Share

Let Me Be The One
Let Me Be The One
Author: Miss Cassy

PROLOGUE

Author: Miss Cassy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan   na ako ng mga nakakasalubong  ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?

Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan nga ay hindi maubos-ubos ang mga turista na pumupunta rito. 

Tumigil na ako sa paglalakad nang marating ko na ang aking destinasyon. Sa pagtapak ko sa lugar na ito ay parang binubuksan ko ulit ang kahon na matagal ko ng binaon sa kailaliman ng puso ko. Dahan-dahan kong inilagay ang bulaklak at sinindihan ang kandila sa tapat nila. 

“Mama, Papa,” tumingala ako upang pigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko. “Nandito na po ako. Pasensya na po k-kung ngayon lang ako nakabisita ha? Pasensya na po kung ngayon lang kayo kinausap ng unica hija ninyo,” panimula ko habang marahan na hinahaplos ang mga pangalan nila sa kanilang puntod.

“Ang anak niyo po ay isa ng Architect!Nagawa ko po Mama at Papa! Nakarating na rin po ako sa mga lugar na tinitingnan lang natin sa maliit nating TV noon. Natikman ko na po yung mga pagkain na tinatanaw lang natin sa mga mahahaling restaurant. Napagawa ko na po yung pangarap nating bahay. Naalala mo pa po ba, Pa? yung ginuhit ko sa kapirasong papel na ipinakita ko sainyo habang hirap na hirap kayo pakinisin yung kahoy? pero sa kabila po ng lahat ng iyon ay may kulang pa po eh...” Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang paglabas ng aking mga hikbi “W-wala p-po k-kayo p-para m-asaksihan l-lahat n-ng iyon,” pagtatapos ko ng aking salaysay. Hinigpitan ko ang hawak saaking damit habang pinipigilan ko ang aking sarili sa pagluha pero kahit anong pagpigil ko ay ito lamang ang paraan para kahit papaano ay maibsan ang bigat saaking dibdib na dala-dala ko mula noon hanggang ngayon. 

“Maraming salamat po, Mama.  Maraming salamat po dahil pinalaki niyo ako na matatag at malakas.  Napakahirap po, Mama at Papa. Kayo po ang naging inspirasyon ko para makarating sa kung ano at sino man ako ngayon. Ngayon lang po ako nagkaaron ng lakas na loob na pumunta rito, sana po patawarin ninyo ako. Ma, Pa. Sana po proud po kayo sa akin Mahal na mahal ko po kayo,” saad ko pa sa aking mga magulang. Tumayo na ako sa damo na aking kinauupuan at lumabas na ng sementeryo. Sinabi saakin nila tita noon na sa manila ko nalang ipalibing ang mga magulang ko pero nanindigan ako na dito sila sa Sta. Cruz ihimlay.  Hiniling sa akin noon nina Papa na dito sila namulat kaya dito na rin nila ititiklop ang talukap ng kanilang mga mata.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pinapadasahan ng tingin ang mga tao na nakakasalubong ko. Dinala ako ng aking mga paa sa baybayin ng Sta. Cruz. Sinalubong ako ng musika na ginagawa ng alon sa t’wing tatama ito sa baybayin. Ito ang paborito  kong lugar sa lahat lalo na kapag pagmamasdan ang sunset at sunrise pero ito rin ang ayaw ko ng balikan. Napakaraming alaala na nakatago rito na ayaw ko ng bumalik pa. Nakakalungkot lang dahil makulimlim ngayon kaya hindi ko masasaksihan ang paglubog ng araw. Tila nais iparating saakin ng mundo na nakikiramay siya sa nararamdaman ko ngayon. 

Akala ko naubos na ang luha ko kanina habang kinakausap ko ang puntod ng aking mga magulang pero nagkakamali ako. Hindi mapakali ang puso ko habang ito’y sinasalinan ng iba’t ibang uri ng emosyon. Nais kong sumigaw pero tila walang lumalabas na boses sa aking bibig. Nais kong ilabas ang galit ko pero wala akong lakas at tila napako ang aking mga paa sa kinaroroonan ko ngayon. 

“Ma’am, uulan na po at malakas din ang hangin. Umalis na po kayo rito, mapanganib na po.”  Napabalik ako sa reyalidad nang biglang magsalita ang coast guard at pinapaalis na ako sa lugar na ito pero ayaw ko pang lumisan. 

“Susunod na lang po ako,” tipid kong tugon at hindi ko na alintana kung makita niya kung gaano ako kadurog ngayon.

“Pero ma’am, delikado na po talaga rito,” nababahala na tugon niya saakin habang tinitingnan ang madilim na langit at naglalakihan na mga alon. 

“Kuya, ayos lang po ako. May pamilya pa po na hinihintay kayo. Aalis na lang po ako.” Pagsisigurado ko sa kaniya at binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti. Nagugulumihanan man ay tumango nalang ito saakin at dali-daling umalis sa baybayin. Biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinasabayan ng malalakas na kulog at nakakasilaw na kidlat. 

Napa-upo na lang ako at yinakap ang aking sarili. Kasabay no’n ay ang pagbuhos ng mga luha na itinatago sa loob ng mahabang panahon. Dinig ko ang marahas na pagtama ng alon sa baybayin na walang pinagkaiba sa kung paano muling bisitahin ng mga masasakit na alaala ang buong sistema ko. 

“I’m sorry”

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko nang marinig ang baritanong boses na iyon. Isa lang kilala ko na may boses na katulad nun na bubuhay sa sistema ko. Isa lang ang kilala ko at hindi ako maaring magkamali. Liningon ko ang pinanggalingan ng boses at sinalubong ako ng isang matangkad na lalaki na katulad ko ay basang basa na rin. Nakasuot siya ng kulay itim na sleeves at kakitaan ng tikas ang katawan nito. Kahit na hindi ko makita nang maayos ang kaniyang mukha ay alam kong hindi nagkamali ang suspetya ko. 

Sa lahat ng tao na maari kong makita ay siya ang tao na ayaw kong makadaupang palad. Dahil kahit gaano kasakit ang idinulot niya alam na alam ko na hindi ko mapipigilan ang puso ko na tanggapin at patawarin siya. Dahil kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin ang nais kong makasama pero natapos na lahat, kahit ihiling pa sa mga tala.

Related chapters

  • Let Me Be The One   CHAPTER I

    1.Napa-upo ako sa sahig ng palengke dahil sa sobrang pagod. Tirik na ang araw dahil alas dose na ng umaga at halos siksikan na ang tao sa loob. Marahan kong pinupunasan ang pawis sa aking mukha habang nilalagok ang malamig na bottled water na binili ko sa may kanto. Basa na rin ang laylayan ng suot kong mahabang palda na pinamana pa saakin ni lola at kulang na lang ay pigain ko na ang damit ko dahil sobrang basa na rin nito.Hindi nakatakas sa aking paningin ang grupo ng mga estyudante na masayang nag-uusap sa labas ng mall habang hawak-hawak ang isang paper cup na galing sa Starbucks. Nakasuot din sila ng magagarang damit at makikita mo sa kanilang tindig at pananalita na galing sila sa isang marangyang buhay hindi tulad ko na halos nasa laylayan na ng mundo kung sabihin.“Cassie, trabaho na!” sigaw saakin ni Tomas, ang matali

  • Let Me Be The One   CHAPTER II

    2.“Grabe, first day pa lang pero maganda na ang impressions sa’yo ng mga professors, Cassie!” tugon ni Penelope Cabrera, siya ang aking best friend since high school kaya isa rin siya sa mga pinagkakatiwaalan ko nang lubos.“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Talagang mababait lang talaga sila.” Niligpit ko na ang mga gamit ko para makakain na kami ni Penny. First come, first serve pa naman sa cafeteria, pahirapan pa naman magkaroon ng table roon. Unless, part ko ng mayayamang tao or yung family mo ay contributor ng school.“Sus, pa-humble pa. Kamusta naman si baby boy ko?” tugon sa akin ng kaibigan ko na siyang ikanakunot ng noo ko.“Baby boy? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang tugon ko kay Penny na naging dahilan kung bakit biglang nasira ang mukha n

Latest chapter

  • Let Me Be The One   PROLOGUE

    “Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan na ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan

DMCA.com Protection Status