"Good morning po Senyorito Gray, Good mornig Sir Ken..." bati nya ng makita palapit ang mag- ama sa kinatatayuan nya. "Good morning po Kuya Jack..." masayang bati din ni gray sa kanya. Tinanguan lang cya ni Ken. "Mang Karding saan po ang magandang kabayo ni Tito Gregore dito?" tanong ni Ken sa pinakamatagal na tagapag alaga. Aaminin nya hindi cya marunong mangabayo, wala naman cya experience sa pagkakabayo. Sa babae siguro pwede pa hehehehe.."Sir Ken ito pong puti mabait po ito, pwede nyo po ito gamitin." Sagot ni Mang Karding sa boss nila saka pinalabas ang kabayo. "Sasakay tayo sa kabayo dad?" nagliwanag ang mukha ng bata na makitang nire-ready na ang kabayo. "Yes anak.. isasakay kita ng kabayo para hindi ka na mangulit dito sa kanila buong week dahil magwo-work na ako sa Manila. Basta pangako mo wag kang makulit dito ha at baka anong mangyari sayo, hintayin mo ako sa pagbalik ko para mangabayo ulit tayo." "Okay Daddy!... yehey! sigaw ni Gray na tuwang-tuwa. Aalis na pala ang
Bente minutos lang ang tinakbo ng motor nya galing sa rancho pauwi ng bahay nya. Mabilis kasi ang pagpapatakbo nya. Pakiramdam nya ay doon nya binaling ang kanyang gigil sa mga plano nya. Malayo pa lang ay nakita nya ang kotse ni Ava sa labas ng bahay nya. Mabuti naman at hindi ito umalis. Binilisan nya talaga ang pag-uwi para makita ang nobya. Nagpark sya ng motor sa tabi ng kotse nito at pumasok sa bahay nya. Nasa sofa ito naka-upo at nagce-cellphone. "Oh andito ka na kaagad?" nagtatakang tanong nito. "Syempre!" Naiiritang wika nya. Umupo sya sa tabi nito na parang pagod na pagod. "I brought you food, alam kong wala ka pang pagkain dito kaya ako na ang nagdala." Tiningnan nya ang lamesa, meron nga doon pagkain. Cake, spaghetti, burger at softdrinks ang dala nito na mula sa fast food. Wala cyang ganang kumain, pinikit nya ang mata para magpahinga ng kaunti.Nagulat nalang cya ng may naramdamang kamay na humihimas sa dibdib nya. Si Ava naglalambing sa kanya. "Pumunta ako dito
**********JONIE:Araw ng lunes, magkasama dapat sila ni Ken na luluwas ng Manila kasama ang mga kaibigan nila pero nagpaiwan cya sa rancho dahil masakit ang ulo nya. Di kaya over fatigue sya? Sa isip nya.Masyado din kasi cyang naging abala lately sa pag-aasikaso sa rancho at sa negosyo nila. Halos wala na cyang pahinga. Nasa kwarto lang cyang nakahiga, ayaw sana ni Ken na iwan cya pero nagpupumilit cyang bumalik na ito sa Manila dahil kailangan ito ni Melisa sa Tagaytay project nila. "Mommy, Are you okay?" Tanong ni Gray na nasa tabi nya. Hindi cya pinabayaan nito ng malamang may sakit cya. Nasa tabi nya lang ito nakahiga at nanonood ng yout*be sa tablet. Kabilin-bilinan din kasi ni Ken sa anak nila na alagaan cya habang wala ito. Natatawa na lang cya ng maalala ang usapan ng mag-ama nya bago umalis si Ken kanina. "Gray anak, bantayan mo ang mommy mo while I'm not here ha." "Yes Daddy... I will take care of mommy. Dito lang po ako sa tabi nya para sakaling may bad guys na lumap
Iwinaksi nya ang mga naiisip tungkol kay Jack at pumunta na kusina para kumuha ng tubig. Nakokonsencya tuloy cya na pinag-iisipan nya ng masama ang tao samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya lalo pa't mabait ito sa anak nya. "Gray tara na.. balik na tayo sa kwarto." Aya nya sa anak nya ng pagkatapos nyang kumuha ng tubig. Magdadala cya sa kwarto nya para sakaling mauhaw cya ay hindi na nya kailangang bumaba ulit. "Dito nalang sa akin si Gray para makapag pahinga ka ng maayos, anak." Suyestyon ng Papa nya. "Sige 'Pa... ikaw na muna ang bahala kay Gray..." Sabagay okay din naman yun, hindi kasi sya makatulog ng diritso kasi kinakausap cya ni Gray, sa edad nitong three years old ay madami na itong gusto malaman kaya madami din itong sa kanya lagi, madaldal ang anak nya. May mga tanong pa itong hindi nya masagot minsan dahil magaling na ito sa computer, kung ano anu na ang mga nakukuha nitong words sa internet. "Gray dito ka lang ky Lolo Gregore ha, wag kang lumayo
SAMANTALA....Masama ang tingin ni Jack habang katingin kay Jonie na nasa terasa at may kausap sa telepono. Alam nyang kausap na naman nito ang asawang si Ken... nagseselos cya! Alam nyang wala cyang kaparatang mag selos pero anong magagawa nya eh yun ang nararamdaman nya!Nagpaalam muna sya kay Gray at sa dalawang yaya nito.. Naiirita na din cya sa mga yaya na ito na panay ang pa-cute sa kanya. Sinasakyan nya lang ang mga ito para mapalapit sa bata. Dali-dali cyang pumunta sa lugar kung saan walang tao at walang makakarinig sa kanya. kinuha nya ang telepono at tinawagan si Ava. "Hello sweetheart?" Malambing na sagot ni Ava sa tawag nya. Napansin nya na naging sweet ulit ito sa kanya simula ng binago nya ang istilo nya sa pakikipag -niig dito. Napa-ismid cya... as if naman may epekto pa ang pagigigng sweet nito muli sa kanya... Wala na cyang pakialam!"Andyan si Ken sa Manila, mag-isa lang cya dahil naiwan si Jonie dito sa Pampanga, bisitahin mo cya sa opisina nya at akitin... sig
Dinala cya ni Ken sa isang mamahaling restaurant, doon sila lagi noong sila pa. Kilala na si Ken doon kaya may pagtataka din ang mga tingin ng mga staff at waitress na naroon kung bakit sila ang kasama, alam ng mga ito na matagal na silang wala at si Jonie na ang partner nito ngayon, nginitian nya lang ang mga ito. Inalalayan cya ni Ken na umupo sa pangdalawang table. "Whats your order?" Tanong nito. "Ang dati, alam mo naman ang paborito ko dito di ba?" nakangiting wika nya dito., as if she's trying to imply na dinadala din cya nito doon dati. Tiningnan lang cya ni Ken saka tumikhim. "I just want to remind you Ava, andito tayo para mag lunch and not for anything else, naawa lang ako sayo at sa sinapit mo, wag mo sanang bigyan ng kahulugan ito. Alam mong masaya na kami ni Jonie." Paliwanag nito sa kanya. "Of course! hindi ko naman iniisip yan, alam ko kung saan ako lulugar. Saka bakit pa ako makikipag kompitensya kay Jonie... she is one of the richest woman in the world! Wala na a
************JONIE:Nasa kwarto cya at nasa higaan pa din, lalo atang sumakit ang ulo nya. Hindi pa cya nakalabas doon simula kanina. Pinadalhan lang cya ng pagkain ng Mama nya. Abala pa kasi ang mga ito sa labas sa pag-ayos ng mga furniture kaya hindi pa cya binisita ng mga ito. Maya-maya ay napa-upo sya mula sa pagkakahiga. Naduduwal cya, parang babaliktad ang sikmura nya. Tumakbo cya sa banyo at doon nilabas ang suka nya. Wala naman cyang nailabas kundi puro laway lang. "Mam ano pong nangyari sayo?" Nagmamadaling pumunta ang dalawang yaya ni Gray sa kanya. Hindi nya napansin na pumasok na ang mga ito kasama ang anak nya. "Mommy what happened to you?" nag-aalalang wika ni Gray."Di ko alam... masakit ang ulo ko at naduduwal ako..." "Di kaya...." sumabay pang nagsalita ang dalawang yaya saka tumingin sa kanya. Alam na nya ang ibig sabihin ng mga ito, nurse ang dalawang yaya ni Gray kaya alam nila ang symptoms na nararamdaman nya."Baka nga..." nakangiting wika nya. "Nagliwanang a
"Tatawagan ko si Ken at sabihin sa kanya ang magandang balita!" Excited na sambit ng Papa nya ng sila nalang ang natira sa kwarto nya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa, akmang pipindutin na nito ng pigilan nya. "Pa... I want to tell Ken personally, pwede bang ikaw na ang tumawag sa kanya at pauwiin cya pabalik dito sa Pampanga?" Ngumisi ang Papa nya sa plano nya.. "Sige anak hahaha!... That's a good idea. We can't wait for Ken's reaction kapag nalaman nya ang magadnang balita!" Pinagpatuloy nito ang pagtawag kay Ken. Pinindot pa nito ang loudspeaker para mariing nila ang pag-uusapan ng dalawa. Nakatingin lang sila sa Papa nya habang ginagawa iyon. Nag-ring na ang cellphone ni Ken.. naka dalawang ring palang iyon at sinagot na nito agad ang tawag ng Papa nya. "Hello Tito Gregore napatawag po kau? Is there anything wrong?" Nag-aalalang tanong nito. Alam nyang hindi kasi tumatawag ang Papa nya kay Ken kapag hindi kinakailangan kaya alam nyang magtataka talaga ito. "Yes... I want
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
****************AMBER'S POV:Napangiti siya habang nagkakagulo na ngayon sa palasyo. Nasa likod siya ng kotse, hawak ang anak ni James at Beverly habang si Shiela ang nagda-drive ng get-away car nila."Good job, Shiela. May bonus ka sa akin mamaya." wika niya sa private nurse niya sa facility na binabayaran para tulungan siyang ilabas doon.Napangisi ito sa sinabi niya. "Salamat, Mam Amber. Pag nakuha ko na ang pera ay aalis na ako dito sa Scotland at magpakalayo-layo."Lihim siyang napangisi. Mukhang pera ang babaeng ito kaya nauto niya nang maigi. Tinapalan niya lang ito ng pera at bumigay na kaagad.Hindi naman kasi siya baliw. Nagbaliw-baliwan lang siya noong ikukulong na dapat siya dahil sa ginawa niyang panloloko sa mga Blacksmith.Mas gugustuhin niyang malagay sa mental facility kaysa sa kulungan. Mahirap na kapag sa kulungan... sa ganda niyang iyon ay baka pagpasa-pasahan pa siya ng mga pulis. Noon pa man ay nakikita na niya ang mga titig ng mga pulis sa kanya noong kasama n
"O-opo... Shiela po ang name ng nurse namin na kasabwat ni Miss Amber dito." Nakayukong sagot ng nurse. Ayaw nitong salubungin ang mga tingin nila samantalang ang director ay tahimik lang. "James... di kaya ang Shiela na tinutukoy nila ay ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon?" kinakabahan siya na posibleng tama ang hinala niya. Kanina pa siya hindi mapakali."It's impossible, sweetheart! Hindi kukuha si Mommy ng may kriminal record!"Hindi niya pinansin si James at binalingan ang director. "May picture ba kayo ng sinasabi niyong Shiela?""Opo, Ma'am. Teka lang po, hahanapin ko..." ang sekretarya ang sumagot saka hinanap ang record nito sa computer. Natutulala nalang ang direktor na parang natatakot sa anong posibleng mangyari sa facility nila. "Oh my God!" gulat na wika niya nang makumpirmang ang Shiela na tumulong kay Amber para makalabas sa facility at ang Shiela na private nurse ni Tyler ngayon ay iisa."James, huhuhuh... baka kung ano ang mangyari kay Tyler... we have to
"Mom, ikaw na ang bahala kay Tyler ha. Babalik din kami kaagad." paalam nila kay Mommy Evelyn matapos silang maggayat at paalis na. Dinaanan muna nila ito sa garden kung saan naroon ang mag lola."Sure, mga anak. Andito naman si Shiela para tulungan ako."Bigla siyang napatingin kay Shiela. Bakit parang may iba na siyang pakiramdam para sa nurse? Dati ay nagpapasalamat siya dito sa pag-aalaga sa anak niya, pero bakit ngayon parang ayaw na niyang ilapit si Tyler sa private nurse nito?"Wag po kayong mag-alala, Ma'am Beverly. Mag-enjoy lang po kayo sa pupuntahan ninyo. Walang mangyayaring masama kay Tyler dito." Ngumiti ito sa kanya na parang may ibig sabihin. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon."Let's go, sweetie. Alis na tayo para makabalik na tayo kaagad." aya ni James sa kanya. Hinawakan pa sya nito sa kamay papunta sa kotse na gagamitin nila. "S-sure..." sagot niya, pero hindi inaalis ang tingin kay Shiela. Masama talaga ang pakiramdam niya tungkol sa
"What happened?" nagtatanong itong nagtaka. Tumayo siya at sinalubong ito, buhat pa rin niya si Tyler. Ayaw niyang bitawan ang anak niya. Mas safe si Tyler kung nasa bisig niya. "James.. nakita ko si Amber sa labas ng bahay kanina..." "Huh? Nanaginip ka ba, sweetheart?" "No! Totoo ang sinasabi ko. Nakita ko siya kanina sa labas ng madaling araw. Nakatingin siya dito sa bahay!" "Pero imposible 'yun dahil nasa mental facility na siya at imposible na siyang makalabas doon. Sinigurado sa akin 'yun ng taga facility." "Basta hindi ako mapakali. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko!" Nag-huhuramentado na siya. Hindi niya alam kung paano ipaliwanag kay James na sigurado siya sa nakita niya. "Shhh... relax, honey..." wika nito, saka niyakap siya. "Mamaya, pagsinag ng araw, ay sisiguraduhin nating 'yan. Pupuntahan natin si Amber sa facility kung nakalabas nga siya o wala. Dumito muna kayo ni Tyler habang madilim pa ang paligid." Tumango siya at lumapit sa kama. Nilapag niya ang a