[Olivia]GALIT na galit na nagwawala siya sa kwartong pinagamit sa kanya ni Graciela. Hindi niya maintindihan kung bakit pumalpak ang plano niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto para hanapin ang kasambahay na inutusan niya."Hoy, ikaw." Turo niya sa kasambahay na si Mercy."Bakit po?" Nakayukong tanong nito. Halatang ayaw makasalubong ang galit n'yang tingin."Binigay mo ba talaga kay Grant ang juice na pinabibigay ko sa kanya?" Nanlalaki ang mata na tanong niya habang may pagdududa na nakatingin kay Mercy. Walang mali sa plano niya kaya naman ito lang ang maari niyang pagdudahan. "O baka naman ikaw ang uminom!" Gigil na bintang niya.Agad na umiling ang kasambahay na si Mercy. "Hindi ko po ininom. Sa katunayan ay nakita ko 'yong ininom ni Sir Grant. Kung gusto niyo ay maaari mo siyang tanungin. Nagsasabi po ako ng totoo." Nakayuko na paliwanag ni Mercy.Natigilan siya. Gigil man ay pinili niyang kumalma. Walang salita na tinalikuran niya ang kasambahay na si Mercy. Samantala.....
Naikuyom ni Walter ang kamao ng makita si Kiara na kasama si Grant. Narito siya ngayon sa labas ng paaralan ni Kian. Gusto niyang makausap si Kiara dahil nasasabik siyang makita 'to.Tama nga ang hinala niya noon na may pagtingin si Grant kay Kiara. Napapansin na niya ang bagay na 'yon noon. Kaya naman tinuring niya itong karibal. Hindi niya akalain na sa paglipas ng mga taon ay may gusto pa rin si Grant kay Kiara, at ikakasal pa ang mga ito ngayon."Hindi mapupunta si Kiara sa'yo, Grant, dahil sa akin lang siya." Wika niya bago pinaandar ang sasakyan palayo.[Kiara]"Daddy, I told to all my friends na may Daddy na po ako and they are all happy for me po!" Masayang kwento ng anak n'yang si Kian pagkapasok palang nila sa sasakyan."Really? Nai-kwento mo ba sa kanila kung gaano ka-gwapo ang Daddy mo?" May pagyayabang sa boses na tanong ni Grant. Napairap nalang siya. Samantalang kanina lang ay nag iba bigla ang mood nito.Gutom na nga siguro 'to."Yes, Daddy! I told them your name po. P
"Masyado kang mabagal, Olivia! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nagagawa ang inuutos ko sayo!" Gigil na wika ni Graciela sa dalaga. Matapos waldasin lahat ng pera na paunang bayad niya ay nararapat lang na gawin nito ang utos niya. Pero dalawang linggo na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari."Tita Graciela, believe me, ginagawa ko naman lahat ng magagawa ko—""Ginagawa?" Agad na putol matanda kay Olivia. "Kung ginagawa mo nga ang utos ko ay hiwalay na sana ang punyetang babaeng 'yon sa anak ko!" Nanggagalaiting dinuro ni Graciela si Olivia na ngayon ay nakaramdam na ng inis sa matandang kaharap. "Gawin mo ang trabaho mo! Hindi puro pagwawaldas lang ng pera ang alam mong gawin! Remember this, Olivia. You will return to me all the money you spent, kapag hindi mo tinupad ang napag usapan." Maanghang na pakli ni Graciela bago iniwan si Olivia."Shit!" Malakas na mura ni Olivia ng makaalis si Graciela. Kung hindi lang talaga dahil sa pera ay hinding-hindi siya papayag na tratuhin si
[Kiara]Nakangiti na nakatingin siya ngayon sa kaibigan na kinakasal sa kapatid niya. Hindi niya alam kung bakit sa kaibigan n'yang si Bea ikinasal ang kapatid niya at hindi kay Britanny. Pero sa nakikita niya sa mukha ng kaibigan niya ngayon ay halata na masayang masaya 'to."Thank you, Kiara! I... I thought hindi ka darating." Naiiyak na saad ni Bea habang nakayakap sa kanya. Narito na sila ngayon sa reception ng kasal.Ngumiti siya. "Matitiis ba kita? Syempre hindi." Aniya sa kaibigan. Nawala ang ngiti niya sa labi ng makita ang magulang at mga kapatid niya na papalapit sa kanila.Gusto niyang umalis at lumayo sa mga 'to, pero naramdaman niya ang pagyapos ng kung sino sa kayang likuran kaya hindi siya nakagalaw.Si Grant.Nakayakap si Grant sa kanya mula sa likuran at bumulong. "Can't wait to see you in a white wedding dress, Mahal."Namula ang pisngi niya sa sinabi ng binata. Kung alam lang nito na maging siya ay excited na rin."Kiara." Nanigas ang katawan niya ng marinig ang bo
[Kiara]Nang makita niya si Grant na naghihintay sa kanya ay sobrang kinakabahan siya. Katulad ng palagi nitong ginagawa ay pinaghila siya nito ng upuan.Hindi tuloy niya mapigilan ang ngiti sa kabila ng kaba niya sa dibdib."I'm hungry, kain muna tayo." Tinawag ni Grant ang waiter at agad na nag order.Nag order din siya kahit wala naman siyang gana kumain. Habang kumakain sila ay pansin niya ang panlalalim ng mga mata nito."Nagkasakit ka ba?" Hindi napigilan ang sarili na tanong niya rito.Grant drink some water before he answered to her question. "Nope. I'm fine." Pinunasan nito ang gilid ng labi. Nakahinga siya ng maluwag sa sagot nito."Mahal."Natigil siya sa pagsubo ng tawagin siya ni Grant. Ramdam niya ang pagtalon ng puso niya ng muli siyang tawagin nitong 'Mahal'. Hinawakan ni Grant ang kamay niya at saka marahan na pinisil. "Ano kaya kung lumipat na kayo sa mansion ni Kian? What do you think?" Hindi siya nakasagot. Apat na araw nalang naman ay ikakasal na sila. Bakit big
[Kiara]"Oh my God, Miss Kiara! Napakaganda mo!" Papuri ng make-up artist matapos siyang ayusan.Dumilat siya at tumingin sa salamin. Napangiti siya.She is now wearing a V-neck long sleeve wedding dress see through illusion back white bridal gowns with lace appliques. Mas lalong lumitaw ang hubog ng kanyang katawan. Hindi man kita ang balat niya dahil may pagka-conservative ang design ng wedding dress na napili niya ay hindi naman na-itago no'n ang ganda niya. Napangiti siya ng itaas ni Klea ang isa niyang paa para isuot sa kanya ang two inches white stiletto. Si Bea naman ang nagsuot sa kanya ng mamahaling jewelry set ng isang sikat na brand. Samantalang si Dina naman ay nakikipagsabayan sa photographer sa pagkuha ng mga pictures sa kanya.Ngayong araw ang kasal nila ni Grant. Simpleng kasal lang ang gusto niya pero mukhang hindi nakinig ang binata sa gusto niya."You're so gorgeous, Mi!" Nakangiti na saad ni Kian habang nakatingin sa kanya at nakangiti. Kita niya ang paghanga sa ma
[Grant]Halos mabasag ang hawak n'yang baso sa diin ng pagkakahawak niya ng marinig ang ulat ng mga kapulisan sa kanya. Maging ang Uncle Paul niya ay walang makitang lead tungkol sa pinapaganap niya.Si Walter na pinapasundan niya ay walang kahina-hinalang kilos.But———damn! Ito lang ang pinaghihinalaan nilang lahat maliban kay Kiara na walang alam sa kabaliwan ng sarili nitong kapatid.Nasabunutan niya ang buhok. Sarili niya ang sinisisi niya sa nangyari.Bakit naging pabaya siya? Bakit hindi niya naisip na baka maging ang anak nila ay pwedeng mapahamak?Tatlong araw na ang nakalipas. Si Kiara ay walang ginawa kundi ang umiyak at magkulong sa kwarto. Gustong-gusto nitong hanapin si Kian pero hindi niya ito pinapalabas.Paano kung pati ito ay ma-kidnap?"Ikaw ba ang nagpadukot sa anak ko? Tell me! Ikaw lang ang alam kong may galit sa akin dahil hindi mo ako gusto para sa anak mo!"Natigil siya sa paghakbang ng marinig ang malakas na boses ni Kiara. Agad na tinungo niya 'yon. Nakita n
[Grant]KANINA pa siya nakatingin sa natutulog na si Kiara. Nakatulugan nalang nito ang pag iyak at paghahanap sa anak nila. Kinuha niya ang kwintas na pinagawa pa niya at isinuot sa leeg ni Kiara. Hinalikan niya muna ito sa noo bago umalis.Hindi siya titigil sa paghahanap sa anak nila. Pangako niya kay Kiara ang bagay na 'yon at tutuparin niya 'yon.Kinuha niya ang cellphone ng tumunog. "Any lead?" Agad na tanong niya sa Uncle niya."Wala pa rin hanggang ngayon, Grant." Sagot ni Uncle Paul. "Siya nga pala, bakit pinapasubaybayan mo si Walter Somana? Kapatid siya ni Miss Kiara, di'ba? Bakit naman niya kikidnapin ang sarili niyang pamangkin?" Pag uusisa pa nito.Hindi siya sumagot. Ayon kay Kier ay walang dapat makaalam ng mga sinabi nito tungkol sa pagkabaliw ng sariling kapatid kay Kiara. Kaya naman wala siyang balak sabihin kanino man ang mga nalaman niya."Just follow him wherever he go, Uncle. Kapag may napansin kayong kahina-hinala, call me asap." Bumuga siya ng hangin matapos
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko