Naawa cya bigla sa ama nya ng makitang nalungkot ang mukha nito. Matagal silang pinahanap ng Papa nya, lumaki cyang walang ama, hindi na din cya nagtanong pa sa Mama nya dahil ang sabi nito ay iniwan sila ng Papa nya. Ang dami nyang experience na pambu-bully dahil wala cyang ama.Putok sa buho, na-anakan ang ina, pinulot sa basura.. yan ang mga kadalasan na tawag sa kanya habang lumalaki cya lalo na't kakaiba ang kulay nya... blond ang buhok nya at tisay cya. Mapapansin talaga na kakaiba sya sa lahat ng mga batang kalaro nya. Kapag tinanong cya kung saan ang ama nya at kapag sinabi nya na wala cyang ama ay tinataasan agad cya ng kilay ng mga ito na pakiramdam nya ay allien cya.. hindi cya lagi belong! Ayaw nyang mangyari iyun sa anak nya... marahil ay hindi pa mararanasan ni Gray iyon dahil maliit pa ito pero paano kapag lumaki na cya at kailangan ng mag-aral? Gugustuhin ba nyang maging katulad ang anak nya sa kanya na walang ipapakilalang ama? Hindi nya pwedeng itago si Gray haban
Pero ganun pa man ay kailangan nya pa din ipakilala si Gray sa ama nito. Hindi lang sarili nya ang iisipin dito... kailangnan nya din isipin ang anak nya, kailangang malaman ni Ken na may anak na sila. Dati kasi nag-aalangan cyang ipaalam kay Ken ang tungkol kay Gray dahil baka hind ito magustuhan ng Papa nya. Pero ngayong vocal na ito na gusto nito si Ken at ito pa mismo ang nagtutulak sa kanya ay wala na syang dahilan para itago pa ang sekreto nya. Lumalaki na ang bata at naghahanap na ito ng tatay. "What are you thinking anak?" Putol ng Papa nya sa malalim nyang pag-iisip. "Ahm iniisip ko lang na hindi ko pwedeng ipagkait si Gray kay Ken... sasabihin ko na sa kanya sa lalong madaling panahon...." "Sige anak... hindi kita tututulan jan...kung ano ang makakabuti para sayo ay gawin mo. Napansin ko din kasi na malugkot ka lately... kung ano man ang bumabagabag jan sa isip mo ay iwasan mo na yan. Always choose to be happy, wag mo akong gayahin na nagsayang ng ilang taon sa paghanap
Saktong alas-dyes umaga ay nasa Resort na sila. Andoon na ang mga ka-meeting nya, andoon na din si Melisa na ang laki ng ngiti ng makita cya.. sinalubong sila nito. "Hi... your just in time!" wika nito saka humalik sa pisngi nya, nagulat cya! Naging mapangahas na ito ngayon sa mga kilos nito towards him. Ayaw naman nyang sabihan ito dahil baka ma-offend kaya hinayaan nya nalang. Baka friendly lang talaga si Melisa. Nag abre-syete pa ito sa kanya habang papalapit sa mga ka-meeting nila. Sa bahay ni Melisa sila nag-meeting. As usual nagpahanda na naman ito ng madaming pagkain para sa kanila...super asikaso din ito sa kanya. He is in the middle of thier meeting when his phone rang... hindi nya masagot iyon dahil ayaw nyang ma-distract. Naka silent lang iyon at naramdaman nyang ang vibrate iyon sa bulsa nya. Hindi nya napigilan ang sariling silipin kung sino ang tumawag, kuniha nya iyon sa cellphone at lumiwanag ang mata nya ng si Jonie nga ang tumatawag sa kanya. Tatawagan nya nalan
Pagdating nila ng bahay ay tumakbo agad cya sa kwarto nya para mag charge. Its been 8 in the evening, halos buong araw cyang low bat. Malamang ay kanina pa naghihintay si Jonie sa tawag nya!Binuksan nya agad ang telepono habang nakacharge... hindi na cya makapaghintay pa na mag full charge iyon. Parang armalite ang cellphone nya sa dami ng message na natanggap nya. Merong galing sa Papa nya, kay Alex na secretary nya at maging sa mga kaibigan nyang si Clark at James ay nag message din sa kanya pero hindi nya binuksan ang mga message ng mga iyon... inuna nyang buksan ang nag-iisang message ni Jonie sa kanya. "Hi... nakadating ka na ba ng Manila? Papa is already here.. thanks nga pala ulit sa pagbisita sa akin... if your not busy anymore pwede mo ba akong tawagan? May importante akong sasabihin."Bigla cyang natigilan sa message ni Jonie sa kanya. Ano ang ibig sabihin nito? Ano ang importanteng sasahibin nito sa kanya? Ang dami nang pumapasok sa utak nya... kinabahan cya na hindi nya
"You look happy anak..." Tanong ng Papa nya na nasa sofa habang nanonood ng TV. Kakalabas nya lang ng kwarto nya, magkasama silang nanonood ng N*tflix kanina, pumasok lang sya sa kwarto sandali ng makitang tumatawag si Ken at para sagutin ang tawag nito. "Nakapag-usap na kami ni Ken, Pa.." naging vocal na cya sa Papa nya tungkol sa kanila ni Ken. "Kamusta naman? Nasabi mo na ba sa kanya ang tungkol sa apo kong si Gray?" Umupo sya sa tabi nito. "H-hindi pa 'Pa... bigla kasi akong kinabahan, kasi hindi ko kasi alam kung ano ang maigigng reaksyon nya... baka kasi magalit cya dahil tinago ko ng matagal ang tungkol ky Gray.." "Sabagay anak... naiintidihan kita. Kelan ang plano mong sabihin sa kanya?""Next week po pag-uwi natin sa Manila...""Bakit kailangang patagalin mo pa? Bakit hindi nalang ngayon?" nakataaas ang kilay nitong sabi sa kanya. Hindi naman ganun kadali sabihin ang bagay na yun. Hindi pa nga nya alam kung matutuwa o magagalit si Ken sa sasabihin nya. "May trabaho pa
"What are you doing here?" Gulat na tanong nya, hindi nya akalaian na totohanin nito ang pagpunta sa opisina nya. "I told you pupunta ako right? I bring some foods for you. Alam kong hindi ka pa naka-kain, naka salubong ko si Calvin sa labas..." Lihim cyang napabuntong hininga... ayaw na ayaw nya ang ginagawa ni Melisa sa kanya. Mamaya pagkatapos nilang kumain at didiritsahin na nya ito na wag na umasa sa kanya dahil may minamahal na cyang iba. Bahala na kung masaktan man ito pero habang maaga pa ay itigil na nito ang kahibangan sa kanya dahil wala itong mapapala. Pinatong ni Melisa ang pagkain na dala sa lamesa at lumapit ito sa kinaupuan nya, dumukwang ito at hinalikan cya sa labi!Hindi nya iyon inaasahan... napakabilis ng mga pangyayari! Naging mapangahas ang halik nito sa kanya pero hindi cya tumutugon. Akmang itutulak nya ito ng biglang may pumasok sa opisina nya.Lumaki ang mata nya ng makitang si Jonie ang pumasok.! Bigla cyang kinabahan... nakita sila nitong naghahalika
Tumayo din cya para pigilin ito sa ginagawa. "Hey.... relax Jonie.. I will explain!" Hawak nya ang kamay nito para pigilin sa muling pagtatapon. "Kung hindi pa ako bumalik ay hindi ko pa malalaman! Tinutuhog mo ba kami ni Melisa, Ken????" mahabang lintaya nito habang nagpupumiglas. "Kung ganun ay doon ka nalang sa kanya! Wala akong planong makipag hatian sa kanya! Doon ka na sa kanya!!!" Sigaw nito. Napangiti cya... tama nga ang hula nya, nagseselos nga ito. Hawak pa din nya ito sa dalawang kamay, pilit kasi nitong susuntukin cya sa dibdib... niyakap nya ito para pigilin ang kamay nito.. "Hush Jonie, relax...." Bulong nya pero hindi pa din ito tumigil sa pagpupumiglas. Hinawakan nya ito sa baba at biglang hinalikan... "Ahmm... I missed Jonie..." sambit nya sa pagitan ng kanilang paghahalikan. Hindi nya ito tinigilan hangga't hindi ito sumusuko sa kanya. Nagpupumiglas pa din kasi ito, ang kamay nito ay pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.. Bigla cyang kinagat nito sa labi... n
"Bago kapa magalit ng tuluyan jan... gusto ko lang sabihin sayo na wala kaming relasyon ni Melisa, kung yun ang pinuputok ng butsi mo!" Paliwanag nya dito. Natigilan naman ito sa narinig mula sa kanya.. naka nganga pa ang bibig nito. "Aaminin ko at first na nagandahan ako sa kanya pero hanggang doon lang yun. I got tempted na patulan cya dahil alam kong gusto nya din ako pero pinigilan ko ang saili ko dahil may mahal na ako..." Lalong umawang ang bibig nito... "Close your mouth Jonie or I'll kiss you!" utos nya. Bigla naman itong napakipot ang bibig. "M-may mahal ka ng iba?" nag-aalangang tanong nito. "Yes... may mahal na ako at hindi na ako maaring magloko. I've been there... graduate na ako sa ganun. Ang gusto ko nalang ay maging maayos ang relasyon ko sa taong mahal ko..." dagdag paliwanag nya.. Nalungkot si Jonie... "At sino naman ang babaeng yun?" "It's you silly! Who else do you think? Ikaw ang asawa ko... mahal kita kahit pa ilang beses mo akong hiwalayan! Kahit pa ayaw mo
Napansin niyang napatingin si James sa kanya ng saglit pero agad ding bumalik ang atensyon nito kay Amber nang magsalita ito. Inaagaw ulit ni Amber ang atensyon ni James. Parang walang epekto tuloy ang ginagawa nyang papapansin! Nagsimula na siyang maghinanakit. Ang akala niya ay sapat na ang ginawa niyang effort, pero tila mas interesado si James kay Amber. sino ba namang lalaki ang aayaw sa malaking hinarahap ng babae di ba? Maging si James ay hinid exempted doon! Napakagat-labi siya habang iniisip kung ano pa ang dapat niyang gawin. Maya-maya, napansin niyang papunta sa tabi nya si John, may dala itong sandwich na ginawa nya kanina. “Kain ka muna, Bevs” alok nito sa kanya Ngumiti siya at kinuha ang sandwich. Kahit paano ay na-appreciate niya ang ginagawa ni John. “Salamat,” sagot niya nang mahina. “Alam mo, para kang fairy dito sa batis, Bevs” Bulong ni John habang nakatitig sa kanya. "Ang ganda mo na talaga.” Natigilan siya sa sinabi nito. Si John ang nakapansin sa mga pagpap
Ang mga bwisit, sa harap ko pa talaga naglalampungan! At makapagpanggap naman itong si Amber, akala mo siya ang gumawa ng sandwich, eh wala namang ambag! Natuon ang buong atensyon ni James kay Amber habang nakikipag-usap dito. Lalo tuloy siyang nairita at tumindi ang selos niya. “Hey, Bevs. Come, let’s swim!” tawag ni John habang lumapit sa kanya. “Sige... Kanina pa ako nate-tempt na maligo. Ang linaw kasi ng tubig! ” sagot niya, saka tumayo at dahan-dahang tinanggal ang kanyang cover-up nya. Kitang-kita niya kung paano lumuwa ang mata ni James nang makita siya. Napaka-daring kasi ng swimsuit na suot niya...halos kita na ang mga bahagi ng katawan na madalas tinatago. Bukod dito, mas pansinin pa ang bawat kurba ng kanyang katawan. Napatulala si James. Lihim cyang napangiti dahil nakuha nya ang atensyon ng nobyo. Maglaway ka ngayon sa kaseksihan ko! wika nya sa isip. "Ang sexy naman ng mahal ko," komento ni John habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha. Napahagikhik siya, p
Hindi siya nakafocus sa pangangabayo dahil ang mata niya ay nakatuon kay James at Amber. Nakayakap si Amber sa likod ni James, at ang dibdib nito ay nakadikit sa likod ng lalaki.“Ang hinayupak! Gustong-gusto naman ang paglalandi ni Amber! At si Amber naman, talagang sinasadya pang idikit ang dibdib sa likod ni James. Mga baboy!” sigaw ng isip niya.“Hey, Bevs, akala ko ba magkakarera tayo?” sigaw ni John sa kanya.Bigla siyang na-excite at sandaling banalik ang atensyon kay John. “Sige ba!” naka-ngising sagot niya sabay lapit kay John. “Ready?”“Don’t be stupid! Baka maaksidente pa kayo!” sigaw ni James sa kanila, pero hindi nila ito pinansin.Nagkatitigan sila ni John at sabay natawa. “Ready?” ulit nitong tanong.“Go!” sigaw niya, at nagsimula na silang mag-unahan sa pangangabayo. Naunahan agad siya ni John, at aminado siyang na-impress sa husay nito sa pangangabayo. Pero hindi siya magpapatalo, competitive cya kaya lahat ng bagay ay gusto nya ay mananalo cya. Binilisan pa niya ang
Pagkatapos ng dinner nila, nagsimula na silang maghanda ng mga dadalhin para sa picnic. Gumawa siya ng sandwich at nagdala ng chips, juice, at soda. Abala siya sa pag-aasikaso ng pagkain nila samantalang si Amber ay nakaupo lang sa sofa. Abala ito sa pagse-cellphone. Mukhang wala itong balak na tumulong. Hinayaan na lang niya ito kaysa makipagplastikan pa habang nag-aayos siya.Nang matapos ang paghahanda ay naglakad siya papunta sa kwarto nya para mag-ayos na rin ng dadalhin niyang panligo sa batis.... Excited na siya!Habang dumadaan siya kay Amber na nakaupo sa sofa ay tinawag siya nito. "Beverly, can you give me juice please?" wika nito nang hindi man lang tumingin sa kanya, abala pa rin ito sa pagpi-pindot ng cellphone."Why don’t you get it yourself?" seryosong sagot niya. Gusto niyang tarayan ito, pero ayaw niyang magsimula ng gulo."Ang lapit-lapit mo na lang sa kitchen, eh. Ano ba naman ‘yung iabot mo lang sa akin ang juice?" sagot ni Amber, halatang inis.Humugot muna siya n
“Napapansin ko, lagi kang umiiwas kapag hahalikan kita... Magkarelasyon na tayo, ‘di ba? Dapat canceled na ‘yung usapan natin na ‘no strings attached!’” reklamo ni John.“Ahm, sorry. Naninibago pa kasi ako, saka hindi pa ako handa,” palusot niya kay John. Gusto na niyang bawiin ang pagsagot dito, pero alam niyang masasaktan si John. Nakita niya kung gaano ito kasaya noong sinagot niya kagabi. Wala rin siyang maibigay na malinaw na dahilan kung bakit niya ito iiwan agad. Hindi niya puwedeng sabihin na may relasyon na sila ng kapatid nitong si James. Walang alam ang mga ito tungkol sa nakaraan nila ni James. Hahayaan na lang niya si James ang gumawa ng paraan tulad ng ipinangako nito sa kanya kanina.“Okay, sige. Pagbibigyan kita. Alam kong nabibigla ka pa. I will give you time. Basta nagpapasalamat ako na sinagot mo na ako. Finally, you’re mine, Bevs. You don’t know how happy I am today,” masayang sabi nito.“Ahm... maliligo muna ako,” sagot niya, sabay alis mula sa yakap ni John.“Sig
Ang kaninang banayad na halik ay ngayo'y naging mapusok. Lumalim ang halikan nila ni James, at ang kamay nito'y naglalakbay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Ibang-iba ang haplos nito ngayon kumpara kagabi... and she likes it!"Ahhh..." ungol niya nang maramdaman ang labi ni James sa kanyang leeg. Banayad siyang hinahalikan at dinidilaan doon, papunta ang labi nito sa kanyang tenga. Parang libo-libong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan, diretso sa kaibuturan niya. Namasa kaagad ang kanyang panty. Alam na alam ni James kung paano siya paiinitin."Ahhh... damn, sweetie. You're so sweet. Nakakaadik ka. Ikaw lang ang babaeng nakakapagpabaliw sa akin ng ganito..." punong-puno ng libog na sinabi ni James iyon sa kanya.Lihim siyang napangiti... pareho lang pala sila. Hindi rin niya maisip na mapunta pa sa ibang lalaki bukod kay James. Para lang kay James ang buong puso't katawan niya.Pumatong si James sa ibabaw niya, ngunit bigla itong napangiwi. "Awwww!..." anito na parang na
BEBE POV:Nagising siya nang may naramdamang hindi sya nag-iisa sa kama. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya si James na nasa tabi niya... Magkayakap silang dalawa."What the hell just happened? Bakit andito ito sa kwarto ko?" Mahimbing ang tulog nito, suot pa rin ang damit mula sa party. Parehas silang hindi nakabihis.Tinitigan niya ang gwapong mukha ni James. Na-miss niyang matulog na katabi ito. Noong nasa Baguio sila ay lagi silang magkatabi sa pagtulog."Bakit kaya andito siya sa kwarto ko? Hindi ba ito hinahanap ni Amber? At saka, paano siya nakapasok dito nang hindi ko nalalaman? Ang alam ko, ni-lock ko ang pinto kagabi bago ako natulog. Hindi kaya nananaginip lang ako na katabi ko siya?" Pero hindi eh… parang totoo.Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at pinisil ang mukha nito. Totoo ngang katabi niya si James. Napangiti siya, pero agad din iyong binawi."Aasa ka na naman? Malay mo, may masama na namang balak sa'yo 'yan kaya siya nandito sa kwarto mo!" saway ng kany
Galit din si Amber nang humarap sa kanya. "Tandaan mo ito, James, hindi ako papayag na may kahati ako sa'yo. Aalamin ko kung sino ang babaeng iyon, at magbabayad siya sa akin!" wika nitong nanlilisik ang mata."At huwag mong kalilimutan, hindi ka na puwedeng umatras sa akin. Mapapahiya ako at ang pamilya ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Dont you dare walk out on me, James!" mariing sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.“Bitch,” mura niya sa sarili, ramdam pa rin ang init ng galit. Sariwa pa sa isip niya ang alitan nila ni Bebe kaya't nabaling tuloy iyon kay Amber. Hindi naman niya intensyon na mabanggit ang pangalan ni Bebe kanina. Nagkataon lang talaga na lumapit si Amber nang presko pa sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Bebe.Sa kabilang banda, parang nabunutan siya ng tinik. Sa wakas, nasabi na niya kay Amber ang totoong nilalaman ng puso nya. Hindi na ito mag-aasam ng higit pa sa kanya dahil alam na nito ang damdamin niya. Hindi lang si Amber ang nag
JAMES POV:"Damn!" mura niya habang sinuntok ang pader sa kwarto niya. Kagagaling lang niya sa kwarto ni Bebe at ginamitan na naman niya ito ng dahas para makuha lang ang dalaga. Ganito na ba talaga siya ka-desperado?Nakita niyang dumugo ang kamao niya, pero hindi niya iyon ramdam. Mas masakit ang puso niya.How can he control his feelings over Bebe? Nagiging bayolente na siya sa sobrang pagmamahal niya dito. Sinubukan niyang layuan ito, tinuon ang atensyon kay Amber, pero pilit siyang bumabalik kay Bebe.At ngayong nalaman niya na sinagot na ni Bebe si John? How can he compete with his brother? Mahal niya ang kapatid niya at ayaw niyang saktan ito!Alam din niyang hindi totoong mahal ni Bebe si John...naramdaman niya iyon. Pero ayaw niyang isipin na siya ang gusto ni Bebe dahil ilang beses na siyang binigo nito.Gusto na niyang tanungin si Bebe pero natatakot siya, may phobia na siya. Sa bawat pambabalewala nito sa kanya ay para iyong kutsilyo na sumasaksak sa puso niya.Sinubukan n