SIX HOURS nang naghihintay si Marco sa labas ng Operating Room ngunit hindi parin lumalabas si Axel.. Gusto na niyang pasukin ito sa loob. Another Two hours ulit siyang naghintay, pabalik-balik siyang naglalakad sa hallway, hindi mapakali, at parang nababaliw na sa kakaisip kung ano na ang nangyari kay Katleah sa loob. Ilang sandali pa'y lumabas na si Axel na parang nanlalata ang katawan, bagsak ang mga balikat at parang hindi alam kung paano sabihin sa kanya ang lahat. Niyugyog ni Marco ang balikat ni Axel habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. “Axel, sumagot ka! Ligtas na ba si Katleah ha?” sigaw niya sa kaibigan dahil takot na takot na siya mula pa kanina. Hindi niya kayang mawala si Katleah. Ngunit ang sumunod na sinabi Axel ang tuluyang nag pagunaw sa mundo niya. "I'm sorry. I did everything I could but I couldn't save them". Pareho silang hindi nakaligtas." Nagbabadya ang luha ni Axel habang sinasabi ang lahat ng ito sa kanyang kaibigan. Nagtaka si Marco sa sinabi
Habang nasa biyahe, muling nagising ang ulirat ni Marco. Nang mapagtantong na sa loob siya ng sasakyan muli na naman siyang nag hysterical at gustong bumaba upang bumalik sa puntod ni Katleah. Ngunit agad naman siyang pinigilan nina Axel at Aiden na ngayon nakaupo sa likuran ng kanyang kotse at napapagitnaan siya. Hanggang ngayon, hindi parin niya matanggap sa sarili na wala na ang kanyang asawa. Parang gusto na niyang mamatay.Ilang sandali pa ay dumating na sila sa harap ng Mansion ni Marco. Subalit hindi nila inaasahan na pagbaba ni Marco ng sasakyan ay agad siyang sinalubong sa mukha ng mga galit na suntok ni Raven. Napaawang ang kanilang mga labi ng masaksihan na hindi man lang lumaban ang kanilang kaibigan. Bagkus patuloy parin nitong iniinda ang lahat ng sakit na tinamo ng kanyang katawan. "Ano ha! Lumaban ka hayop ka! Hinayaan kong mapunta sayo si Katleah dahil akala ko minahal mo siya!. Pero ikaw din pala ang papatay sa kanya!"Kahit anong suntok at tadyak ang ginawa ni Rav
Ganun nalang ang pagkagulat ni Sandra, ng makita ang madilim na anyo ni Marco habang nakatitig sa kanya. Bagama't may nakalagay na busal ang kanyang bibig, kahit gusto niyang sumigaw ay hindi niya magawa. Nasa loob siya ng abandonadong building na hindi niya alam kung saang gubat naroroon. Pero umaasa siyang hindi magtatagal ay matutunton na rin siya ng mga tauhan ni madam Mia upang tulungang makatakas. Natatakot siya sa maaring gawin ngayon ni Marco sa kanya. Mas lalo siyang nanginginig ng makitang papalapit si Marco, kaya impit siyang pumikit habang hinihintay ang katapusan niya. Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring kahit anong masasakit na bagay ang dumapo sa kanyang balat. Nagdilat siya ng mga mata para lamang masindak ng kanyang makita na hawak-hawak na ni Marco ang maliit na hairclip na kanina lang ay nakaipit at nakatago sa buhok niya. "Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng hairclip to? Kaya pala, hindi ka mahuli-huli ng mga tauhan ko dahil dito huh? K
Agad na niyang tinapos ang pag-uusap nila ni James, dahil wala naman itong impormasyon na maibibigay sa kanya. Isang tao lang ang gusto niyang makausap ngayon para magpaliwanag sa kanya ng lahat. Mabilis siyang nagbihis at umalis ng isla.Samantala sa loob ng sasakyan, kampanting nakaupo si Amarah sa panlikurang upuan ng kanilang kotse habang kumakain ng buto ng pakwan. Katabi niya ang dalawa niyang kambal na eaglets, na busy sa pagkukuwentuhan."Kuya Allaric, sa tingin mo kaya, makikilala kaagad tayo ni Daddy?" tanong ni Adira sa kapatid. Kuya ang tawag niya dito dahil ito daw ang unang lumabas kaysa sa kanya. Kahit sa New York sila lumaki, pilipino parin ang kanilang pananalita kapag nag-uusap sila, dahil ito ang tinuro ni Amarah sa kanila."Malamang. Eh inubos na natin ang mukha ni daddy eh. Walang natira kay mommy." seryosong sagot naman ni Allaric sa kapatid."Kaya lang, sinaktan niya si Mommy, magkakabalikan pa kaya sila? pabulong niyang tanong kay Allaric, ngunit naririnig pa r
Nanlalambot ang mga paa ni Katleah, habang naglalakad papalayo sa kanyang asawa. Gustong gusto na niyang yakapin ito kanina, pero pinigilan niya ang sarili, dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa nakaraan. Pitong taon na ang nakalipas, ngunit hanggang ngayon, ramdam na ramdam parin niya ang sakit na parang nangyari ito kahapon lang. Sinubukan niyang kalimutan si Marco, ngunit bakit hindi pa rin niya magawa? Bakit hanggang ngayon, sariwa parin sa puso niya ang lahat ng kanilang mga ala-ala? Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata, atsaka taas ang noo na naglakad papunta sa opisina ng pinsan niya. Kailangan niyang maging matatag at matapang ngayon para sa mga anak niya. Hindi pwedeng maging malambot ang kanyang puso dahil lang sa lalaking minahal niya, lalo na ngayon, marami pa siyang dapat harapin at pagtu-unan muna ng pansin, lalo na't malapit na niyang matapos ang kaso sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Pumasok na siya sa opisina ni Axel at kinuha ang mga documenton
Nanlalabo na ang mga mata ni Marco, at parang nilalamon na nang lamig ang kanyang buong sistema. Bumaba siya nang sasakyan at pinipilit niya ang kanyang mga hakbang para makapasok sa loob ng bahay. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang siya ay nawalan na siya ng malay at agad na bumagsak sa lupa. ILANG ORAS PA ANG LUMIPAS, dumating si James sa pribadong isla na binili ng boss niya. Nagbabakasakali siyang bumalik na ito ngayon, dahil wala ito kanina nang pumunta siya. Malamang andito na yon, kasi nakita niya ang kotse ng kanyang boss na naka park sa labas. Tinatawagan niya ito kanina, ngunit hindi naman ito sumasagot, kaya naisip niyang puntahan na lang ulit ito. Gabi na kaya medyo madilim na rin ang daanan at malakas pa rin ang ulan.. Tila ba wala na itong ganang tumila sa kakabuhos mula pa kanina. Nasa kalagitnaan na siya nang kanyang paglalakad nang mapatid ang kanyang paa sa kung anong malaking bagay na nakaharang sa kanyang daanan. Nang pinailawan niya ito mula sa flashlight ng kanyang
ALAS SYETE na nang gabi, pagod na pagod ang kanyang buong katawan dahil inabot ng pitong oras ang kanyang surgery kay Marco."Congratulations doc, for the successful operation." Sobrang saya namin dahil kami ang napili mong mag-assist sayo. Nasaksihan mismo ng aming mga mata, kung gaano ka kagaling bilang neuro surgeon. Marami kaming natutunan sayo.""It's okay..salamat din sa lahat, ng pag assist nyo sa akin. Magpahinga na muna kayo"Sumang-ayon ang lahat, at nauna na silang lumabas ng operating room, at silang dalawa na lang ni Eramae ang naiwan."Era, ikaw muna ang bahala sa mga anak ko..pakisabi na lang sa yaya nila, na bantayan silang mabuti. Kapag naayos na ang lahat, saka na lang sila babalik ng skwelahan para mag enroll." pagod niyang pagkakasabi kay Eramae."Huwag kang mag-alala sa kanila, aalagaan ko silang mabuti. Ikaw, sigurado ka bang okay ka lang dito?". nag-alalang tanong ni Eramae sa kanya."Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako Era.," namumuo na ang m
"Dahil malaki ang naging parti ko sa buhay mo babe. Minahal natin ang isa't - isa. Kahit nawala man kami sa ala-ala mo ngunit mararamdaman mo parin ang halaga namin dyan sa puso mo." parang naiiyak niyang sagot.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng silid, at pumasok si Dwayne, na seryoso ang mukha habang nakatingin at papalapit sa kanya."Amarah, tingnan mo ang videong ito. Nakuha ko ito nang napagtagumpayan kong e-hack ang surveillance camera sa mansion ng mga Colster na naka link mismo sa cellphone ni Raven." pabulong na pagkakasabi nito sa kanya.Agad niyang hinila si Dwayne sa pinaka sulok na bahagi ng kwarto at mabilis na kinuha ang isang earpiece sa kaliwang tainga ni Dwayne, habang masusing minamasdan ang nakapause na video.Agad naman pinindot ni Dwayne ang play button sa kanyang cp, at lumabas ang video ng dalawang taong nagtatalo sa loob ng silid na halatang isang study room."Raven, ilang ulit ko nang sinabi sayo, na layuan mo si Katleah noon pa, bakit ba hindi ka nakik
Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor. Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina. "Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric. Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven." "No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!" Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil
Samantala, hawak-hawak ni Marco ang mga kamay ni Marcus, na nakaposas habang naglalakad sila patungong execution chamber ng Aerie. Biglang tumigil sa pagpapalitan ng mga putok ang mga tauhan ni Marcus, ng makita na nabihag na ni Marco ang kanilang boss. Wala na silang nagawa kundi ang sumuko, dahil kaunti na lang sa kanila ang natitira. Wala silang kalaban-laban sa dami ng mga mafia na bumaliktad sa kanilang boss, dahil halos lahat sila ay pumanig na sa Demon King. Dagdag pa dito, ang underboss na si Troy ang namumuno sa kanila, sa pakikipaglaban. Mabilis namang hinuli ng team Elite na pinamumunuan ni Lieutenant Mike Javier ang mga tauhan ni Marcus, na sumuko. Biglang nagliwanag ang mukha ng mga Aeta ng makita nila na sa wakas, nakatagpo din ng katapat ang kanilang Eagle King. At last, matatapos na ang kalbaryo na dinanas nila ng ilang taon, simula ng mawala ang kanilang Eagle Queen. Kahit past midnight na, lahat sila ay nagsilabasan pa rin sa kani-kanilang lungga, at di nagtagal napu
“Anak, maniwala ka, ako ang totoo mong ama, patawarin mo si daddy, iniwan ka ni daddy na nag-iisa at hinayaan ang buhay mo na manipulahin ni Marcus. Patawarin mo ako anak, wala akong nagawa upang makatakas sa kulungan na ito. Kung alam mo lang, ilang taon kong dinadasal na sana darating pa ang araw na ito na magkikita tayong muli.”"Pero bakit? Bakit ka kinulong dito, samantalang ang kakambal mo malayang nagpapasarap sa buhay niya sa labas?" Ang hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Sandra.Sandali munang nag pahid ng luha si Alex at mahinang naglakad pabalik sa kanyang maliit na kama, bago muling nagsalita.“Nangyari ang lahat ng mga nangyari, dahil sa kagustuhan ni mama na makapaghiganti sa pamilya ng mga Dela Vega.”Biglang nagka salubong ang kilay ni Marco matapos banggitin ni Alex, ang pamilya Dela Vega.Hindi muna siya nagtanong, hinayaan muna niya ang sarili na makinig sa anumang sasabihin ni Alex. Nakita niyang umupo ito at malamlam ang mga mata habang nakatingin sa labas.
Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa. "Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya. Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang b
Matapos dalhin ni Marco ang asawa sa kanilang silid upang makapag pahinga ng maayos, agad na siyang lumabas ng silid at hinahanap si Allaric.Naabutan niya ito sa loob ng sariling silid na nakadapa sa kanyang kama, habang nakatitig sa sariling laptop. Tumingala siya sa kanyang ama ng maramdaman na pumasok ito.Umupo si Marco sa gilid ng kama, katabi ng kanyang anak; nakita niya mula sa video si Alex Montenegro na kausap ang isang matandang babae at batang lalaki na kasing edad lang din siguro ni Allaric."Mama, kailangan kong iligtas si Sandra. Apo mo pa rin siya, at hindi pwedeng hahayaan ko na lang siya, sa mga kamay ng bwisit na Marco, na yan!" Wika ni Alex sa matanda."Kahit kailan talaga, puro na lang sakit ng ulo ang dala ng babaeng yan! Kung hindi dahil sa anak siya ni Alex, hahayaan ko na lang yan, mamatay!""Kalma lang mama, may plano na ako sa babaeng yan, mamayang gabi mismo, pagkatapos siyang maitakas ng mga tauhan ko, ikukulong ko din yan kasama ni Alex sa kanyang kulungan
“Da….ddy!” nauutal na sambit ng more than 1 year old na si Zale ng makita ang ama.Muntik ng bitawan ni Amarah ang kanyang anak ng paglingon niya, biglang niluwa ng nakabukas na pintuan ang katawan ng kanyang asawa na puno ng dugo. Hindi niya alam kung sariling dugo niya iyon o dugo ng kanyang mga pinatay. Nakatayo ito at nakatitig sa kanya na para bang ilang taon na siyang hindi nakita. Mabilis na nilagay ni Amarah si Zale sa kanilang crib kasama ng mga kapatid niyang quadruplets.“Babe,” naiiyak niyang wika habang patakbong niyakap ang asawa. Wala siyang pakialam sa maraming dugo na nakakapit sa katawan nito, dahil pagka sabik ang namayani sa kanyang puso sa mga oras na ito.Naluluha na ring niyakap ni Marco ang asawa at matamang tinitigan ang mukha nito. Hindi niya akalain na mas lalong gumanda ito, after niyang mag undergo sa cosmetic surgery. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at hinila ang asawa papuntang bathroom.“Teka, sandali babe, ang mga bata.” pigil ni Amarah ng mahalatang
SAMANTALA, kakatapos lang lusubin ng grupo ni Marco ang ang grupo ng mga Vendetta Cartel, isang underground organization na kilala sa human trafficking at Drug dealers. Sa loob ng tatlong araw halos kalahati na ng mafia organization ang nawasak nila. Puno ang hideout ng Vendetta Cartel ng mga nakakalat na bangkay, dumanak ang dugo sa kahit saang sulok ng hideout at tanging ang lider lamang nila at ibang mafia bosses na kusang sumuko ang natitirang buhay. Galit na galit si Marco at nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatayo sa harapan ng lahat ng mga mafia bosses na ngayon, nakaluhod na sa sobrang takot. Kalahati sa kanila ay sumuko at ayaw ng lumaban pa. Ang mga huling nagsidatingan na mafia bosses upang tumulong sana sa mga vendetta ay lumuhod na rin ng masaksihan ang karumal-dumal na pamamaraan ni Marco sa pagpatay. Lahat ng mafia bosses na lumaban sa kanya ay halos pugot na rin ang mga ulo, ang iba, halos nag hiwa-hiwalay ang mga kamay at paa sa kanilang mga katawan. Hindi ni
Mabigat ang aking mga paa na nilisan ang mansyon. Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha habang nagmamaneho ng sasakyan. “Madam A, nahuli na namin si Sandra. Anong balak mong gawin ngayon?” narinig niyang sabi ni Mike ng sagutin niya ang tawag nito. “Dalhin mo sya sa hideout, ako ang hahatol sa kanya.” matalim ang mga mata ni Amarah habang nakatitig sa kalsada. “Masusunod po, Madam A.” agad na sagot ni Mike bago pinatay ang tawag. Mabilis na pinalipad ni Amarah ang kanyang sasakyan kaya wala pang bente minutos ay nakarating na kaagad siya sa hideout ng mga Elite Task Force. Malalaki ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng interrogation room at nadatnan niyang nakaupo si Sandra, habang nakatali ang mga kamay sa likod ng upuan. “Hayop ka Amarah, kung sa tingin mo, makakaganti ka na sa akin, nagkakamali ka, dahil hindi titigil si Alex Montenegro hanggat hindi niya nakikita na unti-unti kayong bumabagsak ni Marco Dela Vega! Ahahaha!” parang baliw na wika nito habang pinapad
“Sandra!, akin na yang anak ko, ito lang naman ang gusto mong makuha di ba?” sabay taas ni Amarah ng kanyang kwintas na nakasabit sa kamay niya.Biglang nagliwanag ang mga mata ni Sandra, pagkita niya sa kwintas. Kapag nakuha niya ito mula sa kamay ni Amarah, kahit na nabigo siyang kidnapin ang mga anak nito, makakabalik pa rin siya ng Aerie at hindi paparusahan ng kinikilala niyang ama na si Alex Montenegro. Kilalanin siyang Eagle Queen at lahat ng kapangyarihan mayroon si Alex Montenegro ay magkakaroon din siya.“Ibigay mo sa akin yan Amarah, para lang sa akin yan! Ako ang karapat-dapat na maging Eagle Queen.” Wika ni Sandra, halata ang pagiging excited sa kanyang mukha.“Hindi mo makukuha ang kwintas na ito, hanggat hindi mo naibibigay sa akin ang anak ko!” Sandaling nag-isip si Sandra matapos marinig ang kondisyon ni Amarah.“Ibabalik ko sayo ang anak mo pero sa isang kondisyon, paalisin mo ang mga tauhan mo na nakaharang sa daanan ko!”