Sumisikip ang dibdib niya habang tinititigan ang pinto kung saan lumabas si James. Gusto niya itong pigilan kanina pero kailangan nitong umalis para sa ina nito.Maya-maya ay kinuha niya ang telepono at tinawagan ang pinsan niya. Wala sana siyang planong tawagan ito pero nakokonsensya siya."Hello, Ate?" wika niya nang sagutin nito ang tawag niya."Hello, Bebe... Nasaan ka? Last week pa kita inaasahan. Akala ko ay uuwi ka sa binyan ni baby?""Ahm... Andito na ako sa Pilipinas, Te. Pupunta ako diyan," wika niya. Hindi na niya sinabi na last week pa siyang nasa Pilipinas. Baka magalit ito sa kanya."Sige, hihintayin kita dito. Magpapahanda ako para sa pagdating mo." excited na sabi ni Jonie. Muli na naman siyang nakonsensya. Ang pinsan niyang laging andyan para sa kanya.Muli siyang nagpaalam at inayos ang mga gamit. Ayaw niyang tumagal pa sa Baguio nang wala si James doon. Nalulungkot lang siya.Nag-drive siya papunta ng rancho.Habang binabaybay ang daan papunta sa rancho ay pilit niy
Pagbaba niya ng unang palapag ay andoon na sa hapag-kainan sina Tito Gregore, Tita Beth, Jonie at Ken na kalong-kalong si Lilly, kasama ang panganay na anak ng mga ito na si Gray."Tita Bebe!" magiliw na sigaw ni Gray saka tumakbo papunta sa kanya. Malaki ang ngiti niyang sinalubong ang pamangkin na miss niya rin. Niyakap niya agad ang pamangkin.Siya ang taga-bantay nito dati noong maliit pa ito kaya hindi na rin siya nahirapan sa pag-aalaga kay Tyler dahil may experience na siya sa pag-aalaga ng bata."I miss you, Tita Bebe!""I miss you too, kuya Tyler! Kuya ka na... You're a big boy now!""Opo, Tita, I’m kuya now... Have you seen my baby sister? She’s so cute like Mom! Ako naman ay mana sa Dad ko na pogi!" pagmamalaki nito. Natawa silang lahat sa kabibohan ni Gray."Talaga lang ha? Sige nga... patingin nga ng baby sister mo kung maganda like your mom?""Of course, Tita Bebe! I’m not lying! Look!" wika nito saka siya ginaya sa harap ni Ken na siyang may buhat kay Lilly."Oo nga noh
"Bebe, iha. Go for what you think is right." sambit ni Tito Gregore sa kanya. Sinulyapan niya muna ang pinsan at tiyahin niya. Mukhang lumambot na rin ang mga mukha nito at sumang-ayon kay Tito Gregore."T-Thank you po, Tito...""Sige, I will let you go to Scotland, Bebe. But always remember na kahit anong mangyari ay andito pa rin kami bilang pamilya mo.""Thank you po, Ate... huhuhuh," doon na umagos ang luha niya. Tumayo siya at lumapit sa pinsan at tiyahin saka niyakap ang mga ito."Great! Hay, salamat naman at okay na ang lahat. Nakakapagod mapagitnaan!" sabat ni Ken. "Nakakapagod! Hindi ko alam kung saan ako kakampi... sa asawa ko o sa kaibigan ko!" wika nitong nakangisi. Tiningnan ito ng masama ni Jonie."Pero siyempre, baby, sa’yo ako kakampi... Hehehe. Naaawa lang ako kay James dahil nakikita kong mahal niya talaga si Bebe pero wala akong magawa para tulungan siya dahil ayaw mo sa kanya. So ngayon, okay na ang lahat at matatahimik na rin ako." Nagtawanan sila sa komento ni Ke
Tatlong araw din ang tinagal nila sa Pilipinas bago napagdesisyunan na pumunta na ng Scotland. Maaga cyang nagising upang maghanda para sa kanyang flight patungong Scotland.Habang inililigpit ang mga gamit niya ay hindi niya maiwasang magmuni-muni. Hindi pa nya nakakausap si James simula ng maghiwalay sila sa Baguio. Hindi nya alam kung bakit pero hindi na nya ito macontact. Nagdadalawang isip tuloy cya kung pupunta cya ng Scotland o hindi na.Ayaw naman nyang sabihin sa pamilya nya ang tungkol doon dahil baka kung ano na naman ang sasabihin ng mga ito. Tanggap na ng mga ito si James at ayaw na nyang sirain pa.Napa isip tuloy cya kung sa pagdating nya doon ay ganun pa din ba ang pagtanggap ni James sa kanila ng anak nya? Bakit hindi na ito komokontact sa kanya? Ang isa pa sa nagpapagulo sa isip nya ay kung paano tatanggapin ng pamilya ni James ang anak nila."Bebe, handa na ba lahat?" Nagulat cya sa pag suplot ni Ken habang sumilip sa pinto ng kwarto niya."Handa na kuya." sago
Si Tita Evelyn na ang may hawak kay Tyler. Tinulungan siya nito dahil nangangawit na siya."My apo..." wika nitong maluha-luhang mata habang tinititigan si Tyler. Nakakaiyak ang tagpong iyon pero mas napunta ang atensyon niya sa kalagayan ni James. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nalalaman ang totoong nangyari dito."Tita, ano ba talaga ang nangyari kay James?" tanong niya. Malapit na sila sa ospital pero hindi na siya makapaghintay."Nandito na tayo sa ospital, iha." yun lang ang sagot nito sa kanya. Napatingin siya sa labas ng kotse. Andoon na nga sila. Agad silang pinagbuksan ni Logan ng pinto saka lumabas na.Kung kailan naman andoon na sila ay parang ayaw na niyang pumasok. Natatakot siya sa maaaring malaman na nangyari sa nobyo niya. Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Tita Evelyn sa kanya?Nagpatuloy ito sa unahan. Nakasunod lang siya sa likod nito. Pumunta sila sa isang private room. Malayo pa lang ay nakita niyang may mga bodyguard na nakabantay sa labas ng kwarto."W
Habang tahimik siyang nakaupo sa labas ng operating room ay ramdam niya ang bawat pintig ng kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay James. Sa kabila ng sinabi ni Doc Angus na magiging maayos ang lahat ay hindi niya mapigilan ang mag-isip ng pinakamasamang maaaring mangyari. Naalala niya ang mga masasayang alaala nila ni James sa Baguio bago ito umuwi ng Scotland... ang mainit nilang pag-niniig sa kama, ang mahigpit nitong yakap bago sila matulog, ang masaya nilang tawanan habang nanonood ng comedy movie. Paano kung iyon na ang huli? Hindi man lang siya nagkaroon ng hint na may sakit pala itong dinadamdam. Nabaling ang atensyon nila nang biglang bumukas ang pinto ng operating room. Lumabas ang isang nurse na may seryosong ekspresyon. Agad siyang tumayo at sinalubong ito. “Kumusta si James? Maayos ba siya?” nanginginig niyang tanong. Maging ang pamilya ni James ay naghihintay din ng sagot ng nurse. Pero bago pa makasago
"Logan, we need to go back to the hospital. James is already awake!" balita niya sa driver habang papalapit dito. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto, siya na agad ang sumakay. "Wow, that’s great news, Ma’am Beverly!" ani nito. Marami ang naghihintay ng paggaling ni James dahil mabait itong tao. Habang nasa biyahe siya ay excited na siyang makita ulit si James. Simula ng dumating siya doon sa Scotland ay hindi pa sila nagkita. Pagkadating ng ospital ay tumakbo agad siya sa private room nito. Hindi na siya nag-abala pang kumatok, agad niyang binuksan ang pinto. Nabaling lahat ang tingin ng mga tao sa pagpasok niya. Andon si Tita Evelyn, Tito Oliver, at John, pero nakatuon ang atensyon niya kay James na nakahiga sa kama. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sandali siyang natigilan doon. Agad namasa ang mga mata niya nang makitang maayos na ang kalagayan ni James. "S-sweetheart..." mahinang wika ni James. Saka siya natauhan sa pagkakatulala at agad na lumapit sa nobyo. "
Pagkaraan ng isang linggo ay nakalabas na din sa wakas si James sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa din nito nakikita si Tyler dahil hindi pinayagan ng mga magulang nito na pumunta ng ospital. Mas strikto pa ang mga magulang nito ngayon kay Tyler kaysa sa kanya. Natawa na lang siya dahil mahal na mahal ng dalawang matanda ang apo nila. Kasalukuyan silang nasa kotse ngayon, pauwi ng palasyo. Magkahawak-kamay sila doon. "Bakit nga pala, sweetheart, hindi ko nakita sina Mommy at Daddy dumadalaw sa akin sa ospital? Porket alam nilang successful na ang operasyon ko, hindi na nila ako dadalawin?" may tampong sabi nito. "Ah eh... sa bahay na lang daw sila, total naman ay andoon ako lagi sa'yo nagbabantay." Simula din nang naging okay na si James, hindi na din pumunta ang mga ito sa ospital. Sa bahay lang sila nagbabantay sa anak niya. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil ang cute naman talaga ni Tyler at manang-mana sa mga lahi ng Blacksmith na lalong ikinatuwa ng dalawang mat
"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********CLARK'S POV:"Anong sabi?"Tanong ni Ken nang tumawag si Callum. "Magkita daw kami at magtutuos..." malungkot na wika niya."Wag kang pumunta, Clark! Alam mo ang kapasidad ni Callum. Baka saktan ka niya." sabat ni Jonie"Pero wala akong magagawa dahil hawak niya ang anak ko! Kung di naman ako pupunta, baka di ko na makita ang anak namin ni Fe. Kailangan kong maibalik ang bata kay Fe... She's gonna be devastated." tila nawawalan na cya ng pag-asa."Magdala ka ng mga pulis... O di kaya sasamahan ka namin! Siguradong sasaktan ni Callum!" si James naman ang nag salita. Umiiling siya. "No!... Aalis akong mag-isa. Ayaw kong ilagay sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Kung gusto niya akong patayin, tatanggapin ko. Total, wala na rin naman silbi ang buhay ko. Wala na akong ginawang tama. Malamang ito na ang kabayaran sa lahat ng pagkakasala ko kay Fe." maluha-luhang sambit nya. Mukhang doon na nga sila magtatapos. "Mapapatawad na siguro niya ako kapag naibalik ko ang anak namin sa
"Alagaan mo muna hangga't hindi ako makakabalik.""Bakit? Callum, why are you doing this?" humihikbing wika nito. "Alam mo bang may reward na isang milyon ang sinumang makahanap sa'yo? Sumuko ka na lang, Callum, at magbagong buhay na tayo sa Scotland kasama ang mga anak natin.""Wag ka nang madaming tanong!" Kumuha siya ng tig-lilibong pera at ibinigay iyon kay Victoria."Babalik ako. Alagaan mo ang bata, kundi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw niya.Agad itong napahawak sa tiyan at umupo sa kama habang hiid binibitawan ang anak ni Fe at Clark.. Alam niyang buntis din si Victoria."Di mo ba talaga ako kayang mahalin, Callum?" umiiyak na wika nito. Tila lumambot naman ang puso niya kay Victoria."Lagi mo sinasabi na wala akong kwentang babae, dahil palamunin lang ako sayo pero hindi mo ba naiisip na inaalagaan ko ang anak mo kaya di ako makapagtrabaho? Nag-iisa lang ako doon at walang pamilya. How do you expect me to work?"Di siya nakapagsalita. Ngayon niya lang narinig ang rason ni
Hindi siya mapakali. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit biglang tumawag si Victoria. Dati ay hindi naman siya nito kinukulit.Pagdating nila sa resort ay hinayaan niyang si Fe ang kumausap sa engineer nito at lumayo muna siya ng kaunti para tawagan si Victoria. Ang iniisip niya kasi ay baka may nangyaring masama sa anak niya."Hello, Victoria! Why did you call?""Callum, can you come back here in Scotland?""Why? Di ba nag-usap na tayo? Hiwalay na tayo at sustentuhan ko na lang si Curt!""But I'm pregnant again with our second child!"Sandali siyang natameme. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Hindi naman siya nagduda sa ipinagbubuntis ni Victoria dahil ilang beses ding may nangyari sa kanila noong umuwi siya ng Scotland.Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Ano ang gusto mong mangyari, Victoria?""Hindi ba pwedeng magkabalikan na lang tayo? Para sa mga anak natin?""I-I can't...""But why? Huwag mong sabihing pipiliin mo pa rin ang babae mo diyan? Iiwan mo
CALLUM'S POV:Kaka-baba niya lang ng telepono. Tinawagan niya si Clark at sinabing nasa kanya ang bata. Gusto niyang makipagkita ito sa kanya dahil papatayin niya ang lalaki. Galit na galit siya. He has never been humiliated in his entire life! Kasalukuyan siyang nasa kotse dahil tinakbo ang anak ni Fe nang walang nakakaalam. Ngayon ay itsapwera na siya kay Fe kung kailan dumating na si Clark. Plinano niya ang lahat... ang pag-propose dito sa araw ng opening ng resort. Excited cya sa plano nya. He tought it would be a perfect day for him and Fe. Ginawa niya iyon para maraming makasaksi ng kanyang pag-propose. Pero hindi niya inakala na mapapahiya siya bacause Fe rejected his offer dahil sa muling pagpakita ni Clark. Isa pang nagpa-bulilyaso sa plano niya ay ang pagsulpot ni Victoria. Ang inakala nyang masayang pagpo-propose ay naging isang bangungut sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating si Victoria. Kaya siya umuwi ng Scotland dahil pinagbabantaan siya nitong sis
"Bro!" tawag-pansin ni Ken sa kanya na kakapasok lang ng kwarto. Galing ito sa security department para i-check ang CCTV."Lumabas si Callum sa ospital, dala-dala nga si baby. Walang humarang sa kanya dahil kilala siya dito sa ospital. At saka kilala natin si Callum, isa siyang private investigator at pulis, alam niya ang gagawin!""Damn!" sigaw niya. Hindi niya lang sinabi para hindi muling mag-alala ang pamilya ni Fe, pero sa palagay niya ay mahihirapan silang hanapin si Callum. Alam niya ang kapasidad nito. Magaling ito sa larangang iyon, pero ang panalangin niya lang ay huwag saktan ni Callum ang bata habang hindi pa nila nahahanap.Narinig niyang muling umiyak ang nanay ni Fe habang yakap-yakap ito ng asawa."Huwag po kayong mag-alala, Tita. Marami na ang naghahanap sa kanya. Liliit na ang mundo niya. Gagawin ko po ang lahat para maibalik lang nang ligtas ang anak namin ni Fe." Pinatatatag niya ang loob ng pamilya ni Fe, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot din siya. H
**********CLARK'S POV"Ano pa ang ginagawa mo dito, Mayor Clark? Di ba nasabi ko na sa inyo na tantanan niyo na ang anak ko? Di ba kayo naaawa kay Fe? Nanahimik na kami dito sa Iloilo, pero kayo naman ang nanggugulo. Maawa kayo sa anak ko, huhuhuh!... Ang dami na niyang pinagdaanan sa sakit sa buhay. Hanggang kailan ba 'to matatapos, huhuh..." iyak ng nanay ni Fe na nagmamakaawa sa kanya."Tita... di po ako pumunta dito para muling saktan si Fe... Pumunta po ako dito at nagbabakasakali na baka pwede pa naming ibalik ang dati naming pagmamahalan. Inaayos ko na ang pagsasawalang-bisa ng kasal namin ni Cindy. Blinak-mail po ako ni Gov. Santiago na pakasalan si Cindy, pero si Fe po talaga ang mahal ko. Ngayon nabunyag na ang lahat at nakulong na din si Gov, nandito ako para humingi ng tawad kay Fe at nagbabakasakali kung tatanggapin pa niya ako sa buhay niya..." mahabang paliwanag niya sa pamilya ni Fe.Namasa ang mga mata niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita ulit
"Ang bilis mo naman magdesisyon?! Porket ba bumalik na si Clark, eh, etsapwera na ako? Hindi mo man lang naisip ang mga sakripisyo ko para sa'yo?" panunumbat ni Callum."Hindi kita pinilit, Callum. Ikaw ang nagpresenta ng sarili mo sa akin!""That's because I love you! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon?! Wala man lang ba akong kahit katiting diyan sa puso mo?!" wika ni Callum saka hinawakan siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Callum! Nasasaktan ang anak ko!" sigaw ng nanay niya. Naalarma na ang mga kaibigan niya kaya lumapit ang mga ito kay Callum."Callum, huwag kang gumawa ng gulo dito. Pwede n'yo namang pag-usapan ni Fe ito kung parehas nang malamig ang ulo n'yo..." wika ni James sa lalaki."No! Alam kong hindi na magbabago ang isip niya dahil bumalik na si Clark! Si Clark lang naman ang importante sa kanya, eh!""Lumabas ka na muna, Callum. Hindi ka ba naawa kay Fe? Kakapanganak lang niya!" matigas na wika ni Ken. Tiningnan muna siya nito nang masama saka binit
**********FE'S POV:"N-nay..." sambit niya nang magising siya."Anak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?""Saan po ang anak ko?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng ina."Nasa nursery, anak... Mamaya, dadalhin siya ng nurse dito para padedein sa'yo." nakangiting wika ng nanay nya pero alam nyang hinid lubos ang saya nito dahil sa nangyari sa kanya."Bestie!" tawag-pansin ni Jonie habang papalapit sa kanya kasama si Bebe. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Ang cute ng anak mo... makuha ni ---" Hindi na itinuloy ni Jonie ang sasabihin dahil tinulak ito nang bahagya ni Bebe at tila napa-isip kung dapat niyang sabihin iyon.Nginitian niya ang mga ito nang tipid. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto, naroon ang lahat ng kanyang kaibigan at pamilya, tanging isang tao lang ang wala roon.... si Clark."Love, kamusta ka na?" Nagulat siya nang marinig ang boses ni Callum. Hindi niya namalayang nasa tabi lang pala ito. Hindi nya inaasahan na magpapakita pa ito sa kanya sa