~Aki~Labis akong nasaktan sa ginawa ni Drake, ako lang ba talaga ang nagpapahalaga sa relasiyon naming dalawa? Iniintindi ko ang palagi niyang pag-alis, hindi ako nagtanong dahil ayaw kong isipin niyang pinapakialaman ko siya.Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ako apektado.Sa ngayon ay gusto ko munang mapag-isa. mahal ko siya pero tama na muna. Hindi ko siya pipiliting sabihin sa 'kin ang rason at mga dahilan niya kung bakit bigla na lang siyang naging gano'n. Hahayaan at hihintayin ko siyang magkusa.Nakailang ulit siyang humingi ng tawad, hindi ko na nga mabilang, pero, bakit? Para saan?May mas higit at mabigat pa bang dahilan?Hindi ko pa alam sa ngayon pero ang isiping mero'n nga, ay hindi ko alam kung kakayanin ko."Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" Biglang pumasok si Mommy sa kuwarto ko. Alam kong nag-aalala siya at may katanungan tungkol sa nangyari kanina.Lumapit siya sa kama ko at naupo. "Anak, ano ba ang nangyari? Puwede mo bang ikuwento sa 'kin kung okay lang sa
~Aki~Umuwi akong mag-isa, parang wala sa sarili kahit hindi ko pa naman alam ang totoo ang lahat-lahat at pakiramdam ko ay durog na durog na ang puso ko.Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Kung ano kasarap sa pakiramdam at saya ay mas doble ang sakit na ipaparamdam sa 'yo at kalungkutan.Hindi patas!Inalala ko ang masasayang araw namin ni Drake. Ang mga tawanan at kulitan lang namin, ang pagiging sweet niya sa 'kin pero sa nangyayari ngayon ay tinatabunan no'n ang magandang alaalang 'yon!Hindi ko namalayan umiiyak na naman pala ako..'Bakit, Drake? Bakit?'Nandito ako ngayon sa daan no'ng naghahabulan kaming dalawa at pilit ko siyang hinahabol, nanghiram pa ako no'n ng bike sa bata maabutan ko lang siya dahil konti na lang ay masasagasaan na talaga siya sa katatakbo niya at buti na lang ay naabutan ko siya't naligtas ko ang loko!Gusto ko 'yong gano'n lang kami ni Drake, masaya, walang ganito. Ga-graduate na kaming dalawa, ngayon pa kami nagkaproblema.Alam kong mahal niya ako, na
Chapter 31~Rhaine~Just got hom. Ayssst! Wala akong lovelife pero parang ako 'yong broken hearted kaloka!Masisira ang beauty ko nito, eh!Naawa ako sa frenny ko talaga, ito naman si Drake hind mo rin alam kung saang kalangitan napadpad. Ang labo eh! Hmmp! Makakain na nga lang, ang sakit nila sa bangs! Kasalukuyang kumukuha ako ng pagkain nang biglang may nagdabog sa sala kaya sinilip ko kung sino."Buwisit! Naku! Sasusunod kakalbuhin talaga kitang baliw ka!" dinig kong anas ng kapatid ko.Nilapitan ko ito at sinita. "Pssstt.. Hoy! 'Wag mo nga dalhin dito ang init ng ulo mo rito! Baka mamaya pati ako mahawa."Nakabusangot siyang umupo sa sofa. "Paano naman kasi ate, dapat hindi do'n i-confine 'yong bruhang 'yon dahil may Bipolar Disorder siya. Kamag-anak lang kasi ng may-ari ng ospital kung saan ako naka-duty kaya nando'n yon!" maktol niya, halatang naiinis talaga siya."Oh, bakit? Ano ba ang ginawa sa 'yo at galit na galit ka?" tanong ko."Hay naku, ate. Kung ano-ano ang trip no'n
~Drake~ Siya na mismo na yumakap sa 'kin. Hindi na siya sumagot, basta na lang niya ako niyakap. 'Oh! God, thank you! Thank you, I really missed her.'Niyakap ko siya nang mahigpit ng mahigpit. Yakap na walang sasayangin kahit isang sigundo.Gano'n ko siya kagustong makayakap. Walang nagsalita sa aming dalawa, maging ako ay kuntento na sa gano'n.Hinalikan ko siya sa buhok katulad ng palagi kong ginagawa sa kan'ya. Matagal rin kami sa gano'ng ayos at siya na rin ang unang kumalas."Aray! Sandali nga, hindi ako makahinga!" Agad rin naman ako kumalas sa kan'ya."Sorry," tanging nasabi ko. Gusto rin sanang humirit ng isang halik lang kaso baka isipin niyang abusado na 'ko."Okay lang," tipid niya namang sagot. "Thank you," pasasalamat ko sa kan'ya dahil do'n.Pero lumapit siya sa 'kin, pumantay at tumingala.. Dahan-dahan niyang inilangay ang kamay sa mukha ko.Ngayon, hawak niya na at hinaplos ang mukha ko. Pumikit ako upang damhin 'yon. Napakasaya ko!"I miss you too, Drake. Malapit
Mr. Arevalo Ilang linggo nang hindi pumupunta dito si Drake kaya itong anak ko ay nagwawala na naman. Malapit na nga kaming paallisin dito sa ospital dahil hindi naman dapat siya nandito. Mabuti na lamang at napapakiusapan ko ang kaibigan ko. "Dad, anong sabi ni Drake? Sumagot na ba?" Nagagalit na naman ang anak ko. "Hindi pa anak, alam mo naman malapit na ang graduation nila kaya maraming inaasikaso," sabi ko na lang. "Eh, bakit hindi niya sinasagot kahit isang beses? Siguro kasama na naman niya ang babaeng 'yon, no? Aalis ako, pupuntahan ko si Drake," pagpupumilit pa niya. "Anak, nakikiusap ako sa 'yo! Sige na naman, bukas na ang graduation nila kaya hayaan mo na muna siya," pakiusap kong muli. Bigla na naman siyang kumalma.. "Talaga dad? Naku, dapat pala may gift ako sa kan'ya. Wait lang, aalis muna ako at bibili ng gift ko sa kan'ya bukas." "Wag na anak, ako na lang ang bibili kung anong gusto mong iregalo sa kan'ya. Dito ka lang dahil magagalit 'yon 'pag umalis
~Drake~Mas minabuti ko na lamang na makauwi na muna kaming lahat para hindi nila ako mahalata lalong-lalo na si Aki. Ngayon ay may mabigat na naman akong pasan-pasan sa dibdib ko.Pinagmamasdan ko lang ngayon ang mahal ko habang masayang nakikipag-usap sa pamilya namin. Perfect na kami, eh. Parehong boto ang mga pamilya namin sa isa't-isa.Pero itong buwisit na mag-ama na 'to ay pilit na umi-eksena. Kung tutuusin ay wala akong obligasyon sa kanilang dalawa. Lalo na kay Deniece, nakiusap lang si Mr. Arevalo at naawa naman ako!Ngayon ang buhay ko at ang pagsasamahan namin ni Aki ang makukumpormiso ng dahil sa kanila.Pinapangako kong kahit na anong mangyari ngayon ay tatapusin ko ang pakikipag-ugnayan ko sa kanila.Mahal na mahal ko si Aki at hindi ko na hahayaang magalit at masaktan pa ulit nang dahil dito sa paglilihim ko."Baby, puwede ba akong umalis kahit sandali lang?" paalam ko kay sa mahal ko."Ha? Bakit? Saan ka pupunta?" Nakanguso niyang tanong. Hinalikan ko naman siya agad.
~Rhaine~Ano ba naman 'tong nangyayari. Kakaayos lang nila tapos ngayon heto na naman at mas malala pa ang ngayon.Ewan ko lang, per, malakas ang kutob kong may mali sa nangyayari sa kanilang dalawa. Kailangan ay may gawin ako.Kailangan kong tulungan ang mga kaibigan ko. Kailangan kong mag-imbestiga sa tulong ng kapatid ko. Kung hindi ako nagkakamali, ang sinasabing Deniece no'ng nakaraan ng kapatid ko at ang bruhang 'yon ay iisa.Pero kailangan kong makasiguro para maayos ko 'to! Sa ngayon ay dadamayan ko na muna ang kaibigan ko at tatawagan ko na rin si Tita Cielo.Mabuti na lang at na-contact ko agad ito. "Hello?" boses ni Tita Cielo sa kabilang linya."Ah, Tita. Si Rhaine po ito, kaibigan ni Aki," pakilala ko."Oh, hija napatawag ka?" tanong niya."Tita, nandito po si Aki ngayon. Dito na raw po muna siya matutulog," ani ko. Narinig kong nagulat si tita sa sinabi ko."Ano? Paano? Eh, nandito lang siya kanina. Hindi 'yan nagpaalam." Napangiwi ako dahil halatang nagalit si tita."A
~Drake~ Pasado alas dies na ng gabi ako nakauwi. Hindi ko rin natawagan si aki dahil naiwan ko pa 'yong cellphone. Sana ay hindi siya magalit o magtampo. Mauubusan na ako ng pasensiya kanina kay Deniece sa dami ng gusto niyang sabihin ko kung gaano ko raw siya ka mahal. Pero nagpigil ako dahil ito na talaga ang huli. Sinabi ko na rin kay Mr. Arevalo na hindi na ako papayag sa susunod na pakiusap niya. Hindi ko na hahayaang istorbohin nila ang pananahimik ng relasiyon namin ni Aki. Pero pagdating ko ay nakakapagtakang patay na ang ilaw sa bahay nina Aki, sinilip ko ang sasakyan nila ngunit wala rin. Pumasok ako sa loob ng bahay at hinanap si Mommy para maitanong ko sa kan'ya, baka sakaling may alam siya. "Mom!" tawag ko. "Oh, bakit ngayon ka lang? Anong oras na, ah!" tanong naman ni mommy. "Sorry po, hindi ako agad pinauwi ng kaibigan ko," pagdadahilan ko. "Ah, mom. Alam mo ba kung nasaan sila Aki? Wala kasing tao sa kanila, eh," muli akong nagtanong. "Hindi. Baka ma
~Drake~Hindi ko na talaga matiis, hindi ko kayang hindi ko siya mahawakan kaya bahala na! Agad ko na siyang sinunggaban ng halik dahil pakiramdam ko, nauuhaw ako na malasap muli ang labi niya. Wala akong pakialam sa parusa umano nito dahil sisiguraduhin ko na pati siya ay hindi rin naman matitiis iyon!Wala namang pagtutol ang nangyari kaya mas nahibang na yata ako dahil tumugon na rin naman siya sa mga halik ko at ang mga kamay ko ay maglulumikot na sa malambot niyang katawan. Gusto-gusto kong mahawakan ang perpektong hubog nito. "Aahh..." Pinagapang ko na ang aking labi pababa sa kan'yang leeg nang dahan-dahan patungo sa malulusog niyang dibdib. Hindi ko akalain na ganito ito kaganda at ngayon ay maaangkin ko na. Hinayaan ko na muna ang dibdib niya dahil kanina ko pa iyon pinanggigilan. "Hmmn... Drake, sige pa..." Napalunok ako nang marinig ko ang klase ng boses niya na iyon dahil mas lalo niya pa akong pinasabik sa kan'ya, hindi ko na ito patatagalin pa. Mula dibdib niya pababa
Sandali siyang tumigil at saka niya ako tinitigan sa mga mata, puno nang magkahalong pagmamahal, galak, at pagnanasa.Napakagat ako sa aking ibabang-labi dahil parang hindi ko na mapaglabanan ang mga titig ni Drake sa 'kin. Ang lakas nang kabog sa dibdib ko, kinakabahan ako dahil wala na talaga akong kawala rito."Are you nervous?" nahulaan niyang kabado nga ako, oo, pero hindi ako aatras.Gusto kong iparamdam sa kan'ya kung gaano ko siya ka mahal, hindi man lang namin maranasan na maging masaya nang matagal at wala kung anong poblema basta na lamang sumusulpot.Nang hindi ako nagsalita upang sagutin ang tanong niya ay dahan-dahan niyang ibinaba ang mukha sa 'kin hanggang sa maglapat na ang mga labi naming dalawa. Magaan lang ang halik niya, walang pagmamadali na pawang ninanamnam ang sandaling ito ngayong gabi. Mas natutukso naman ako sa paraan nang kan'yang paghalik kaya mas lalo akong nag-iinit."I love you," sambit niya. Pansamantala siyang tumigil para sabihin na namang mahal niy
~Akira~. Gusto ko man siyang pigilan pero hindi ko nagawa, napako ako sa puwesto ko. Tinatawag ko siya sa isip ko pero hindi ko masambit sa bibig ko.'Akira, ang sama mo! Habulin mo si Drake.' utos ng isipan ko ngunit hindi ko magawa. Tanging iyak lang nagawa ko dahil sa mga pag-aalinlangan koMasyado yata akong nag-over think sa mga posibleng mangyari ulit. Ang tanga ko dahil nasaktan ko siya ngayong birthday pa niya talaga. Nang mahimasmasan na ako ay agad na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa kanila. Nando'n pa ang lahat, sina kuya ay nag-iinuman. "Guys nasa'n si Drake?" tanong ko agad sa kanila. "Aba'y lokong bata ka! Sinundan ka niya kanina sa bahay tapos dito mo hahanapin. Ano ba ang nangyayari sa in'yong dalawa?" Hindi ko na sinagot si mommy kaya alam ko na kung nasa'n siya ulit. Nagmadali na akong puntahan siya sa park, at hindi nga ako nagkakamali nando'n siya nakaupo at umiinom na mag-isa. "Drake," tawag ko sa kan'ya, lumingon siya sa 'kin pero malungkot ang mga m
~Drake~Nang makarating kami sa bahay l, nalaman kong alam pala nilang lahat na pauwi na si Akira., Gusto lang talaga nila akong i-surprised. Alam na rin nila pati ang nagbalik na alaala nito. "Anak, kumain ka na muna. Baka gutom ka pa?" alok ni tita Cielo kay Aki. "Yes po, sabay na po kami ni Drake na kakain," tugon naman nito kay tita. "Baby, samahan mo ko kumain. Na-miss ko ang luto nila." Nakangusong sabi nito sa 'kin, ito 'yong nakaka-miss. "Sure, halika na." Dinala ko na siya sa dining table. "Bakit? Hindi ka ba nakakain nang maayos do'n sa pinuntahan niyo?" tanong ko. "Uhmn...nakakakain naman, pero, hindi ganito eh!Alam mo naman na med'yo malayo na 'yon at bundok na kaya madalas ay gulay kami do'n. Doon nga ako nakatikim ng dagang bukid," aniya.Pinaghain ko naman siya kung anong gusto niya pang kainin. Hindi na ako kumuha ng plato ko siyang kasalo, gano'n ko siya ka-miss. "Thank you, baby. Grabe, na-miss ko talaga 'to!"Ang gana niyang kumain, sinubuan ko pa siya
Nagmadali akong magpunta kina Aki upang itanong kong nasa'n ito ngayon dahil gusto ko siyang sundan. Sinamahan naman ako ni mommy upang makita sina tita at tito. Nang makarating kami ay si mommy na ang naunang pumasok. Sakto naman na nando'n silang lahat. "Magandang hapon," bati ni mommy."Oh, Mars kayo pala. Pasok kayo," ani naman ni tita Cielo."Ahmn… Mars may sasabihin si Drake," kaya ako na ang magsasabi sa kanila. "Ano 'yon. Drake?" tanong naman ni tita Gretta."Tita, Tito, mga Kuys. Bumalik na ang alaala ko," sabi ko na ikinabigla nila. "Tagala? Magandang balita 'yan, Drake," masayang sabi ni tita. "Congrats, 'tol! You're back!" Tinapik naman nina Kuya Gavin ang balikat ko. "Thank you mga, kuys," pasalamat ko rin sa kanila. Pero ito na nga sasabihin ko na ang sad'ya ko. "Ah… Tita, Tito, mga Kuys. Puwede ko po bang malaman kung nasaan si Akira?" tanong ko, Hindi na ako makapaghihintay pa Gusto ko na siyang makita."Ah...'yon na nga, kasi hindi naman sila ma-contact. Baka
~Drake~ "Drake!" sigaw ni Mommy kasabay nang pagpreno ko.Natigilan ako 't hindi makagalaw, si mommy naman ay bumaba sa kot'se upang puntahan ang babae, med'yo dumami ang tao at nag-usisa. May pumunta ring traffic enforcer at security guards ng mall at kinausap nila ni mommy.Nakatingin lang ako sa kanila pero ang isip ko ay naglalakbay. 'Akira!'Pero bakit magkasama kami ni mommy at bakit nasa pilipinas na ako? Ang alam ko ay nasa Italy ako.Mayamaya lang ay bumalik na rin si mommy sa kot'se at kinamusta ako."Anak, Drake. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni mommy sa 'kin. Tumango lang ako. "Mom, kumusta po 'yong babae? Nabangha ko ba siya?" tanong ko rin dahil baka nga kung napano ito. "She's fine, hindi mo siya nabangga anak.Nagulat lang din siya at wala naman nangyari sa kan'ya. Nag-usap na rin kami at humingi na ako nang pasensiya at gano'n rin naman siya," saad ni mommy. Nakahiga naman ako nang maluwag. "Uuwi na po ba tayo?" Tumango naman si mommy kaya pinaandar ko
~Drake~"Okay mga bata! Uuwi na muna kami ni Ate Akira dahil nilalamig na siya, kayo hindi pa ba tayo uuwi?" paalam ko sa mga bata."Sige po kuya, uuwi na rin po kami. Babye!" Kumaway naman ang mga ito sa 'min. "Bye guys! Sa uulitin, ah? Ingat kayo," ani naman ni Akira at umalis na kami."Yay! Ang lamig na, Drake. Lagot ako nito kina Mommy kapag nagkasakit ako," aniya. Nag-alala naman ako dahil baka nga magkasakit siya. "Halika na nga at baka nga magkasakit ka pa. Tigas kasi ng ulo, mo," kanina ko pa siya kasi inaayang umuwi, ayaw."Minsan lang naman kasi umulan, Drake. Hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling naligo sa ulan, eh. Tapos wala pa akong maalala, ikaw? Hindi pa rin ba bumabalik ang alaala mo?" tanong niya sa 'kin."Wala pa rin, may naalala akong boses at mukha pero hindi naman klaro, ewan ko kung alaala o panaginip lang 'yon kasi pagkagising ko ay parang nakalimutan ko bigla." Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti."Hayaan mo na, babalik din nang kusa ang mga alaala
~Drake~Nang marinig ko ang kanta nang buo ay hindi ko mapigilan ang maging emosiyonal at kung sino ang kumakanta sa 'kin no'n sa alaala ko. Naririnig ko pero hindi klaro ang boses ng babae hindi ko makilala. Gusto ko na talagang maka-alala. Malapit na ang birthday ko sabi ni mommy, sana kahit 'yon na lang. 'God wala na akong mahihiling pang iba kun 'di ibalik mo lang ang alaala ko. Please..."Dapat ko pa bang ituloy ang panliligaw ko sa kan'ya? Paano kapag muling nagbalik ang alaala ko ay may iba naman talaga akong mahal?Pero bakit ang bilis nang tibok nitong puso ko para kay Akira? Na parang kilalang-kilala siya nito. Hindi ko mapigilan, eh. Litong-lito na talaga ako.Alam kong makakasama sa 'kin ang masiyadong pag-iisip subalit hindi ko talaga mapigilan. Minsan ay gusto ko na lang i-umpog ang ulo ko sa pader baka sakaling bumalik ang alaala ko. Kinabukasan ay naisipan ko na 'wag na munang magpunta kina Akira. Susubukan kong pigilan ang sarili ko sa kan'ya. "Oh, anak. Bakit a
~Akira~Nasa kuwarto na ako ngayon at nakahiga na, nakakaloka naman 'yong lalaking 'yon!Kakalilala pa nga lang namin ligaw agad. Well, guwapo nga naman siya. Pero masiyado naman yata siyang mabilis.'Parang praning, palaging tulala. Gano'n na ba talaga ako kaganda sa paningin niya?' Pero willing pa rin naman akong kilalanin siya, ipapakilala ko siya sa isa ko pang tropa. Im sure na magkakasundo sila.Pareho silang praning sa kagandahan ko, eh. 'Haha'Hirap kapag buong maghapon kang tulog, kasi heto ako, gising sa gabi. Wala naman akong magawa.Bakit kaya nawala ang alaala ko?Sino kaya ako dati? Gusto ko man magtanong kina mommy ay pinigilan ko na. No'ng panay kasi ang pagtatanong ko ay sobrang sumakit ang ulo ko. Grabe! Ayaw ko nang maulit.Kinabukasan ay inutusan akong mag groceries dahil maraming nang kulang sa stocks namin.Wala naman akong gagawin kaya okay lang sa 'kin.Sa pasukan ay mag-aaral na ako ulit. Ayaw pa sana nina mommy dahil nga may amnesia ako, ang kaso ay nabobor