LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND : JAMES ALMAZAN BLACKSMITH AND BEVERLY CATALAN BEBE POV: Kakaalis lang nina Kuya Ken at Ate Jonie sa kwarto. Sa wakas, nakapaghingi na siya ng tawad sa kanyang Ate Jonie. Napakasarap ng pakiramdam. Ngunit ang isa pang may malaking galit sa kanya ay si Kuya Ken. Base sa mga kilos nito, halata pa rin na may sama ng loob ito sa kanya, pero umaasa siyang balang araw ay mapapatawad din siya nito ng lubusan. Nasa kwarto lang siya, at sabi ni Ate Jonie ay doon na siya magpalipas ng gabi. Gusto sana niyang bumalik agad sa Baguio bago pa man makabalik doon si James, pero baka delikado na sa daan, kaya baka ipagpabukas na lang niya. Pagkaalis ni James sa bahay sa Baguio ay agad din siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Mabuti na lang at nabanggit ni James na nasa Baguio sila, kaya alam niya kung paano umuwi. Pwede naman sana siyang sumabay kay James sa pag-uwi, pero baka makita siya ng mga tao na kasama ito. Hangga’t maaari, ayaw niyang malaman ng
JAMES POV: Ang tagal matapos ng wedding party nina Jonie at Ken. Gusto na niyang umuwi at makita muli si Bebe. Nag-usap na sila bago siya pumunta sa kasal, at sinabi ni Bebe na hindi pa ito handang makipagkita sa pinsan nito. Tutol man siya sa desisyon nito, ayaw naman niyang pangunahan ang dalaga. Hahayaan niya ito at maghihintay kung kailan siya handang makipagbati sa pinsan niya. Naiinis siya kay Clark tuwing binabanggit nito si Bebe dahil siya na naman ang nagiging sentro ng atensyon. Alam niya ang estilo ni Clark, binabaling nito ang atensyon sa kanya para hindi mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Fe. Labag sa loob ang lahat ng mga sinabi niya sa harap ng mga kaibigan niya. Alam niya sa puso niya na hindi iyon totoo, pero wala siyang lakas ng loob na itama dahil nakapagbitiw na siya ng salita noon. Di bale, Pagbalik ko sa Baguio, aayusin ko na ang tungkol sa amin ni Bebe. Ayokong mawala siya sa akin. wika nya sa sarili. Kahit pa sinabi nitong may boyfriend na ang dalava
Napabalikwas siya at agad na hinanap si Bebe, umaasa na dumating na ito. “Bebe! Bebe!” sigaw niya habang hinahaanap si Bebe sa paligid, ngunit walang sumasagot sa kanya."Saan kaya siya?" tanong niya sa sarili, ngunit ang totoo ay kinakabahan na siya. Ayaw niyang isipin na nilayasan siya ni Bebe. Sa pagkakaalala niya, maayos naman ang kanilang pagsasama. Nag-sex pa nga sila bago siya umalis. Kaya hindi niya inasahan na aalis ito nang walang paalam.Naalala niyang may binigay siyang telepono sa dalaga. "Bakit hindi ko naisip 'yun kagabi?" Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang telepono ni Bebe, pero nakapatay pa rin ito. Nagsisimula nang mag-init ang ulo niya. Nawawalan na siya ng pag-asang mahahanap si Bebe. Nang muli niyang subukan at patay pa rin ang linya, bigla niyang hinagis ang cellphone niya.“Bitch!” sigaw niya. Basag ang cellphone niya nang bumagsak ito sa sahig. Napaupo siya sa sofa at napahawak sa ulo niya. "Where are you, Bebe?" tanong niya sa sarili
"Anak, hinihintay ko ang sagot mo. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita napapapayag na bumalik dito sa Scotland!""O-kay, Mom... bigyan mo lang ako ng oras... aayusin ko muna ang lahat dito bago ko iwan ang mga negosyo ko," sagot niya sa ina. "I'll be there in two weeks," dagdag pa niya."Sige, anak. Hihintayin ka namin... Bye, I love you, baby.""I love you too, Mom..." muli niyang pinatay ang telepono. Nalungkot siya sa desisyon niyang umalis ng bansa. Pero mas malulungkot siya kung mananatili siya doon dahil alam niyang masasaktan lang siya kapag nakita niyang masaya si Bebe sa piling ng ibang lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, binigo siya nito.Pangako niya sa sarili... hindi na siya magpapakatanga muli kay Bebe. Hindi na siya magpapadala sa nararamdaman niya.Biglang tumulo ang luha niya habang iniisip ito. Ilang beses na ba siyang pina-iyak ni Bebe? Hindi alam ni Bebe na sa tuwing binibigo siya nito, palihim siyang umiiyak.Tama nga siguro ang hinala niya na minana niya ito
Confirmed na! Tinakasan nga siya ni Bebe. Wala na siyang dahilan para mag-hold on pa. Itutuloy na niya ang planong bumalik ng Scotland, kakalimutan na niya si Bebe, at magmo-move on na siya ng tuluyan.Masakit mang isipin dahil si Bebe lang ang tanging babaeng binigyan niya ng atensyon. Hindi siya mahilig sa babae dahil ayaw niyang maging katulad ng Daddy niya, at pera lang ang habol ng karamihan sa mga babae sa kanya. Nalulungkot siya sa mga naiisip niya… ang sakit pala talaga na harap-harapan kang binabalewala.“Oh, bakit bigla kang nalungkot diyan?” tanong ni Ken sa kanya.“Ahh… wala.”“Kailan ang plano mong umalis?”“Sa loob ng dalawang linggo. Pinangakuan ko na ang Mommy ko na uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Aasikasuhin ko lang ang mga naiwan kong negosyo. Baka ibenta ko ang iba kong properties para hindi na ako mahirapan.”“Sa tono ng pananalita mo, parang hindi ka na babalik ah?” nagtatakang tanong ni Ken. “May iniiwasan ka ba dito sa Pilipinas?”“Ahm, wala naman… Baka mat
Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa Edinburgh. Nasa Scotland na siya at hinihintay na lang ang chauffeur ng pamilya nila na susundo sa kanya.Halos tatlumpung oras din ang biyahe niya mula Maynila papuntang Scotland. Mula Maynila, may stopover siya sa Doha, Qatar, tapos sa Heathrow, United Kingdom, bago sa Edinburgh. Pagod na pagod ang likod niya sa kakaupo. Kahit naka-business class siya, napagod pa rin siya dahil hindi siya sanay na umupo nang ganoon katagal.Maya-maya ay dumating na ang limousine at huminto iyon sa harap niya."Good morning, Lord James. Welcome back to Scotland," bati ng chauffeur nilang si Logan. Ngumiti agad siya sa matanda. Bata pa lang siya, ito na ang driver niya."Good to see you, Logan.""Good to see you too, Lord James." "Lord" ang tawag sa kanila sa mga social high-class na tao doon. Ang pamilya ng daddy niya ay isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Scotland, isang "Blacksmith" at isa sa mga tinitingalang apelyido mula pa sa kanilang kanununuan.
Natigilan ang mommy at daddy sa sinabi niya. Yumuko na lang siya para itago ang lungkot ng kanyang mukha."Is there something wrong, anak? May nangyari ba sa'yo sa Pilipinas?" nag-aalalang tanong ng kanyang mommy."N-no, Mom. I'm fine," sagot niya. Ayaw na niyang sabihin pa ang pagkabigo niya sa isang babae—total, tapos na rin naman iyon at wala na siyang planong balikan pa, kaya bakit pa niya sasabihin sa iba? Sasarilinin na lang niya ang sakit na nadarama.Nasa ganun silang pag-uusap nang dumating si Amber. "Hi, James!" Malayo pa lang ay nakangiti na ito habang tumatakbo palapit sa kanya.Ngumiti naman siya at tumayo sa kinauupuan para salubungin ang yakap ng kababatang babae. "Amber!"Niyakap niya ito nang mahigpit. "I missed you! How have you been? You look great!" bati nito sa kanya."I'm okay. You look great too." Pasimpleng pinasadahan niya ng tingin si Amber. Hindi siya makapaniwala na ganito na ito kaganda. Dati ay hindi niya ito pinapansin masyado dahil wala siyang interes d
Tinulak niya si Amber sa kama niya nang tuluyan na silang makapasok doon. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kwarto niya... ganoon pa rin iyon mula nang iwan niya. Palagi itong nililinis ng mga maid nila kahit wala siya.Muli niyang itinutok ang atensyon kay Amber, na nagsimula nang maghubad. Napangiti siya. "Damn, babe," mura niya, mukhang nagmamadali ito.Lumapit siya at agad na dinakma nito ang pagkalalaki niya. Nagulat siya at napangiti. Ngumisi siya kay Amber habang nilalamas ang alaga niya. "Release me," utos niya.Agad namang hinubad ni Amber ang buckle ng sinturon niya, saka sinunod ang pagbaba ng zipper niya. Nang tuluyan nang makalabas ang alaga niya, agad itong dinakma at pinasok sa bibig nito."Ah, damn, Amber..." ungol niya. Ngayon lang siya nakaranas ng ganito ka-wild na babae, samantalang kay Bebe ay kailangan pa niyang itali at posasan sa kama para makuha ito.Pero mas gusto niya pa rin ang nanlalaban. Mas thrilling iyon. Iwinaksi niya ang mga naiisip at muling i
"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********CLARK'S POV:"Anong sabi?"Tanong ni Ken nang tumawag si Callum. "Magkita daw kami at magtutuos..." malungkot na wika niya."Wag kang pumunta, Clark! Alam mo ang kapasidad ni Callum. Baka saktan ka niya." sabat ni Jonie"Pero wala akong magagawa dahil hawak niya ang anak ko! Kung di naman ako pupunta, baka di ko na makita ang anak namin ni Fe. Kailangan kong maibalik ang bata kay Fe... She's gonna be devastated." tila nawawalan na cya ng pag-asa."Magdala ka ng mga pulis... O di kaya sasamahan ka namin! Siguradong sasaktan ni Callum!" si James naman ang nag salita. Umiiling siya. "No!... Aalis akong mag-isa. Ayaw kong ilagay sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Kung gusto niya akong patayin, tatanggapin ko. Total, wala na rin naman silbi ang buhay ko. Wala na akong ginawang tama. Malamang ito na ang kabayaran sa lahat ng pagkakasala ko kay Fe." maluha-luhang sambit nya. Mukhang doon na nga sila magtatapos. "Mapapatawad na siguro niya ako kapag naibalik ko ang anak namin sa
"Alagaan mo muna hangga't hindi ako makakabalik.""Bakit? Callum, why are you doing this?" humihikbing wika nito. "Alam mo bang may reward na isang milyon ang sinumang makahanap sa'yo? Sumuko ka na lang, Callum, at magbagong buhay na tayo sa Scotland kasama ang mga anak natin.""Wag ka nang madaming tanong!" Kumuha siya ng tig-lilibong pera at ibinigay iyon kay Victoria."Babalik ako. Alagaan mo ang bata, kundi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw niya.Agad itong napahawak sa tiyan at umupo sa kama habang hiid binibitawan ang anak ni Fe at Clark.. Alam niyang buntis din si Victoria."Di mo ba talaga ako kayang mahalin, Callum?" umiiyak na wika nito. Tila lumambot naman ang puso niya kay Victoria."Lagi mo sinasabi na wala akong kwentang babae, dahil palamunin lang ako sayo pero hindi mo ba naiisip na inaalagaan ko ang anak mo kaya di ako makapagtrabaho? Nag-iisa lang ako doon at walang pamilya. How do you expect me to work?"Di siya nakapagsalita. Ngayon niya lang narinig ang rason ni
Hindi siya mapakali. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit biglang tumawag si Victoria. Dati ay hindi naman siya nito kinukulit.Pagdating nila sa resort ay hinayaan niyang si Fe ang kumausap sa engineer nito at lumayo muna siya ng kaunti para tawagan si Victoria. Ang iniisip niya kasi ay baka may nangyaring masama sa anak niya."Hello, Victoria! Why did you call?""Callum, can you come back here in Scotland?""Why? Di ba nag-usap na tayo? Hiwalay na tayo at sustentuhan ko na lang si Curt!""But I'm pregnant again with our second child!"Sandali siyang natameme. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Hindi naman siya nagduda sa ipinagbubuntis ni Victoria dahil ilang beses ding may nangyari sa kanila noong umuwi siya ng Scotland.Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Ano ang gusto mong mangyari, Victoria?""Hindi ba pwedeng magkabalikan na lang tayo? Para sa mga anak natin?""I-I can't...""But why? Huwag mong sabihing pipiliin mo pa rin ang babae mo diyan? Iiwan mo
CALLUM'S POV:Kaka-baba niya lang ng telepono. Tinawagan niya si Clark at sinabing nasa kanya ang bata. Gusto niyang makipagkita ito sa kanya dahil papatayin niya ang lalaki. Galit na galit siya. He has never been humiliated in his entire life! Kasalukuyan siyang nasa kotse dahil tinakbo ang anak ni Fe nang walang nakakaalam. Ngayon ay itsapwera na siya kay Fe kung kailan dumating na si Clark. Plinano niya ang lahat... ang pag-propose dito sa araw ng opening ng resort. Excited cya sa plano nya. He tought it would be a perfect day for him and Fe. Ginawa niya iyon para maraming makasaksi ng kanyang pag-propose. Pero hindi niya inakala na mapapahiya siya bacause Fe rejected his offer dahil sa muling pagpakita ni Clark. Isa pang nagpa-bulilyaso sa plano niya ay ang pagsulpot ni Victoria. Ang inakala nyang masayang pagpo-propose ay naging isang bangungut sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating si Victoria. Kaya siya umuwi ng Scotland dahil pinagbabantaan siya nitong sis
"Bro!" tawag-pansin ni Ken sa kanya na kakapasok lang ng kwarto. Galing ito sa security department para i-check ang CCTV."Lumabas si Callum sa ospital, dala-dala nga si baby. Walang humarang sa kanya dahil kilala siya dito sa ospital. At saka kilala natin si Callum, isa siyang private investigator at pulis, alam niya ang gagawin!""Damn!" sigaw niya. Hindi niya lang sinabi para hindi muling mag-alala ang pamilya ni Fe, pero sa palagay niya ay mahihirapan silang hanapin si Callum. Alam niya ang kapasidad nito. Magaling ito sa larangang iyon, pero ang panalangin niya lang ay huwag saktan ni Callum ang bata habang hindi pa nila nahahanap.Narinig niyang muling umiyak ang nanay ni Fe habang yakap-yakap ito ng asawa."Huwag po kayong mag-alala, Tita. Marami na ang naghahanap sa kanya. Liliit na ang mundo niya. Gagawin ko po ang lahat para maibalik lang nang ligtas ang anak namin ni Fe." Pinatatatag niya ang loob ng pamilya ni Fe, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot din siya. H
**********CLARK'S POV"Ano pa ang ginagawa mo dito, Mayor Clark? Di ba nasabi ko na sa inyo na tantanan niyo na ang anak ko? Di ba kayo naaawa kay Fe? Nanahimik na kami dito sa Iloilo, pero kayo naman ang nanggugulo. Maawa kayo sa anak ko, huhuhuh!... Ang dami na niyang pinagdaanan sa sakit sa buhay. Hanggang kailan ba 'to matatapos, huhuh..." iyak ng nanay ni Fe na nagmamakaawa sa kanya."Tita... di po ako pumunta dito para muling saktan si Fe... Pumunta po ako dito at nagbabakasakali na baka pwede pa naming ibalik ang dati naming pagmamahalan. Inaayos ko na ang pagsasawalang-bisa ng kasal namin ni Cindy. Blinak-mail po ako ni Gov. Santiago na pakasalan si Cindy, pero si Fe po talaga ang mahal ko. Ngayon nabunyag na ang lahat at nakulong na din si Gov, nandito ako para humingi ng tawad kay Fe at nagbabakasakali kung tatanggapin pa niya ako sa buhay niya..." mahabang paliwanag niya sa pamilya ni Fe.Namasa ang mga mata niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita ulit
"Ang bilis mo naman magdesisyon?! Porket ba bumalik na si Clark, eh, etsapwera na ako? Hindi mo man lang naisip ang mga sakripisyo ko para sa'yo?" panunumbat ni Callum."Hindi kita pinilit, Callum. Ikaw ang nagpresenta ng sarili mo sa akin!""That's because I love you! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon?! Wala man lang ba akong kahit katiting diyan sa puso mo?!" wika ni Callum saka hinawakan siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Callum! Nasasaktan ang anak ko!" sigaw ng nanay niya. Naalarma na ang mga kaibigan niya kaya lumapit ang mga ito kay Callum."Callum, huwag kang gumawa ng gulo dito. Pwede n'yo namang pag-usapan ni Fe ito kung parehas nang malamig ang ulo n'yo..." wika ni James sa lalaki."No! Alam kong hindi na magbabago ang isip niya dahil bumalik na si Clark! Si Clark lang naman ang importante sa kanya, eh!""Lumabas ka na muna, Callum. Hindi ka ba naawa kay Fe? Kakapanganak lang niya!" matigas na wika ni Ken. Tiningnan muna siya nito nang masama saka binit
**********FE'S POV:"N-nay..." sambit niya nang magising siya."Anak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?""Saan po ang anak ko?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng ina."Nasa nursery, anak... Mamaya, dadalhin siya ng nurse dito para padedein sa'yo." nakangiting wika ng nanay nya pero alam nyang hinid lubos ang saya nito dahil sa nangyari sa kanya."Bestie!" tawag-pansin ni Jonie habang papalapit sa kanya kasama si Bebe. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Ang cute ng anak mo... makuha ni ---" Hindi na itinuloy ni Jonie ang sasabihin dahil tinulak ito nang bahagya ni Bebe at tila napa-isip kung dapat niyang sabihin iyon.Nginitian niya ang mga ito nang tipid. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto, naroon ang lahat ng kanyang kaibigan at pamilya, tanging isang tao lang ang wala roon.... si Clark."Love, kamusta ka na?" Nagulat siya nang marinig ang boses ni Callum. Hindi niya namalayang nasa tabi lang pala ito. Hindi nya inaasahan na magpapakita pa ito sa kanya sa