KANINA pa hindi mapakali si David. Alam niya na hindi tama na mangialam siya pero hindi niya kayang makita na nahihirapan si Kiara. Alam niya kung gaano naghirap ang kaibigan n'yang si Kiara para itayo ang negosyo nito. Binigyan niya ang dalaga ng trabaho noon bilang isang sales agent. Halos hindi na natutulog si Kiara makabenta lang ng mga properties at makakuha ng malaking kumisyon. Nang makaipon ay saka ito magtayo ng flower shop. Bumuga siya ng hangin at saka tumayo. Gagawin niya kung alin ang sa tingin niyang tama.... [Kiara] HABANG naglalakad siya sa GS building ay ramdam niya ang tingin ng mga empleyado sa kanya. Masyado ba niyang pinaghandaan ang pagpunta kay Grant? Tatlong araw na ang lumipas mula ng may namagitan sa kanilang halik at aaminin niya na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Grant... Teka, nagugustuhan na kaya niya ang binata? Himinto siya sa paglalakad at kinapa ang dibdib. Ramdam niya ang kakaibang tahip no'n. Nahuhulog na ba talaga siya kay Gran
[Kiara] HALOS hindi niya na makita ang tinatahak na daan dahil sa luha niya sa mata. Nabuhay ang sakit at galit na halos apat na taon niyang binaon sa puso niya nang maalala ang ginawa sa kanya noon ng sarili niyang pamilya. ……… "KIARA, ikaw tawag telepono! Anna daw!" Malakas na tawag ng amo niyang chinese. Narito siya nagtatrabaho bilang isang sale lady sa isang maliit na botique. May kalakasan ang benta, ngunit mababa ang pasahod, sapat lang para pambayad sa maliit nilang inuupahang bahay, pambayad ng kuryente, pambayad ng tubig, pagkain, gatas at diaper ng kanyang anak na si Kian na mahigit isang taon na ang edad. Agad na tumayo siya para magpunta sa telepono. Nakaramdam siya ng kaba dahil oras ng trabaho niya at biglang tumawag si Anna. "Hello—" "Kiara, nandito kami sa hospital! Si Kian kasi bigla nalang dumugo ang ilong at sobrang taas ng lagnat!" Agad na bungad ni Anna. Dahil sa narinig ay nagmamadali siyang tumakbo. "Kiara, ikaw di pa tapos tarbaho! Kung ikaw alis ngayo
[SOMEONE] SA isang kwarto ay galit na galit ang isang lalaki. Hindi siya makapaniwala na maiisahan siya ng magulang niya at maikukulong sa isang silid kung saan marami ang nakabantay sa kanya. Hindi lang basta kwarto ang lugar na 'to, kundi isa pang kulungan para sa tulad niya! "Kiara! Kiara! Kiara!" Tila baliw na sigaw ng lalaki. "Putang ina niyo! Sinabi ko naman sa inyo hindi ba?! Sa akin si Kiara!" Sabay halakhak ng malakas. Dumating ang isang babae, saglit niyang pinagmasdang ang lalaki. "Paano ka makakalabas ng kwartong 'to kung baliw ka pa rin hanggang ngayon? Wag ka nalang umasa na makakalabas ka rito... dito ka nalang at habangbuhay na maging pasyente ko, gwapo ka naman at masarap kaya hindi ako magsasawa sa'yo, hahaha!" Ani Tanya at katulad ng lalaki ay tila baliw na tumawa ang babaeng doktor. Dumura ang binata sa mukha ni Tanya. "Puta ka! Kung hindi lang ako tigang ay hindi kita titirahin!" Imbis na magalit ang babaeng doktor sa binata ay lumapit pa ito sa binata na
[Kiara]"Wala kang balak imbitahan ang pamilya mo? Are you sure?" 'Di makapaniwala na tanong ni Dina sa kanya ng sabihin niya rito ang tungkol sa simpleng kasal na gusto niya at hindi imbitado ang mga Somana. "How about your brothers?"Umiling siya. "Hindi ko sila gustong makita sa araw ng kasal ko, lahat sila to be exact." Naalala niya ang ginawa ng mga kapatid, maging ang Kuya Walter niya na akala niya ay handa siyang tulungan noon.FLASHBACK...Umiiyak na lumabas siya ng mansion, ang dibdib ay puno ng galit para sa pamilya na tinratong basahan ang kanyang anak."Baby!" Umiiyak na nag angat siya ng tingin. "K-Kuya!" Yumakap siya sa kapatid na si Walter. Matagal silang hindi nagkita, palagi nalang 'tong wala sa bahay kapag nagigising siya noon. Mahilig kasi sa mga parties ang kuya Walter niya at busy 'to sa mga negosyo nito. "Kuya, buti nalang nakita kita! Sila mommy kasi ayaw nila akong tulungan!" Umiiyak na sumbong niya. Pilit na nilayo niya ang katawan sa kapatid pero hindi siy
[Kiara]GUSTO n'yang sumigaw ng may kamay na humahawak sa kanyang hita. Mayamaya pa ay umakyat ang labi ng estranghero at pilit na hinalikan siya sa labi kasabay ng pagbaon ng matigas na bagay sa pagitan ng kanyang hita——""Haaa!" Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya ng magising siya.Pawis na pawis ang katawan niya at nanginginig sa takot. "P-Panaginip lang 'yon, Kiara... Tama, isang panaginip lang 'yon..." Kausap niya sa sarili.Muntik na siyang matumba ng tumayo siya ng kama. Walang lakas ang kanyang tuhod dahil sa sobrang takot. Tinakpan niya ang labi at saka mahinang umiyak.Dinalaw na naman siya ng masamang panaginip na galing sa masamang pangyayari sa buhay niya na matagal na n'yang pilit na binabaon sa limot pero hindi niya magawa."Mi? Umiiyak ka po?" Inosenteng tanong ng anak n'yang si Kian ng magising. Hating gabi na at nasa kalagitnaan sila ng masarap na tulog ng mapanaginipan niya ang masamang bangungot sa buhay niya.Agad na pinahid niya ang luha sa mukha at sak
[Kiara] "CHEERS!" Magkapanabay na sigaw nilang magkakaibigan. Narito sila ngayon sa isang bar para magcelebrate. Magandang balita kasi ang natanggap niya kaninang umaga, may bago siyang supplier para sa negosyo niya. "Ano kaya ang magiging reaksyon ng magiging biyenan mo kapag nalaman na hindi niya natibag ang business mo?" Sumimsim ng alak si Dina at muling nagsalita. "Baka nagwawala na 'yon ngayon." "Kung ako sa'yo, Kiara, magpa-practice na ako ngayon para inisin 'yang hilaw mong biyenan. Sabi nga nila, kung galit ang isang tao sayo ay mas lalo mong inisin!" Ani naman ni Klea. "Girls, mabait si tita Graciela, believe me. Nagbago lang siya ng mawala si Tito George. Lahat naman ng tao nagbabago di'ba? May pinagdaanan lang siguro 'yong tao." Pagtatanggol ni Bea sa matalik na kaibigan ng ina nito. "Enough, girls. Narito tayo para magcelebrate, right?" Itinaas niya ang hawak na basong may laman na alak. "Samahan niyo ako mag inom ngayong araw, baka nakakalimutan niyo na nagcecel
NILAKUMOS ni Tanya ang papel na iniwan ni Walter ng tumakas 'to."I can't wait see to my beautiful sister" Iyon ang nakasulat sa papel."Baliw talaga ang hayop! Hindi nag iisip!" Galit na sigaw niya. Paano na ang plano niya ngayon? Si Walter at Kiara ang gusto niyang gamitin pero mukhang mabubulilyaso pa dahil sa kabaliwan ni Walter. Napangiti si Tanya ng may idea na pumasok sa isip niya. Ano ba ang kinakagalit niya kung maaari naman niyang sundan si Walter at tulungan sa plano nito? 'Pakawalan niyo siya! Maawa kayo!'Tinakpan ni Tanya ang tenga niya ng marinig ang paulit-ulit na sigaw sa utak niya. 'Maawa kayo, wag po!' "Ahhh! Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ni Tanya na tila nababaliw. Malakas na hinagis ng forty-four years old na babae ang anumang mahawakan. Oo, matanda na siya pero hindi iyon halata dahil sa taglay niyang ganda. Ilang beses na rin siyang nagparetoke at nagpapalit-palit ng mukha.Luhaan na lumuhod siya. "Hayop ka! Magbabayad ka sa ginawa mo! Sinusumpa ko magbaba
[Kiara]"Mi, mabait po ba si Lola? Love niya po kaya ako katulad ni Daddy?" Magkasunod na tanong ni Kian sa kanya.Natigilan siya sa tanong ng anak. Ngayon araw ay susunduin sila ni Grant para pormal na ipakilala ang anak niya sa ina nitong si Graciela. Gusto ni Grant na makilala ng Mama nito ang anak niya dahil para sa binata ay tunay na anak na nito ang anak niyang si Kian. Masaya siya sa pagmamahal na binibigay ni Grant sa anak niya. Pero hindi niya masisiguro kung pagtanggap ba ang gagawin ng ina nito.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumuhod sa harapan ng anak niya. "Wag kang mag alala, baby. Sigurado ako na magugustuhan ka niya dahil isa kang mabait na bata. Saka ang cute-cute mo kaya mas lalo ka niyang magugustuhan." Sabi niya pa at saka pinisil-pisil pa ang matambok na pisngi nito.Sabay silang napangiti ni Kian ng marinig ang isang malakas na busina na alam nilang sasakyan ni Grant."Si Daddy!" Masayang sambit ni Kian at saka tumakbo papalabas para s
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko