Lola's POV
Tita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilang beses nating iniwasan 'yan, 'di ba? Bakit ngayon ka pa hindi nakinig, ha?""What can I do? Nangyari na ang nangyari. At isa pa, nakagawa naman na ako ng paraan. 'Wag mo nang isipin masyado ang tungkol d'yan," I dismissed. "Maiba tayo... Anong schedule ko bukas?""Isa-isa nang nawawala ang photoshoots for endorsement mo, bruha! Nang dahil sa leaked video ng sagutan n'yo ni JD, marami nang umayaw sa'yo. Naku! Tumataas na naman ang alta-presyon ko sa'yo! Ayusin mo 'yan, ha. Kailangan ko pang kumbinsihin ang iba na i-reconsider nila ang endorsement mo mamaya. Iisa-isahin ko pa sila!" Napasalampak ng upo si Tita Jet sa swivel chair at napahilot ng sentido.May magagawa pa ba ako? Galit na galit na ang manager ko at halos bahain na ako ng bash simula nang kumalat ang follow-up video ng kissing scene namin ni JD sa loob ng private indoor pool. Ayon sa kanila, ako ang lumapit kay JD at sinunggaban siya ng halik.Paano ko naman gagawin 'yun e hindi ko nga magawang mapalapit sa puso niya, halik pa kaya?Gosh! Sa tuwing maaalala ko ang eksena roon sa indoor pool, mas nangingibabaw sa akin ang pakiramdam noong maglapat ang mga labi namin. Halos makalimutan ko na ang pangalan ko. Nakalimutan kong huminga at nakalimutan ko na maaari iyong maging isang biro. Isang biro na hindi ko akalain na magpapasakit ng pride ko... at ng puso ko.Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko naman kung anong estado ko kay JD. Alam ko rin na pawang tungkol lang sa pagiging social climber ko ang ginagawa ko. Gusto ko si JD bilang apple of the eye ko, not for strings attached. I mean, hindi ko pinapangarap na gustuhin ko ang isang tulad niya. Wala sa isipan ko ang ma-in love, not for someone like him. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na sana hindi na lang ganito ang relasyon namin ni JD. Tila nagnanais pa ang puso ko na sana totoo na lang ang halik na iyon at hindi napupuno ng pagpapanggap."Hoy, bruha!" untag sa akin ni Tita Jet at doon lamang nahinto ang malalim kong pag-iisip."Ha?" wala sa loob na tanong ko.Kanina pa pala ako tinatawag ni Tita Jet. Napatayo na nga siya at nakapamaywang na nakaharap sa akin. "Kaninang kanina pa kita tinatawag. Ano ka ba? Kulang ka ba sa tulog? Inuutusan kitang buksan ang TV!" She let out an exasperated sigh and took the remote control on top of the table. Binuksan niya ang TV at kaagad na tumambad sa amin ang isang News Flash.May isang showbiz reporter ang ipinakita sa screen at nagsimulang magsalita. "Naulat kamakailan ang hiwalayang James Dean Ferrer at Lola Lee nang mayroong kumalat na video tungkol sa kanilang pag-aaway. Ang tanong ng karamihan, talaga bang hiwalay na sila?" pagsisimula ng babaeng reporter.Marami pang sinabi ang reporter na iyon pero isa lang ang tumatak sa akin."Nang tanungin namin kung tunay ang mga spekulasyon na ito..." anang reporter.Sabay namang nag-flash ang mukha ni JD sa TV at seryosong nakatingin sa camera. "It's all just a misunderstanding. The engagement is still valid. And please, don't take it on her. It was my fault. Lumayo siya sa akin pero hindi ko siya tinantanan. Ako ang gumawa ng paraan para makipag-ayos sa kanya. Ako ang nag-arrange ng lahat. So, please stop those headlines that hurts her image. My fiancee doesn't deserve this. I love her and I don't want her to feel lost while doing our project..." mahabang litanya ni JD.Bigla bigla namang nagrigodon ang puso ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Gusto kong umasa sa mga salita niya. Gusto kong umasa sa mga sinasabi niya as if he really meant every word he said. Masarap pa rin kayang ma-in love sa pangalawang pagkakataon? Natatakot na ako. Ayoko na sa hulihan ay mawala ang lahat ng pinaghirapan ko para lang sa isang tulad niya.Pinaalalahanan ko ang sarili ko na lahat ng iyon ay fake lang. Pakitang tao. Pagpapanggap. Hindi totoo na may pakialam siya sa akin. Hindi totoo na may pakialam siya sa reputasyon ko. At higit sa lahat, hindi totoo na mahal niya ako.Everything about us is fake.Ang totoo lang sa sinabi niya ay ang pinag-awayan namin. Those mean words that he said to me.Never believe in his words, Lola. Never believe."Hmm... this boyfriend of yours has balls. Sige. Medyo natanggal na ang sakit ko sa ulo. Mas madali na lang makumbinsi ang lahat na kunin ka ulit lalo na at lumabas na ang balita na iyan. Magpasalamat ka at hindi ka niya hinayaan na tuluyang bumagsak!" Tita Jet commented while faking her amused face upon seeing the news.I laughed sarcastically. "As if naman hiningi ko ang tulong niya. Siya naman ang nag-alok na tulungan ako. Pahiya kasi silang lahat! Pinagtulungan nila ako sa set saying that I physically hurt Gaia for no reason. Hello? Hinimatay pa nga ako sa sobrang sakit ng pananabunot niya sa akin. Dapat nga sinampahan ko na siya ng kaso pero hindi ko ginawa dahil magiging pangit lang lalo ang relasyon namin sa set. Kailangan ko lang tiisin ang lahat ng ito. Pagkatapos na pagkatapos ng project na 'to, hindi na ako tatanggap ng bidang role at ang mga project na nandoon siya at si JD. Higit sa lahat, hinding-hindi na ako tatanggap ng project na kasama si Direk Bim!" I declared.Then, a text message suddenly popped out of my phone screen. It's from an unknown number.I hope you saw the news. I saved you. No one's gonna hurt you now.Bigla ay dumagundong na naman ang tibok ng puso ko. Is this JD? Did he send me this message about the news?Gosh! Why do I feel like he's saying this seriously like a real fiance of mine? Taena, JD, 'wag kang paasa! Marupok ako!*****Pagkatapos ng napakahabang araw na iyon at nagdesisyon akong umuwi sa mansyon ng mga Lee. Maraming nakatira rito na mga matatagal nang yaya namin simula noong inampon ako ng foster parents ko. Not one relative of my foster parents were living here. Noong mamatay sila, marami sa mga kamag-anak nila ang tinangka na agawin ang mansyon. I was about to be ousted on my own home when the family attorney came and told us that I am the only person who is in charge of all of my parents' assets. Doon lang ako nakapagdesisyon na paalisin sila at ang patirahin dito ay ang mga kasambahay namin na matagal nang naninilbihan dito.My adoptive mother's name is Leona Perez-Lee. She is a half-American, half-Filipino woman who was married to my adoptive father, Albert Lee. Simula nang mamatay silang dalawa ay hindi ko na tinirhan ang mansyon na ito at ipinaubaya na sa mga katulong ang pangangalaga rito. Saka lang ako uuwi tuwing gusto ko at kung tuwing may birthday sa mga anak ng mga katulong namin. Hinayaan ko rin kasi sila na patuluyin ang kani-kanilang pamilya. Malaki ang mansyon at maraming bakanteng silid ang nandito. Sayang naman kung walang titira. Isa lang talaga ang kabilin-bilinan ko sa kanila. Ito ay ang huwag pakialaman ang master's bedroom noon nila Daddy at Mommy at ang kwarto ko.Napupuno ng memories ang mansyon na ito. Ang kalahati ng childhood memories ko ay nandito kaya masakit sa akin ang palaging manirahan dito pagkatapos ng pagpanaw nina Mommy at Daddy.Mahal na mahal ko sila kaya sobrang sakit nang mamatay sila.Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang tungkol sa alitan ni Daddy at ng isang artista nang dahil sa away namin ni Gaia. If Dad is here, he would've protected me from them. From those people who bash me.Parang naulit lang ang rivalry ni Daddy Albert at Jo Herrera. Jo Herrera is Gaia's uncle. Nag-uunahan noon sa kasikatan ang dalawang bigating aktor na ito noong kapanahunan nila. It was supposed to be an on-screen rivalry na nauwi sa love triangle. Isang babae kasi ang pinag-aagawan nila noon. My mom, Leona. The rivalry ended up my dad marrying my mom, si Leona Perez. Maganda naman kasi talaga ang mommy ko. Hindi maipagkakaila na isa siya sa mga artista noon na pinakahinahangaan sa industriya. Some really think that I am their real daughter dahil sa aming malaking pagkakahawig. Pero malinaw pa sa sikat ng araw na hindi niya ako kadugo at inampon lamang niya ako sa isang bahay-ampunan kung saan ako iniwan ng totoo kong ina. And all I did was to return all the favor of adopting me when I grew up to be who I am. Naging maayos ang childhood ko. Ito ang buhay na gusto ko na ni kailanman ay hindi ibinigay sa akin ng totoo kong magulang.Talking about rivalry, noon pa man, palagi na kaming pinag-aaway ng mga fans at netizens ni Gaia pero hindi ko pinapatulan dahil busy ako sa social climbing projects ko. Bukod pa roon ay ayaw talaga ni Tita Jet na nadidikit ang pangalan ko sa ibang artista lalo na kung manggagaling pa ito sa angkan ni Jo Herrera. I was so focused on myself that time kaya mas nauungusan ko pa rin si Gaia sa showbiz.Ito ang pinakaunang project na magkasama kami at ngayon lang kami nakakapag-usap nang gano’n. Simula kasi noong araw na 'yon, dumagsa na ang rants and bashes against me. Kesyo gold digger at social climber ako. Desperada and many other names that I don’t remember. Sobrang sakit. Wala na nga akong napala kay JD, sira pa pangalan ko. Halos hindi ko na buksan ang social media accounts ko. Bumaba ng 500 subscribers ang blog site ko.I wonder why people are blinded by artists in the spotlight? Gano’n na ba talaga ka-toxic ang industriya namin? Nakakaurat at nakakadismaya na ang mga tao ay tumatangkilik sa mga bagay na walang saysay para sa kanila. But they all made us their happy pills. Kahit hindi man nila maabot ang buhay na mayroom kami, nagpapasalamat pa rin sila kahit na marami pa silang dapat tapusin.I was well aware of Gaia’s stardom. Ang masaklap pa, pareho kaming gustong lapitan si JD. Well, in my case, ako ang gustong lumapit sa kanya. Si Gaia, effortless. I even heard her not interested with JD noon. She ignores him dahil focused siya sa kanyang career. But now, everything is different. Could she be falling in love with him right now?Ano bang pake mo, Lola? Ikaw ang desperada sa atensyon ni JD, 'di ba?I sighed. Oo nga, ako ang may gusto, hindi si JD.I just continued what I need to do that night. Iyon ay ang maligo sa jacuzzi for 2 hours. Nakatulala lang ako sa kisame habang binabalutan ako ng makakapal na bula sa katawan.I sighed and continued looking at my phone screen. Nandoon pa rin ang text message ni JD sa akin. Nakatulala lang ako roon.Sasagutin ko ba ang text message niya? Ano naman ang sasabihin ko?Sa kawalan ng masasabi ay inilapag ko na lang sa tabi ng tuyo na tiles ang phone ko.That was when I heard the vibrating sound of it. Pagkalingon ko ay isang unregistered phone number ang tumatawag. Being a natural snobber, hindi ko na muna iyon pinansin. Pero tumawag ulit.I am drawn to my phone again at wala sa loob na kinuha iyong muli at sinagot ang tawag.I froze when I heard that familiar voice."I don't want you to ignore my messages. Better reply in every text and call for I don't give that luck to most of people around me. Don't try my temper, woman..." JD uttered on the other line.Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Lola's POVCall me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. Shuta naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang p
Lola's POVMarahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.*****Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin nami
Lola's POVThe next day, the doorbell rang at my unit. And yes, literal na gusto kong magsisi na pinagbuksan ko ang taong iyon.Ang nakakalokong ngiti ni JD kaagad ang nabungaran ko. Nakasuot siya ng cotton black shirt at pants habang nakapamulsa na natingin sa akin. He also wears dark sunglasses and a mask. Sa wakas naman at nag-disguise!"J-JD? Anong ginagawa mo rito?" naalarmang tanong ko. Palinga-linga naman ako sa labas at sinipat kung may mga tao na makakapansin sa kanya. Para sa akin ay obvious pa rin ang disguise ni JD at isang tingin ko pa lang ay halata ko nang siya ang nasa harapan ko. How could he be so dumb? Bumaling ako sa kanya at walang kaabog-abog na hinila siya papasok ng unit ko.I slammed the door behind him and I turned to him afterward. Nakapamaywang pa ako sa kanya."Bakit ka nagpunta rito nang hindi man lang ako sinasabihan?!" asik ko sa kanya. "Akala ko ba nakasaad 'to sa terms natin sa kontrata? Walang sinuman sa ating dalawa ang gagawa ng hakbang nang hindi k
Lola's POVNakahalukipkip ako at nakaiwas ng tingin kay Gaia. We are inside a restaurant. Niyaya niya kasi ako na makipag-usap. Kahit na hanggang ngayon ay nakakainis pa rin siya sa buhay ko, pinagbigyan ko siya. Nakaismid ako.I heard her sigh before she looked at me with her serious face. "I'll just cut to the chase..." pag-uumpisa niya. "Iwasan mo na si JD. You're staining his reputation already. 'Di mo ba alam na ilang taon niyang iningatan ang career niya kahit na maraming issues ang lumalabas? You even had the nerve na ipahiya siya. Wala ka ba talagang ibang makapitan na sikat? Masyado kang social climber!"I rolled my eyes. "Ano bang pinag-ugatan nito? Kung hindi ka gumawa-gawa ng eksena sa pool, hindi naman magkakaganito, 'di ba? So, basically, ikaw ang may kasalanan niyan!" sagot ko naman. "Ako? Social climber? Paano kung gano'n nga ako? Ano namang pruweba mo? Alam mo ba magkano ang networth ko? Sure ka na gano'n talaga akong tao?" Napatawa ako. "Check your facts, Gaia. Hindi
Lola's POV"Hindi ka ba natu-turn off sa anak ko, Lola?" Tito Ronald suddenly asked.Narito pa rin kami sa restaurant kung saan kami nag-dinner ni JD kasama ang papa niya. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako. Kahit na ang kanyang ama ay isang LGBTQ+ member, hindi ko magawang mag-relax. Nakakakaba ang bawat sandali. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa para matapos na ang kahibangan na ito pero tila nananadya ang oras at mas lalong binabagalan ang pag-andar nito.Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang harapan. "P-po?""He dated a lot of women. May isa pa ngang nadala sa ospital dahil sa vhajayna lock! This man is fooling around 24/7. Halos mabingi na ako sa kaliwa't kanan na sumbong sa akin ng assistant ko—""Dad!" JD butted in. He seemed too embarrassed in front of his dad. This is the first time I saw a James Dean Ferrer too embarrassed in flesh. Lagi niyang ipinapakita sa akin ang masungit at confident niyang mukha kapag kaming dalawa na lang. O 'di naman kaya ay ngingitian niya
Lola's POVIsa na namang madugong araw dahil araw na ng taping. I really wanted to go to work. Sa totoo lang, mas gusto ko pang maging abala sa pagtatrabaho kaysa ang atupagin ang pinagagawa sa akin ni JD.Chariz!Nagpapakipot lang ako pero ang totoo, grabe ang kilig ko. Para akong sinilihan sa pwet no'ng makita ko ang text message niya sa akin kagabi. Literal na pagulong-gulong ako sa kama no'n. Kahit sobrang sakit na ng panga ko sa kangingiti sa harap ng papa niya sa restaurant ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin?By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight.Shuta! Kahit sinong babae, masisilihan ang pwet sa sobrang saya kapag may nabasang ganyan. Hay nako! Alam na alam talaga ni JD ang kahinaan ko. Nyeta! Bakit ba ang rupok ko lately?I just shook my head. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang naturang bagay.Stop it, Lola. Hindi ka pwedeng masanay na kiligin dahil lang sa simpleng text message. Kahit ano pa an
JD's POV"Sir James, may text message po sa inyo..." iyon ang bungad sa akin ng PA ko na si Mike. Hawak niya ang cellphone ko habang ako naman ay nagpapahinga na sa loob ng tent ko. Mas nauna kasi na matapos ang scene ko kaysa kay Lola kung kaya ay nagpatiuna na ako papunta sa loob ng aking tent.Wala sa mood na tinanggap ko ang cellphone ko. I really hate it when people try to ruin my quiet time. Pero sa tagal na ni Mike sa akin bilang PA, alam ko na hindi niya ako gagambalahin kung hindi importante ang sasabihin niya. This means, the text he was saying needed my utmost attention. It was urgent.Curious but still bored, tiningnan ko ang screen ng cellphone at pinindot ang pop-up notification sa itaas. Doon na tumambad sa akin ang nakagugulat na balita.Nanlaki ang mga mata ko at halos nakalimutan ko nang huminga. Nanlamig ako at ang pawis sa aking noo ay nagsisimulang magsitulo papunta sa aking patilya.Paulit-ulit ako sa pagbabasa niyon. Hindi ko iyon nilubayan kahit isang beses. Pag
Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVToday is my rest day. Masaya ako na kahit papaano ay bakante ang araw ko. Marami akong planong gawin ngayon, ngunit wala akong ginawa kundi ang humilata lang sa kama.Masakit ang buong katawan ko buhat nang gawin namin iyon ni JD.Yes. I finally gave my virginity to him.Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. There is still fear lingering inside my chest.Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni JD noong sinabi niyang okay lang na ma-in love ako sa kanya. If he meant it, then does it mean I can love him but that doesn't mean he will return the favor?Mas lalong humapdi ang puso ko sa tuwing iniisip ko iyon.Narito pa rin ako sa loob ng unit ni JD. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. He just left me a note on the bedside table.Gotta go to work, babe. Eat breakfast muna bago ka umalis.- JDNapangiti ako doon sa nabasa. Naglagay pa ng kiss emoji si JD na ikinatawa ko.Masyado ka na namang paasa, JD! Baka kapag sobrang lalim na n
Lola's POVWalang babala na naglakbay ang isang kamay ni JD patungo sa ilalim ng Sunday dress ko.He slid his fingers at the side of my underwear. Akma ko siyang pipigilan ngunit huli na nang unti-unti na niyang minasahe ang kaselanan ko.Wala sa loob na napaungol ako at napapikit. Naalerto ako nang mapagtantong nasa loob pa rin kami ng VIP Room ng Chinese restaurant. Nilibot ko pa ang mga mata ko at bahagyang kumalma nang malamang walang CCTV cameras sa paligid.JD was still behind me. Kung titingnan mula sa likuran ay tila niyayakap niya lang ako. Ngunit sa harap ay kakaibang ligaya na ang kanyang pinararanas sa akin.Lumalalim at nanginginig ang aking paghinga dahil doon. "J-JD...""Fuck! You're already wet, babe. I want to suck you dry..." he whispered to me. Pagkatapos niyang bigyan ng isang magandang masahe ang kaselanan ko ay saka niya inilusot ang kanyang daliri sa loob ko.Napasinghap ako. "Oh, gosh...""You like that, huh? I'll make sure you'll feel more when I enter you soo
Lola's POVIn two days, wrap-up na namin sa taping. Sa loob din ng mga araw na iyan ay minabuti kong magpaka-busy.I asked Tita Jet to sign me up for commercials and other modelling skits. So, 12 AM to 5 AM lang ang pahinga ko sa magkasunod na araw.Ilang beses ding nag-chat, text, at missed calls si JD sa akin. Pero sinasadya kong i-silent ang phone ko para walang istorbo. Pinapatawag ko na ang ibang kaibigan at directors kay Tita Jet mismo para makapag-focus ako sa trabaho ko.Nakipagkamay sa akin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng suit and tie. He is the president of a cosmetics company kung saan ako in-offer-an na maging official endorser nila. Narito kami ngayon sa isang Chinese-themed restaurant. Since isang Chinese businessman ang kaharap ko ay mas pinili namin ni Tita Jet na i-meet-up ang mga ito sa ganitong lugar.Nakatayo na kaming lahat mula sa pagkakasalampak sa cushion sa sahig."Thank you for agreeing with us, Ms. Lee. We are looking forward to be working with you,"
Lola's POVJD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya.Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?"Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili.Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia.Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya.Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga.Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong huli akong magpahilot. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Wala na akong oras para sa sarili.Napaisip ako saglit at saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Michelle at nagpasama sa kanya na mag-sho
Lola's POV"B-bakit dito?" Iyon ang napili kong tanungin kay JD kahit pa tuliro ako sa kanyang ginawang paghalik sa akin.Mangha namang napatawa si JD. Muli niya akong kinintalan ng halik sa labi saka ako binitiwan. He removed his coat and hung it on a chair's backrest. "Bawal ba?" He moved closer to me. Nakipagtitigan siya at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Nagtatanggal siya ng butones sa harapan ko!Napasinghap ako bigla at nag-iwas ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo?!"He chuckled. Talagang pinagtitripan ako ng isang ito!Tumalikod ako at napapikit. My gosh! Katapusan na ba ng maliligayang araw ko rito sa Jakarta? Hindi pa man nagsisimula ang taping pero mawawasak na ako."Why are you avoiding me? 'Di ba't nakita mo naman 'to lahat?" bumulong siya sa tenga ko. Damang-dama ko ang malalim niyang paghinga na tumatama sa aking leeg. "The only thing left to do is to touch it..." he seductively suggested.Napakagat-labi ako. Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. Punyet
Lola's POVPagkarating sa Kahyangan Restaurant ay naging banayad ang tibok ng puso ko.Mga 15 minutes ang layo namin mula sa hotel na tinutuluyan namin nila JD. Marahil ay ayaw niya na may paparazzi na humabol sa amin. I found it amazing. Para lang talaga akong ordinaryong tao at hindi isang artista.Naging madaldal siya sa loob ng kotse. Kada may madaraanan kaming building o tourist attraction ay sinasabi niya sa akin kung ano iyon. Ako naman ay puro tango lang ang nagagawa.Napangiti naman ako sa city lights mula sa labas na matatanaw sa spot kung saan kami nakaupo ni JD. Overlooking ang mga buildings na kalapit. Napakagandang tingnan dahil sa mga ilaw nito."Beautiful, isn't it?" bigla ay tanong ni JD pagkakuwan.Napatango ako sa kanya at nginitian siya. "Hindi ko alam na may ganito pala rito. Nakaka-relax makakita ng magandang tanawin. Hindi ko na-realize na matagal na rin pala mula noong huli akong nag-vacation. Puro na lang pala ako trabaho..." ani ko habang nakatanaw pa rin sa
Lola's POVHindi na ako nilubayan ng tingin ni JD magmula noong gawin namin iyon sa cubicle sa eroplano.Naging maayos naman ang paglapag ng eroplano sa Jakarta Airport. Sinabihan ni Tita Jet si Michelle ang tungkol sa mga gamit namin at tumalima naman ang huli.Pagkalabas namin ng airport ay bumaling sa amin si Direk Bim. "Didiretso ba kayo sa hotel?""Hindi po muna, Direk. May bibilhin po muna kami ni Lola. Mauna na po kayo roon at magpahinga," nakangiting sagot ni Tita Jet."Okay. Wala pa naman tayong gagawin ngayon, but we have dinner together, ha? Walang mag-iiba ng venue.""Yes, Direk!"Pagkatapos naming mag-usap ay diretso na kaming sumakay ng taxi.Maya-maya ay may chat akong natanggap.JD: Where are you going?Me: May bibilhin lang kami ni Tita Jet saglit.JD: Why didn't you tell me? Sana nasamahan ko kayo.Me: Manager ko ang nagyaya. It's only for girls.JD: Okay. Just be safe, babe.Babe. Heto na naman ang tawag niya sa akin.I frustratedly sigh at isinandal ang ulo ko sa h