“IHAHATID na kita!”Napasulyap ako sa kaniya. Kalalabas ko lang sa kuwarto niya dahil kinuha ko ang bag at ang damit ko. I’m still wearing his clothes. May dahilan na naman ako para magkita ulit kami. Para isauli sa kaniya ang damit niya. “Um, no need. I can drive.”“Ihahatid na kita. Wala naman akong pasok ngayon, e!” “But—”“Gusto ko lang siguraduhin na safe kang makakauwi sa inyo.”Napamaang ako dahil sa sinabi niya. What did he say? He wants to make sure I get home safely? “Why?” iyon ang nanulas sa bibig ko. Nagkibit siya ng kaniyang mga balikat. “Dahil ayokong mapahamak ka. Hindi pa tapos ang trabaho natin, hindi ba?” Natawa ako nang pagak dahil sa sinabi niya. But deep inside of me... Iba ang ini-expect kong sasabihin niya.Oh, Jass Anne! At ano naman ang ini-expect mong sasabihin niya? E, hindi ka naman niya gusto. Remember, may girlfriend siya. Kahalikan niya pa nga lang kahapon, e!Bumuntong hininga ako. “Okay, fine. If that’s what you want.” Pagkasabi ko niyon, kaagad
TINITINGNAN ko lang si Midas habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa buong sala namin. He was sitting on the single couch, while I was sitting on the long couch. Mama was also on a single couch looking at Midas, just like me. “So, ano ang trabaho mo?”Napatingin naman si Midas kay mama nang tanungin siya nito. Oh! I just hope mama doesn’t react if she finds out about Midas’ job. I mean, kilala ko pa naman ang ugali ng nanay ko. Masiyado pa naman itong exaggerated pagdating sa mga bagay-bagay.“Um, sa talyer po ako nagtatrabaho, ma’am.”Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Mama. Pero hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitsura nito. “Sa talyer? You mean, vulcanizing shop?” Tumango naman si Midas. “Opo, ma’am.”Lumingon sa akin si Mama. “Seriously, Jass Anne?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.“Ma—”“Maghahanap ka na man lang ng lalaking magpapanggap na boyfriend mo, isang trabahante pa sa talyer ang napili mo!”“Mom, please watch your words,” sabi ko. Sinulyapan ko
I COULD not help but feel a thrill in my heart because of what he said. Oh, Midas! Huwag mo akong pakikiligin ngayon kung hindi mo ako kayang panindigan.Bago pa man sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ko, kaagad akong napabaling sa labas ng bintana. Lihim akong napangiti. Banayad din akong nagbuntong hininga upang pakalmahin ang puso ko na nagdidiwang na naman dahil sa kilig. “Pumapayag ka ba?”Bigla akong napalingon sa kaniya. At kunwari ay seryoso lang ang mukha ko. “Na alin?” kunwari’y tanong ko.“Na... Magdi-date tayo ngayon.” “May magagawa pa ba ako? Nandito na tayo sa biyahe. Alangan namang pabalikin pa kita sa condo ko.” Ngumiti naman siya nang tumingin siya sa akin. Damn. He is really handsome. Until now, I still can’t believe that a man like him lives in a squatter area and works in a vulcanising shop. I mean, I know a lot of guys like him... A man who is nearly perfect in appearance, with a tall and well-built frame, often finds work as a businessman or model. No
NAKANGITI lamang ako nang malapad habang pinagmamasdan ko si Midas na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Oh! Ang Midas na nakikita ngayon ay malayong-malayo talaga sa Midas na una kong nakita roon sa bar. The way he looks now, I can see how close he is to the children here at the orphanage. With every laugh and giggle of these kids, I know they are enjoying themselves a lot right now. Hindi ko rin inaasahan na ganito karaming pagkain ang inihanda niya para sa mga bata. Sister Ignacia told me earlier that’s what Midas does every time he celebrates his birthday at this orphanage. Naghahanda siya nang marami para sa mga bata. Sister Ignacia also mentioned to me earlier that Midas always gives financial help to the orphanage. I just wonder where he gets the money he gives to the orphanage, when he only works in the vulcanising shop. At kaya nga rin tinanggap niya ang alok kong trabaho sa kaniya para may ipangbayad siya sa hospital bill ni Aling Yolly. Or maybe he is really saving the m
MALAPAD ang ngiti sa mga labi ni Midas habang nakasandal siya sa gilid ng elevator at nakatulala sa kawalan. Damn. Hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa niyang halikan si Jass Anne kanina. Actually, kanina niya pa talaga iyon gustong gawin nang nasa bahay ampunan pa lamang sila. Ang problema lamang ay hindi niya alam kung paano niya iyon gagawin. Hindi siya makahanap ng timing. Kaya nga nagpumilit siyang ihatid ang dalaga hanggang sa labas ng unit nito baka sakaling magkaroon siya ng pagkakataon kapag naroon na sila. At hindi naman siya nabigo. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na halikan ito ng gising.Hindi kagaya nang una niyang maangkin ang mga labi nito, mahimbing itong natutulog sa kaniyang kama dahil sa kalasingan. Dampi lang naman ang nangyaring halik sa kanila kanina, pero iba pa rin pala sa pakiramdam nang mahalikan niya ito ng gising. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere habang hindi pa rin nawawala ang malapad at matamis na ngiti sa kaniyang mga l
NAKANGITING nakatingin ako kay Midas habang naglalakad siya palapit sa puwesto ko. Nakaupo ako sa telang nakalatag sa damuhan. Dinala niya ako sa park na hindi malayo sa condo ko. Dahil medyo late na rin ang oras kaya wala ng ibang tao rito kun’di kaming dalawa na lamang. Saglit niya akong iniwan kanina at siya na ang nagpunta sa bilihan ng kwek-kwek. At ngayon nga ay pabalik na siya.Oh! As the day passes that we always meet and spend time together, I feel that my feelings for him are getting deeper and deeper. Tingin ko nga ay wala ng silbi ang kontratang pinirmahan namin nang alukin ko siyang magpanggap na boyfriend ko para lang may makuha akong mana mula kay Lolo Amadeo.Something urges me to confess my true feelings for him, but I stop myself. Maybe this is not the right time to confess to him. Hahayaan ko na lang siguro na siya ang maunang magtapat sa akin kung sakali mang ako ang babaeng tinutukoy niya na gusto niya. “Sorry, medyo natagalan ako,” sabi niya. Kaagad siyang umupo
“Y-YOU... You like me?” tanong ko sa kaniya. Humugot siya nang malalim na buntong hininga. “Alam kong kailan lang tayo nagkakilala, at alam ko rin na mukhang malabo pa sa kanal sa labas ng bahay ko na magustohan mo ako.” Bahagya siyang natawa nang pagak.I also wanted to laugh because of what he said, but I kept my face serious. I don’t want to spoil this moment. This is the time I’ve been waiting for. That he will confess to me he likes me, too. Muling naging seryoso ang mukha niya. “Sino ba naman ako para magustohan ng isang kagaya mo? Mayaman ka. Maganda. Lahat ng katangian ng isang babae na gusto ng isang lalaki na kagaya ko ay nasa sa iyo na. Hindi man ako sigurado kung gusto mo rin ako o hindi. Pero nagbabakasakali lang ako ngayon. Nilakasan ko na lang ang loob ko para magtapat sa ’yo.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita habang mataman pa ring nakatitig sa mga mata ko. “Gusto na kita, Jass Anne. Maaari ko bang malaman kung... Pareho tayo ng nararamdaman?” tanong niya.Lumuno
NANGUNOT ang noo ko nang iparada ni Midas ang sasakyan ko sa tapat ng isang karenderya. Nilingon ko siya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.“Dito tayo kakain?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. “Okay lang ba?” sa halip ay balik na tanong niya sa akin.Muli akong napatingin sa loob ng kainan. Medyo maraming tao roon. “Um, o-okay,” sabi ko na lang sa kaniya. Even the truth is, I still hesitate. This is also my first time na kakain sa ganitong kainan. Binuksan niya ang pinto sa tabi niya saka siya bumaba. At pagkatapos ay umikot siya sa puwesto ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa. “Tara sa loob! Masarap ang pagkain dito! Rito ako madalas kumain kapag natatamad akong magluto sa bahay.”Hinawakan niya ang likod ko at iginiya na sa paglalakad papasok sa kainan.“Boss Midas, ginabi ka na yata masiyado?” Napatingin ako sa isang lalaki na nagsalita. Mukhang waiter ata rito.“May hinintay kasi ako, Joey,” sabi niya. “Date ba, Boss Midas?” nakangiti ring tanong ng
“HERE’S your snacks, wife!”Nakangiting lumingon ako kay Midas nang marinig ko ang boses niya. I was sitting pretty in the sofa na nasa loob ng gazebo. Nagbabasa ako ng magazine habang binabantayan ko ang ang second baby namin ni Midas na three years old na at masarap ang pagkakatulog sa crib na nasa tabi lang din ng sofa na inuupuan ko. Samantalang tinatanaw ko naman sa garden si Paddy, ang panganay namin. Nakikipaglaro ito sa anak nina Crandall at Portia na si Link. Oh, well, noon pa man ay silang dalawa na talaga ang magkalaro dahil tuwing linggo ay sinusundo ko sa bahay nina Portia ang anak nila ni Crandall para may kalaro si Paddy. At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang bonding nilang dalawa. Mas matanda ng tatlong taon si Link kaysa kay Paddy kaya natutuwa ako na strong ang bonding at relationship na nabuo sa pagitan nilang dalawa. Natutuwa ako na nagkaroon ng kuya ang anak ko sa katauhan ng anak ni Portia.“Thank you so much, daddy!” Ngumuso ako sa kaniya kaya yumuko naman siya
NANGINGINIG ang buong katawan ko at ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Mahigpit pa rin akong nakahawak sa likod ng front seat at ang isang kamay ko ay nakahawak din sa tiyan ko. Mayamaya, narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Lailani maging ang pagliko ng kotse. “I hate you, Jass Anne! I really hate you!” Narinig ko ang malakas na iyak nito at sunod-sunod na pinaghahampas ang manibela. At kahit labis pa rin akong natatakot dahil sa nangyari, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At nang makita kong nakahinto na sa gilid ng kalsada ang sasakyan at wala na sa harapan namin ang paparating na truck, hindi ko na napigilan ang mapahagulhol. Oh, God! Ang akala ko ay ito na ang huling araw ko sa mundo. Akala ko ay ibabangga talaga ni Lailani ang kotse sa truck. “I want to kill you and your baby, Jass Anne. Para maramdaman ni Midas kung ano ang sakit na naramdaman ko nang mawala sa akin si Wigo. But... I’m not as bad as you think.” Tumatangis na saad nito.“H-Hindi ako ang
“OH, I MISSED YOU, HIJA!”Napangiti ako nang malapad habang yakap-yakap ako ni Sir Leon. Isinama ako ni Midas sa bahay ng parents niya dahil kakauwi lang ngayong araw dito sa Pilipinas ang papa niya matapos ang mahigit dalawang buwan na pagpapagamot nito sa Amerika. “Na-miss ko rin po kayo, Sir Leon.”Pinakawalan ako nito mula sa mahigpit na yakap at pagkuwa’y hinawakan ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako roon. “You should start calling me papa because you and Midas are about to get married.”“Right, mahal ko,” wika ni Midas sa akin nang tumabi ako sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa.“And do you remember before, kinukulit kitang makipag-date sa isa sa mga anak ko?” tanong nito. Oh, yeah! Noon. I can’t remember how many times Sir Leon told me to accept his offer to me to date his son because he said he wanted me to be his daughter-in-law.“You did, Pa?” kunot ang noo na tanong ni Midas sa papa niya.Bahagya namang tumawa ang matanda at pagkuwa’y umupo ito sa sofa. “I rea
DESPITE the many challenges that arose between Midas and I; in our relationship… But here we are. We’re happy together. I can’t count how many times I’ve silently thanked God for the happiness He gave Midas and me. And I still can’t believe, after all these trials, sa proposal of marriage pa rin kami mauuwi. Although nabanggit na ni Lolo sa amin ni Midas ang tungkol sa pagpapakasal namin bago pa raw lumaki ang tiyan ko, but I still couldn’t stop myself from feeling so much joy and excitement when Midas proposed to me earlier. Nag-uumapaw pa rin ang kaligayahan sa puso ko sa mga sandaling ito.Nakahiga kami ni Midas airbed na nasa loob ng malaking tent na itinayo niya kanina rito sa bandang dulo ng beach. Tapos na kaming mag-dinner. Tapos na siyang uminom ng kape habang ako naman ay ipinagtimpla niya ng gatas. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Madilim na ang buong paligid kaya mas lalong lumamig ang hangin. Pero hindi ko naman iyon masiyadong pin
“OH! This is so beautiful, babe!” nakangiting sabi ko kay Midas habang nakatanaw ako sa malawak at kulay asul na karagatan. Ang buhok kong nakalugay ay bahagyang isinasayaw ng hangin. I was sitting in the wheelchair while Midas was standing behind me. But later, he knelt down next to me. He smiled at me and held my hands. “Do you like it, mahal ko?”Tumango ako habang matamis ang ngiti sa mga labi kong tumitig sa kaniya. It’s been two days simula nang makalabas ako sa ospital at umuwi kami sa condo unit ni Midas. And now dinala naman niya ako rito sa private resort na pag-aari nila. Ang beach kung saan niya ako dinala noon para mag-coffee date kami at kung saan ko siya sinagot para maging boyfriend ko. We are now on the balcony of the rest house and we are both happy as we look at the peaceful ocean. Nag-suggest si Caspian na dapat ay lagi akong lumanghap ng preskong hangin at umiwas na muna ako sa maingay na paligid para mas mapabilis ang pagbalik ng sigla ng katawan. So Midas deci
“I EXAMINED Jass Anne a while ago. And I didn’t see any problem with her. In just a few days, or maybe a couple of weeks, the wound on her stomach will heal completely. So, you have nothing to worry about, bro. She's totally fine. And tomorrow, we can remove the plaster cast from her leg,” wika ni Caspian habang nakatayo ito sa may paanan ng hospital bed kung saan ako nakahiga. Nakaupo naman sa tabi ko si Midas at hawak-hawak nito ang kanang kamay ko.Mayamaya, lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. “I’m so happy now that she’s okay.”“And I can’t wait to get home, babe. I mean, I’ve been here in the hospital for over a month. I’m looking forward to going home, resting, and avoiding the scent of any medication.”Bahagyang natawa ng pagak sina Midas at Caspian dahil sa sinabi ko.“Well, I’m not new to hearing such complaints. Almost all my patients here tell me the same thing,” ani nito. “So, paano. Iiwan ko na muna kayo rito. I know you mi
“N-NO!” Umiling-iling siya at dahan-dahang humakbang palapit sa hospital bed habang sunod-sunod na pumapatak ang kaniyang mga luha. Hindi totoo ito! Hindi totoong wala na si Jass Anne! He’s only dreaming right now! This can’t be real. Nang mga sandaling mahawakan niya ang hospital bed, bigla niyang naramdaman ang labis na panghihina ng kaniyang mga tuhod at napahagulhol na siya. “No! No! No, Jass Anne! You can’t do this to me, Mahal ko. P-Please you can’t do this to me.”“Sixto, anak!”“Ma! Why? This is not real, Ma. Jass Anne can’t leave me.” Kahit walang sapat na lakas, pinilit niyang yakapin ang malamig na bangkay ng dalaga. “Jass Anne! You promised me hindi mo ako iiwan. Ang sabi mo lalaban ka. Pero bakit sumuko ka na, mahal ko? You can’t die, Jass Anne. Please! I’m sorry if iniwan kita rito kagabi. Please! Please, Jass Anne, I’m begging you.”“Sixto, calm down!”Naramdaman niya ang masuyong paghaplos ng palad ng kaniyang ina sa kaniyang likod.Calm down? Paano siya kakalma ngayon
“EVERYTHING will be okay! Trust me!”Banayad ngunit malalim na paghinga ang pinakawalan ni Midas sa ere nang tapikin siya sa kaniyang balikat ng kaniyang kapatid na si Coghlan, ang sumunod sa kaniya. Kauuwi lamang nito sa Pilipinas mula sa Germany. Mula sa airport, dumiretso agad ito sa ospital para bisitahin siya, lalo na si Jass Anne.“I’m still waiting for her to wake up, Coghlan.”“She’ll be okay. I know babalik din siya sa ’yo.”That’s what he’s been praying over and over for the past month. Yeah. It’s been a month since the accident happened to Jass Anne, since his girlfriend became comatose. But until now, she still hasn’t woken up. There is still no change in her condition. Pinanghihinaan man siya ng loob at tila nawawalan na ng pag-asa dahil walang progress na nangyayari sa sitwasyon ni Jass Anne, pero patuloy pa rin siyang umaasa at lumalaban para sa kaligtasan ng babaeng pinakamamhal niya. Hanggat hindi sumusuko si Jass Anne, lalaban siya, maghihintay at aasa na gagaling di
NANG makita ni Midas na bumukas ang pinto ng ER, kaagad siyang napatayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit kay Caspian. “Bro, h-how was my girlfriend?” tanong niya. Hindi pa nawawala ang labis na pag-aalala niya para sa nobya. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Caspian sa ere at pagkuwa’y tinapik siya sa kaniyang balikat. “Magiging honest lang ako sa mga sasabihin ko sa ’yo ngayon, Midas,” wika nito.Pakiramdam niya, ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman kanina ay mas lalong tumindi dahil sa sinabi ni Caspian sa kaniya.“She’s... She’s fine, right?”“Medyo kritikal ang lagay ni Jass Anne ngayon.”Wala sa sariling napatiim bagang siya kasabay niyon ang pagkuyom nang mariin ng kaniyang mga kamao. Pakiramdam niya, huminto bigla ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso. Kritikal? What will happen to his girlfriend now that her condition is critical? He can’t lose Jass Anne dahil hindi niya kakayanin kapag nangyari ’yon. She has to survive, no matter what. Naramdam