Maraming salamat po sa pagbabasa 🥰 Pwede niyo pong basahin ang iba ko pang stories dito sa GOODNOVEL. Just visit my profile 🥰
[Kiara]Araw ng kasal nila ni Grant. Habang inaayusan siya ay nagkalat ang tauhan ni Grant sa paligid. Nag iingat na ito ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan. Si Kian naman ay kasama nito sa simbahan, hindi gusto ni Grant na mawala sa tabi nito ang anak niya.Paulit-ulit humingi ng pasensya ang mga kaibigan niya. Sobra ang konsensya na naramdaman ng mga ito dahil sa nangyari, kahit pa sinabi na niya na walang kasalanan ang mga ito. Ang tungkol naman sa ginawa ng kapatid niyang si Walter ay hindi na isiniwalat sa iba. Tanging Somana lang at si Grant ang nakakaalam ng ginawa nito. Kahit ang mga kaibigan niya ay walang alam sa ginawa ng Kuya Walter niya. Pinalabas nalang na hindi kilalang tao ang salarin. Hindi gusto ng pamilya niya na lumabas ang ginawa ng Kuya Walter niya dahil ang buong Somana Clan Business ay maaaring ma-aapektuhan.Habang sakay ng bridal car ay hindi siya mapakali. Hindi pa rin kasi nawawala ang takot sa dibdib niya. Natat
[Kiara]Agad na sinunggaban ni Grant ang labi niya habang nakayakap ang dalawang braso nito sa bewang niya. Katulad niya at tila gutom na gutom ito sa labi niya. Hanggang ang dila nito ay pumasok sa loob ng bibig niya at naging mapaghanap. Nang matagpuan ang hinahanap ay nakipaglaban ito do'n, at gano'n din siya rito.Ang isang kamay nito ay nagsimula ng maglakbay sa katawan niya. Nakaramdam siya ng kiliti ng maramdaman ang mainit nitong palad sa tiyan niya, humahaplos.Hindi nagtagal ay tumaas ang kamay nito sa kaliwang dibdib niya. Nang ipasok nito ang kamay sa bra niyang suot ay nahigit niya ang hininga. Ang init ng palad nito na lumalamas sa dibdib niya. Nakaramdam siya ng kiliti ng mahinang pisilin nito ang utong niya.Malamig dito pero wala silang pakialam. Saglit na tumigil si Grant sa paghalik sa kanya. "Can I... Undress you?" Paos na tanong ni Grant. Puno ng pagnanasa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.Kagat ang labi na tumango siya.She hugged herself as Grant f
[Kiara]"What?" Nanlalaki ang butas ng ilong na reaksyon ni Klea ng sabihin niya ang tungkol kay Olivia. Sinabi niya sa mga kaibigan na nakatira ngayon si Olivia sa mansion ng mga Saavedra."Teka lang, ha. Ibig mong sabihin ay may katagalan ng nakatira ang babaing 'yon do'n? Bakit ngayon mo lang nabanggit sa amin?" Iritang tanong ni Dina.Dinampot niya muna ang Milk Tea at uminom bago sinagot si Dina. "Baka kasi sugurin niyo." Tumatawang biro niya saka uminom uli."Todo ngiti tayo, ah. Porke sagana sa dilig?"Naubo siya. Lumabas yata sa ilong niya ang iniinom niya sa sinabi ni Dina. Malakas na natawa si Klea ng makita ang nangyari sa kanya."Mga bwisit kayo. Ako na naman ang nakita niyo. Bakit hindi si Bea ang asarin niyo." Nginuso niya si Bea. "Tingnan niyo, kanina pa 'yan tulala. Baka 'yan ang sagana sa dilig."Tatlo silang natawa, pero agad din huminto ng mapansin na tulala lang si Bea habang nakatingin sa kawalan.Nagkatinginan sila. Mukhang wala sa mood ang kaibigan nila."I-I ha
[Kiara]Hindi niya pinansin ang matalim ni Olivia sa kanya habang nasa dining table silang kumakain. Pansin niya din ang pagtingin sa kanya ng ina ni Grant at pasimpleng pag ismid nito.Pinili n'yang huwag nalang tumingin sa mga 'to at ibaling ang mata sa mag ama niya na masayang nagkukwentuhan habang kumakain.Napangiti siya.Simula ng makasal sila ni Grant ay mas lalo naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Si Kian ay halos hindi na humiwalay kay Grant. Minsan nga ay sinasama pa ni Grant si Kian sa GS Building.Natigil sa pagkain si Grant ng tumunog ang cellphone nito."Relax, Brix———Alright." Bumuntong hininga si Grant bago tumingin sa kanya."I have to go, Mahal. Ako na ang maghahatid kay Kian sa school. Take a rest, hmm." Humalik si Grant sa labi niya. "Ingat." Aniya. Napangiti siya ng halikan siya ni Kian sa dalawang pisngi."Bye, Mi! Bye po, Lola and tita!" Nakangiti na paalam ng anak niya at humawak na sa kamay ni Grant.Tumango lang ang ina ni Grant sa anak niya. Si Olivia n
[Kiara]Nagtaas-baba ang dibdib niya sa galit. Tila papatayin niya 'to sa klase ng kanyang tingin.Pero bigla ay natigilan siya. Sinong tanga ang aamin sa ginawang kasalanan? Tumingin siya ng seryoso kay Cyrus. Nakangiti pa rin 'to, na siyang nakapagtataka.Bakit nakangiti ito? Gano'n ba 'to kasama para ngumiti sa harap ng taong ginawan nito ng masama?Tumikhim siya at pilit na kinalma ang sarili. Alam niyang mali na pag usapan ang ganitong bagay lalo na at may asawa na siya.Pero gusto n'yang kumpirmahin ang isang bagay."Sa pagkakatanda ko wala naman nangyari sa atin noon." Sobra ang kaba at takot niya sa isasagot nito sa kanya."Nakalimutan mo na ba? We got extremely drank on my birthday at nakalimot tayo." Paliwanag nito sa kanya habang hindi naaalis ang ngiti sa labi.Tama nga ang hinala niya.Nagsisinungaling ito. Pero bakit? Naihilamos niya ang nanginginig pang mga kamay sa kanyang mukha."Hindi ko alam na magbubunga pala ang nangyari sa atin. I'm sorry, Kiara. I know I was a
[Kiara]"Mahal?" Napapitlag siya ng marinig ang boses ng asawa. Ngumiti siya rito ng pilit kahit na ang totoo ay binabagabag siya sa mga salitang binitiwan ni Cyrus."Is there any problem?" Masuyong tanong nito. "Come on, tell me." Hinila siya ni Grant at saka pinaupo sa hita nito. Parang lumipad ang diwa niya ng maramdaman ang mabining paghalik nito sa kanyang leeg habang nakapalibot ang matipunong braso nito sa bewang niya.Sigurado siya na pulang-pula ang mukha niya dahil sa ginagawa nito ngayon sa kanya. Wala talagang araw na hindi malambing sa kanya ang asawa niya."Nagustuhan mo ba ang niluto ko?" Tanong niya.Tumango si Grant. "Yes. Masarap, kasing sarap mo." Mahina n'yang pinalo ang kamay nito. "Sus, bolero." Kunwari ay sabi niya kahit ang totoo ay kilig na kilig siya.Natawa si Grant. "Pero kilig na kilig ka." Pang aasar nito sa kanya. Kagat ang labi na tinakpan niya ang mukha gamit ang kamay. Gano'n ba kahalata na sobrang kinikilig siya?"May problema ba sa shop mo? Napan
[Kiara]Kanina pa siya tulala habang nakangalumbaba sa desk niya. Hindi mawala sa isip niya si Grant.Iba talaga ang kilos nito. Hindi niya maipaliwanag pero ramdam niya na may kakaiba."Ma'am Kiara, may bisita po kayo." Sabi ni Lyca. "Papasukin ko, Ma'am?" Kumunot ang noo niya. Kung mga kaibigan niya 'to ay hindi na magtatanong pa si Lyca sa kanya.Tumango siya. "Sige." Tamad n'yang sambit habang nakangalumbaba pa rin."Nice Shop, ha." Napatuwid siya ng upo ng makita si Cyrus. Anong ginagawa nito dito? Saka paano nito nalaman ang Shop niya?Umupo ang binata at nakangiti na tumingin sa kanya. "Hindi kasi ako pinayagan ng asawa mo na ihatid ka. Kaya pinuntahan nalang kita."Nakaramdam siya ng inis. Hindi ba 'to marunong makaramdam? Kaya nga hindi siya pinapahatid ng asawa niya ay dahil ayaw nito na makalapit ito sa kanya."Bakit naman nakasimangot ka, Kiara? Hindi ka ba masaya na pinuntahan kita?" Aba, siraulo to ah! Bakit naman siya sasaya?"Pwede ba, Cyrus, tigilan mo 'ko sa mga ga
[Kiara]Ramdam niya ang masamang tingin ni Olivia sa kanya. Mukhang galit pa rin ito sa sinabi niya kanina.May mga tao talaga na mapanghusga tapos kapag binato mo pabalik ay galit na galit. Parang si Olivia lang."Cyrus!" Natigil siya pagsubo ng marinig ang pagtawag ng ina ni Grant kay Cyrus."You can eat with us. Halika at tumabi ka kay Kiara." Iminuwestra ng Ginang ang kamay sa katabi n'yang upuan.Pinagigitnaan kasi nila ni Kian si Grant.Walang reaksyon na patuloy lang sa pagkain si Grant na para bang balewala lang dito ang narinig.Iniwas nalang niya ang tingin sa asawa. Mukhang galit talaga ito sa kanya."Salamat po, Mrs. Somana." Ani Cyrus na agad na naupo sa tabi niya.Nakita niya ang makahulugan na pagtitinginan nina Olivia at ng ina ni Grant.Kung hindi niya lang alam na walang alam sina Olivia at ang Mama ni Grant na ex niya si Cyrus ay iisipin niya na nananadya ang mga ito.Nagpahid siya ng table napkin sa labi at saka tumayo. "Mauna na ako." Aniya, pero napahinto siya s