Lola's POV
I didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buong childhood days ko, natutuhan ko ang isang bagay: hindi lahat ay nahihirapan na magpalaki ng anak. Ang iba ay mas nahihirapan sa pagpapalaki ng mga magulang. And I guess, Kuya Jaja was right.Iyong mga naranasan ko mula kay Mama, si Kuya Jaja lang ang nagpaintindi sa akin na dapat akong magalit at dapat na makaramdam ng hinanakit na kahit kaunti. Buong buhay ko ay wala akong inintindi kundi ang intindihin ang sitwasyon ni Mama. At kahit na late na para ma-realize ang aking galit, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Dahil kung hindi niya ako iniwan, hindi ko mare-realize ang mga bagay na pinaintindi sa akin ni Kuya Jaja. Kung hindi iyon sinabi ni Kuya, marahil ay aasa pa rin ako na babalikan ako ni Mama.For several years, ang nagsisilbing palatandaan sa akin sa nakaraan ay ang peklat ko sa likod. Thanks to the modern technologies that the ugly looking scar is not going to be massive anymore. Pinaayos ni Papa, my foster father, ang likuran ko at kakaunti na lang ang peklat na natira roon. Kaya confident akong magsuot ng 2-piece swimsuits or bikinis dahil natatabunan naman ng natitirang tela sa katawan ko ang nakakahindik na marka ng aking nakaraan. Kapag kailangan ko namang mag-pictorial na hantad ang buong likuran, kailangan kong ipa-make-up kay Michelle ang likuran ko para matabunan ang peklat. Fortunately, hindi maumbok ang peklat na iyon kundi ay palubog, kaya pwede itong lagyan ng make up at magmumukha na siyang pantay at makinis.Maraming nagagandahan sa kutis ko. I'm all natural when it comes to my skin care routine and I modeled dozens of products. Pero sa likod niyon ay ang marka na hindi matatanggal kahit kailan sa buhay ko.The truth is, I never let a man see me closer na hantad ang likuran. Michelle and I are the only ones who knew about this scar. Kapag nalaman ito ng ibang kumukuha sa akin for endorsement, they will probably not take me another for any renewal of contract.Ganyan karami ang naisip ko after that dramatic scene at the pool. Ang tanong: patay na ba ako? Bakit ko naaalala ang mga ito?Napabuga ako ng tubig mula sa aking bibig. Ilang beses akong napaubo. Napakasakit pa ng lalamunan at ulo ko pagkamulat ko ng mga mata, saka ako napaupo. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jaxx. He held my arm and helped me retrieve my balance. Nakita ko rin ang galit na hitsura ni JD. Matalim ang mga mata na ipinukol niya sa akin habang nakahawak sa dalawang balikat ng umiiyak na si Gaia.Teka, ano bang nangyari? Paano nga pala ako napunta rito sa gilid ng pool at kinumpulan ng mga tao? All I remember is that we are taking a scene at the pool.Suddenly, a strode of memory came into my mind. But before I could even react, I heard JD's voice."Mabuti naman at gising ka na. Pasalamat ka at ayaw magsampa ng kaso ni Gaia sa 'yo. Ang galing mo talagang magpanggap, ano? Ikaw na nga ang nakapanakit, ikaw pa ang hinimatay ngayon. Nakakatawa," sarkastikong turan niya sa akin.Nangunot ang noo ko sa kanya. "Nagpapanggap? Anong pinagsasabi mo? Bakit ako? Alam mo ba ang nangayari, ha? Cut na ang scene pero—""Stop it!" he snapped.Napaigtad ako sa sobrang gulat dahil sa sigaw niya. Maraming tao sa paligid namin, including the staffs ang nahintakutan sa boses niya. Pakiramdam ko, ako ang pinakamasamang tao sa buong mundo kung ituring ni JD. Bakit ba ayaw niyang maniwala?"Stop it right now! I'm calling the engagement off!"Double ouch!Napanganga ako sa narinig. Pinilit kong huwag maluha ulit kahit na nangingilid na ang luha ko sa mga mata at agad na tumayo. Hilong-hilo pa ako kung kaya nagawa pa rin akong alalayan ni Jaxx.How dare this man shame me in public?! Ang kapal ng mukha niya!Hindi ako makakapayag na saktan niya lang ako nang ganito nang hindi man lang ako nakakaganti.Napataas ako ng isang kilay at tiningnan si JD sa mga mata. "Engagement? Ilusyunado ka yata. Never naging tayo at never kitang sinagot. Palabas mo lang ang lahat pero pinagbigyan lang kita. Gusto mong sumakay sa kasikatan ko? Gano'n din kay Gaia, 'di ba? Bakit hindi mo ngayon aminin sa mga tao rito kung anong purpose mo kung bakit ka lumapit sa akin at kay Gaia?" I said another bluff yet again that garnered gasps from the people around us."Oh, my gosh! Totoo ba ito?""OMG! I can not listen to this!""Gosh, totoo? Si James Dean?!"Iyon ang mga bulong-bulungan na naririnig ko sa aming paligid.Nakita ko ang lalong pagdilim ng ekspresyon ni JD sa akin. His jaws clenched but remain calmin everyone's eyes. I knew damn right that he didn't see this coming.This is what you get for shaming me, JD!"Kung sino man ang desperado sa atin dalawa, ikaw 'yon, James Dean Ferrer. Imbes na alamin mo kung ano ang totoong nangyari, there you are being stupid and believing the lies whatever you wanted to perceive. And who cares about you? Ah, si Gaia lang pala ang may pakialam sa'yo. Anyway, ito naman ang gusto ninyo, 'di ba? Ang umalis ako sa project na ito? Fine! I get it now. Kumuha kayo ng ibang artista na tatanggap sa project na ito, wala akong pakialam. I am out of here. And you!" Dinuro ko pa si JD. Halos mamula na ang buong mukha ko sa sobrang galit. "I don't wanna see you ever again. I regret the day that I was close to you," I said with finality. Hindi ko na ininda ang kumpol ng mga staffs na nakapalibot sa amin at agad na umalis sa set. Tangan-tangan lamang ang nasugatan kong puso at pride, dumiretso lang ako sa kung saan man ako dalhin nh mga paa ko.Kahit na nanlalabo na ang mga mata ko, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Damn that, man! How dare he do that to me? Ganoon na ba ako kasama sa mga mata niya? Ganoon na ba ako kakontrabida sa buhay niya? Bakit pinahiya niya ako? Bakit kailangan pang ipahiya ako sa ibang tao? Paano na lang ang career ko? Iningatan ko ito nang sobra-sobra pero siya lang ang sisira. Bwisit!Dali-dali akong nagbihis sa CR habang umiiyak.Bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako natuto? Alam ko sa sarili ko na hindi ako mabait at hindi ako madaling pakisamahan. I am no angel and neither a good friend. Pero ang sakit lang. Ang sakit dahil gano'n na lang ako kadaling i-judge ng ibang tao na akala alam nila ang totoong nangyari. Sobrang sakit...Sobrang nakakapansisi na dumikit pa ako kay JD. Nakakapansisi na sinugal ko ang buong pangalan ko para sa kanya.He's not worth it!Habol ako nang habol sa hininga ko habang umiiyak sa loob ng CR habang paulit-ulit na iniisip kung paano at bakit nagpakahina na naman ako dahil sa isang lalaki.Then suddenly, I heard a knock from the outside door. Ilang beses iyon. Ni-lock ko kasi ang buong CR para masolo ko sa pag-iyak ko. And yeah, I am a loud crier. Narinig siguro ako mula sa labas sa pag-iyak ko. Pangit kaya ang pag-iyak ko?Hay, nakakaloka naman kasi itong pakatok-katok , e!"Lola? Lola, are you there?" tanong ng tao na nasa labas. It was Jaxx's voice."B-bakit nandito ka? 'Di ba dapat nandoon ka sa kanila? Sila dapat ang kino-comfort mo. Masama akong tao, 'di ba? Para sa inyo, isa akong oportunistang artista. Isang gold digger o 'di kaya social climber. Ganoon naman ang tingin ninyo sa akin. Kaya okay lang ako rito. Hayaan n'yo na lang ako..." mapait na sabi ko kahit lahat naman ng sinabi ko ay totoo. Talaga namang social climber at oportunista ako! Minus the gold digger thing. Chariz!"Wala pa rin akong maintindihan," tugon naman ni Jaxx. "But I really don't believe in what they are telling you. Kaya kita kinakausap. It's because I want you to know that even though everyone else is seeing you like that, you have one soul that sees you as pure and innocent. Naniniwala ako na hindi ka masamang tao at alam ko na wala kang ginawang mali kanina. I just want you to know that..." he said wholeheartedly.May kung ano namang sumikdo sa may dibdib ko. Paano kung nagpapanggap lang ang lalaking ito sa akin? Paano kung gusto lang din niya akong saktan katulad ng ginawa sa akin ni JD?Matapos kong mag-isip nang bonggang-bongga, nakapagdesisyon akong lumabas ng CR. Laking gulat ko nang may isang kamay na pumigil sa akin mula sa aking pag-alis.Halos makalimutan ko na ang huminga. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya rito. The moment I saw his deep dark brown eyes, my stomach churned a little, my heart beats racing."You stubborn little woman..." he commented to me. Bago pa man ako makapagsalita ay agad na niyang ipinagpatuloy ang paghila sa aking braso sa kung saan.Kita ko ang nakakakabang aura ni JD. Tahimik lang siya habang kinakaladkad ako. Nakatanaw lang ako sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagpapatangay lang ako sa kanya. Dapat akong umiwas. Dapat akong lumayo, pero heto ako at nagpapatangay lang.There's something in me that keeps on being attracted to his energy. Habang nakahawak siya sa akin ay nakakaramdam ako ng pangingit ng mga pisngi ko. Pati na ang kung anong kuryente na dumadaloy sa kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak sa akin.Hindi ko namalayan na nakalayo na pala kami. Napansin ko na huminto siya sa isang bakanteng indoor pool area. This place is still a part of the resort that we had tapings earlier, pero itong indoor pool area ay nasa pinaka dulo na ng resort. Isolated kumbaga.Sobrang ganda ng scenery ang nakikita ko. Sa pader ng indoor pool ay ang neat bamboo walls na halatang varnished. May fake and true orchid plants pa sa paligid. May scented candles din na nakalutang sa pool at pati sa palibot. Nakaka-relax ang amoy na dulot niyon. Tila napawi niyon ang inis ko.Napalingon ako sa kanya nang bigla niyang bitiwan ang kamay ko at hinarap ako. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya at saka napabuntong-hininga. "One of the staffs told me that the underwater cameraman has captured the unwanted scene with you and Gaia had..." he started off, looking away.Tila may nabuhay na pag-asa sa puso ko. Ibig sabihin ay nakita roon kung paano ako hilahin ni Gaia hanggang sa pinaka ilalim?"Gusto ko lang malaman, may pag-aaway ba kayo ni Gaia na hindi mo sinasabi sa akin? Bakit gano'n ang nangyari? Bakit ka niya aatakihin nang gano'n kung walang pinag-ugatan?" sunod-sunod pa niyang tanong na ikinalaglag ng panga ko.Ang pag-asa na sana'y sumisibol sa puso ko ay bigla na lang namatay. Bagsak ang balikat akong napatingin sa kanya. "Seriously, JD? Ito lang ba ang sasabihin mo sa akin kahit na nakita mo na lahat-lahat ang dapat mong makita?" Nangilid na naman ang luha ko sa mga mata at napailing. Akma akong tatalikod at tutungo sa may pinto nang muli siyang magsalita."I'm sorry..." he suddenly said.I stopped from my tracks when I heard him said those words."I'm sorry for saying those things to you. That's what I meant to say. I'm sorry..."Lola's POVI hated men for provoking me into something that I didn't like to do. What I said about JD was very uncalled for. Hindi ko sinasadya na gantihan siya kaagad. I'm best at recoiling after being left damaged by someone. For me, JD's words really sting. Nakakamatay. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakatikim ng insulto mula sa mga lalaki na nakarelasyon or nakatrabaho ko. Hindi ko kailanman naranasan ang ipahiya sa harap ng publiko na ganito kalala.At some point, natatakot ako sa kung anong gawin ng mga fan niya sa akin. I already read some of the comments earlier. Ang bilis pa sa alas kwatro na kumalat sa social media ang video namin sa pool habang binabasted ako ni JD."Ang kapal naman ng babaeng 'yan na saktan si Gaia!""What? Sinabunutan niya si Gaia sa ilalim ng pool?""How dare she shame my BB JD in public? Ang kapal! 'Kala mo kung sinong maganda. Kinginuh!""Sana nilunod ka na lang ni Gaia! Bitch!""Such a
Lola's POVTita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilan
Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Lola's POVCall me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. Shuta naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang p
Lola's POVMarahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.*****Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin nami
Lola's POVThe next day, the doorbell rang at my unit. And yes, literal na gusto kong magsisi na pinagbuksan ko ang taong iyon.Ang nakakalokong ngiti ni JD kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng cotton black shirt at pants habang nakapamulsa na natingin sa akin. He also wears dark sunglasses and a mask. Sa wakas naman at nag-disguise!"J-JD? Anong ginagawa mo rito?" naalarmang tanong ko. Palinga-linga naman ako sa labas at sinipat kung may mga tao na makakapansin sa kanya. Para sa akin ay obvious pa rin ang disguise ni JD at isang tingin ko pa lang ay halata ko nang siya ang nasa harapan ko. How could he be so dumb? Bumaling ako sa kanya at walang kaabog-abog na hinila siya papasok ng unit ko.I slammed the door behind him and I turned to him afterward. Nakapamaywang pa ako sa kanya."Bakit ka nagpunta rito nang hindi man lang ako sinasabihan?!" asik ko sa kanya. "Akala ko ba nakasaad 'to sa terms natin sa kontrata? Walang sinuman sa ating dalawa ang gagawa ng hakbang nang hindi k
Lola's POVNakahalukipkip ako at nakaiwas ng tingin kay Gaia. We are inside a restaurant. Niyaya niya kasi ako na makipag-usap. Kahit na hanggang ngayon ay nakakainis pa rin siya sa buhay ko, pinagbigyan ko siya. Nakaismid ako.I heard her sigh before she looked at me with her serious face. "I'll just cut to the chase..." pag-uumpisa niya. "Iwasan mo na si JD. You're staining his reputation already. 'Di mo ba alam na ilang taon niyang iningatan ang career niya kahit na maraming issues ang lumalabas? You even had the nerve na ipahiya siya. Wala ka ba talagang ibang makapitan na sikat? Masyado kang social climber!"I rolled my eyes. "Ano bang pinag-ugatan nito? Kung hindi ka gumawa-gawa ng eksena sa pool, hindi naman magkakaganito, 'di ba? So, basically, ikaw ang may kasalanan niyan!" sagot ko naman. "Ako? Social climber? Paano kung gano'n nga ako? Ano namang pruweba mo? Alam mo ba magkano ang networth ko? Sure ka na gano'n talaga akong tao?" Napatawa ako. "Check your facts, Gaia. Hindi
Lola's POV"Hindi ka ba natu-turn off sa anak ko, Lola?" Tito Ronald suddenly asked.Narito pa rin kami sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni JD kasama ang papa niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kahit na ang kanyang ama ay isang LGBTQ+ member, hindi ko magawang mag-relax. Nakakakaba ang bawat sandali. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa para matapos na ang kahibangan na ito pero tila nananadya ang oras at mas lalong binabagalan ang pag-andar nito.Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang harapan. "P-po?""He dated a lot of women. May isa pa ngang nadala sa ospital dahil sa vhajayna lock! This man is fooling around 24/7. Halos mabingi na ako sa kaliwa't kanan na sumbong sa akin ng assistant ko—""Dad!" JD butted in. He seemed too embarrassed in front of his dad. This is the first time I saw a James Dean Ferrer too embarrassed in flesh. Lagi niyang ipinapakita sa akin ang masungit at confident niyang mukha kapag kaming dalawa na lang. O 'di naman kaya ay ngingitian niya
Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVToday is my rest day. Masaya ako na kahit papaano ay bakante ang araw ko. Marami akong planong gawin ngayon, ngunit wala akong ginawa kundi ang humilata lang sa kama.Masakit ang buong katawan ko buhat nang gawin namin iyon ni JD.Yes. I finally gave my virginity to him.Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. There is still fear lingering inside my chest.Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni JD noong sinabi niyang okay lang na ma-in love ako sa kanya. If he meant it, then does it mean I can love him but that doesn't mean he will return the favor?Mas lalong humapdi ang puso ko sa tuwing iniisip ko iyon.Narito pa rin ako sa loob ng unit ni JD. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. He just left me a note on the bedside table.Gotta go to work, babe. Eat breakfast muna bago ka umalis.- JDNapangiti ako doon sa nabasa. Naglagay pa ng kiss emoji si JD na ikinatawa ko.Masyado ka na namang paasa, JD! Baka kapag sobrang lalim na n
Lola's POVWalang babala na naglakbay ang isang kamay ni JD patungo sa ilalim ng Sunday dress ko.He slid his fingers at the side of my underwear. Akma ko siyang pipigilan ngunit huli na nang unti-unti na niyang minasahe ang kaselanan ko.Wala sa loob na napaungol ako at napapikit. Naalerto ako nang mapagtantong nasa loob pa rin kami ng VIP Room ng Chinese restaurant. Nilibot ko pa ang mga mata ko at bahagyang kumalma nang malamang walang CCTV cameras sa paligid.JD was still behind me. Kung titingnan mula sa likuran ay tila niyayakap niya lang ako. Ngunit sa harap ay kakaibang ligaya na ang kanyang pinararanas sa akin.Lumalalim at nanginginig ang aking paghinga dahil doon. "J-JD...""Fuck! You're already wet, babe. I want to suck you dry..." he whispered to me. Pagkatapos niyang bigyan ng isang magandang masahe ang kaselanan ko ay saka niya inilusot ang kanyang daliri sa loob ko.Napasinghap ako. "Oh, gosh...""You like that, huh? I'll make sure you'll feel more when I enter you soo
Lola's POVIn two days, wrap-up na namin sa taping. Sa loob din ng mga araw na iyan ay minabuti kong magpaka-busy.I asked Tita Jet to sign me up for commercials and other modelling skits. So, 12 AM to 5 AM lang ang pahinga ko sa magkasunod na araw.Ilang beses ding nag-chat, text, at missed calls si JD sa akin. Pero sinasadya kong i-silent ang phone ko para walang istorbo. Pinapatawag ko na ang ibang kaibigan at directors kay Tita Jet mismo para makapag-focus ako sa trabaho ko.Nakipagkamay sa akin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng suit and tie. He is the president of a cosmetics company kung saan ako in-offer-an na maging official endorser nila. Narito kami ngayon sa isang Chinese-themed restaurant. Since isang Chinese businessman ang kaharap ko ay mas pinili namin ni Tita Jet na i-meet-up ang mga ito sa ganitong lugar.Nakatayo na kaming lahat mula sa pagkakasalampak sa cushion sa sahig."Thank you for agreeing with us, Ms. Lee. We are looking forward to be working with you,"
Lola's POVJD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya.Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?"Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili.Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia.Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya.Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga.Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong huli akong magpahilot. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Wala na akong oras para sa sarili.Napaisip ako saglit at saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Michelle at nagpasama sa kanya na mag-sho
Lola's POV"B-bakit dito?" Iyon ang napili kong tanungin kay JD kahit pa tuliro ako sa kanyang ginawang paghalik sa akin.Mangha namang napatawa si JD. Muli niya akong kinintalan ng halik sa labi saka ako binitiwan. He removed his coat and hung it on a chair's backrest. "Bawal ba?" He moved closer to me. Nakipagtitigan siya at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Nagtatanggal siya ng butones sa harapan ko!Napasinghap ako bigla at nag-iwas ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo?!"He chuckled. Talagang pinagtitripan ako ng isang ito!Tumalikod ako at napapikit. My gosh! Katapusan na ba ng maliligayang araw ko rito sa Jakarta? Hindi pa man nagsisimula ang taping pero mawawasak na ako."Why are you avoiding me? 'Di ba't nakita mo naman 'to lahat?" bumulong siya sa tenga ko. Damang-dama ko ang malalim niyang paghinga na tumatama sa aking leeg. "The only thing left to do is to touch it..." he seductively suggested.Napakagat-labi ako. Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. Punyet
Lola's POVPagkarating sa Kahyangan Restaurant ay naging banayad ang tibok ng puso ko.Mga 15 minutes ang layo namin mula sa hotel na tinutuluyan namin nila JD. Marahil ay ayaw niya na may paparazzi na humabol sa amin. I found it amazing. Para lang talaga akong ordinaryong tao at hindi isang artista.Naging madaldal siya sa loob ng kotse. Kada may madaraanan kaming building o tourist attraction ay sinasabi niya sa akin kung ano iyon. Ako naman ay puro tango lang ang nagagawa.Napangiti naman ako sa city lights mula sa labas na matatanaw sa spot kung saan kami nakaupo ni JD. Overlooking ang mga buildings na kalapit. Napakagandang tingnan dahil sa mga ilaw nito."Beautiful, isn't it?" bigla ay tanong ni JD pagkakuwan.Napatango ako sa kanya at nginitian siya. "Hindi ko alam na may ganito pala rito. Nakaka-relax makakita ng magandang tanawin. Hindi ko na-realize na matagal na rin pala mula noong huli akong nag-vacation. Puro na lang pala ako trabaho..." ani ko habang nakatanaw pa rin sa
Lola's POVHindi na ako nilubayan ng tingin ni JD magmula noong gawin namin iyon sa cubicle sa eroplano.Naging maayos naman ang paglapag ng eroplano sa Jakarta Airport. Sinabihan ni Tita Jet si Michelle ang tungkol sa mga gamit namin at tumalima naman ang huli.Pagkalabas namin ng airport ay bumaling sa amin si Direk Bim. "Didiretso ba kayo sa hotel?""Hindi po muna, Direk. May bibilhin po muna kami ni Lola. Mauna na po kayo roon at magpahinga," nakangiting sagot ni Tita Jet."Okay. Wala pa naman tayong gagawin ngayon, but we have dinner together, ha? Walang mag-iiba ng venue.""Yes, Direk!"Pagkatapos naming mag-usap ay diretso na kaming sumakay ng taxi.Maya-maya ay may chat akong natanggap.JD: Where are you going?Me: May bibilhin lang kami ni Tita Jet saglit.JD: Why didn't you tell me? Sana nasamahan ko kayo.Me: Manager ko ang nagyaya. It's only for girls.JD: Okay. Just be safe, babe.Babe. Heto na naman ang tawag niya sa akin.I frustratedly sigh at isinandal ang ulo ko sa h