[Grant]Halos mabasag ang hawak n'yang baso sa diin ng pagkakahawak niya ng marinig ang ulat ng mga kapulisan sa kanya. Maging ang Uncle Paul niya ay walang makitang lead tungkol sa pinapaganap niya.Si Walter na pinapasundan niya ay walang kahina-hinalang kilos.But———damn! Ito lang ang pinaghihinalaan nilang lahat maliban kay Kiara na walang alam sa kabaliwan ng sarili nitong kapatid.Nasabunutan niya ang buhok. Sarili niya ang sinisisi niya sa nangyari.Bakit naging pabaya siya? Bakit hindi niya naisip na baka maging ang anak nila ay pwedeng mapahamak?Tatlong araw na ang nakalipas. Si Kiara ay walang ginawa kundi ang umiyak at magkulong sa kwarto. Gustong-gusto nitong hanapin si Kian pero hindi niya ito pinapalabas.Paano kung pati ito ay ma-kidnap?"Ikaw ba ang nagpadukot sa anak ko? Tell me! Ikaw lang ang alam kong may galit sa akin dahil hindi mo ako gusto para sa anak mo!"Natigil siya sa paghakbang ng marinig ang malakas na boses ni Kiara. Agad na tinungo niya 'yon. Nakita n
[Grant]KANINA pa siya nakatingin sa natutulog na si Kiara. Nakatulugan nalang nito ang pag iyak at paghahanap sa anak nila. Kinuha niya ang kwintas na pinagawa pa niya at isinuot sa leeg ni Kiara. Hinalikan niya muna ito sa noo bago umalis.Hindi siya titigil sa paghahanap sa anak nila. Pangako niya kay Kiara ang bagay na 'yon at tutuparin niya 'yon.Kinuha niya ang cellphone ng tumunog. "Any lead?" Agad na tanong niya sa Uncle niya."Wala pa rin hanggang ngayon, Grant." Sagot ni Uncle Paul. "Siya nga pala, bakit pinapasubaybayan mo si Walter Somana? Kapatid siya ni Miss Kiara, di'ba? Bakit naman niya kikidnapin ang sarili niyang pamangkin?" Pag uusisa pa nito.Hindi siya sumagot. Ayon kay Kier ay walang dapat makaalam ng mga sinabi nito tungkol sa pagkabaliw ng sariling kapatid kay Kiara. Kaya naman wala siyang balak sabihin kanino man ang mga nalaman niya."Just follow him wherever he go, Uncle. Kapag may napansin kayong kahina-hinala, call me asap." Bumuga siya ng hangin matapos
[Kiara]"Bakit?" Puno ng katanungan sa isip niya. "Inutos ba sa'yo nila mommy at daddy lahat ng 'to?" Ganito ba katindi ang galit ng magulang niya para ipa-kidnap pa ang anak niya? Hindi pa ba sapat na itinakwil siya ng mga ito?Umiling ito sa kanya."Ginawa ko 'to dahil gusto ko. Walang kinalaman dito sila mommy at daddy." Kung gano'n ay bakit?Lumapit sa kanya ang kapatid niya at niyakap siya ng mahigpit."Makakasama na kita, baby." Hinalikan nito ang noo niya.Pinakidnap ba nito ang anak niya dahil lang sa na-miss siya nito at gusto siyang makasama? Nakaramdam siya ng inis. Itinulak niya ito palayo sa kanya."Kuya naman! Kung miss mo lang ako hindi mo na sana pinadukot pa ang anak ko! Alam mo ba kung gaano ako nag alala? Halos mabaliw ako sa kakaisip sa anak ko!" Nagsimula na naman siyang umiyak.Ngumisi ito sa kanya."Hindi lang kita na-miss, baby." Hinawakan siya nito sa siko at iginiya siya palabas ng kwarto. "Tara na—"Hinila niya ang siko pabalik. "Uuwi na kami, Kuya." Hinaw
[Kiara]"Now let's get started, baby." Nakangising sambit ni Walter habang malagkit na nakatingin sa kanya.Nang akmang lalapit na 'to sa kanya ay biglang bumagsak ang pinto sa likuran niya. At rinig niya ang malakas na pagsigaw ng Kuya Walter niya. Kita ng dalawang mata niya ang pag agos ng dugò sa hita nito pababa sa binti.Napaluhod siya habang umiiyak. Ligtas na ba siya?Napahagulhol siya ng maramdaman ang pagpatong ng jacket sa balikat niya at ang pamilyar na init na yumakap sa kanya."Shh, I'm here now, Mahal." Alo ni Grant.Walang salita ang namutawi sa labi niya kundi tanging pag iyak lang. Kung hindi ito dumating ay tiyak na napahamak na siya sa kamay ng sariling kapatid niya."Tang ina, bitiwan niyo ako! Kiara! Let me go—" Malakas na sinuntok ni Grant si Walter."Hayop ka! Napakahayop mo, Walter! Nagawa mong gawin 'to sa sarili mong kapatid." Isa pang suntok ang ginawad ni Grant kay Walter na halos hindi makatayo ng maayos dahil sa tama ng baril sa hita. "Mabulok ka sa kulung
[Kiara]Araw ng kasal nila ni Grant. Habang inaayusan siya ay nagkalat ang tauhan ni Grant sa paligid. Nag iingat na ito ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan. Si Kian naman ay kasama nito sa simbahan, hindi gusto ni Grant na mawala sa tabi nito ang anak niya.Paulit-ulit humingi ng pasensya ang mga kaibigan niya. Sobra ang konsensya na naramdaman ng mga ito dahil sa nangyari, kahit pa sinabi na niya na walang kasalanan ang mga ito. Ang tungkol naman sa ginawa ng kapatid niyang si Walter ay hindi na isiniwalat sa iba. Tanging Somana lang at si Grant ang nakakaalam ng ginawa nito. Kahit ang mga kaibigan niya ay walang alam sa ginawa ng Kuya Walter niya. Pinalabas nalang na hindi kilalang tao ang salarin. Hindi gusto ng pamilya niya na lumabas ang ginawa ng Kuya Walter niya dahil ang buong Somana Clan Business ay maaaring ma-aapektuhan.Habang sakay ng bridal car ay hindi siya mapakali. Hindi pa rin kasi nawawala ang takot sa dibdib niya. Natat
[Kiara]Agad na sinunggaban ni Grant ang labi niya habang nakayakap ang dalawang braso nito sa bewang niya. Katulad niya at tila gutom na gutom ito sa labi niya. Hanggang ang dila nito ay pumasok sa loob ng bibig niya at naging mapaghanap. Nang matagpuan ang hinahanap ay nakipaglaban ito do'n, at gano'n din siya rito.Ang isang kamay nito ay nagsimula ng maglakbay sa katawan niya. Nakaramdam siya ng kiliti ng maramdaman ang mainit nitong palad sa tiyan niya, humahaplos.Hindi nagtagal ay tumaas ang kamay nito sa kaliwang dibdib niya. Nang ipasok nito ang kamay sa bra niyang suot ay nahigit niya ang hininga. Ang init ng palad nito na lumalamas sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng kiliti ng mahinang pisilin nito ang utong niya.Malamig dito pero wala silang pakialam. Saglit na tumigil si Grant sa paghalik sa kanya. "Can I... Undress you?" Paos na tanong ni Grant. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.Kagat ang labi na tumango siya.She hugged herself as Grant f
[Kiara]"What?" Nanlalaki ang butas ng ilong na reaksyon ni Klea ng sabihin niya ang tungkol kay Olivia. Sinabi niya sa mga kaibigan na nakatira ngayon si Olivia sa mansion ng mga Saavedra."Teka lang, ha. Ibig mong sabihin ay may katagalan ng nakatira ang babaing 'yon do'n? Bakit ngayon mo lang nabanggit sa amin?" Iritang tanong ni Dina.Dinampot niya muna ang Milk Tea at uminom bago sinagot si Dina. "Baka kasi sugurin niyo." Tumatawang biro niya saka uminom uli."Todo ngiti tayo, ah. Porke sagana sa dilig?"Naubo siya. Lumabas yata sa ilong niya ang iniinom niya sa sinabi ni Dina. Malakas na natawa si Klea ng makita ang nangyari sa kanya."Mga bwisit kayo. Ako na naman ang nakita niyo. Bakit hindi si Bea ang asarin niyo." Nginuso niya si Bea. "Tingnan niyo, kanina pa 'yan tulala. Baka 'yan ang sagana sa dilig."Tatlo silang natawa, pero agad din huminto ng mapansin na tulala lang si Bea habang nakatingin sa kawalan.Nagkatinginan sila. Mukhang wala sa mood ang kaibigan nila."I-I ha
[Kiara]Hindi niya pinansin ang matalim ni Olivia sa kanya habang nasa dining table silang kumakain. Pansin niya din ang pagtingin sa kanya ng ina ni Grant at pasimpleng pag ismid nito.Pinili n'yang huwag nalang tumingin sa mga 'to at ibaling ang mata sa mag ama niya na masayang nagkukwentuhan habang kumakain.Napangiti siya.Simula ng makasal sila ni Grant ay mas lalo naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Si Kian ay halos hindi na humiwalay kay Grant. Minsan nga ay sinasama pa ni Grant si Kian sa GS Building.Natigil sa pagkain si Grant ng tumunog ang cellphone nito."Relax, Brix———Alright." Bumuntong hininga si Grant bago tumingin sa kanya."I have to go, Mahal. Ako na ang maghahatid kay Kian sa school. Take a rest, hmm." Humalik si Grant sa labi niya. "Ingat." Aniya. Napangiti siya ng halikan siya ni Kian sa dalawang pisngi."Bye, Mi! Bye po, Lola and tita!" Nakangiti na paalam ng anak niya at humawak na sa kamay ni Grant.Tumango lang ang ina ni Grant sa anak niya. Si Olivia n
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko