[Kiara] "CHEERS!" Magkapanabay na sigaw nilang magkakaibigan. Narito sila ngayon sa isang bar para magcelebrate. Magandang balita kasi ang natanggap niya kaninang umaga, may bago siyang supplier para sa negosyo niya. "Ano kaya ang magiging reaksyon ng magiging biyenan mo kapag nalaman na hindi niya natibag ang business mo?" Sumimsim ng alak si Dina at muling nagsalita. "Baka nagwawala na 'yon ngayon." "Kung ako sa'yo, Kiara, magpa-practice na ako ngayon para inisin 'yang hilaw mong biyenan. Sabi nga nila, kung galit ang isang tao sayo ay mas lalo mong inisin!" Ani naman ni Klea. "Girls, mabait si tita Graciela, believe me. Nagbago lang siya ng mawala si Tito George. Lahat naman ng tao nagbabago di'ba? May pinagdaanan lang siguro 'yong tao." Pagtatanggol ni Bea sa matalik na kaibigan ng ina nito. "Enough, girls. Narito tayo para magcelebrate, right?" Itinaas niya ang hawak na basong may laman na alak. "Samahan niyo ako mag inom ngayong araw, baka nakakalimutan niyo na nagcecel
NILAKUMOS ni Tanya ang papel na iniwan ni Walter ng tumakas 'to."I can't wait see to my beautiful sister" Iyon ang nakasulat sa papel."Baliw talaga ang hayop! Hindi nag iisip!" Galit na sigaw niya. Paano na ang plano niya ngayon? Si Walter at Kiara ang gusto niyang gamitin pero mukhang mabubulilyaso pa dahil sa kabaliwan ni Walter. Napangiti si Tanya ng may idea na pumasok sa isip niya. Ano ba ang kinakagalit niya kung maaari naman niyang sundan si Walter at tulungan sa plano nito? 'Pakawalan niyo siya! Maawa kayo!'Tinakpan ni Tanya ang tenga niya ng marinig ang paulit-ulit na sigaw sa utak niya. 'Maawa kayo, wag po!' "Ahhh! Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ni Tanya na tila nababaliw. Malakas na hinagis ng forty-four years old na babae ang anumang mahawakan. Oo, matanda na siya pero hindi iyon halata dahil sa taglay niyang ganda. Ilang beses na rin siyang nagparetoke at nagpapalit-palit ng mukha.Luhaan na lumuhod siya. "Hayop ka! Magbabayad ka sa ginawa mo! Sinusumpa ko magbaba
[Kiara]"Mi, mabait po ba si Lola? Love niya po kaya ako katulad ni Daddy?" Magkasunod na tanong ni Kian sa kanya.Natigilan siya sa tanong ng anak. Ngayon araw ay susunduin sila ni Grant para pormal na ipakilala ang anak niya sa ina nitong si Graciela. Gusto ni Grant na makilala ng Mama nito ang anak niya dahil para sa binata ay tunay na anak na nito ang anak niyang si Kian. Masaya siya sa pagmamahal na binibigay ni Grant sa anak niya. Pero hindi niya masisiguro kung pagtanggap ba ang gagawin ng ina nito.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumuhod sa harapan ng anak niya. "Wag kang mag alala, baby. Sigurado ako na magugustuhan ka niya dahil isa kang mabait na bata. Saka ang cute-cute mo kaya mas lalo ka niyang magugustuhan." Sabi niya pa at saka pinisil-pisil pa ang matambok na pisngi nito.Sabay silang napangiti ni Kian ng marinig ang isang malakas na busina na alam nilang sasakyan ni Grant."Si Daddy!" Masayang sambit ni Kian at saka tumakbo papalabas para s
KANINA pa nakatingin si Graciela sa anak ni Kiara na si Kian. Narito sila ngayon at kumakain sa malawak na dining hall ng mansion. Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita ng kanyang mata. Kamukhang-kamukha 'to ni Grant noong bata pa ito. Biglang sumagi sa isip ni Graciela ang sinabi ng kanyang kapatid na si Paul tungkol sa haka-haka noon na pagkakaroon ng relasyon ni Kiara at ng kanyang anak. Impossible! Kailanman ay hindi maglilihim ang kanyang anak. Hindi dapat siya magpadala sa kanyang nakikita! Sigurado na nagkataon lang ang bagay na 'to. Kapag lumambot ang puso niya sa batang 'to ay sigurado na matutuwa ang ina nitong si Kiara.Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ni Graciela. 'Di bale, malapit na rin namang mawala ang disgrasyadang babaeng 'to sa buhay ng kanyang anak na si Grant. Ang kailangan lang niyang maghintay na magawa ni Olivia ang gusto n'yang mangyari.[Kiara]KANINA pa niya napapansin na panay ang tingin ng ina ni Grant sa anak n'yang si Kian. Bakas ang gulat sa mukha
KULANG nalang umusok ang ilong ni Graciela sa sobrang galit. Umalis ang anak niyang si Grant kasama ang mag ina! Nagawa pang ipamukha sa kanya ni Kiara na handa itong pakasalan ng kanyang anak sa kabila ng pagiging disgrasyada nito."Napakatuso talaga ng babaeng 'yon! Masyado na niyang nabilog ang ulo ng aking anak!" Ani Graciela. Ang mga kasambahay sa paligid ay nakaramdam ng takot sa Ginang dahil kita nila ang sobrang galit sa mukha nito."Relax, Tita Graciela —""Relax? Don't tell me to relax, Olivia! Gawin mo ang inutos ko sayo dahil hindi kita binayaran para lang sabihan ako na mag-relax!" Nais ni Olivia na itirik ang mata sa sinabi ng matanda sa kanya. Kung hindi lang talaga dahil sa pera ay hindi papayag si Olivia na utus-utusan lang ng matandang 'to. Kumuha ng ubas ang dalaga at saka kinain ang isa roon. "Hmm, bakit hindi mo ako patirahin dito, Tita Graciela?" Suhestiyon ni Olivia. Tinaasan ng kilay ni Graciela si Olivia. Hindi gusto ng Ginang ang sinabi ni Olivia. Wala siya
HUMIGPIT ang hawak ni Wilbert sa kamay ng asawang walang malay na nakahiga sa kama. Matagal nilang itinago ang sekretong 'yon sa kanilang pamilya, ang hindi nila alam ay kung paano 'yon nalaman ng kanilang anak na si Walter. [[[FLASHBACK]]]"Sigurado po ba kayo na si Heart ang gusto ninyong ampunin? Marami pang ibang bata na narito, Mrs. Somana—""Siya ang gusto namin, Sister Monica." Putol ni Kendra rito. Tumingin ng puno ng pagmamahal si Kendra sa hawak na sanggol. "Hindi ba't napakaganda niya, Wilbert?" Ngumiti ang sanggol kaya naman lalong tumalon ang puso ng mag asawang Kendra at Wilbert sa tuwa. Matagal na nilang pangarap na magkaroon ng babaeng anak. Sumubok sila ng ilang beses ngunit palaging bigo. Palagi nalang nalalaglag ang ipinagbubuntis ni Kendra. Kaya ngayon ay nagdesisyon sila na mag ampon sa malayong probinsya. At narito na nga sila ngayon, sa Sunshine Children's Orphanage. Ang alam ng kanilang mga anak ay buntis na siya tatlong buwan bago sila nagpasyang magbakasy
[Olivia]TUMINGIN muna siya sa paligid bago umakyat sa itaas. Tiyak na nag iinit na ngayon ang katawan ni Grant dahil sa gamot na inilagay niya sa inumin nito. Alam niya na darating ngayon si Kiara. Kaya naman itinaon talaga n'yang gawin ang plano ngayong araw. "Tingnan nalang natin kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo kami ng mapapangasawa mo." Mahinang sabi niya na tila sarili ang kausap. Tanging roba lang ang suot niya. Bakit pa siya magdadamit kung huhubarin din naman niya.Pagdating sa tapat ng kwarto ni Grant ay hindi na siya kumatok. Dahil hindi naman naka-lock 'yon ay pumasok agad siya. Nagtataka man siya kung bakit patay ang ilaw ay hinayaan na lamang niya 'yon.Pagkasara ng pinto ay nangapa si Olivia sa dilim. Halos mapunit ang ngiti sa labi niya ng bumangga siya sa isang tao, na alam niyang si Grant. Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad na yumakap siya sa malaking katawan ni Grant at saka hinalikan ang labi nito.Nabuhay ang init sa katawan ni Olivia ng guma
[Olivia]GALIT na galit na nagwawala siya sa kwartong pinagamit sa kanya ni Graciela. Hindi niya maintindihan kung bakit pumalpak ang plano niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto para hanapin ang kasambahay na inutusan niya."Hoy, ikaw." Turo niya sa kasambahay na si Mercy."Bakit po?" Nakayukong tanong nito. Halatang ayaw makasalubong ang galit n'yang tingin."Binigay mo ba talaga kay Grant ang juice na pinabibigay ko sa kanya?" Nanlalaki ang mata na tanong niya habang may pagdududa na nakatingin kay Mercy. Walang mali sa plano niya kaya naman ito lang ang maari niyang pagdudahan. "O baka naman ikaw ang uminom!" Gigil na bintang niya.Agad na umiling ang kasambahay na si Mercy. "Hindi ko po ininom. Sa katunayan ay nakita ko 'yong ininom ni Sir Grant. Kung gusto niyo ay maaari mo siyang tanungin. Nagsasabi po ako ng totoo." Nakayuko na paliwanag ni Mercy.Natigilan siya. Gigil man ay pinili niyang kumalma. Walang salita na tinalikuran niya ang kasambahay na si Mercy. Samantala.....
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko