Nakatayo siya sa likod ni Jonie... dahan-dahan niyang ibinaba ang zipper ng gown nito. Nang tuluyan na itong bumagsak sa sahig ay hinimas niya ang malalambot na balikat ng asawa. Mula sa leeg, dahan-dahang bumaba ang haplos niya patungo sa mga balikat at braso nito. Nakita niya mula sa salamin na napapikit ang asawa niya dahil sa kanyang paghaplos, kaya lihim siyang napangiti. Hindi na niya inalis ang tingin sa salamin, naaaliw siyang tingnan si Jonie habang hinahaplos ang hubad na katawan nito. Tanging panty na lamang ang suot ng asawa, walang bra dahil kasama ito sa gown na kanyang isinuot. Kahit buntis, sexy pa rin itong tingnan. Kaunti pa lang ang umbok ng tiyan nito dahil tatlong buwan pa lang itong buntis. Dinampian niya ng maliliit na halik ang leeg at balikat nito habang ang mga kamay niya ay patuloy sa paghaplos. "Ahhh..." ungol ni Jonie. Napapakislot ito sa tuwing tumatama ang mainit niyang hininga sa balat nito. Maging siya ay nadadala na rin sa sitwasyon. Ramdam niya ang
Binigyan niya ng oras ang sarili na magpahinga at habulin ang lakas bago itinayo ang asawa mula sa pagkakaluhod nito. "Ang galing mo, babe!" nakangiting wika niya, tila proud na proud sa ginawa ng asawa. Nagpunas pa ito ng bibig, tinanggal ang mga natirang tam*d nya sa bibig nito. Muli niyang kinuha ang kamay nito at ginabayan ito pabalik sa kanyang pagkalal*ki. "Hindi pa tapos ang laban, babe," nakangising sabi niya habang ipinahawak ang muling tumigas na alaga. Humalakhak naman ang asawa. "Now, I will return the favor." Binuhat niya ito at pinaupo sa kama; siya naman ngayon ang lumuhod. Hinubad niya ang panty ni Jonie at binuka ang mga hita nito. “Hmmm... You’re so beautiful, babe,” wika niya, habang nakatitig sa pagkabab*e ng asawa, tila minememorya ang bawat bahagi nito. Sinimulan niyang laruin ang perlas ng asawa gamit ang kanyang hintuturo. Ang naka-usling maliit na balat ang napagdiskitahan nya. Mamula-mula ang tingg*l ni Jonie, doon ang kiliti nito. Napaliyad ito sa sarap sa
LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND : JAMES ALMAZAN BLACKSMITH AND BEVERLY CATALAN BEBE POV: Kakaalis lang nina Kuya Ken at Ate Jonie sa kwarto. Sa wakas, nakapaghingi na siya ng tawad sa kanyang Ate Jonie. Napakasarap ng pakiramdam. Ngunit ang isa pang may malaking galit sa kanya ay si Kuya Ken. Base sa mga kilos nito, halata pa rin na may sama ng loob ito sa kanya, pero umaasa siyang balang araw ay mapapatawad din siya nito ng lubusan. Nasa kwarto lang siya, at sabi ni Ate Jonie ay doon na siya magpalipas ng gabi. Gusto sana niyang bumalik agad sa Baguio bago pa man makabalik doon si James, pero baka delikado na sa daan, kaya baka ipagpabukas na lang niya. Pagkaalis ni James sa bahay sa Baguio ay agad din siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Mabuti na lang at nabanggit ni James na nasa Baguio sila, kaya alam niya kung paano umuwi. Pwede naman sana siyang sumabay kay James sa pag-uwi, pero baka makita siya ng mga tao na kasama ito. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ng
JAMES POV: Ang tagal matapos ng wedding party nina Jonie at Ken. Gusto na niyang umuwi at makita muli si Bebe. Nag-usap na sila bago siya pumunta sa kasal, at sinabi ni Bebe na hindi pa ito handang makipagkita sa pinsan nito. Tutol man siya sa desisyon nito, ayaw naman niyang pangunahan ang dalaga. Hahayaan niya ito at maghihintay kung kailan siya handang makipagbati sa pinsan niya. Naiinis siya kay Clark tuwing binabanggit nito si Bebe dahil siya na naman ang nagiging sentro ng atensyon. Alam niya ang estilo ni Clark, binabaling nito ang atensyon sa kanya para hindi mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Fe. Labag sa loob ang lahat ng mga sinabi niya sa harap ng mga kaibigan niya. Alam niya sa puso niya na hindi iyon totoo, pero wala siyang lakas ng loob na itama dahil nakapagbitiw na siya ng salita noon. Di bale, Pagbalik ko sa Baguio, aayusin ko na ang tungkol sa amin ni Bebe. Ayokong mawala siya sa akin. wika nya sa sarili. Kahit pa sinabi nitong may boyfriend na ang dalava
Napabalikwas siya at agad na hinanap si Bebe, umaasa na dumating na ito. “Bebe! Bebe!” sigaw niya habang hinahaanap si Bebe sa paligid, ngunit walang sumasagot sa kanya."Saan kaya siya?" tanong niya sa sarili, ngunit ang totoo ay kinakabahan na siya. Ayaw niyang isipin na nilayasan siya ni Bebe. Sa pagkakaalala niya, maayos naman ang kanilang pagsasama. Nag-sex pa nga sila bago siya umalis. Kaya hindi niya inasahan na aalis ito nang walang paalam.Naalala niyang may binigay siyang telepono sa dalaga. "Bakit hindi ko naisip 'yun kagabi?" Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang telepono ni Bebe, pero nakapatay pa rin ito. Nagsisimula nang mag-init ang ulo niya. Nawawalan na siya ng pag-asang mahahanap si Bebe. Nang muli niyang subukan at patay pa rin ang linya, bigla niyang hinagis ang cellphone niya.“Bitch!” sigaw niya. Basag ang cellphone niya nang bumagsak ito sa sahig. Napaupo siya sa sofa at napahawak sa ulo niya. "Where are you, Bebe?" tanong niya sa sarili
"Anak, hinihintay ko ang sagot mo. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita napapapayag na bumalik dito sa Scotland!""O-kay, Mom... bigyan mo lang ako ng oras... aayusin ko muna ang lahat dito bago ko iwan ang mga negosyo ko," sagot niya sa ina. "I'll be there in two weeks," dagdag pa niya."Sige, anak. Hihintayin ka namin... Bye, I love you, baby.""I love you too, Mom..." muli niyang pinatay ang telepono. Nalungkot siya sa desisyon niyang umalis ng bansa. Pero mas malulungkot siya kung mananatili siya doon dahil alam niyang masasaktan lang siya kapag nakita niyang masaya si Bebe sa piling ng ibang lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, binigo siya nito.Pangako niya sa sarili... hindi na siya magpapakatanga muli kay Bebe. Hindi na siya magpapadala sa nararamdaman niya.Biglang tumulo ang luha niya habang iniisip ito. Ilang beses na ba siyang pina-iyak ni Bebe? Hindi alam ni Bebe na sa tuwing binibigo siya nito, palihim siyang umiiyak.Tama nga siguro ang hinala niya na minana niya ito
Confirmed na! Tinakasan nga siya ni Bebe. Wala na siyang dahilan para mag-hold on pa. Itutuloy na niya ang planong bumalik ng Scotland, kakalimutan na niya si Bebe, at magmo-move on na siya ng tuluyan.Masakit mang isipin dahil si Bebe lang ang tanging babaeng binigyan niya ng atensyon. Hindi siya mahilig sa babae dahil ayaw niyang maging katulad ng Daddy niya, at pera lang ang habol ng karamihan sa mga babae sa kanya. Nalulungkot siya sa mga naiisip niya… ang sakit pala talaga na harap-harapan kang binabalewala.“Oh, bakit bigla kang nalungkot diyan?” tanong ni Ken sa kanya.“Ahh… wala.”“Kailan ang plano mong umalis?”“Sa loob ng dalawang linggo. Pinangakuan ko na ang Mommy ko na uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Aasikasuhin ko lang ang mga naiwan kong negosyo. Baka ibenta ko ang iba kong properties para hindi na ako mahirapan.”“Sa tono ng pananalita mo, parang hindi ka na babalik ah?” nagtatakang tanong ni Ken. “May iniiwasan ka ba dito sa Pilipinas?”“Ahm, wala naman… Baka mat
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa Edinburgh. Nasa Scotland na siya at hinihintay na lang ang chauffeur ng pamilya nila na susundo sa kanya.Halos tatlumpung oras din ang biyahe niya mula Maynila papuntang Scotland. Mula Maynila, may stopover siya sa Doha, Qatar, tapos sa Heathrow, United Kingdom, bago sa Edinburgh. Pagod na pagod ang likod niya sa kakaupo. Kahit naka-business class siya, napagod pa rin siya dahil hindi siya sanay na umupo nang ganoon katagal.Maya-maya ay dumating na ang limousine at huminto iyon sa harap niya."Good morning, Lord James. Welcome back to Scotland," bati ng chauffeur nilang si Logan. Ngumiti agad siya sa matanda. Bata pa lang siya, ito na ang driver niya."Good to see you, Logan.""Good to see you too, Lord James." "Lord" ang tawag sa kanila sa mga social high-class na tao doon. Ang pamilya ng daddy niya ay isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Scotland, isang "Blacksmith" at isa sa mga tinitingalang apelyido mula pa sa kanilang kanununuan.
"Fuck! Napakasarap mo pala talaga, Amber... Kaya pala patay na patay si Alastair sa'yo! Pero hindi ako tutulad sa kanya... Hindi ako mahuhulog sa bitag mo... Ammhhh... Ammhhh... Aammhh..."Halos masubsob na siya sa kama sa pagkadyot nito sa kanya, pero wala siyang magawa. Hawak siya nito sa leeg, at kung mapatay niya man ito doon, siguradong hindi rin siya makakaligtas dahil marami itong bodyguard sa labas.Lihim siyang humahagulgol. Ano ba itong ginagawa niya sa sarili niya?"Ahhh...hhh..." mahabang ungol ni Douglas nang nilabasan na ito sa loob niya. Diring-diri siya, pero hindi niya maipakita dito.Nang makahuma ay tumayo ito at nagsara ng zipper. "Magbihis ka na at sasama ka sa akin," utos nito."S-saan?" tanong niya habang tinatakpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Nandidiri siya sa mga titig ni Douglas sa kanya."Sasama ka sa bahay ko. Doon ka na titira simula ngayon."Napayuko siya. Ito ba ang gusto niya? Ang plano niya kanina ay hindi umayon sa kanya. Ang akala niya ay mauu
Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa nalaman na hindi naman pala siya totoong anak ng mga magulang niya. Sabagay, okay na din iyon para hindi siya makonsensya sakaling ipasara ng mga Blacksmith ang mga negosyo nito at maghirap dahil sa kanya.Muling nag-ring ang cellphone niya. Si Douglas na ang tumawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito."Hello, honey! Where are you?""Andito lang ako sa labas. Sigurado ka bang safe diyan?""Oo naman. Maingat ako, noh.""Sige, punta na ako. Sabik na ako sa'yo." Humalakhak pa ito na parang demonyo bago patayin ang telepono.Inayos niya ang sarili. Nilipat niya si Tyler sa sofa para hindi ito madistorbo sa gagawin nila mamaya ni Douglas.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto. Agad siyang lumapit at pinagbuksan iyon, pero napalis ang ngiti niya nang makitang hindi ito nag-iisa. Marami itong kasamang mga bodyguard."B-bakit ka pa nagdala ng bodyguard?" nagtatakang tanong niya. Nakakatakot ang mga bodyguard nito."Mahirap na... Alam
AMBER'S POV:Nagmamaneho siya papunta ng siyudad. Nabibingi na siya sa iyak ni Tyler, paubos na kasi ang gatas nito. Hindi niya naman akalain na malakas pala itong dumede kaya mabilis lang maubos ang gatas na dala ni Shiela. Kailangan nilang lumabas para bumili ng gatas at pagkain. Tumigil muna siya sandali para padedein ito. Hindi naman ito titigil sa kakaiyak dahil gutom, kaya wala siyang magawa kundi tumigil muna para padedein ito.Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging ina. Pero okay lang, dapat masanay na siya dahil inako niya na ang maging anak si Tyler. Nang tumigil na ito sa kakaiyak at nakatulog na ay muli niya itong nilagay sa passenger's seat. May ginawa siyang harang na unan doon para hindi mahulog si Tyler sakaling nagmamaneho siya.Pinaandar niya ang maliit na TV para malibang naman siya habang nagda-drive. Sakto naman na balita ang nabungaran niya."Kita mo nga naman... nakita na pala ang bangkay ni Shiela?" aniya habang nanonood ng TV. Nakita na ng mga p
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n