanya para mas effective. Kapag ganitong lumilitaw si Jaxx sa buhay ko, nagla-light up ang imaginary bulb ko sa ulo.“Sure! Nandito pa lang naman ako para i-receive ang script ko from Direk kaya I can help you.” He smiled.“Yay! Thanks a latte, Jaxx.” Hinila ko kaagad siya pabalik sa upuan ko sa set at binigay ang isang spare script ko sa kanya. “Dito tayo, dali!”The rehearsal went well. May mga itinuro rin si Jaxx sa akin na effective gawin para mas maging makatotohanan ang lines ko against JD’s lines. Remembering that I should forget my maarte accents and all the English fluency inside of me. We were like that for almost 15 minutes hanggang sa may hindi inaasahang tao na biglang sinapawan ang atensyon ko sa rehearsal.All from the movie staffs attended to Gaia’s direction. She just shouted at the top of her lungs. Sobrang sakit sa tenga ng paraan ng pagkakatili niya na ikinalingon naming lahat. After that, biglang sumulpot si JD sa likod ng babae, embracing her with both of his strong and protective arms.“Snake! Snake!” sigaw pa ni Gaia na takot na takot habang mahawak siya ni JD para protektahan.I can't help but roll my eyes. Bwisit talaga ang babaeng 'to!Lola's POVKaunti na lang talaga ay gusto ko nang sabunutan ang buhok ni Gaia. Ang arte sobra! 'Di ba siya na-inform na ako ang fiancee ni JD? Ang kapal ng fez! Kung makakunyapit naman siya akala niya pagmamay-ari niya na si JD. Nakakainis! At ito namang si JD, nagpapalandi rin. Hay nako! Tunog nagseselos na fiancee na talaga ako.Wala naman akong pakialam kung maglampungan sila sa harap ko, e. Pero dahil kailangang ako ang gumawa no'n dahil target locked ko na si JD, hindi ako makakapayag na sirain nila ang mga plano ko!Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil doon. Ayokong ipakita ang inis ko ngayon pero hindi ko mapigilan. Maya-maya ay may naisip na akong evil plan para mahati ang atensyon ni JD.I smirked internally to my idea. Haha! Watch me, Bilbo!I stood up from my comfy foldable cloth chair and started to do my catwalking towards the commotion. Hindi ko na inintindi pa ang pagtawag sa akin ni Jaxx. Nagpatuloy lang ako sa drama ko
Lola's POVSeeing the laundry, the laundry wires, and the bubbles, they all made me turn into a fragile child I used to be. Flashes of my fragment memory came all back to me in a manner of seconds. Pakiramdam ko ay may nakatarak na kung anong matalim sa may ulo ko. Nanunuot ang sakit nito hanggang sa dalhin na ako ng aking kamalayan sa aking nakaraan..."Lolita! Lolita!" pagtawag sa akin ni Mama. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya.“Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?” sigaw niya sa akin nang makalapit ako.Napayuko ako sa kahihiyan. Nagsimula nang manginig nang husto ang katawan ko. Sa tuwing ganito na ang tono ng kanyang pagsigaw ay nahihintakutan na ako. “M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—” Naputol ang pagrarason ko nang biglang dumapi ang palad ni Mama sa aking pisngi. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.Anim na taong gulang pa lang ako nito. Ang rason ku
Lola's POVNagising na naman ako na nasa loob ng kwarto ko sa ospital. Nakaramdam ako ng pagkislot ng sakit na pumipintig sa sentido ko. Matapos niyon ay napasimangot ako, lalong lalo na nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni JD. Tila may dumaan na malaking pison sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Literal na napahawak ako sa aking dibdib nang dahil doon.Ganito na kaagad ang epekto sa akin ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kanina sa set. Kung masyado lang ba akong sensitive ngayong araw o dahil sa nilalagnat ako.Ever since that time that I was left by biological mother, I've never thought that those episodes would be this fatal to me. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. Although I have some anxiety attacks kapag sobrang nag-aalala ako sa isang sitwasyon. Pero hindi pa nangyayari sa akin ito na may isang sit
Lola's POVBusy day hits my rock bottom. As usual, abala na naman ako sa kaliwa’t kanan na TV guestings at interviews. Magkasama na kami ni JD palagi. Ugh. Palagi.Take note: wala ako sa mood para magpapansin. Pansin na pansin niya ang pagkakaroon ko ng cold feet dahil nakikita ko naman ang madalas na pagsulyap niya sa akin. Hmp! Manigas ka d'yan! Hindi kita papansinin. Ano ka, gold?! Yummy ka lang pero hindi yummy ang ugali mo. Mr. Vhajayna Lock!Simula noong umalis ako sa ospital ay hindi ko na inaksaya pa ang buhay ko para kausapin pa siya. Bwisit siya! Ang lakas niyang mang-asar. Asang-asa pa naman ako roon sa kiss tapos hindi pala itutuloy. Every time I recall that moment, I just wanted to roll my eyes heavenwards. Kakairita!Isa pa, sa tuwing maaalala ko kasi ang nangyari sa ospital, parang mapupuno ang isang dam sa sobrang dami ng naiyak ko sa mga sinabi niya. Simula no’n, hindi ko na siya pinapansin. Napakapeke pa naming dalawa at nagpapak
Lola's POVI didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buon
Lola's POVI hated men for provoking me into something that I didn't like to do. What I said about JD was very uncalled for. Hindi ko sinasadya na gantihan siya kaagad. I'm best at recoiling after being left damaged by someone. For me, JD's words really sting. Nakakamatay. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakatikim ng insulto mula sa mga lalaki na nakarelasyon or nakatrabaho ko. Hindi ko kailanman naranasan ang ipahiya sa harap ng publiko na ganito kalala.At some point, natatakot ako sa kung anong gawin ng mga fan niya sa akin. I already read some of the comments earlier. Ang bilis pa sa alas kwatro na kumalat sa social media ang video namin sa pool habang binabasted ako ni JD."Ang kapal naman ng babaeng 'yan na saktan si Gaia!""What? Sinabunutan niya si Gaia sa ilalim ng pool?""How dare she shame my BB JD in public? Ang kapal! 'Kala mo kung sinong maganda. Kinginuh!""Sana nilunod ka na lang ni Gaia! Bitch!""Such a
Lola's POVTita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilan
Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVToday is my rest day. Masaya ako na kahit papaano ay bakante ang araw ko. Marami akong planong gawin ngayon, ngunit wala akong ginawa kundi ang humilata lang sa kama.Masakit ang buong katawan ko buhat nang gawin namin iyon ni JD.Yes. I finally gave my virginity to him.Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. There is still fear lingering inside my chest.Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni JD noong sinabi niyang okay lang na ma-in love ako sa kanya. If he meant it, then does it mean I can love him but that doesn't mean he will return the favor?Mas lalong humapdi ang puso ko sa tuwing iniisip ko iyon.Narito pa rin ako sa loob ng unit ni JD. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. He just left me a note on the bedside table.Gotta go to work, babe. Eat breakfast muna bago ka umalis.- JDNapangiti ako doon sa nabasa. Naglagay pa ng kiss emoji si JD na ikinatawa ko.Masyado ka na namang paasa, JD! Baka kapag sobrang lalim na n
Lola's POVWalang babala na naglakbay ang isang kamay ni JD patungo sa ilalim ng Sunday dress ko.He slid his fingers at the side of my underwear. Akma ko siyang pipigilan ngunit huli na nang unti-unti na niyang minasahe ang kaselanan ko.Wala sa loob na napaungol ako at napapikit. Naalerto ako nang mapagtantong nasa loob pa rin kami ng VIP Room ng Chinese restaurant. Nilibot ko pa ang mga mata ko at bahagyang kumalma nang malamang walang CCTV cameras sa paligid.JD was still behind me. Kung titingnan mula sa likuran ay tila niyayakap niya lang ako. Ngunit sa harap ay kakaibang ligaya na ang kanyang pinararanas sa akin.Lumalalim at nanginginig ang aking paghinga dahil doon. "J-JD...""Fuck! You're already wet, babe. I want to suck you dry..." he whispered to me. Pagkatapos niyang bigyan ng isang magandang masahe ang kaselanan ko ay saka niya inilusot ang kanyang daliri sa loob ko.Napasinghap ako. "Oh, gosh...""You like that, huh? I'll make sure you'll feel more when I enter you soo
Lola's POVIn two days, wrap-up na namin sa taping. Sa loob din ng mga araw na iyan ay minabuti kong magpaka-busy.I asked Tita Jet to sign me up for commercials and other modelling skits. So, 12 AM to 5 AM lang ang pahinga ko sa magkasunod na araw.Ilang beses ding nag-chat, text, at missed calls si JD sa akin. Pero sinasadya kong i-silent ang phone ko para walang istorbo. Pinapatawag ko na ang ibang kaibigan at directors kay Tita Jet mismo para makapag-focus ako sa trabaho ko.Nakipagkamay sa akin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng suit and tie. He is the president of a cosmetics company kung saan ako in-offer-an na maging official endorser nila. Narito kami ngayon sa isang Chinese-themed restaurant. Since isang Chinese businessman ang kaharap ko ay mas pinili namin ni Tita Jet na i-meet-up ang mga ito sa ganitong lugar.Nakatayo na kaming lahat mula sa pagkakasalampak sa cushion sa sahig."Thank you for agreeing with us, Ms. Lee. We are looking forward to be working with you,"
Lola's POVJD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya.Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?"Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili.Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia.Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya.Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga.Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong huli akong magpahilot. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Wala na akong oras para sa sarili.Napaisip ako saglit at saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Michelle at nagpasama sa kanya na mag-sho
Lola's POV"B-bakit dito?" Iyon ang napili kong tanungin kay JD kahit pa tuliro ako sa kanyang ginawang paghalik sa akin.Mangha namang napatawa si JD. Muli niya akong kinintalan ng halik sa labi saka ako binitiwan. He removed his coat and hung it on a chair's backrest. "Bawal ba?" He moved closer to me. Nakipagtitigan siya at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Nagtatanggal siya ng butones sa harapan ko!Napasinghap ako bigla at nag-iwas ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo?!"He chuckled. Talagang pinagtitripan ako ng isang ito!Tumalikod ako at napapikit. My gosh! Katapusan na ba ng maliligayang araw ko rito sa Jakarta? Hindi pa man nagsisimula ang taping pero mawawasak na ako."Why are you avoiding me? 'Di ba't nakita mo naman 'to lahat?" bumulong siya sa tenga ko. Damang-dama ko ang malalim niyang paghinga na tumatama sa aking leeg. "The only thing left to do is to touch it..." he seductively suggested.Napakagat-labi ako. Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. Punyet
Lola's POVPagkarating sa Kahyangan Restaurant ay naging banayad ang tibok ng puso ko.Mga 15 minutes ang layo namin mula sa hotel na tinutuluyan namin nila JD. Marahil ay ayaw niya na may paparazzi na humabol sa amin. I found it amazing. Para lang talaga akong ordinaryong tao at hindi isang artista.Naging madaldal siya sa loob ng kotse. Kada may madaraanan kaming building o tourist attraction ay sinasabi niya sa akin kung ano iyon. Ako naman ay puro tango lang ang nagagawa.Napangiti naman ako sa city lights mula sa labas na matatanaw sa spot kung saan kami nakaupo ni JD. Overlooking ang mga buildings na kalapit. Napakagandang tingnan dahil sa mga ilaw nito."Beautiful, isn't it?" bigla ay tanong ni JD pagkakuwan.Napatango ako sa kanya at nginitian siya. "Hindi ko alam na may ganito pala rito. Nakaka-relax makakita ng magandang tanawin. Hindi ko na-realize na matagal na rin pala mula noong huli akong nag-vacation. Puro na lang pala ako trabaho..." ani ko habang nakatanaw pa rin sa
Lola's POVHindi na ako nilubayan ng tingin ni JD magmula noong gawin namin iyon sa cubicle sa eroplano.Naging maayos naman ang paglapag ng eroplano sa Jakarta Airport. Sinabihan ni Tita Jet si Michelle ang tungkol sa mga gamit namin at tumalima naman ang huli.Pagkalabas namin ng airport ay bumaling sa amin si Direk Bim. "Didiretso ba kayo sa hotel?""Hindi po muna, Direk. May bibilhin po muna kami ni Lola. Mauna na po kayo roon at magpahinga," nakangiting sagot ni Tita Jet."Okay. Wala pa naman tayong gagawin ngayon, but we have dinner together, ha? Walang mag-iiba ng venue.""Yes, Direk!"Pagkatapos naming mag-usap ay diretso na kaming sumakay ng taxi.Maya-maya ay may chat akong natanggap.JD: Where are you going?Me: May bibilhin lang kami ni Tita Jet saglit.JD: Why didn't you tell me? Sana nasamahan ko kayo.Me: Manager ko ang nagyaya. It's only for girls.JD: Okay. Just be safe, babe.Babe. Heto na naman ang tawag niya sa akin.I frustratedly sigh at isinandal ang ulo ko sa h