Lola's POV
Seeing the laundry, the laundry wires, and the bubbles, they all made me turn into a fragile child I used to be. Flashes of my fragment memory came all back to me in a manner of seconds. Pakiramdam ko ay may nakatarak na kung anong matalim sa may ulo ko. Nanunuot ang sakit nito hanggang sa dalhin na ako ng aking kamalayan sa aking nakaraan..."Lolita! Lolita!" pagtawag sa akin ni Mama. Galit na galit siya at pinapapasok ako sa loob ng kwarto niya.“Anong ginawa mo sa uniform ko?! Bakit ang laki ng butas?” sigaw niya sa akin nang makalapit ako.Napayuko ako sa kahihiyan. Nagsimula nang manginig nang husto ang katawan ko. Sa tuwing ganito na ang tono ng kanyang pagsigaw ay nahihintakutan na ako. “M-Ma… k-kasi po… nakalimutan ko kanina—” Naputol ang pagrarason ko nang biglang dumapi ang palad ni Mama sa aking pisngi. Literal na tumalsik ako sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya.Anim na taong gulang pa lang ako nito. Ang rason kung bakit ito nangyari ay dahil sa nangyari kanina. Nagsasaing ako tuwing madaling araw dahil maaga ang pasok ni Mama sa opisina. Iyon ang pinaka importante na ginagawa ko sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Suportado ko ang lahat ng ginagawa ni Mama. Mahalaga sa akin ang mapasaya ko siya. Kaya sa murang edad ay namulat na ako sa mga bagay na iniintindi ng isang average na legal age na tao.Isang naiibang madaling araw ang bumungad sa akin. Alas dos kwarenta ay nakabangon na ako. Nagsaing na ako at nagluto ng paborito ni Mama na Adobong Manok. Para sa iba ay bata pa ako para magluto ng mga putahe na tulad nito pero para sa akin ay isa itong karangalan na hindi ko kailanman ipagkakait sa sarili ko. Gusto kong maging katulad ng Mama ko. Gusto ko na ring magtrabaho. Maraming nagsasabi na masyado kong minamadali ang sarili ko na mag-mature, pero hindi ko iyon ininda dahil ang mahalaga sa akin ay ang makamit ko ang pinapangarap ako. Ang maging tulad ni Mama.Inutos sa akin ni Mama ang plantsahin ang damit niya. Masyadong mataas pa ang kabayo sa height ko kaya tumutungtong ako sa upuan para magplantsa. Kahit na hirap na hirap ako ay sinikap ko na gawin ang pagpaplantsa. Ito pa ang pangalawang beses na nagamit ko ito. Noong unang ginamit ko siya ay nagkandapaso-paso pa ako. Kalaro ko lang din ang nagturo sa akin paano gumamit ng platsa.Sa kasagsagan ng pamamalantsa ko, tinawag naman niya ako dahil kumukulo na ang sinaing. Nasa sala siya no’n at nagbabasa ng diyaryo at nagkakape. Kahit na gusto kong mangatwiran na kaya naman niyang gawin iyon ay hinayaan ko na lang. Ang laging nasa isipan ko ay kakayanin ko anh lahat ng ito. Kahit antok na antok, sinunod ko siya at nakalimutan na nakadikit pa rin ang uniform ni Mama sa plantsa.“Paano ako papasok ngayon ha?!” Habang sinasabi niya 'yon ay pinagsasampal niya ako."M-Mama, tama na po! Sorry po! Hindi ko na uulitin. Hindi na po!""Hayop ka talaga sa buhay ko! Palamunin ka na nga, sakit ka pa sa ulo ko! Bwisit!" sigaw niya pa sa akin. Kinuha niya ang plantsa na hanggang ngayon ay nakasaksak pa rin sa kuryente.Doon na ako nanlamig at napaatras nang unti-unti. Nanlaki ang mga mata ko at patuloy sa pag-iling. "M-Mama, a-anong gagawin mo? Mama..." Nagpatuloy ako sa aking pag-iyak. Nanginginig ako sa takot. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at pagkasuklam sa akin."Dapat hindi ka na nabuhay. Sana hindi na lang ikaw ang naging anak ko!" Sumigaw siya at saka ako pinaso ng plantsa sa aking likuran.Napahiyaw ako sa sobrang sakit. Dinig na dinig ko pa ang pinong tunog ng pagkakalapat ng nakapapasong katawan ng plantsa. Ilang beses akong umiyak, sumigaw, at nagmakaawa sa kanya.Ito ang alaala na ayaw ko nang balikan ngunit kusang nagpaparamdam ng mga sakit na hindi ko kayang tagalan. Hanggang sa unti-unti akong nilukob ng kadiliman…I woke up looking at a white ceiling. May ugong ng aircon akong naririnig. The stinging smell of the alcohol lingered in my nose one reason I cringed a little. Sa amoy pa lang, alam ko nang nasa ospital ako.Ang alaala ng huling tagpo bago ako nagising ang biglang sumagi sa isipan ko. Ah, I collapsed during the taping. Kasama ko pa si JD! Nakakahiya!Hindi naman ako madalas na nadadala sa ospital pero dahil sa mga naging role ko sa movies at teleserye na puro ospital ang settings, kabisadong-kabisado ko na ang amoy ng lugar na tulad nito. Minsan nurse, minsan doktor, at kung minsan ay pasyente ako sa ibang eksena.Napalingon ako sa aking gilid at nakita ang pigura ni JD na nakaupo habang nakahalukipkip. Napaupo ako sa aking hinihigaan at hinarap siya. Halata sa hilatsa ng kanyang mukha ang pinaghalong pag-aalala at pagkainis. Pero hindi iyon nakabawas sa pagiging gwapo niya.He wore a different cotton shirt na kulay crema at humahapit sa kanyang nakakapanlaway na katawan. Nakasuot siya ng simpleng pantalon at naka-rubber shoes. His hair is a little rugged. I can imagine his fingers being buried their sexily while I was asleep. Kahit sa mga simpleng ganoon ay namamangha ako patungkol sa kanya. But now that he has seen me awake, his sophisticated aura becomes a nightmare to me. Ang mga mata niya ngayon ay nanghuhusga at nanunukat ng pagkatao. Sa ganoong tingin ay nanliliit na ako nang husto pero wala na akong pakialam. Mahalaga sa akin ngayon ay mas nakalapit na ako sa isang tulad niya. Maisasakatuparan ko na ang plano ko na sumakay sa kasikatan niya.“Finally, you’re awake…” sarcastic na komento niya nang makita ang paggising ko. “Pagkatapos mo akong hampasin at sampalin nang malakas, ikaw pa 'tong hinimatay. Nananadya ka ba talaga?” tanong niya pa.Hindi ko na lang pinansin ang mga tanong niya. Pagod akong makipag-argumento. Wala rin namang saysay. Binigyan ko ng ilang segundong katahimikan ang sarili ko at pumikit.Napakunot-noo ako at tiningnan siyang muli. “Ano bang nangyari?”He huffed an unbelievable breath. “Napakaimposible mong babae. Ganyan ka ba kadesperada para lang makuha ang atensyon ko?”Napasinghap ako dahil sa narinig mula sa kanya. “A-ano’ng sabi mo?” Halos hindi ako makapagsalita sa mga nasabi niya. Ngayon ko lang narinig na sinabi 'yon ni JD sa akin. Oo, ramdam ko naman na ayaw niya sa akin simula pa lang. But that doesn't mean he's entitled to say those words to me! May damdamin din ang tulad kong oportunista. When I say I didn't intend somethinh and we seriously gave our all, and when people tried to invalidate our efforts, of course, masakit! Kahit ako ay naman alam na aabot ako sa ospital nang dahil lang sa eksenang iyon. Hindi ko alam na makaka-trigger siya sa mga bagay na nais kong kalimutan. Ang nakaraan kong pilit kong ibinabaon sa hukay."You heard me, right? Ano pa nga ba ang ginagawa mo kung hindi isang palabas lang, 'di ba? You approached me on purpose because of this project, 'di ba? And you made that insolent confession to the media para pag-usapan ka at para mawalan ako ng choice kundi ang pumayag sa pinagsasabi mo. Anong akala mo, hindi ko malalaman ang pakay mo? I have ways to know, woman. At hindi ang isang tulad mo ang magpapaikot sa akin," he said with conviction.Although 80% of his words were true about my actions, but it still hurts big time. Parang may punyal na itinarak sa puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay tila isang sampal sa aking mukha. Nahubaran na niya ako kahit na wala pang nag-uumpisang romansa na namamagitan sa aming dalawa. Hinubaran niya ako pero sa isang nakakahiyang paraan.No, Lola. You will not cry in front of him. Don't you dare! paalala ko sa aking sarili.Malamlam na mga mata ay tumingin lang ako sa kanya. Nagtagis ang mga bagang ko at pinigilan ang mga luha ko na dumanak sa aking pisngi. "Are you done? Salamat sa pag-aalala. Makakaalis ka na..." I coldly said and was about to go back to bed when I heard a knock.Magsasalita pa sana si JD nang biglang may pumasok sa kwarto. It was Jaxx. Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha ko na hindi ko na mapigilan. Sobrang sakit talaga ng mga sinabi niya. Hindi ko iyon matanggap lalo pa at nanunumbalik na naman sa akin ang nakaraan.Hindi ko na inabalang batiin pa ang bagong dating at kaagad na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa ugat ko sa kaliwang kamay. Hindi ko na ininda ang sakit na dulot niyon.“Anong ginagawa mo, Lola? You’re not yet fine. May lagnat ka!” sigaw ni Jaxx sa akin. Ah, that explains why I feel so mushy and fragile. Sobrang sakit pa ng balat ko kapag hinahawakan o nasasanggi. Pero kahit na i-remind niya ako sa kalagayan ko, hindi ko pa rin siya pinansin.I turned to the door's way and was about to walk near it when suddenly, a hand blocked my way.Hinarangan ako ni Jaxx. Pagkaangat ko ng aking ulo ay nakita ko ang nag-aalala niyang mukha. He's obviously unhappy about what I am doing. But ai can't hold my tears anymore and I have to go out of this room or else I'm going to drown. “Saan ka pupunta?” tanong niya.“Umalis ka sa dinadaanan ko, Jaxx…” malamig na tono kong pagsagot sa kanya. Halos hindi ko siya madiretso ng tingin. Natatakot ako na makita niya ang kahinaan sa mga mata ko. Ngayong ganito ang estado ng pag-iisip ko, hindi ko kayang makipag-usap sa kahit sino.“Mataas ang lagnat mo, Lola. Hindi kita hahayaan na umalis,” pamimilit pa niya. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at akmang dadalhin sa aking higaan pero winakli ko ang kanyang kamay.“Pabayaan mo ako. Gusto kong mag-isa. 'Wag n’yo akong susundan,” pinal na sabi ko sabay nilagpasan si Jaxx. Nahagip pa ng mga mata ko ang pagtagis ng mga bagang ni JD at nakatingin lang sa kama kung saan ako nakahiga kanina lamang.That moment took me thousands of images in my head. Pictures of someone who badly wounded me just like how my biological mother did to me. More than a physical wound could ever give me. Sa puntong ito, aatras na ako sa kasunduan namin ni Scarlet.Hindi ako stable para isakatuparan ang mga plano niya. I indeed failed and I am happy that I did. Kasi kung ipagpapatuloy ko ito, tiyak na hindi lang iyon ang matatanggap ko mula sa kanya. Maraming masasakit na salita pa akong kakainin mula sa kanyang bibig at lahat iyon ay titiisin ko dahil lang sa magkatrabaho kami.Who cares about this project? Who cares about the Great James Dean Ferrer?At this point, I lost my crave for fame. I lost my crave for attention. I just wanna detach myself from all the people who ridicule and humiliated me for no reason.May hangganan din ang pananakit ng ibang tao sa akin. Hindi ako habangbuhay na bato at manhid. Hindi habambuhay ay ididikit nila ako sa pinanggalingan ko. Sa masalimuot na nakaraan ma ayaw ko nang balikan.Bakit kasi ngayon pa ito dumating? Bakit hindi pa noon na handa naman akong gumaling mula sa sakit na dulot sa akin ng kahapon? Bakit ngayon pa?Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bawat paglakad ko ay siyang pagbagsak ng mga luha ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na halos makita ang nilalakaran ko. Unti-unti na ring bumibigat ang dibdib ko. It's beginning to clog my air passage. Malalalim na ang aking paghinga.May hagdan pa akong binabaan at kahit sobrang labo na ng paningin ko ay sinikap ko na makatayo nang maayos. Unti-unti akong nakakaramdam ng maliliit na karayom na tumutusok sa aking kamay at paa. Kasunod niyon ay ang pagmamanhid ng buo kong katawan.My knees jerked that moment. Akma akong mapapaupo ng pagbagsak sa hagdan nang may pares ng matipunong braso ang biglang sumalo sa akin.I turned to the one who caught me in mid-air and saw his worried face. A rare face that I didn't know I would see before I finally closed my eyes and devoured by the darkness."Lola... Lola, are you okay? Gumising ka!"Then, everything stopped.Lola's POVNagising na naman ako na nasa loob ng kwarto ko sa ospital. Nakaramdam ako ng pagkislot ng sakit na pumipintig sa sentido ko. Matapos niyon ay napasimangot ako, lalong lalo na nang maalala ko ang mga sinabi sa akin ni JD. Tila may dumaan na malaking pison sa dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Literal na napahawak ako sa aking dibdib nang dahil doon.Ganito na kaagad ang epekto sa akin ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kanina sa set. Kung masyado lang ba akong sensitive ngayong araw o dahil sa nilalagnat ako.Ever since that time that I was left by biological mother, I've never thought that those episodes would be this fatal to me. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito sa tanang buhay ko. Wala akong natatandaan na nagkaroon ako ng ganitong sakit. Although I have some anxiety attacks kapag sobrang nag-aalala ako sa isang sitwasyon. Pero hindi pa nangyayari sa akin ito na may isang sit
Lola's POVBusy day hits my rock bottom. As usual, abala na naman ako sa kaliwa’t kanan na TV guestings at interviews. Magkasama na kami ni JD palagi. Ugh. Palagi.Take note: wala ako sa mood para magpapansin. Pansin na pansin niya ang pagkakaroon ko ng cold feet dahil nakikita ko naman ang madalas na pagsulyap niya sa akin. Hmp! Manigas ka d'yan! Hindi kita papansinin. Ano ka, gold?! Yummy ka lang pero hindi yummy ang ugali mo. Mr. Vhajayna Lock!Simula noong umalis ako sa ospital ay hindi ko na inaksaya pa ang buhay ko para kausapin pa siya. Bwisit siya! Ang lakas niyang mang-asar. Asang-asa pa naman ako roon sa kiss tapos hindi pala itutuloy. Every time I recall that moment, I just wanted to roll my eyes heavenwards. Kakairita!Isa pa, sa tuwing maaalala ko kasi ang nangyari sa ospital, parang mapupuno ang isang dam sa sobrang dami ng naiyak ko sa mga sinabi niya. Simula no’n, hindi ko na siya pinapansin. Napakapeke pa naming dalawa at nagpapak
Lola's POVI didn't quite like my memories when I was still at the orphanage. Sa tuwing naaalala ko ang lugar na iyon o kahit ang mga alaala na naroon, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa mundo na pinaghirapan kong buuin sa mahabang panahon ngayon.Pero sa lahat ng mga alaala na iyon, ang kay Kuya Jaja lang ang hindi ko makakalimutan.He was my savior whenever there are kids who'd want to bully me. Sa kanya ko natutuhan na lumaban. Sa kanya ko natutuhan ang ngumiti kahit na maraming dahilan para umiyak at masaktan. Natutuhan ko ang lumaban at hindi hayaan ang iba na saktan ako o alipustahin.I realized it just now. Kaya pala hindi ako lumalaban noon kay Mama ay dahil sa iyon ang itinuro niya sa akin. Na wala akong karapatan na magreklamo dahil isa akong tao na hindi inaasahan at pagsasayangan niya ng kanyang buhay. Para sa kay Mama, hindi ako importante. Isa akong latak ng kahapon na pilit nagbabalik sa kanya sa masalimuot na nakaraan. Sa buon
Lola's POVI hated men for provoking me into something that I didn't like to do. What I said about JD was very uncalled for. Hindi ko sinasadya na gantihan siya kaagad. I'm best at recoiling after being left damaged by someone. For me, JD's words really sting. Nakakamatay. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakatikim ng insulto mula sa mga lalaki na nakarelasyon or nakatrabaho ko. Hindi ko kailanman naranasan ang ipahiya sa harap ng publiko na ganito kalala.At some point, natatakot ako sa kung anong gawin ng mga fan niya sa akin. I already read some of the comments earlier. Ang bilis pa sa alas kwatro na kumalat sa social media ang video namin sa pool habang binabasted ako ni JD."Ang kapal naman ng babaeng 'yan na saktan si Gaia!""What? Sinabunutan niya si Gaia sa ilalim ng pool?""How dare she shame my BB JD in public? Ang kapal! 'Kala mo kung sinong maganda. Kinginuh!""Sana nilunod ka na lang ni Gaia! Bitch!""Such a
Lola's POVTita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya."Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again..."Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilan
Lola's POV"H-ha?" iyon lang talaga ang kaya kong sabihin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni JD mula sa kabilang linya. Sa totoo lang, hindi pa nagpoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Wala rin sa loob na napabangon ako mula sa aking pagkakalublob sa tub matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Nagririgodon na naman itong puso ko."Where are you?" bigla ay pag-iiba niya ng usapan.Napalunok ako ng laway at napahawak sa dibdib. "N-nasa bahay. Bakit mo natanong?""Liar. Wala ka rito sa condo mo. Nasaan ka?" mabilis na sagot nito na ikinalaglag ng panga ko."A-ano? Teka, paano mo nalaman? N-nasa condo ka ba ngayon?" Teka saglit. Paano niya natunton ang address ko? Wala naman akong natatandaan na may binigay akong address sa kanya. Come to think of it, hinatid niya ako dati sa tapat ng condominium building pero dahil sa preoccupied ang isip ko ay hindi ko na iyon tinanong pa. Bakit parang ang bilis naman yata ng lahat ng pangyayari? Bakit biglang nagkakaganito ang kumag na 'to
Lola's POVCall me crazy but I am desperately wanting the whole ground to swallow me at this very moment. Ang mga salita na narinig ko mula sa bibig ni JD ang lalong nagpapalala ng kaba ko sa dibdib. Nagkakamali lang ba ako ng pandinig? Talaga bang sinabi niya iyon sa akin?He's inviting me either to kiss or love him!I saw how his eyebrows arched at me, waiting for my reply. "Ano na, Lola Lee? Tatahimik ka na lang ba? O gusto mo na ako na lang ang unang gagawa no'n para sa'yo?" he asked further in an inviting low tone, brushing his breath against my chin and cheeks. Nakakaliyo ang amoy niya; minty aftershave and a sweet candy that reminds me of raspberries. Kaunti na lang ay masusuway ko na kaagad ang kontrata namin. Shuta naman! Bakit kailangang lumandi ka at ngayon pa, JD?!Pero alin nga ba ang susuwayin ko? Teka, binibigyan niya ba ako ng free pass para pagbigyan ang karupukan ko? Or is this one of his traps?I shook my head internally. No. 'Wag kang bibigay, Lola. Hindi ito ang p
Lola's POVMarahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.*****Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin nami
Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVToday is my rest day. Masaya ako na kahit papaano ay bakante ang araw ko. Marami akong planong gawin ngayon, ngunit wala akong ginawa kundi ang humilata lang sa kama.Masakit ang buong katawan ko buhat nang gawin namin iyon ni JD.Yes. I finally gave my virginity to him.Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. There is still fear lingering inside my chest.Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni JD noong sinabi niyang okay lang na ma-in love ako sa kanya. If he meant it, then does it mean I can love him but that doesn't mean he will return the favor?Mas lalong humapdi ang puso ko sa tuwing iniisip ko iyon.Narito pa rin ako sa loob ng unit ni JD. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. He just left me a note on the bedside table.Gotta go to work, babe. Eat breakfast muna bago ka umalis.- JDNapangiti ako doon sa nabasa. Naglagay pa ng kiss emoji si JD na ikinatawa ko.Masyado ka na namang paasa, JD! Baka kapag sobrang lalim na n
Lola's POVWalang babala na naglakbay ang isang kamay ni JD patungo sa ilalim ng Sunday dress ko.He slid his fingers at the side of my underwear. Akma ko siyang pipigilan ngunit huli na nang unti-unti na niyang minasahe ang kaselanan ko.Wala sa loob na napaungol ako at napapikit. Naalerto ako nang mapagtantong nasa loob pa rin kami ng VIP Room ng Chinese restaurant. Nilibot ko pa ang mga mata ko at bahagyang kumalma nang malamang walang CCTV cameras sa paligid.JD was still behind me. Kung titingnan mula sa likuran ay tila niyayakap niya lang ako. Ngunit sa harap ay kakaibang ligaya na ang kanyang pinararanas sa akin.Lumalalim at nanginginig ang aking paghinga dahil doon. "J-JD...""Fuck! You're already wet, babe. I want to suck you dry..." he whispered to me. Pagkatapos niyang bigyan ng isang magandang masahe ang kaselanan ko ay saka niya inilusot ang kanyang daliri sa loob ko.Napasinghap ako. "Oh, gosh...""You like that, huh? I'll make sure you'll feel more when I enter you soo
Lola's POVIn two days, wrap-up na namin sa taping. Sa loob din ng mga araw na iyan ay minabuti kong magpaka-busy.I asked Tita Jet to sign me up for commercials and other modelling skits. So, 12 AM to 5 AM lang ang pahinga ko sa magkasunod na araw.Ilang beses ding nag-chat, text, at missed calls si JD sa akin. Pero sinasadya kong i-silent ang phone ko para walang istorbo. Pinapatawag ko na ang ibang kaibigan at directors kay Tita Jet mismo para makapag-focus ako sa trabaho ko.Nakipagkamay sa akin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng suit and tie. He is the president of a cosmetics company kung saan ako in-offer-an na maging official endorser nila. Narito kami ngayon sa isang Chinese-themed restaurant. Since isang Chinese businessman ang kaharap ko ay mas pinili namin ni Tita Jet na i-meet-up ang mga ito sa ganitong lugar.Nakatayo na kaming lahat mula sa pagkakasalampak sa cushion sa sahig."Thank you for agreeing with us, Ms. Lee. We are looking forward to be working with you,"
Lola's POVJD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya.Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?"Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili.Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia.Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya.Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga.Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong huli akong magpahilot. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Wala na akong oras para sa sarili.Napaisip ako saglit at saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Michelle at nagpasama sa kanya na mag-sho
Lola's POV"B-bakit dito?" Iyon ang napili kong tanungin kay JD kahit pa tuliro ako sa kanyang ginawang paghalik sa akin.Mangha namang napatawa si JD. Muli niya akong kinintalan ng halik sa labi saka ako binitiwan. He removed his coat and hung it on a chair's backrest. "Bawal ba?" He moved closer to me. Nakipagtitigan siya at ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inaasahan. Nagtatanggal siya ng butones sa harapan ko!Napasinghap ako bigla at nag-iwas ng tingin. "A-ano bang ginagawa mo?!"He chuckled. Talagang pinagtitripan ako ng isang ito!Tumalikod ako at napapikit. My gosh! Katapusan na ba ng maliligayang araw ko rito sa Jakarta? Hindi pa man nagsisimula ang taping pero mawawasak na ako."Why are you avoiding me? 'Di ba't nakita mo naman 'to lahat?" bumulong siya sa tenga ko. Damang-dama ko ang malalim niyang paghinga na tumatama sa aking leeg. "The only thing left to do is to touch it..." he seductively suggested.Napakagat-labi ako. Kaunti na lang talaga at bibigay na ako. Punyet
Lola's POVPagkarating sa Kahyangan Restaurant ay naging banayad ang tibok ng puso ko.Mga 15 minutes ang layo namin mula sa hotel na tinutuluyan namin nila JD. Marahil ay ayaw niya na may paparazzi na humabol sa amin. I found it amazing. Para lang talaga akong ordinaryong tao at hindi isang artista.Naging madaldal siya sa loob ng kotse. Kada may madaraanan kaming building o tourist attraction ay sinasabi niya sa akin kung ano iyon. Ako naman ay puro tango lang ang nagagawa.Napangiti naman ako sa city lights mula sa labas na matatanaw sa spot kung saan kami nakaupo ni JD. Overlooking ang mga buildings na kalapit. Napakagandang tingnan dahil sa mga ilaw nito."Beautiful, isn't it?" bigla ay tanong ni JD pagkakuwan.Napatango ako sa kanya at nginitian siya. "Hindi ko alam na may ganito pala rito. Nakaka-relax makakita ng magandang tanawin. Hindi ko na-realize na matagal na rin pala mula noong huli akong nag-vacation. Puro na lang pala ako trabaho..." ani ko habang nakatanaw pa rin sa
Lola's POVHindi na ako nilubayan ng tingin ni JD magmula noong gawin namin iyon sa cubicle sa eroplano.Naging maayos naman ang paglapag ng eroplano sa Jakarta Airport. Sinabihan ni Tita Jet si Michelle ang tungkol sa mga gamit namin at tumalima naman ang huli.Pagkalabas namin ng airport ay bumaling sa amin si Direk Bim. "Didiretso ba kayo sa hotel?""Hindi po muna, Direk. May bibilhin po muna kami ni Lola. Mauna na po kayo roon at magpahinga," nakangiting sagot ni Tita Jet."Okay. Wala pa naman tayong gagawin ngayon, but we have dinner together, ha? Walang mag-iiba ng venue.""Yes, Direk!"Pagkatapos naming mag-usap ay diretso na kaming sumakay ng taxi.Maya-maya ay may chat akong natanggap.JD: Where are you going?Me: May bibilhin lang kami ni Tita Jet saglit.JD: Why didn't you tell me? Sana nasamahan ko kayo.Me: Manager ko ang nagyaya. It's only for girls.JD: Okay. Just be safe, babe.Babe. Heto na naman ang tawag niya sa akin.I frustratedly sigh at isinandal ang ulo ko sa h