*********JACK POV:Lihim cyang napangiti ng makita si Ken na parang balisa. Hindi nya akalain na babalik agad ito sa Pampangga. Sa pagkaka-alam nya ay sa weekend pa ito babalik. Napasugod din ang ama ni Ken at ang girlfriend nito doon, mukhang masaya ang magpamilya at nagtipon-tipon ulit. Wala pa cyang alam kung ano ang ipinabubunyi ng mga ito, hindi pa cya nakakalapit sa mansion, nasa kwadra lang cya at nakamasid mula sa malayo. Kahit malayo cya ay kitang-kita nya kung gaano kabalisa si Ken, alam nya kung bakit ganun ang ikinikilos ng lalaki, alam nyang nakita na nito ang picture na sinend nya. Oo... siya ang nagsend ng mga litrato kay Ken. Sinend na ni Ava iyon kanina sa kanya. Wala pa sana syang planong ipadala iyon pero ng makita nya itong bumalik sa rancho ay gusto nyang makita ang reaksyon nito tungkol sa letrato, gusto nya itong makitang natataranta at gusto nya itong makitang namombroblema... at hindi nga cya nagkamali!... Napangisi cya sa kalokohan nya.Picture nito at n
Diri-diritso itong pumasok ng bahay nya. "Ano na ang plano?" wika nito at pabalang na umupo sa sofa. Lumapit cya at tumayo sa harap nito... "Akin na ang cellphone mo!""Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Basta akin na ang cellphone mo!" Wala sa sarili naman na binigay nito sa kanya. Malaki ang tiwala ni Ava sa kanya at hindi nito alam na may plano cya.... Pagkatanggap nya ng cellphone nito at dinelete nya ang mga picture doon.. "Hey!!! what are you doing Jack!" Nang mahalata nito ang ginagawa nya ay tumayo ito at nakipag-agawan sa kanya para kunin pabalik ang cellphone nito."What are you doing Jack! Bakit mo dini-delete ang pictures namin ni Ken sa cellphone ko?" muling tanong nito sa kanya. "Para hindi mo na ito ma-send sa kanya at hindi na tayo mapahamak! Ako na ang gagawa at maghintay ka nalang!" sigaw nya."Jack ano ba! Ibigay mo ang cellphone ko! Hindi pwedeng magsunod sunuran nalang ako sayo! At kelan mo naman gagawin yun? Pinaghirapan ko ding itong pictures namin kaya wala
Pagdating nya ng bahay ay hindi cya mapakali. Paroo't parito cya. Hindi pa din cya makapaniwala na napatay nya si Ava! Pinagana nya ang utak at nag-isip kung ano ang dapat na gawin. My bahid ng dugo sa pader na binagsakan ni Ava. Medyo natuyo na iyon sa tagal nyang nawala dahil sa naghanap pa cya ng lugar kung saan itatapon ang bangkay ni Ava. Dali-dali cyang kumuha ng zonrox at tubig, kinoskos nya iyon ng kinoskos, sinigurado nyang walang matitirang bahid na dugo doon. Ang bag at cellphone din ni Ava na nakapatong sa sofa ay tinago nya sa apadaror. Kaalangan nya din yun idispatsa para walang ibedencya. Dapat siguro ay bumalik na cya ng rancho. doon cya magtatago sakaling may maghahanap na pulis doon sa bahay nya. Kilala pa naman ng mga kapitbahay nya si Ava. Laging nakikita ng mga ito ang kotse ng dalaga doon. Kapag nakita ng mga ito sa balita na namatay si Ava ay sya talaga ang ituturo ng mga ito. Madami cyang kagalit sa mga kapitbahay nya dahil naaangasan ang mga ito sa ka
"Ang bait mo naman Jack, kahit pinayagan ka nang umuwi ay ang trabaho mo pa din ang iniisip mo. Sana ay tinuon mo nalang muna ang oras mo sa mga magulang mo.""Ok lang po yun Kuya Karding... maayos naman po sila doon ng iniwan ko." Pagsisinungaling nya."Huuu.. nagpapa sipsip lang yan si Jack! Palibsa gusto cya ng anak ng amo natin!" Inis na komento ng isa nilang kasamahan na si Allan. Halatang may inggit ito sa kanya dahil cya lagi ang hinahanap ni Senyorito Gray sa tuwing pupunta ito sa kwadra.Halos magka edad lang sila ni Allan. Hindi nya pinansin ang sinabi nito, wala cyang panahong pakipag-away sa mga tao doon dahil mas malaki pa ang problema na iniisip nya sa ngayon. "Anu ka ba Allan! Ka aga-aga eh kung ano-ano ang mga sinasabi mo!" Galit na saway ni Kuya Karding kay Allan. "Magkape ka na Jack at magsimula na tayong magtrabaho." Baling naman nito sa kanya. Tumango lang cya at nagtimpla ng sarili nyang kape. Hindi na nya pinanpasin si Allan kahit pa panay ang parinig nito sa k
KENNETH:Nasa kwarto lang sila ni Jonie nanonood ng TV, nakayakap ito sa kanya. Baka ipagpabukas na nya ang pagbaik sa Manila, gusto nyang sulitin muna ang oras sa asawa.Abala cya sa pag-cellphone habang kausap si Calvin at Alex, ang asawa naman ay abala sa kakapindot ng remote at palipat-lipat ng channel sa TV, wala itong mapiling panoorin. Ng madaanan nito isang news... nakuha ang atensyon nila sa balita dahil sa isang kotse animo na iniwan sa isang kakahuyan. Lalong nakuha ang atensyon nila ng marinig ang pangalan ni Ava na binanggit ng reporter... napa-upo sila ng tuwid na mag-asawa. "Did I heared Ava's name, Babe? Si Ava ba ang biktima?" Tanong ni Jonie sa kanya. Tila kinokompirma nito kung tama nga ang narinig mula sa balita. "I don't know, yun din ang pagkakarinig ko..." Sagot nya. Muli silang tumahimik para pakinggan ang balita.Ayun sa balita ay iniwan ang katawan at kotse ni Ava doon sa kakahuyan ng isang di nakikilalalng lalaki. Ang akala nito ay patay na si Ava dahil
"What are you talking about, general? hindi nakipagkita si Ken sa Ava na yun! Galit si Ken kay Ava at imposible iyon!" Buong kompyansa ni Jonie sa sinabi iyon."A-actually Babe, nagkita kami ni Ava sa Manila kahapon, alam ko ang ibig sabihin ni General na litrato dahil may nagsend din sa akin ng ganun... someone is trying to ruin me." Wala cyang choice kundi ikwento ang tungkol sa picture. Hindi na nya maitago iyon dahil nakasalalay na ang kaligtasan nya dito. Saka wala cyang ginagawang masama kaya mas mabuting alam ng mga ito ang panig nya. "Huh?... nagkita kayo ni Ava kahapon?" Di makapaniwalang tanong ni Jonie. "Y-yes... pumunta sya sa office para humingi ng tawad sa lahat ng nangyari sa amin. Ang akala ko naman ay seryoso sya sa paghihingi nya ng tawad, I invited her for lunch, hindi ko alam na may kumukuha pala ng picture sa amin, hindi ko alam kung pakana ni Ava yun pero pagkatapos naming mag-lunch at bumalik na ako dito sa Pampanga ay may nag-send sa akin ng mga pictures...
************JACK:Nagtago cya sa kwarto nya ng may nakitang mga police na dumating sa rancho, kinausap ng mga ito ang pamilya ni Ken at Jonie. Mukhang magkakilala ang Papa ni Ken at ng head ng pulis. Maayos ang pagtanggap ng mga ito sa mga pulis.. pero hindi cya nababahala, alam nya ang rason kung bakit andoon ang mga pulis... dahil iyon sa pinadala nyang mga pictures... napangiti sya.. gumagana ang ang plano nya. Si Ken ang ang suspect ngayon... walang makakapag turo sa kanya dahil my amnesia si Ava. Ngayun ang isipin nya naman ay kung paano patahimikin si Ava sakaling gumaling ito sa pagkaka amnesia. Kung hindi man ito namatay sa pagkakabagok sa bahay nya ay baka tutuluyan nya nalang talaga ito. Hindi pa nga lang nya alam kung paano.Alam nyang madaming nagbabantay kay Ava sa ospital. Ng marinig nya ang kwneto ni Allan kanina tungkol kay Ava ay hinanap nya ang balita sa internet para mas lalong malaman nya ang nangyari sa dalaga. Mabuti na yung madami cyang alam bago sya gumala
KEN POV: Pagkatapos nilang magbihis ng Papa at Tito Gregore nya ay aalis na sila. Pupuntahan nila sa ospital si Ava. Gusto nilang kamusta din ang kalagayan nito at kausapin na din ang Papa ni Ava at ipaliwanag ang side nya na hindi cya ang gumawa nun kay Ava. Isang sasakyan lang ang ginamit nila... si Mang Gener ang driver, si Tito Gregore naman ang nasa front seat at sila ng Papa nya sa likod. May nakasunod din sa kanilang mga bodgguard sakaling may gagawing masama ang kampo si Ava sa kanila. Pagdating nila sa ospital ay sinalubong agad sila ng diretor ng ospital. Kaibigan din iyon ng Papa nya at tinawag na nito ang pakay nila doon. "Kumpadre.. kamusta?" wika nitong sumalubong sa kanila. "Eto kumpadre okay naman..." Wika ng Papa nya saka pinakilala sila nito ni Tito Gregore. "Pwede mo ba kaming samahan sa kwarto ni Ava San miguel?" Pakiusap ng Papa nya "Oo naman kumpadre, walang problema. Sumunod kayo sa akin." wika nito. Medyo naiilang pa ang director sa dami ng bodyguards
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n
"O-opo... Shiela po ang name ng nurse namin na kasabwat ni Miss Amber dito." Nakayukong sagot ng nurse. Ayaw nitong salubungin ang mga tingin nila samantalang ang director ay tahimik lang. "James... di kaya ang Shiela na tinutukoy nila ay ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon?" kinakabahan siya na posibleng tama ang hinala niya. Kanina pa siya hindi mapakali."It's impossible, sweetheart! Hindi kukuha si Mommy ng may kriminal record!"Hindi niya pinansin si James at binalingan ang director. "May picture ba kayo ng sinasabi niyong Shiela?""Opo, Ma'am. Teka lang po, hahanapin ko..." ang sekretarya ang sumagot saka hinanap ang record nito sa computer. Natutulala nalang ang direktor na parang natatakot sa anong posibleng mangyari sa facility nila. "Oh my God!" gulat na wika niya nang makumpirmang ang Shiela na tumulong kay Amber para makalabas sa facility at ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon ay iisa."James, huhuhuh... baka kung ano ang mangyari kay Tyler... we have to
"Mom, ikaw na ang bahala kay Tyler ha. Babalik din kami kaagad." paalam nila kay Mommy Evelyn matapos silang maggayat at paalis na. Dinaanan muna nila ito sa garden kung saan naroon ang mag lola."Sure, mga anak. Andito naman si Shiela para tulungan ako."Bigla siyang napatingin kay Shiela. Bakit parang may iba na siyang pakiramdam para sa nurse? Dati ay nagpapasalamat siya dito sa pag-aalaga sa anak niya, pero bakit ngayon parang ayaw na niyang ilapit si Tyler sa private nurse nito?"Wag po kayong mag-alala, Ma'am Beverly. Mag-enjoy lang po kayo sa pupuntahan ninyo. Walang mangyayaring masama kay Tyler dito." Ngumiti ito sa kanya na parang may ibig sabihin. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon."Let's go, sweetie. Alis na tayo para makabalik na tayo kaagad." aya ni James sa kanya. Hinawakan pa sya nito sa kamay papunta sa kotse na gagamitin nila. "S-sure..." sagot niya, pero hindi inaalis ang tingin kay Shiela. Masama talaga ang pakiramdam niya tungkol sa
"What happened?" nagtatanong itong nagtaka. Tumayo siya at sinalubong ito, buhat pa rin niya si Tyler. Ayaw niyang bitawan ang anak niya. Mas safe si Tyler kung nasa bisig niya. "James.. nakita ko si Amber sa labas ng bahay kanina..." "Huh? Nanaginip ka ba, sweetheart?" "No! Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko siya kanina sa labas ng madaling araw. Nakatingin siya dito sa bahay!" "Pero imposible 'yun dahil nasa mental facility na siya at imposible na siyang makalabas doon. Sinigurado sa akin 'yun ng taga facility." "Basta hindi ako mapakali. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!" Nag-huhuramentado na siya. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag kay James na sigurado siya sa nakita niya. "Shhh... relax, honey..." wika nito, saka niyakap siya. "Mamaya, pagsinag ng araw, ay sisiguraduhin nating 'yan. Pupuntahan natin si Amber sa facility kung nakalabas nga siya o wala. Dumito muna kayo ni Tyler habang madilim pa ang paligid." Tumango siya at lumapit sa kama. Nilapag niya ang a