Share

CHAPTER I

Author: Miss Cassy
last update Last Updated: 2021-07-14 07:15:19

1.

Napa-upo ako sa sahig ng palengke dahil sa sobrang pagod. Tirik na ang araw dahil alas dose na ng umaga at halos siksikan na ang tao sa loob. Marahan kong pinupunasan ang pawis sa aking mukha habang nilalagok ang malamig na bottled water na binili ko sa may kanto. Basa na rin ang laylayan ng suot kong mahabang palda na pinamana pa saakin ni lola at kulang na lang ay pigain ko na ang damit ko dahil sobrang basa na rin nito. 

Hindi nakatakas sa aking paningin ang  grupo ng mga estyudante na masayang nag-uusap sa labas ng mall habang hawak-hawak ang isang paper cup na galing sa Starbucks. Nakasuot din sila ng magagarang damit at makikita mo sa kanilang tindig at pananalita na galing sila sa isang marangyang buhay hindi tulad ko na halos nasa laylayan na ng mundo kung sabihin.

“Cassie, trabaho na!” sigaw saakin ni Tomas, ang matalik kong kaibigan. Pinahiran ko ang aking bibig gamit ang tela na nakasabit sa balikat ko at bumalik na sa trabaho. Kinuha ko na ang kutsilyo at nagsimulang linisan ang mga isda. Minsan kasi ay medyo maarte ang mga customers at gusto nila ay wala ng kaliskis o hasang ang mga isda na iuuwi nila, kulang nalang ay lagyan ko na ng asin at ibang pampalasa para prituhin nalang nila. 

Habang inaalisan ko ng hasang ang isda na hawak ko ay muli akong napatingin sa grupo ng mga kabataan na ngayo’y nagbibiruan na at may isang lalaki na nakatuon lamang sa makapal na libro. Minsan iniisip ko kung paano kaya mabuhay sa tinatamasa nila? Yung walang iniisip kundi ay mag-aral nalang. Hindi na iisipin kung saan kukuha ng pagkain sa araw-araw o pambili ng mga gamit para sa paaralan. 

“Cassie, masama ba pakiramdam mo? Ako na niyan ang magtutuloy.” Nabaling ang atensyon ko kay Tomas na nasa tabi ko na pala ngayon. Huminga ako nang malalim at nginitian na lamang siya nang tipid.

“Ayos lang ako, may iniisip lang.” Nginitian ko siya at hinugasan na ang aking mga kamay. Hindi pa rin umaalis si Tomas sa kaniyang kinatatayuan kaya alam kong hindi niya tinatanggap ang rason ko. “Tomas, ayos lang talaga ako.” Nilingon ko siya at sinusubukan ko siyang makumbinse gamit ang mga mata ko.  Napahinga na lamang siya nang malalim at itinaas ang dalawang kamay na nagsasabing ako ang panalo.

“Oo na, Cassie. Ipagpalagay na lang natin na naniniwala ako sa’yo,” tugon niya at siya na ang naglinis sa nilinisan ko ng mga isda. Wala ng nagsalita pa saamin pagkatapos nun at nagsidatingan na rin ang mga mamimili kaya hindi na rin ako tinanong pa ni Tomas na siyang ikinatuwa ko.

Sa lahat ng tao ay si Tomas ang masasabi kong living diary ko. Sabay kaming lumaki at magkapatid na ang turingan namin sa isa’t isa. Siya rin ang katulong namin ni Mama sa palengke at dahil din sa kaniya kaya marami ang bumibili saamin halos mga dalaga o matandang dalaga. Hindi naman kasi matatanggi ang kagandahang lalaki ng kaibigan kong ito. Dahil na rin siguro laking palengke kaya ngayon ay makikita ang naglalakihan nitong mga braso at dibdib. Half spanish din siya kaya makikita ang dugong kastila sa kaniyang hitsura pero kayumanggi ang kulay ng kaniyang kutis na namana niya sa kaniyang ina. 

“Hoy, Cassie! Kung nakakatunaw ang titig, kanina pa tunaw si Tomas.”  Nabaling ang atensyon ko kay Juliet dahil sa itinuran niya. Hindi ko namamalayan na napatitig na pala ako kay Tomas. 

“Ang ingay mo naman Juls. Nakakahiya,” mahina kong tugon at inilagay na sa plastic ang mga gulay. 

“Alam mo sa palagay ko ay crush ka niyan ng kaibigan mo eh.Kainggit naman, gusto ko rin.” Tumingin siya kay Tomas at tila nakatapak na siya sa mga ulap habang tinititigan niya ito. Napailing na lang ako sa itinuran ni Juls at pinagpatuloy ang ginagawa ko. 

Imposible ang sinasabi ni Juls? Ako maging crush ng lalaking iyon? Mas malaki pa ang pag-asa na pumuti ang uwak. 

--

“Hay salamat, makakapagpahinga na!” bulalas ni Tomas habang sinasara ang puwesto namin sa palengke. 5 pm na ng hapon at talagang ramdam na ramdam ko na ang pananakit ng katawan ko. 

“Mabuti na lang at araw-araw malaki ang kinikita natin sa palengke, kaonti na lang at mapapagamot ko na si Papa.” Napangiti ako sa magandang imahe na nakita ko sa aking isipan. 

“Syempre naman, ikaw pa? Kayang kaya mo yan!” bulalas ni Tomas at inilagay niya ang kaniyang malansang braso sa  balikat ko, napangiwi naman ako sa bigat nito kaya agad ko itong tinanggal. 

“Ano ba yan! Ginawa mo bang perfume ang amoy ng isda at pawis?” tugon ko para asarin siya at bigla namang lumabas ang ngisi sa kaniyang mukha. 

“Ha! Amoy isda at pawis pala ha! Ito amuyin mo!” sigaw nito at itinaas niya ang kaniyang kili-kili. 

“Hoy! Ang duga mo!” sigaw ko at para kaming mga tanga na naghabulan sa kalsada.  Napatigil kaming dalawa sa pagtakbo nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. 

“CASSIE! DALI SILONG TAYO!” sigaw ni Tomas pero para bang wala akong naririnig at hinayaan kong mabasa ako ng ulan. Huling araw ngayon ng Hulyo at kahit hindi na Mayo naniniwala ako na kapag umulan sa katapusan ng isang buwan ay magiging masaya at uulan sa biyaya ang mga susunod na buwan. Napatingin ako kay Tomas na hawak na ngayon ang kamay ko at tila nagawa kong ipaintindi sa kaniya ang gusto kong gawin sa mga oras na iyon. Maari kaming ikumpara sa mga batang paslit dahil patuloy ang paghahabulan namin sa ilalim ng malakas na ulan. 

--

“Napagod ako roon,” tugon ko habang binabaybay namin ni Tomas ang maaliwalas na kalye ng Sta. Cruz. Alas syete na ng gabi at tuluyan ng tumila ang ulan.

“Lalo na ako! Pasaway ka rin talaga kasi, Andeng!” saad ni Tomas habang kinakamot ang kaniyang ulo.

“Ayaw mo nun? Nawala yung amoy ng isda saatin!” bulalas ko at tumawa nang malakas. Napailing na lang siya at nagawi ang tingin niya sa isang nagtitinda ng mga tusok-tusok.

“Diyan ka lang ha? Bibili muna ako ng makakakain natin” tugon niya at pinahawak muna saakin ang walang laman na bilao. Tumango na lang ako at hinintay  siya sa isang kanto. Hindi ko maiwasang ikalat ang paningin ko at ako’y namangha sa kung papaano pinaganda ng aming alkade ang kabuuang lugar. 

Ang centro ng Sta. Cruz ang pinakapaborito kong lugar lalo na kapag gabi. Ang bawat kalye nito ay napupuno ng mga makukulay na ilaw at nagkalat sa kalsada ang mga nagtitinda ng mga masasarap na pagkain.  Marami rin ang tumatambay dito lalo na sa park dahil ayaw nila ma-miss ang fountain show tuwing 8pm at ang mga magkasintaha n ay makikita mo sa tabi-tabi. Nakita ko si Tomas na may dalawang hawak na cup ng kwek-kwek at tila isang batang paslit na nahiwalay sa magulang, itinaas ko ang aking kanang kamay at nang makita niya ako ay agad siyang napahinga nang malalim at mabilis na pumunta sa direksyon ko.

“Akala ko nawala ka na, oh eto kwek-kwek. Alam kong gutom ka na,” tugon niya saakin habang iniaabot ang plastic cup. Umupo muna kami sa isang bench at pinagmasdan ang bawat taong dumadaan. 

“Ang ganda ng estrukturang yun oh! Someday, makikita ko rin sa isa sa mga bahay dito na iginuhit ko,” puno ng confidence kong tugon. 

“Walang duda ‘yan! Sure ako na matutupad ‘yan. Alam mo ba? sabi saakin noon ni Lola, kapag malinaw mong nakikita sa isipan mo ang gusto mong matupad ay talagang mangyayari iyon.” Isinubo niya ang isang kwek-kwek habang sinasabi ang mga katagang yun kaya hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. 

“Ikaw? Talaga bang ayaw mo na magkolehiyo?” tanong ko sa kaniya na naging dahilan ng paghinto niya sa pagkain. Nilingon niya ako at binigyan ng isang matamis na ngiti na halos ay hindi na makita ang kaniyang mga mata.

“Sinabi ko naman sa’yo diba? Gusto ko sundan ang yapak ni Itay. Sa totoo nga ay next week ay may Gig na ako sa isang resto rito.” Nakangiti niyang tugon at nag-iimagine na may gitara siyang hawak ngayon. 

Bata pa lang kami ay ‘yan na ang sinasabi saakin ni Tomas, gusto niya raw maging mang-aawit katulad ng kaniyang ama. Gusto sana ng nanay niya na mag-engineer ito dahil likas namang matalino pero nanindigan talaga siya sa kung ano ang gusto niya at para saakin ay talagang may maliwanag siyang future na naghihintay sa kaniya sa daan na pinili niya. 

“Bukas pala, aalis na ako.” Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang itinuran ni Tomas. 

“Aalis? Bakit saan ka pupunta?” naguguluhan kong tanong. Nakayuko lang siya ngayon at mahigpit ang hawak sa walang laman na plastic cup. 

“Pupunta ako ng Manila. May isang talent show kasi akong sinalihan noong nakaraang buwan at nakatanggap ako ng balita na nakapasa raw ako sa auditions. Sa tiyuhin ko muna ako manunuluyan pansamantala,” pagpapaliwanag niya at hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil sa sobrang saya. Bigla siyang nataranta nang makita ang mga luha na dumadaloy sa aking mukha at mas lalo pa tuloy akong napatawa.

“Nakakatawa ekspresyon ng mukha mo, Tomas!” bulalas ko at itinituro ko pa ang kaniyang mukha. 

“Bakit ka kasi umiiyak ha?” nakabusangot niyang tugon “Ayaw ko sanang umalis ih.” Napahinto ako sa pagtawa ko nang marinig ang sinabi niya.

“Pakiulit nga? Ayaw mo pumunta? Bakit naman, Tomas?! Oportunidad na ang lumalapit sa iyo oh, tukain mo na!” sigaw ko sa kaniya. Ano bang pumasok sa isip ng lalaki na ito at nais pang tanggihan ang grasya?

“Kasi, maiiwan ka rito. Walang magtatanggol sa iyo,” serysoso niyang tugon saakin. Napailing naman ako dahil sa rason na ibinigay niya saakin.

“Tomas, hindi na ako bata at isa pa kahit kailan ay huwang mong hayaan na mawala ang pangarap mo dahil lang sa isang tao. Tandaan mo ‘yan ha? Kaya Gora na. Kaya kong alagaan sarili ko.” Nginitian ko siya and I gently tap his shoulder para mabigyan siya ng assurance na kaya kong mag-isa. Bakas sa mukha ni Tomaw na hindi siya ayon sa sinabi ko pero wala naman siyang magagawa. 

“Ano oras ba alis mo bukas?” pag-iiba ko ng usapan. 

“Alas kwatro ng madaling araw.” Tiningnan niya ako sa mata at ngumiti “Ayos lang kung hindi mo ako masasamahan, alam kong busy ka sa pagprepare para sa klase mo,” tugon niya saakin. Bukas na ang pasukan kaya naman talagang hindi ko siya mahahatid sa terminal. 

“Mag-iingat ka roon ha? marami ang basagulero roon at baka sa susunod nating pagkikita ay Architect na ako at sikat ka ng singer,” tugon ko sa kaniya na siyang dahilan ng pagtawa naming dalawa. 

“Pero seryoso, mag-iingat ka rin dito. Huwag ka makampante sa mga tao rito ha?” pagleleksyon niya sa akin. Sasagot na sana ako ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw kasabay noon ay nagsimula na ang isang magiliw na musika at ang hinihintay ng lahat na fashion show. 

Kung ang iba ay sobrang saya na salungat ang nararamdaman ko sa oras na ito. Mahigpit na ipinagbilin ni Mama na uuwi ako bago mag 7:30 pm at hindi ko napansin ang oras dahil sa naging usapan namin ni Tomas. 

“Iuuwi na kita,” kinakabahan ding tugon ni Tomas. Hindi ko magawang magsalita at tumayo na lang sa kinauupuan ko. Halos siksikan na ang mga tao kaya naman nahihirapan akong makadaan. Halos masira na ang rib cage ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko na animo’y hihiwalay na sa katawan ko ito. Hindi ko magawang magsalita at parang bumibigat ang bawat hakbang ko dahil sa nerbyos na baka pagalitan ako ni Mama.

“Padaan po! Padaan! Excuse me po!” sigaw ko sa bawat tao na madadaanan ko. Hindi ko rin mahagilap kung nasaan si Tomas dahil nabitawan niya ako sa kalagitnaan ng napakaraming tao. Hindi nakatulong ang ilaw na parang nasa disco kami dahil hindi ko maaninag kung saan ako dapat pumunta. 

“Padaa---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong nakabangga sa matigas na bagay na nasa unahan ko. Naramdaman ko rin na napunta sa kamay ko ang sauce ng kwek-kwek na kinakain ko, napasapo ako sa noo ko nang maalala na hindi ko pa pala ito natatapon sa basurahan.

Biglang lumiwanag ulit ang paligid at kulang na lang ay magparty ang mga internal organs ko sa sobrang tuwa dahil mapapabilis na ang pagtakbo ko pauwi.

“What have you done?!” 

Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ang isang baritanong boses sa hindi kalayuan saakin. Aalis na sana ako pero lahat ng tao sa plaza ay nakatingin sa akin kaya hindi ko magawang umalis. 

“Hey, woman! Ano tingin mo sa akin? Basurahan?” galit na tugon  nito at naramdaman kong papalit sa direksyon ko ang mga yabag ng paa. 

Dahan-dahan akong lumingon at napangiwi ako nang makita ang isang lalaki na nakasuot ng white sleeves pero natapunan ng kwek-kwek sauce ang damit niya, mukha namang mamahalin. Hala, gusto niya bang bayaran ko ang damit niya? Huwag naman, wala akong pera! 

Gusto ko pa sanang magdahilan at ipagtanggol ang sarili ko pero wala na akonh oras at kailangan ko ng umuwi kundi ay mapapatay ako ni Mother Earth!

“U-uhm hi po, Kuya! um sorry po ha? hindi ko po sinasadya, sorry po talaga!” sigaw ko. Aalis na sana ako pero bigla akong napatigil nang magsalita na naman ito.

“Gano’n na lang yun?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Dahan-dahan ko siyang hinarap na mayroong kuryosidad sa mukha.

“Ano po ba gusto mong gawin ko? Sumayaw? Lumuhod? Hangkan ang sapatos niyo?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. Lumalim ang ekspresyon sa mukha niya na para bang may mali akong sinabi.

“Alam mo  babae, hindi sincere ang sorry mo.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at binigyan ako ng nakakairitang tingin.

“Sincere? Okay sincere pala ang gusto mo ih,” tugon ko sa kaniya. Hinarap ko siya at ngumiti, yung ngiti na nagpapakita na ayaw ko sa kaniya “Pasensya na po, kamahalan.” Yumuko ako sa kaniya at ngumiti ulit. “Okay po ba? Sige bye!” sigaw ko at nagmadaling tumakbo. 

Bago ako tuluyang makaalis ay muli kong sinulyapan ang maarteng estranghero na nakilala ko at hindi ko maintindihan kung bakit lihim kong hinihiling na sana ay ipagkrus ulit ng mundo ang landas naming dalawa.

Related chapters

  • Let Me Be The One   CHAPTER II

    2.“Grabe, first day pa lang pero maganda na ang impressions sa’yo ng mga professors, Cassie!” tugon ni Penelope Cabrera, siya ang aking best friend since high school kaya isa rin siya sa mga pinagkakatiwaalan ko nang lubos.“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Talagang mababait lang talaga sila.” Niligpit ko na ang mga gamit ko para makakain na kami ni Penny. First come, first serve pa naman sa cafeteria, pahirapan pa naman magkaroon ng table roon. Unless, part ko ng mayayamang tao or yung family mo ay contributor ng school.“Sus, pa-humble pa. Kamusta naman si baby boy ko?” tugon sa akin ng kaibigan ko na siyang ikanakunot ng noo ko.“Baby boy? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang tugon ko kay Penny na naging dahilan kung bakit biglang nasira ang mukha n

    Last Updated : 2021-07-14
  • Let Me Be The One   PROLOGUE

    “Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan na ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan

    Last Updated : 2021-07-14

Latest chapter

  • Let Me Be The One   CHAPTER II

    2.“Grabe, first day pa lang pero maganda na ang impressions sa’yo ng mga professors, Cassie!” tugon ni Penelope Cabrera, siya ang aking best friend since high school kaya isa rin siya sa mga pinagkakatiwaalan ko nang lubos.“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Talagang mababait lang talaga sila.” Niligpit ko na ang mga gamit ko para makakain na kami ni Penny. First come, first serve pa naman sa cafeteria, pahirapan pa naman magkaroon ng table roon. Unless, part ko ng mayayamang tao or yung family mo ay contributor ng school.“Sus, pa-humble pa. Kamusta naman si baby boy ko?” tugon sa akin ng kaibigan ko na siyang ikanakunot ng noo ko.“Baby boy? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang tugon ko kay Penny na naging dahilan kung bakit biglang nasira ang mukha n

  • Let Me Be The One   CHAPTER I

    1.Napa-upo ako sa sahig ng palengke dahil sa sobrang pagod. Tirik na ang araw dahil alas dose na ng umaga at halos siksikan na ang tao sa loob. Marahan kong pinupunasan ang pawis sa aking mukha habang nilalagok ang malamig na bottled water na binili ko sa may kanto. Basa na rin ang laylayan ng suot kong mahabang palda na pinamana pa saakin ni lola at kulang na lang ay pigain ko na ang damit ko dahil sobrang basa na rin nito.Hindi nakatakas sa aking paningin ang grupo ng mga estyudante na masayang nag-uusap sa labas ng mall habang hawak-hawak ang isang paper cup na galing sa Starbucks. Nakasuot din sila ng magagarang damit at makikita mo sa kanilang tindig at pananalita na galing sila sa isang marangyang buhay hindi tulad ko na halos nasa laylayan na ng mundo kung sabihin.“Cassie, trabaho na!” sigaw saakin ni Tomas, ang matali

  • Let Me Be The One   PROLOGUE

    “Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan na ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status