2.
“Grabe, first day pa lang pero maganda na ang impressions sa’yo ng mga professors, Cassie!” tugon ni Penelope Cabrera, siya ang aking best friend since high school kaya isa rin siya sa mga pinagkakatiwaalan ko nang lubos.
“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Talagang mababait lang talaga sila.” Niligpit ko na ang mga gamit ko para makakain na kami ni Penny. First come, first serve pa naman sa cafeteria, pahirapan pa naman magkaroon ng table roon. Unless, part ko ng mayayamang tao or yung family mo ay contributor ng school.
“Sus, pa-humble pa. Kamusta naman si baby boy ko?” tugon sa akin ng kaibigan ko na siyang ikanakunot ng noo ko.“Baby boy? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang tugon ko kay Penny na naging dahilan kung bakit biglang nasira ang mukha nito.“Hays naman talaga, Cassie! Tutol ka ba sa pagmamahalan naming dalawa ni Tomas?!” frustrated nitong sigaw. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya at tila hindi maproseso ng utak ko ang narinig. “Ano?Kayo na ni Tomas?!” biglaang sigaw ko. Agad na napalingon saamin ang lahat ng tao sa cafeteria at kahit na yung masungit na tindera ay sinamaan kami ng tingin. Namula ang mukha ni Penny at agad akong hinatak upang manahimik ako.“Hoy Hoy! Kung gusto niyo magsigawan eh umalis kayo rito!” bulalas saamin ng masungit na tindera. Napangiwi naman ako sa kaniyang sinabi, siguro araw-araw ito may regla kaya everyday masungit.
“Ang sama talaga ng ugali niyan. Kapag ako napikon ay talagang buburahin ko ang drawing niyang kilay. Akala mo naman kinaganda ang lipstick color na pink!” pagpaparinig ni Penelope. Halos madura ko ang kinakain ko at impit na napatawa ang mga kalapit table namin dahil sa sinabi ng kaibigan ko.
“Hayaan mo na yun! so ano na bhe? Kayo na ba ni Tomas?” nakangisi kong tugon at agad na bumalik ang pamumula sa pisnge ni Penelope.
“Joke lang yun! Ikaw naman, nakakahiya! Practice lang kasi.” Binatukan ko siya dahil sa kaniyang tinuran. Akala ko talaga eh girlfriend/boyfriend na nila ang isa’t isa.“Para kang sira talaga kahit kailan. Ba’t kasi hindi ka pa umamin kay Tomas? Malay mo kayo talaga ang para sa isa't isa at naghihintayan lang talaga kayo kung sino ang mauuna umamin?” tanong ko sa kaniya habang sinusubo ang siomai niluto ko kaninang umaga para baunin.“Ako aamin? Ako talaga magfifirst move? Para mo naman lang na sinabing magpakamatay ako,” singhal ni Penny habang minumurder ang pagkain niya.“Ma-pride ka, ma-pride siya. Saan kayo pupulutin niyan?” tanong ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
“Kahit na at isa pa, hinding hindi ako magugustuhan ng lalaking iyon. Nakikita ko sa kaniyang mga mata na may iba na siyang napupusuan.” Bigla siyang sumimangot pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon at nakita ang kakaibang kalungkutan na namutawi sa kaniyang mga mata.
“Paano mo naman nasabi ‘yan ha? Para nga kayong linta na hindi kayang paghiwalayin sa tuwing kayo’y magkasama eh,” sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang babaeng ito, mahal niya si Tomas pero palaging nag-iisip ng dahilan para ikawasak ng kaniyang puso.“Nararamdaman ko iyon, Cassie my sissy. How I wish sa akin niya na lang ibaling ang kaniyang atensyon at nakangiti pa akong susuklian iyon! Ewan ko ba riyan sa kaibihan mo! maganda naman ako, sexy at matalino!” pagrereklamo nito sa akin. Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay talagang may laban si Penelope. Makinis ang kaniyang mga balat at singkit ang mga mata na namana niya sa kaniyang ina na haponesa. Mahaba ang unat na buhok at talagang malinis sa katawan. Marami nga ang nanliligaw sa kaniya pero si Tomas lamang ang kinahihibangan niya since high school.
“Maganda ka naman talaga, umamin ka na kasi para hindi ka na makaimbento pa ng kung anong dahilan para saktan mo ang sarili mo. Gaga ka talaga,” tugon ko rito habang nililigpit ang kinainan ko. Nanahimik naman si Penny at tila pinagiisipan ang sinabi ko. Dapat pumayag siya sa suggestion ko, it's now or never!
Lumabas na kami ni Penny sa cafeteria. Engineering student si Penny pero hulog ata ng langit na magkapareho ang schedules namin kaya magkasabay pa rin kaming kumain. Magpapaalam na sana ako para pumunta sa next class ka nang bigla niyang hinawakan ang aking braso. Tiningnan ko siya at halos matawa ako sa mukha niya dahil parang gagawa siya ng desisyon na siguradong pagsisihan niya.
“Oo na! Aamin na ako mamaya kaya kaya kaya samahan mo ako!” habol hininga nitong saad. Ganito ba talaga siya kahibang kay Tomas? Ang swerte naman ng lalaking iyon.“Sige ba pero hindi kita masasamahan ngayon ih.” Napahawak ako sa batok ko nang maalala ko na wala na nga pala si Tomas sa Sta. Cruz.
“Ha? Bakit naman? Please Cassie!” Hinawakan ni Penny ang mga kamay ko at talagang nakita ko sa mga mata niya na talagang desidido na siya. Paano ko ba sasabihin ito? Hala, lagot talaga ako!
“Ah kasi, ano... Wala na si Tomas dito sa Sta. Cruz ih. Umalis na siya papuntang Manila kaninang alas kwatro.” Nginitian ko siya at bigla niyang nabitawan ang mga kamay ko “Ah sige, kita na lang tayo pagkatapos ng klase ha? See ya!!!!” sigaw ko at nagsimula ng tumakbo. Kung maabutan niya ako ay siguradong madedehado ako sa mga hampas niya.
“Loko ka talaga, Kassandra Celestine!” malakas na sigaw nito na siyang dahilan ng pagtawa ko.----
Inunat ko agad ang aking mga braso pagkalabas ko ng classroom. Natapos din ang unang araw ng klase, sa dami ng mga outputs at assignments na ibinigay saamin ay aakalain kong hindi naman first day ngayon. Ngayon pa lang ay alam ko na kung sino ang mga strikto sa mga hindi.
“Cassie!!!” tugon ng isang matinis na boses sa dulo ng hallway. Kahit hindi ko pa tinitingnan kung sino ang tumatawag sa akin ay alam ko na agad kung kanino galing iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang masiglahing Penelope na papunta sa direksyon ko.
“Pene--” hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko nang bigla akong may nabangga na naging dahilan ng pagbagsak naming dalawa.
“What the hell?!” saad ng isang maarte at manipis na boses na ikinalaki ng mga mata ko.Oh no, not today. Any day but not today.
Tiningnan ko kung sino ang nakabanggaan ko at tama nga ang hinala ko. Nabangga ko lang naman ang anak ng sikat na abogado sa lugar na si Trixie Diaz. Sikat siya sa buong school at kilala siya sa kaniyang bitchy attitude na kinaiinisan ng lahat.
“I’m sorry po, hindi ko po sinasadya.”Agad akong tumayo at inilahad ko ang aking palad para tulungan siyang makatayo pero tiningnan niya lamang ako mula ulo hanggang paa at itinabig ang aking palad. “Nevermind. Ayaw kong madumihan ang precious hand ko ng isang alipin na tulad mo. Next time kasi ay huwag mo ipahalata na ignorante ka at kung saan-saan ka nakatingin. Come on, girls!” tugon nito saakin at sinadyang banggain pa ang balikat ko. “Ignorante, why is she even here?” turan ng mga alepores ni Trixie at katulad na ginawa ng kanilang master ay sinadya rin nilang banggain ang aking balikat. Hindi ko magawang kumilos dahil nararamdaman ko ang mga titig sa akin ng ibang estyudante rito sa hallway.“Sige na! Alis na! Tapos na ang palabas! Mga chismosa! Kung ano-ano ang mga sasabihin na hindi naman ikakabuti ng sitwasyon.” Napaluha ako nang marinig ang boses ni Penelope na narito na sa tabi ko.
“Ayos lang ako, Penelope.” Inangat ko ang aking tingin sa kaniya at nginitian nang tipid. “Sumusobra na talaga ang Trixie na ‘yan ha? Pag ako talaga hindi makapagpigil talagang sasabunutan siya at buburahin ko ang sobrang kapal niyang foundation!” naiiritang tugon ni Penelope habang tinitingnan si Trixie na hindi kalayuan saamin.“Hayaan mo na iyon. Tara, uwi na tayo.” Hinatak ko na siya paalis doon. Kilala ko si Penelope at kapag talaga hindi siya makapagpigil ay baka mas lumala pa ang sitwasyon, mawala pa ang scholarship ko.
Bumili muna kami ni Penny ng isaw sa labas ng University dahil nagugutom na raw siya at kinailangan niya pang tiisin ang gutom niya dahil sa pag eskandalo ni Trixie. Hinayaan ko lang siya magsalita ng kung ano-ano patungkol sa babae at kinalaunan ay napunta na naman ang topic tungkol sa mga lalaki na siyang hindi ko na ipinagtataka.
“Eh ikaw, Cassie? Sino ba ang crush mo?” biglaang tanong sa akin ni Penny na naging dahilan kung ba’t ako nabilaukan. Ba’t naman kasi sa lahat ng maari niyang itanong ay yun pa talaga ang tinanong niya.“C-crush? Jusmiyo perdon! Ano bang klaseng tanong ‘yan? Syempre wala pa akong crush!” paglilinaw ko sa aking sarili at agad kong ininom ang buko pandan kong palamig. Napairap naman si Penny sa sagot ko na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ko.
“Ano ka ba naman, Cassie! Bakit parang kasalanan para sa iyo magkacrush? Crush lang naman ih! It can be anyone! Kahit na si ‘yun oh! Si kuyang kumakanta o kaya naman si kuya na kumakain ng fishball o kahit ‘yung nagtitinda! Come on, tell me! Sino?” pangugulit saakin ni Penny. Napaisip naman ako sa sinabi niya pero wala talaga ih. Ang sama naman kung magtuturo lang ako kung sino!
“Wala talaga ih!” pagpupumilit ko. Napahinga na lang nang malalim si Penny. Bigla niya akong hinarap na para bang ineeksamin ako nang mabuti at agad na lumiwanag ang kaniyang mukha na parang mayroong magandang ideya ang pumasok sa kaniyang isipan.
“Alam ko na! Ito na lang, ano ang ideal man mo? standards ganoon? huwag na huwag mo isasagot sa akin na mabuti ang kalooban at talagang itutulak kita sa kumululong mantika sa side mo,” pananakot sa akin ng aking kaibigan. Successful naman ang kaniyang pananakot dahil agad akong umusog, mahirap na baka totohahin. Baliw pa naman ito minsan.“Anong klase ba? Physical appearance ganoon?” paglilinaw ko na at agad naman itong pumalakpak at ngumiti nang napakalapad.
“Mismo!” sigaw nito. Napaisip naman ako kung ano ba ang isasagot ko sa kaniya. Sa totoo lang eh wala talaga akong maisip. Hindi ko naman pinoproblema ang pag-ibig ih at hindi rin ako nagfofocus sa panlabas na anyo because I believe that looks can be deceiving but kailangan ay may maisagot ako kay Penelope dahil baka bigla na lang ako nito itulak sa mantika.“Ang gusto ko sa lalaki ay,” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang nabaling ang atensyon ko sa matangkad na lalaki na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Siya ay nakasuot ng puting sleeves at itin na pantalon sa kaniyang pambaba. Nakaayos din nang mabuti ang kaniyang maitim na buhok at sobrang lamig ng titig ng kaniyang kulay kape na mga mata. Kapansin-pansin din ang kaniyang matangos na ilong at detalyadong jawline na parang talagang sinadyang iginuhit na ginamitan ng mga panukat. Kakikitaan din ng tikas ang kaniyang tindig at nakakaagaw pansin ang kaniyang matipunong pangangatawan na dumagdag sa kaniyang charisma.
Biglang lumiwanag ang paligid at tila ba bumagal sa pagtakbo ang oras. Wala akong ibang nakikita kundi ang estranghero na parang bumaba mula sa langit at namamasyal ngayon sa kalupaan. Nawala ang masiglang musika at ang ingay ng mga tao sa paligid at ang tanging naririnig ko na lang ay ang mabilis na tibok ng aking puso. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na papunta siya sa direksyon ko ngayon.
“Kassandra!” sigaw ni Penelope sa akin kaya bigla akong napabalik sa reyalidad. Bumalik na sa dating takbo ang oras, bumalik na rin ang musika’t ingay sa paligid. Tiningnan ko si Penelope at binigyan niya ako ng naguguluhan na tingin.
“A-ayos lang ako,” utal-utal kong tugon at agad na pinahiran ng bimpo ang pawis na namumuo sa aking noo.
“Gaga ka, anong nangyari sa’yo?” tanong sa akin ni Penny at inilagay pa ang kaniyang palad sa noo at leeg ko.
“Wa-wala.” Titingan ko sana ulit ang lalaki pero bigla akong napaatras nang makitang nasa harapan ko na siya ngayon. Jusmiyo perdon, ba’t nandito siya?Dumapo ang kaniyang tingin sa akin at halos hindi na ako makahinga sa lalim ng tingin niya. Ang kaniyang kulay kape na mga mata ay parang pamilyar sa akin pero wala ngayon sa estado ang utak ko para alalahanin kung saan ko siya nakita. Humakbang siya papalapit sa akin kaya pumasok sa aking ilong ang kaniyang panlalaking pabango at hindi ko mapigilan na singhutin iyon.
Mas lalo akong napaatras sa lamig ng kaniyang titig. Nararamdaman ko rin ang pamumuo ng aking pawis na hindi ko matukoy kung ano ang dahilan. Dahil ba sa usok ng nilulutong isaw at fishball o dahil sa mala-adonis na kaharap ko ngayon?
“What do you want?” tanong sa akin ng estranghero gamit ang kaniyang baritanong boses na siyang naging dahilan para mawala na ako sa aking katinuan. Nagsilbing musika ang kaniyang tinig sa aking tenga na gustong gusto ko mapakinggan.
“Ikaw. Ikaw ang gusto ko,” nakangiti kong tugon sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.“Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan na ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan
1.Napa-upo ako sa sahig ng palengke dahil sa sobrang pagod. Tirik na ang araw dahil alas dose na ng umaga at halos siksikan na ang tao sa loob. Marahan kong pinupunasan ang pawis sa aking mukha habang nilalagok ang malamig na bottled water na binili ko sa may kanto. Basa na rin ang laylayan ng suot kong mahabang palda na pinamana pa saakin ni lola at kulang na lang ay pigain ko na ang damit ko dahil sobrang basa na rin nito.Hindi nakatakas sa aking paningin ang grupo ng mga estyudante na masayang nag-uusap sa labas ng mall habang hawak-hawak ang isang paper cup na galing sa Starbucks. Nakasuot din sila ng magagarang damit at makikita mo sa kanilang tindig at pananalita na galing sila sa isang marangyang buhay hindi tulad ko na halos nasa laylayan na ng mundo kung sabihin.“Cassie, trabaho na!” sigaw saakin ni Tomas, ang matali
2.“Grabe, first day pa lang pero maganda na ang impressions sa’yo ng mga professors, Cassie!” tugon ni Penelope Cabrera, siya ang aking best friend since high school kaya isa rin siya sa mga pinagkakatiwaalan ko nang lubos.“Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan. Talagang mababait lang talaga sila.” Niligpit ko na ang mga gamit ko para makakain na kami ni Penny. First come, first serve pa naman sa cafeteria, pahirapan pa naman magkaroon ng table roon. Unless, part ko ng mayayamang tao or yung family mo ay contributor ng school.“Sus, pa-humble pa. Kamusta naman si baby boy ko?” tugon sa akin ng kaibigan ko na siyang ikanakunot ng noo ko.“Baby boy? Ano bang pinagsasabi mo?” natatawang tugon ko kay Penny na naging dahilan kung bakit biglang nasira ang mukha n
1.Napa-upo ako sa sahig ng palengke dahil sa sobrang pagod. Tirik na ang araw dahil alas dose na ng umaga at halos siksikan na ang tao sa loob. Marahan kong pinupunasan ang pawis sa aking mukha habang nilalagok ang malamig na bottled water na binili ko sa may kanto. Basa na rin ang laylayan ng suot kong mahabang palda na pinamana pa saakin ni lola at kulang na lang ay pigain ko na ang damit ko dahil sobrang basa na rin nito.Hindi nakatakas sa aking paningin ang grupo ng mga estyudante na masayang nag-uusap sa labas ng mall habang hawak-hawak ang isang paper cup na galing sa Starbucks. Nakasuot din sila ng magagarang damit at makikita mo sa kanilang tindig at pananalita na galing sila sa isang marangyang buhay hindi tulad ko na halos nasa laylayan na ng mundo kung sabihin.“Cassie, trabaho na!” sigaw saakin ni Tomas, ang matali
“Maraming salamat po, balik po kayo ulit!” tugon ng sales lady habang inaabot ang roses na binili ko. Nginitian ko na lamang siya at umalis na ng shop. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa suot kong makapal na coat. Halos matamaan na ako ng mga nakakasalubong ko sa daan dahil sa kanilang pagmamadali, hindi ko naman sila masisisi dahil it's already 5pm at sino ba naman ang hindi excited na umuwi sa pamilya mo diba?Tahimik kong binaybay ang malawak na kalye ng Sta. Cruz, napakaraming lugar na ang aking napuntahan pero para saakin ay walang makakatalo sa lugar na kung saan ako lumaki. Ito’y isang maunlad na bayan, halos ang mga nakatira rito ay ang mga sikat na negosyante. Aakalain mo na nasa ibang bansa ka dahil sa malamig nitong klima at ang ambiance ng paligid na imposibleng hindi mo mapapansin. Sikat din ang lugar na ito sa usaping dagat at mga bundok, sa katunayan