Dinala cya ni Ken sa isang mamahaling restaurant, doon sila lagi noong sila pa. Kilala na si Ken doon kaya may pagtataka din ang mga tingin ng mga staff at waitress na naroon kung bakit sila ang kasama, alam ng mga ito na matagal na silang wala at si Jonie na ang partner nito ngayon, nginitian nya lang ang mga ito. Inalalayan cya ni Ken na umupo sa pangdalawang table. "Whats your order?" Tanong nito. "Ang dati, alam mo naman ang paborito ko dito di ba?" nakangiting wika nya dito., as if she's trying to imply na dinadala din cya nito doon dati. Tiningnan lang cya ni Ken saka tumikhim. "I just want to remind you Ava, andito tayo para mag lunch and not for anything else, naawa lang ako sayo at sa sinapit mo, wag mo sanang bigyan ng kahulugan ito. Alam mong masaya na kami ni Jonie." Paliwanag nito sa kanya. "Of course! hindi ko naman iniisip yan, alam ko kung saan ako lulugar. Saka bakit pa ako makikipag kompitensya kay Jonie... she is one of the richest woman in the world! Wala na a
************JONIE:Nasa kwarto cya at nasa higaan pa din, lalo atang sumakit ang ulo nya. Hindi pa cya nakalabas doon simula kanina. Pinadalhan lang cya ng pagkain ng Mama nya. Abala pa kasi ang mga ito sa labas sa pag-ayos ng mga furniture kaya hindi pa cya binisita ng mga ito. Maya-maya ay napa-upo sya mula sa pagkakahiga. Naduduwal cya, parang babaliktad ang sikmura nya. Tumakbo cya sa banyo at doon nilabas ang suka nya. Wala naman cyang nailabas kundi puro laway lang. "Mam ano pong nangyari sayo?" Nagmamadaling pumunta ang dalawang yaya ni Gray sa kanya. Hindi nya napansin na pumasok na ang mga ito kasama ang anak nya. "Mommy what happened to you?" nag-aalalang wika ni Gray."Di ko alam... masakit ang ulo ko at naduduwal ako..." "Di kaya...." sumabay pang nagsalita ang dalawang yaya saka tumingin sa kanya. Alam na nya ang ibig sabihin ng mga ito, nurse ang dalawang yaya ni Gray kaya alam nila ang symptoms na nararamdaman nya."Baka nga..." nakangiting wika nya. "Nagliwanang a
"Tatawagan ko si Ken at sabihin sa kanya ang magandang balita!" Excited na sambit ng Papa nya ng sila nalang ang natira sa kwarto nya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa, akmang pipindutin na nito ng pigilan nya. "Pa... I want to tell Ken personally, pwede bang ikaw na ang tumawag sa kanya at pauwiin cya pabalik dito sa Pampanga?" Ngumisi ang Papa nya sa plano nya.. "Sige anak hahaha!... That's a good idea. We can't wait for Ken's reaction kapag nalaman nya ang magadnang balita!" Pinagpatuloy nito ang pagtawag kay Ken. Pinindot pa nito ang loudspeaker para mariing nila ang pag-uusapan ng dalawa. Nakatingin lang sila sa Papa nya habang ginagawa iyon. Nag-ring na ang cellphone ni Ken.. naka dalawang ring palang iyon at sinagot na nito agad ang tawag ng Papa nya. "Hello Tito Gregore napatawag po kau? Is there anything wrong?" Nag-aalalang tanong nito. Alam nyang hindi kasi tumatawag ang Papa nya kay Ken kapag hindi kinakailangan kaya alam nyang magtataka talaga ito. "Yes... I want
Papasok na ang kotse nya sa gate ng rancho nina Jonie, kinabahan cya ng hindi nya malaman. Bakit kasi ganito ang nararamdaman nya? Nag overthink lang ba cya? At ang dami na kasing pumapasok sa utak nya ng hindi magaganda. Malayo palang ay nakita na nya ang mga magulang ni Jonie na si Tito Gregore at Tita Beth, kasama ng mga ito ang Papa nya at si Tita Carol. Pakiwari nya ay hinihintay talaga siya ng mga ito. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa pagdating nya. Habang papalapit ang kotse nya ay nakikita nya ang kaseryosohan ng mukha ng apat na matatanda. SHIT! What is happening? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong kasalanan na nagawa, bakit ganyan nalang sila kung makatingin sa akin... what have I done? Napakwestyon nya tuloy ang sarili nya. Inisip nyang maigi ang mga nagawa nya bago cya umalis ng Pampanga kanina pero wala talaga cyang maisip na dahilan.Pag-park nya ng sasakayan ay alanganin pa cyang naglakad papunta sa apat. Hindi nya malalaman ang dahilan ng pagkakaganito nila kung
Simula ng dumating sya ay hindi nya na iniwan ni Jonie, andoon lang cya sa tabi ng asawa. Gusto nya lang makapiling ito. "Masama pa ba ang nararamdaman mo?" Tanong nya habang hinihimas ito sa buhok. Parehas silang naka sandal sa headboard ng kama... nakahilig ito sa dibdib nya. "Since when did you know na buntis ka?" "Kanina lang... ilang beses ko na kasing naramdaman na parang masama ang pakiramdam ko, tapos nasusuka pa ako. Pinapunta ko ang family doctor namin dito at kinonfirm nya na buntis nga ko." "Yun pala ang symptoms nun? Sorry Babe hindi ko alam. Pero from now on ay magiging attentive na ako sa mga nararamdaman mo. I will be with you in your pregnancy journey.""Thank you, Babe..." Napakasaya nya. Ito na ang pinangarap nyang maging bahagi ng pagbubuntis ni Jonie since hindi nya na experience iyon ky Gray. Pinapangako nyang aalagaan nya ang asawa sa abot ng kanyang makakaya.Maya-maya ay narinig nyang tumunog ang cellphone nya, kinuha nya ang cellphone sa bulsa. Baka imp
*********JACK POV:Lihim cyang napangiti ng makita si Ken na parang balisa. Hindi nya akalain na babalik agad ito sa Pampangga. Sa pagkaka-alam nya ay sa weekend pa ito babalik. Napasugod din ang ama ni Ken at ang girlfriend nito doon, mukhang masaya ang magpamilya at nagtipon-tipon ulit. Wala pa cyang alam kung ano ang ipinabubunyi ng mga ito, hindi pa cya nakakalapit sa mansion, nasa kwadra lang cya at nakamasid mula sa malayo. Kahit malayo cya ay kitang-kita nya kung gaano kabalisa si Ken, alam nya kung bakit ganun ang ikinikilos ng lalaki, alam nyang nakita na nito ang picture na sinend nya. Oo... siya ang nagsend ng mga litrato kay Ken. Sinend na ni Ava iyon kanina sa kanya. Wala pa sana syang planong ipadala iyon pero ng makita nya itong bumalik sa rancho ay gusto nyang makita ang reaksyon nito tungkol sa letrato, gusto nya itong makitang natataranta at gusto nya itong makitang namombroblema... at hindi nga cya nagkamali!... Napangisi cya sa kalokohan nya.Picture nito at n
Diri-diritso itong pumasok ng bahay nya. "Ano na ang plano?" wika nito at pabalang na umupo sa sofa. Lumapit cya at tumayo sa harap nito... "Akin na ang cellphone mo!""Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Basta akin na ang cellphone mo!" Wala sa sarili naman na binigay nito sa kanya. Malaki ang tiwala ni Ava sa kanya at hindi nito alam na may plano cya.... Pagkatanggap nya ng cellphone nito at dinelete nya ang mga picture doon.. "Hey!!! what are you doing Jack!" Nang mahalata nito ang ginagawa nya ay tumayo ito at nakipag-agawan sa kanya para kunin pabalik ang cellphone nito."What are you doing Jack! Bakit mo dini-delete ang pictures namin ni Ken sa cellphone ko?" muling tanong nito sa kanya. "Para hindi mo na ito ma-send sa kanya at hindi na tayo mapahamak! Ako na ang gagawa at maghintay ka nalang!" sigaw nya."Jack ano ba! Ibigay mo ang cellphone ko! Hindi pwedeng magsunod sunuran nalang ako sayo! At kelan mo naman gagawin yun? Pinaghirapan ko ding itong pictures namin kaya wala
Pagdating nya ng bahay ay hindi cya mapakali. Paroo't parito cya. Hindi pa din cya makapaniwala na napatay nya si Ava! Pinagana nya ang utak at nag-isip kung ano ang dapat na gawin. My bahid ng dugo sa pader na binagsakan ni Ava. Medyo natuyo na iyon sa tagal nyang nawala dahil sa naghanap pa cya ng lugar kung saan itatapon ang bangkay ni Ava. Dali-dali cyang kumuha ng zonrox at tubig, kinoskos nya iyon ng kinoskos, sinigurado nyang walang matitirang bahid na dugo doon. Ang bag at cellphone din ni Ava na nakapatong sa sofa ay tinago nya sa apadaror. Kaalangan nya din yun idispatsa para walang ibedencya. Dapat siguro ay bumalik na cya ng rancho. doon cya magtatago sakaling may maghahanap na pulis doon sa bahay nya. Kilala pa naman ng mga kapitbahay nya si Ava. Laging nakikita ng mga ito ang kotse ng dalaga doon. Kapag nakita ng mga ito sa balita na namatay si Ava ay sya talaga ang ituturo ng mga ito. Madami cyang kagalit sa mga kapitbahay nya dahil naaangasan ang mga ito sa ka
"Babe! Babe! Wake up!" narinig niyang sambit ni Clark sabay alog sa balikat niya. Agad naman siyang nagising."Where is my baby?" agad na tanong niya nang magising siya. "Binalik na siya ni Callum sa akin. Nasaan na ang anak ko?" Kanina lang ay hawak-hawak niya iyon sa panaginip niya.Nagkatinginan muna ang mga taong naroon sa kwarto niya."Nanaginip ka lang, babe. Pero huwag kang mag-alala... Sandali na lang at makikita na natin si baby. Marami ang tumutulong sa atin...""Pero nangako si Callum na ibabalik na niya ang anak ko!"Ngumiti nang tipid si Clark, tila pinapanatag ang sarili niya. Pero baka ang nasa isip ng mga ito ay nababaliw na siya.Pero hindi siya maaaring magkamali. Nakausap niya si Callum at tama ang pagkakaintindi niya... Babalik si baby... Babalik ang anak niya!Naputol ang kanyang pag-iisip nang nag-ring ang cellphone ni Clark. Nabaling ang atensyon ng lahat kay Clark."It’s an unidentified number..." anunsyo ni Clark."Answer it! Baka may koneksyon ‘yan sa paghaha
"Kayo!" sigaw niya sa doktor. "Idedemanda ko kayo! Pinabayaan niyo ang anak kong makuha ni Callum! Huhuhu...""Babe... babe... calm down. Hindi ako titigil hangga't hindi makikita ang anak natin..." umiiyak na din niyakap siya ni Clark."Clark... huhuhu... hanapin mo ang anak ko. Maawa ka, hanapin mo siya, huhuhu..." Pagmamakaawa niya sa dating nobyo. Mamamatay siya kapag nawala o kung ano ang mangyari sa anak niya. Iniisip pa lang niya ay parang pinipiga na ang puso niya. Di bale nang siya na lang ang masaktan, huwag lang ang anak niyang wala pang muwang sa mundo.Nilapitan siya ng doktor at may tinurok sa kanya kung ano."No! No! Huwag niyo akong patulugin! Hahanapin ko ang anak ko!" sigaw niya sa doktor."Babe... mag-relax ka lang. Hindi pa kaya ng katawan mo. Kami na ang maghahanap sa anak natin. Pinapangako ko sa'yo, hindi ako titigil hangga't hindi siya mahahanap."Maya-maya, kumalma na siya. Malamang ay nag-take effect na ang gamot sa katawan niya. Lumuluhang tinitigan niya si
**********FE'S POV:N-Nay…"A-anak, gising ka na pala?" Agad siyang pinuntahan ng nanay niya sa kanyang kama. Nakita niyang andoon din si Bebe at Jonie na agad lumapit sa kanya, hinawakan ni Jonie ang kamay niya."Bestie... salamat naman at gising ka na..." malungkot na wika nito.Tiningnan niya ang mga mukha ng nakapalibot sa kanya... parang iisa ang pinapahiwatig ng mga ito. Parang may bumabagabag sa kanila na hindi niya maintindihan.Nilibot niya ang paningin sa paligid. Sila lang ang naroon. Wala si Ken, si James, si Callum, at si Clark. Nasaan ang mga lalaki?Naalala niya bago siya nawalan ng ulirat ay dumating si Clark at pinangako nito na sa pagising niya ay mukha nito ang makikita niya... Umasa siya... Pero wala ang lalaki doon.Kahit yun man lang ay hindi pa din maibigay ni Clark ang pangako nito? Muling umasa na naman ang puso niya."May nararamdaman ka ba, anak? Bakit tahimik ka?""Nasaan si Callum, Nay?" Si Callum ang hinanap niya, imbes na si Clark. Naalala niyang nanggu
"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********CLARK'S POV:"Anong sabi?"Tanong ni Ken nang tumawag si Callum. "Magkita daw kami at magtutuos..." malungkot na wika niya."Wag kang pumunta, Clark! Alam mo ang kapasidad ni Callum. Baka saktan ka niya." sabat ni Jonie"Pero wala akong magagawa dahil hawak niya ang anak ko! Kung di naman ako pupunta, baka di ko na makita ang anak namin ni Fe. Kailangan kong maibalik ang bata kay Fe... She's gonna be devastated." tila nawawalan na cya ng pag-asa."Magdala ka ng mga pulis... O di kaya sasamahan ka namin! Siguradong sasaktan ni Callum!" si James naman ang nag salita. Umiiling siya. "No!... Aalis akong mag-isa. Ayaw kong ilagay sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Kung gusto niya akong patayin, tatanggapin ko. Total, wala na rin naman silbi ang buhay ko. Wala na akong ginawang tama. Malamang ito na ang kabayaran sa lahat ng pagkakasala ko kay Fe." maluha-luhang sambit nya. Mukhang doon na nga sila magtatapos. "Mapapatawad na siguro niya ako kapag naibalik ko ang anak namin sa
"Alagaan mo muna hangga't hindi ako makakabalik.""Bakit? Callum, why are you doing this?" humihikbing wika nito. "Alam mo bang may reward na isang milyon ang sinumang makahanap sa'yo? Sumuko ka na lang, Callum, at magbagong buhay na tayo sa Scotland kasama ang mga anak natin.""Wag ka nang madaming tanong!" Kumuha siya ng tig-lilibong pera at ibinigay iyon kay Victoria."Babalik ako. Alagaan mo ang bata, kundi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw niya.Agad itong napahawak sa tiyan at umupo sa kama habang hiid binibitawan ang anak ni Fe at Clark.. Alam niyang buntis din si Victoria."Di mo ba talaga ako kayang mahalin, Callum?" umiiyak na wika nito. Tila lumambot naman ang puso niya kay Victoria."Lagi mo sinasabi na wala akong kwentang babae, dahil palamunin lang ako sayo pero hindi mo ba naiisip na inaalagaan ko ang anak mo kaya di ako makapagtrabaho? Nag-iisa lang ako doon at walang pamilya. How do you expect me to work?"Di siya nakapagsalita. Ngayon niya lang narinig ang rason ni
Hindi siya mapakali. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit biglang tumawag si Victoria. Dati ay hindi naman siya nito kinukulit.Pagdating nila sa resort ay hinayaan niyang si Fe ang kumausap sa engineer nito at lumayo muna siya ng kaunti para tawagan si Victoria. Ang iniisip niya kasi ay baka may nangyaring masama sa anak niya."Hello, Victoria! Why did you call?""Callum, can you come back here in Scotland?""Why? Di ba nag-usap na tayo? Hiwalay na tayo at sustentuhan ko na lang si Curt!""But I'm pregnant again with our second child!"Sandali siyang natameme. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Hindi naman siya nagduda sa ipinagbubuntis ni Victoria dahil ilang beses ding may nangyari sa kanila noong umuwi siya ng Scotland.Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Ano ang gusto mong mangyari, Victoria?""Hindi ba pwedeng magkabalikan na lang tayo? Para sa mga anak natin?""I-I can't...""But why? Huwag mong sabihing pipiliin mo pa rin ang babae mo diyan? Iiwan mo
CALLUM'S POV:Kaka-baba niya lang ng telepono. Tinawagan niya si Clark at sinabing nasa kanya ang bata. Gusto niyang makipagkita ito sa kanya dahil papatayin niya ang lalaki. Galit na galit siya. He has never been humiliated in his entire life! Kasalukuyan siyang nasa kotse dahil tinakbo ang anak ni Fe nang walang nakakaalam. Ngayon ay itsapwera na siya kay Fe kung kailan dumating na si Clark. Plinano niya ang lahat... ang pag-propose dito sa araw ng opening ng resort. Excited cya sa plano nya. He tought it would be a perfect day for him and Fe. Ginawa niya iyon para maraming makasaksi ng kanyang pag-propose. Pero hindi niya inakala na mapapahiya siya bacause Fe rejected his offer dahil sa muling pagpakita ni Clark. Isa pang nagpa-bulilyaso sa plano niya ay ang pagsulpot ni Victoria. Ang inakala nyang masayang pagpo-propose ay naging isang bangungut sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating si Victoria. Kaya siya umuwi ng Scotland dahil pinagbabantaan siya nitong sis
"Bro!" tawag-pansin ni Ken sa kanya na kakapasok lang ng kwarto. Galing ito sa security department para i-check ang CCTV."Lumabas si Callum sa ospital, dala-dala nga si baby. Walang humarang sa kanya dahil kilala siya dito sa ospital. At saka kilala natin si Callum, isa siyang private investigator at pulis, alam niya ang gagawin!""Damn!" sigaw niya. Hindi niya lang sinabi para hindi muling mag-alala ang pamilya ni Fe, pero sa palagay niya ay mahihirapan silang hanapin si Callum. Alam niya ang kapasidad nito. Magaling ito sa larangang iyon, pero ang panalangin niya lang ay huwag saktan ni Callum ang bata habang hindi pa nila nahahanap.Narinig niyang muling umiyak ang nanay ni Fe habang yakap-yakap ito ng asawa."Huwag po kayong mag-alala, Tita. Marami na ang naghahanap sa kanya. Liliit na ang mundo niya. Gagawin ko po ang lahat para maibalik lang nang ligtas ang anak namin ni Fe." Pinatatatag niya ang loob ng pamilya ni Fe, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot din siya. H