CLARK'S POV:"Damn!" sigaw niya nang pumasok sa opisina. Kakagaling lang niya sa ospital kung saan si Fe na-confine, pero nakalabas na daw ang dalaga kahapon pa.Saan niya ngayon hahanapin si Fe? Pinuntahan niya rin sa condo nito. Wala na rin ang dalaga doon at nagpaalam na sa front desk na ipaparenta ang unit nito."Damn Fe, where are you?..."Pumasok ang sekretarya niyang si Hazel. Matandang dalaga ang bago niyang sekretarya. Pinaalis niya na si Franco nang malamang pinagtaksilan siya nito dahil ito pala ang nagfe-feed ng impormasyon kay Bryan tungkol sa lahat ng kilos niya. Kaya pala bigla-bigla na lang sumusulpot si Bryan sa tuwing nasa alanganing sitwasyon siya.Nanghihinayang siya kay Franco, Kaibigan na ang turing niya sa lalaki at magaling din ito sa trabaho. Kung hindi lang ito nasilaw sa pera ay may maayos pa sana itong trabaho hanggang ngayon. Nagmamadali kasing yumaman agad, kaya ayun, sa kulungan din ang bagsak kasama ang boss nitong si Bryan."Sir, tumawag ang abogado ni
"What are you doing here, Cindy?" walang ganang tanong nya. Lalo lang nito pinaiinit ang ulo nya."Wala lang... Andito ako para bantayan ka. Baka kung saan ka na naman pupunta." wika nito.Tumigas ang bagang niya. Noong isang araw na binisita niya si Fe, nagulat siya nang bigla itong sumunod sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na sinundan siya nito sa ospital. And she saw the hurt in Fe's face ng makitang magkasama sila. Di nya alam kung paano ipapaliwanag kay Fe pero mukhang wala na din namang silbi iyon... si Cindy ang pinili nya at hinid si Fe. "Wala akong pupuntahan. Dito lang ako sa opisina ko at tumunganga." pilosopong sagot nya. "Pinapatanong pala ni Dad kung ready na daw ang kasal natin. Its next month kkaya dapat ay okay na ang lahat. Are you excited?"Muli siyang napasimangot. Sa isang buwan na ang kasal nila. Nabalita na iyon sa lahat ng telebisyon at social media. Actually, hati ang pananaw ng mga tao sa magiging kasal nila ni Cindy. Ang iba, hero ang turing sa kanya da
"Good morning, Mayor..." bati ng mga nakasalubong niyang empleyado nina Ken at Jonie. Nasasanay na ang mga ito na pumupunta siya doon, pero lately ay hindi na siya nakakatapak doon dahil wala si Fe.Pagdating niya sa palapag kung saan ang opisina ni Fe ay doon siya dumiretso. Agad siyang pumasok nang hindi man lang kumatok.Nagulat siya sa nakita nang pumasok... maging ang mga tao doon ay nagulat din sa kanya.... Sina Jonie at Ken ay naroon, kasama ang isang empleyado na hindi niya kilala.Sa tagal niyang pumupunta doon ay halos kilala niya ang lahat, at sigurado siyang bago ang empleyado na kasama ng mag-asawa."Mayor Clark... Andito ka pala. Di ka man lang nag-abiso na pupunta ka!" masayang bati ni Ken at nilapitan siya. Inakbayan siya ng kaibigan at iginiya papasok ng opisina. Sabay silang umupo sa sofa, nakatingin lang nang matalim si Jonie sa kanya. Hindi siya nito pinapansin."What brings you here, Mayor?" tanong ni Ken."Ahm... nothing. Na-miss ko lang kayo, guys..." pagsisinun
Isang buwan na siyang nasa Iloilo. Halos araw-araw ay tumatawag si Jonie sa kanya tungkol sa itatayo nilang beach resort doon, pero hindi ito nagbabanggit tungkol kay Clark. Gusto sana niyang magtanong tungkol sa binata, pero mukhang hindi siya sasagutin ni Jonie.Balita niya ay tuloy na tuloy na ang kasal ni Clark at Cindy. Nakikita niya rin sa social media. Napapangiti na lang siya ng pait kapag nakikitang masaya ang dalawa sa mga litrato, samantalang siya ay ayun, nagmumukmok sa probinsya."Ate!" tawag ni Lerie sa kanya habang kumakatok sa kwarto niya. Andoon lang siya, nagpapahinga. Medyo masama kasi ang pakiramdam niya lately... parang may nakain siyang hindi maganda na gusto niyang laging masuka.Dahan-dahan siyang bumangon sa kama para pagbuksan ang kapatid. Muntik pa siyang matumba dahil sa pagkahilo."Ate... mag-ayos ka na. Graduation ko na!" nakangiting wika ni Lerie. Araw ng graduation ng kapatid niya at pupunta sila sa university."Oo nga pala!" Actually, nakalimutan niya.
"Tara na at baka ma-late pa tayo, anak!" aya ng tatay nila. Hinawakan siya ni Callum sa bisig para alalayan. Hinayaan niya na lang ito, total nagpapaka-gentleman lang naman ang binata.Simula nang nag-usap sila tungkol sa panliligaw nito sa kanya, hindi na ito muling nagbanggit tungkol doon. Pero wala naman itong mintis sa pagbisita sa bahay nila. Ayaw naman niyang ipagtulakan dahil mabait naman si Callum, kaya hinayaan niya na lang.Iisang sasakyan lang ang ginamit nila. Si Callum ang nag-drive ng Montero nila, ang tatay niya naman sa front seat. Tatlo sila ni Lerrie at nanay niya sa gitna, samantalang si Toto naman sa likod."Anak, salamat at pinagtapos mo ng pag-aaral ang mga kapatid mo, ha. Kung kami lang ng tatay mo, baka hindi talaga namin kakayanin." madamdaming wika ng nanay niya habang magkahawak sila ng kamay."Syempre, Nay! Alangan namang pabayaan ko sila!" aniyang nakangiti para hindi malungkot ang nanay niya. Lagi itong nagdadrama na wala man lang daw naiambag sa pag-aara
Muling nagpaalam ang mga propesor sa kanya dahil mag-start na ang programa. Hinanap na rin nila ang kanilang designated seats.Nilibot niya ang tingin sa paligid. Everybody is happy and proud sa kani-kanilang mga anak na ga-graduate. Para din siyang nanay ni Lerie na proud parent.Isa-isa nang tinatawag ang mga estudyanteng ga-graduate sa araw na iyon, at laking gulat niya nang tawagin ang pangalan ni Lerie bilang isang cum laude. Hindi man lang sinabi nito sa kanya?Maluha-luha siya habang paakyat silang dalawa ni Lerie. "Cum laude ka? Bakit di mo man lang sinabi sa akin?""Surprise ko sa'yo ito, Ate. Sinekreto ko talaga para ma-surprise ka! Nagulat ka ba, Ate?" Ang laki ng ngisi ng kapatid niya, naiinis na natutuwa siya dito."Yes, I'm so proud of you, Lerie… I'm so proud of you.""Salamat sa pagsasakripisyo mo para sa pamilya natin. Kaya siguro wala ka pang boyfriend dahil puro ka na lang work. This time, ako naman, Ate..." Na-touch siya sa sinabi ng kapatid.Natuon lang ang atensy
Pagdating niya sa bahay, andoon na ang pamilya niya, nag-uumpisahan na rin ang party ni Lerie."Anak, andito ka na pala. Kamusta naman ang pagpapacheck-up mo? Ano ang sabi ng doktor?" tanong ng nanay niya nang sinalubong siya."Ahm, wala naman po, Nay… Stress lang daw. Magpapahinga lang muna ako sa taas..." pagsisinungaling niya. Tiningnan lang siya ng ina na parang hindi naniniwala sa sinabi niya, pero hinayaan siyang umakyat sa kwarto niya.Marami pa silang bisita, at hindi niya pwedeng sabihin doon na buntis siya. Baka machismis siya sa buong barangay na nabuntis pero walang ama."Shit, ano ang gagawin ko?" lihim siyang tumatangis sa kanyang isip."Fe…" tawag ni Callum sa kanya bago pa siya makaakyat. Doon niya lang naalala na kasama pala niya si Callum.Tumingin siya rito na walang emosyon ang mukha."Aalis na muna ako. Babalik na lang ako some other time..." paalam nito. Tumango lang siya. Naiintindihan niya kung hindi na babalik si Callum.... sino ba namang matutuwa na ang nilil
******************CLARK'S POV:Araw ng kasal nila ni Cindy. Nasa hotel room siya at naghihintay ng oras ng kasal nila.... or should I say, araw ng "sakal" niya. Sinasakal siya ni Gov at ni Cindy. Minamadali ng mga ito ang kasal nila.Nagising na ang daddy niya, pero hindi pa rin niya ito makausap nang maayos. Naparalisa ang kalahati ng katawan nito at hindi maintindihan ang mga sinasabi. Nakaupo lang din ito sa wheelchair na parang lantang gulay.Every time na bibisitahin niya ito sa bahay nila, palagi itong umiiyak kapag nakikita siya. Parang may gusto itong sabihin na hindi magawa.Simula nang nangyari sa kanila ni Fe, hindi na siya umuuwi sa bahay nila. Sa condo niya siya tumitira. Hindi pa rin sila nagpapansinan ng mommy at ni Rosie. Iniisip kasi ng mga ito na pinili niya si Cindy over Fe.Hindi ba maintindihan ng mga ito na wala siyang choice? Napapagitna siya! Iniisip din ng mga ito na pinili niya si Cindy para sa political career niya.But no! Ang daddy niya ang dahilan kaya n
Nakikinig lang siya sa dalawa, pero pati siya ay kumukulo na din ang dugo kay Vice Mayor. Hindi niya ito mapapatawad sa pamamahiya nito sa kanya sa tuwing nagkakasalubong sila. Lagi siya nitong pino-provoke para magalit."Hayaan mo dahil tapos na ang maliligayang araw niya. Andito na ako, at sisiguraduhin kong puputulin ko ang sungay niya.""Kaya dapat, Mayor, ikaw talaga ang mananalo sa pagka-Gobernador para maputol ang sungay ng mga kurakot na politiko na 'yan!""Saka... kapag nanalo ka, Mayor, sana ako pa din ang secretary mo..." nahihiyang sabi ni Hazel."Wag kang mag-alala, Hazel. Dahil sa pinapakita mong loyalty sa akin, ay hindi kita iiwan. Ikaw pa din ang magiging secretary ko.""Talaga, Mayor? Eeeiiihhh... kinikilig ako... Thank you po, Mayor!" wika nito saka lumapit kay Clark at akmang yayakapin ito."Op, op, op! Hanggang diyan ka na lang, Hazel. Tama na 'yung magpasalamat ka... wala nang yakap!" sita niya sa dalaga habang nakapamewang."Ayy, sorry Mama Fe... masyado lang a
Pataas at pababa ang ulo niya sa pagitan ng mga hita ni Clark. Ginagalingan niya ang pag-blowj*b sa nobyo. Gusto niyang mawala ang alalahanin nito sa utak kahit panandalian lang."Ahh fuck, Fe... you’re so good. Ang sarap ng ginagawa mo. Aaaahhh..."Nang hindi na ito nakatiis ay hinawakan siya nito sa balikat at pinatayo. Muli siyang binalik sa kandungan nito. Hinawi ang kanyang panty pagilid at tinutok ang pagkalalaki nito sa gitna ng hiwa niya."You're bad, Fe... ngayon ikaw naman ang papaligayahin ko..." wika nito saka hinawakan siya sa balikat at tinulak pababa..."Aaaahhh..." napasigaw sya sa marahas na pagpasok nito sa butas nya, parang tinusok siya ng kutsilyo. Galit na galit ang alaga nitong inangkin ang kweba niya.Maya-maya, iginiling na niya ang balakang at ramdam na ramdam niya ang sarap. Dinakma naman ni Clark ang kanyang dalawang suso at nilamas iyon ng nilamas."Ahhh... ooohhhh... Clark..." ungol niya.Maya-maya, hinubad nito ang suot niyang blouse saka kinain ng salita
"Good morning, Mayor. Andito na pala kayo..." salubong ni Hazel sa kanila. Hindi ito sinagot ni Clark. Halatang mainit pa din ang ulo dahil sa nangyari sa labas.Pabagsak itong umupo sa office chair nito na seryoso ang mukha."Mam Fe, ano po ang nangyari? Bakit mainit ang ulo ni Mayor?" pabulong na tanong ni Hazel sa kanya."Nagkasagutan sila ni Vice Mayor sa labas. May pakiramdam akong si Vice ang may pakana sa lumalabas na balita sa amin ni Clark kasama ang anak namin sa Iloilo.""Nakita niyo na po pala, Mam Fe?" tanong ni Hazel na tila nahihiya. "Totoo po ba ang balitang 'yon? Na may anak na kayo ni Mayor?""Yes, it's true, Hazel. Pero hindi namin siya tinago sa mga tao. According sa balita, tinago naman siya, madami nang nakakaalam na may anak kami ni Calrk. Pinapalaki lang ni Vice ang balita. It's wrong information.""Nagwo-worry ako na magagalit si Mayor tungkol doon. Mabuti naman at nakompronta niya na si Vice." Nag-aalalang sabi ni Hazel. "Hazel!!!""Ay kabayo!!!"Napasigaw s
“Anyway bestie, salamat sa pagpahiram ng helicopter niyo. Ang saya dahil nakita ko na naman si Clarkson.”“Anything for you, bestie.” sagot ni Jonie na halatang namomroblema pa din sa anak. “We have to go na. Bukas may pasok pa si Clark sa munisipyo, at sasamahan ko siya.”“Sige bestie, ingat sa pag-uwi.”Nagpaalam na sila sa mag-asawa. May sarili nang bahay ang mga ito sa building ng Miller Stell Corporation.“Bakit ka tahimik d'yan, babe?” tanong ni Clark habang nagda-drive pauwi sa mansion.“Nag-aalala lang ako kay Gray. Habang lumalaki, parang lalo siyang nagiging pasaway.”“Ganun talaga ang mga bata. Marami silang gustong gawin sa buhay. Saka lalaki ‘yan... makulit talaga ang mga lalaki. Pero mare-realize din nila ang lahat kapag lumaki na. Don’t stress yourself too much.”Gabi na nang dumating sila sa bahay. Hindi na sila nag-dinner at dumiretso na lang sa kwarto.Habang naka-upo sa kama, tinawagan niya ang nanay niya at pinaalam na nasa Manila na ulit sila. Ngayon pa lang ay n
Tahimik lang sina Clark habang pinagmamasdan ang mga guest na masayang naliligo. May mga pamilyang magkakasama, may mga magkasintahan, at tila ba wala silang iniisip na problema. Kapag nakaharap ka talaga sa dagat, parang sinasama palayo ng hangin ang mga alalahanin mo sa buhay. Napakapayapa ng paligid.Maya-maya, dumating na si AJ dala ang kanilang almusal.“Gusto mo bang maiwan muna rito sa Iloilo kapag bumalik na ako ng Maynila?” walang anu-ano’y tanong ni Clark habang sabay silang kumakain.“Why?” tanong niya, bahagyang naguguluhan.“Kung gusto mo lang naman... Baka kasi mamiss mo agad si Clarkson. Hindi kasi ako pwedeng magtagal dito, kailangan ko nang bumalik sa munisipyo.”“Hindi... Sasama ako sa’yo. Andito naman sina Nanay, Tatay, pati na sina Tita Felicia at Tito Amado para tumulong sa pag-aalaga kay Clarkson. Magkasama tayong pumunta dito, magkasama rin tayong babalik.”“Sige, if that’s what you want. Mamayang hapon na tayo babalik. Lunes bukas, at kailangan kong maaga sa op
Nagising siya kinaumagahan na nakatabi ang Clark. Nakayakap ito sa likod niya habang siya naman ay nakaharap sa anak niyang si Clarkson. Nasa Iloilo sila at nagbabakasyon dahil sa surprise ni Clark sa kanya.Tiningnan niya ang anak na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit na kamay nito pero iniiwasang maistorbo sa mahimbing na pagtulog ni Clarkson.Habang lumalaki si Clarkson ay nagiging kamukha na ni Clark. Hindi maitatangging anak talaga siya ni Clark. Hindi na kailangan ng DNA testing... ang makapal na kilay pa lang nito ay kuhang-kuha na sa ama. Lihim siyang napangiti.She’s glad na habang wala pang muwang si Clarkson sa mundo ay nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Clark. Iyon ang ikinakatakot niya noong ipinagbubuntis pa lang niya si Clarkson... na balang araw sa paglaki nito ay wala itong kilalaning ama.Lumaki siya na may ama at ina sa tabi niya. Masaya ang pamilya nila kahit salat lang sila noon sa pera kaya hindi niya noon lubos maisip na lumaki a
“Thank you...” bulong niya kay Clark habang nakaupo sila. Hawak niya si Clarkson na natutulog na sa bisig niya. “For what?” Matamis ang ngiti nitong tumingin sa kanya. “For this... pinaligaya mo ang puso ko. You make me feel special... kami ng anak natin.” “You deserve this, Fe... Alam kong ilang beses din kitang nabalewala... and this time, hindi ko na gagawin ‘yon sa’yo.” Umiwas siya ng tingin. Naalala niya kasi ang mga panahong hindi siya pinipili ni Clark. Pero hindi na para magdamdam pa siya doon... Eto na si Clark at bumabawi na sa kanya. Nakatingin sila sa kasiyahan ng lahat ng mga empleyado nila. ‘Yun ang surprise ni Clark sa kanya... ang umuwi ng Iloilo at magpaalam sa mga magulang na magpapakasal na sila at makita ang anak nila. Maya-maya ay napahikab siya. “Are you tired already?” tanong ni Clark. “Medyo... Ang dami kasi nating ganap sa araw na ‘to. Saka first time ko din sumakay ng helicopter. Kahit na nakaka-enjoy, na-stress din ako sa takot.” kwento niya. “Hahaha
Napangiti siya habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa pisngi. Ramdam niya ang tapat at taos-pusong pagmamahal ni Clark. Wala na siyang mahihiling pa.... Kumpleto na ang puso niya. Lumipad ang helicopter ng may ilang minuto pa, at sa bawat segundo ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Excited na siya. Naiiyak sa tuwa. Parang gusto na niyang mag-time skip para makarating agad sa anak nila. Paglapag ng helicopter sa isang private helipad ay may sumundo kaagad sa kanila. Namukhaan niya ang service na sumundo sa kanila... Service ito ng resort nila ni Jonie. Napangiti siya nang kinutsaba din ni Clark pati ang resort para sa surprise sa kanya... Lihim siyang kinilig. "Hello Ma’am Fe... welcome back po!" wika ng driver nila sa resort. Nagmamadaling umakyat na siya sa van. Wala naman silang dalang maleta ni Clark. Sarili lang nila ang nadala nila. Hindi naman niya alam na makakauwi siyang Iloilo sa araw na 'yun. "Kamusta po, Mang Pedring?" "Ok naman po," matamis ang ngiting wik
"Are you happy?" bulong ni Clark na yumakap sa likod niya saka mahigpit na hinigit sa bewang. 'Yun ang paboritong posisyon nito kapag yayakapin siya—sa likod. Maging sa sex, ay parang 'yun din ang paborito nito. Makita lang siyang nakatuwad ng kaunti ay didikitan na kaagad. Lihim siyang natawa sa mga naalala niya. "Oh, bakit ka natawa?" "Hahaha… Wala, may naalala lang. Thank you, babe… Thank you sa surprise mo sa akin." "Huh? This?" nagtatakang tanong ni Clark. "Oh no, this is not my surprise for you!" Siya din ay nagtaka. Ang akala niya ay 'yun na ang surprise nito.... Meron pa ba? "Later… you'll see..." nakangising wika nito. Hinawakan nito ang kamay niya saka niyaya doon sa mga dati niyang mga kasama sa trabaho… at doon nakipag-chikahan… "Mam Fe, congrats sa proposal ni Mayor Clark sa'yo ha! Alam na namin talaga dati pa na kayo ang para sa isa’t isa, eh! Hihihi..." kinikilig na sabi ng right hand niya dati na si Cherry. Kung si Jonie ay siya ang right hand, siya rin ay