“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Hera ng makapasok na sila sa loob ng kotse.” “Sinubukan kong e-hack ang cellphone mo kaya natunton ko kung saan ang lokasyon mo.” nakangiting sagot nito sa kanya. Hindi siya umimik. Ibig sabihin kahit saan pala siya magtago matutunton pa rin siya ng asawa niya dahil may talent ito sa pagiging hacker. Ano pa ba ang identity nito na hindi niya alam? Halos araw-araw na lang na magkasama sila, lagi na lang siya nagugulat sa character ng asawa niya. Naramdaman ni Rhayan ang biglang pananahimik ng asawa niya kaya naman hinawakan niya ang kamay nito. “Love, galit ka pa rin ba sa akin?” tanong niya at deretsahan na tiningnan ito sa mga mata. “Aaminin kong nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon kapag naalala ko ang nakita ko kanina, ngunit mahal kita, hanggat kaya kitang intindihin, gagawin ko.” Buong suyo niyang dinampian ng halik ang kamay nito. “Pangako hindi na iyon mauulit,” kakasabi niya lang ng biglang lumapit ang tauhan niya sa kanya. A
“Medyo, humina ang heartbeat ng triplets. Sir kailangan n’yo pong bantayan ng maigi ang asawa ninyo, upang hindi na maulit ang ganito. Nasa first trimester pa lang ang pinagbubuntis niya at posibleng mawala sila kapag maulit ito.” “Yes Doc, maraming salamat.” mahinang sagot ni Rhayan. Sobrang stress niya ngayong araw. Simula ng pinalabas niya si Nashmin sa club, tila hindi na siya nawalan ng problema. Umupo siya sa gilid ng kama ng asawa ng lumabas na ang Doctor. Ilang sandali pa tumunog ang kanyang cellphone. Ang mommy niya ang tumatawag. Bumili siya ng bagong cellphone. Lahat ng cellphone ng pamilya niya ginawan ng maraming security firewalls upang hindi kaagad ma hack ito ng kalaban. Mabuti naman at effective ang ginawa niya. “Son,” bungad ng ina niya ng sagutin na niya ito. Tila nahulaan na niya kung bakit ito napatawag. “Mom,” mahinang sagot niya. “Son, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko ang nangyayari sa’yo diyan.” “Mom, I know. Nagkamali po ba ako na pinalabas si Nashm
“Love, hanggang ngayon, galit ka pa rin ba sa akin?” Buong suyo niyang hinawakan ang balikat ni Hera upang ipaharap ito sa kanya. Kanina pagpasok nila sa loob ng silid, walang lingon itong humiga sa kama at tumagilid patalikod sa kanya. Kahit anong suyo niya, lumalaban pa rin ang katawan nito, halatang ayaw humarap sa kanya.“Love, sorry na, hindi ko naman alam na hindi pa siya nakauwi.” sinubukan niyang magpaliwanag. Nanatiling nakatalikod lang ang asawa niya, ngunit alam niyang nakikinig rin ito sa sinasabi niya. Ngayon lang siya nahirapan na suyuin ito. Humiga siya at niyakap ito mula sa likuran. Patudyo-tudyo niyang hinalikan ang likuran ng tainga nito dahilan upang bahagya itong napaliyad. Lalo niyang hinapit ang katawan nito upang idikit sa mainit na katawan niya.“Love, sorry na..para na akong mababaliw kapag patuloy tayong ganito,” nang-aakit ang boses niya habang binubulong ang mga katagang iyon sa tainga ng asawa. “I missed you.” Nakita niyang nagsimulang mag-tayuan ang bal
Bago umuwi ang dalawa, lihim na niyang nilagyan ng hidden camera ang loob ng silid ng mga ito. Nakapasok siya sa condo dahil kay Lendon. May access ito sa bawat palapag ng Condo kaya naman nong nakiusap siya na kunin lang niya ang kanyang mga gamit bago umalis ay pumayag ito. Nagbakasakali siya na baka bukas ang silid ng dalawa at nagtagumpay naman siya na pasukin iyon ng makitang bukas. Nakalimutan yata ng mga ito na isara dahil sa pagmamadali nong nangyari ang kaguluhan. “Sige lang, lubus-lubusin mo ng patirikin ang mga mata mo sa sobrang sarap, Hera, dahil pagkatapos nito, sisiguraduhin kong ang mga mata ko naman ang titirik kapag nakuha ko na si Rhayan.” kinakausap niya ang sarili. Minsan nagsisisi siya kung bakit masyado siyang nakampante sa atensyon na binibigay sa kanya ni Rhayan noon. Sana noon pa, niyaya na niya itong magpakasal. Ngunit ilang beses din naman niyang pinakitaan ng motibo si Rhayan upang angkinin siya nito, ngunit hanggang sa kalagitnaan lang sila ng paghahal
“Sa loob ng silid natin. Naka Posisyon sa ilalim ng lampshade sa bedside table. Sa tingin mo susugurin ko ang lintik na babaeng ‘yan na walang dahilan? Kung pagod ka, pagod na rin ako Rhayan. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya sa panggugulo sa buhay nating dalawa! Kung hindi pa ‘yan uuwi, akon ang uuwi. Kaysa naman manganganak ako ng wala sa oras dahil sa kanya!” sagot ni Hera. Namumula ito sa galit. “Hera, bakit ba ako lagi ang pinagbibintangan mo? Wala naman akong ginagawang masama sa’yo ah. May proof ka ba na ako naglagay ng hidden camera?” “At sino pa sa tingin mo ang maglalagay ng hidden camera sa silid namin? Si Lendon? Si Vian?” Nakamot ni Lendon ang ulo dahil nadamay pa sila ni Vian. “Kayong tatlo lang ang kasama namin dito sa loob ng condo. Si Vian at Lendon, hindi pumapasok ‘yan sa silid namin kahit pinapatawag namin. Ikaw lang ang may lakas loob na gawin iyon!” “Bakit ako ang pinagbibintangan mo? Pwede mo naman gawin ‘yan at ibentang sa akin para lalong magalit sa ak
“Muffin, please, huwag mo naman gawin sa akin ‘to.” umiiyak na wika ni Nashmin habang nakakapit sa mga binti ni Rhayan. Lahat ng pagmamakaawa ginawa nito ngunit matigas na ang puso ni Rhayan para sa childhood sweetheart niya.“Lendon, dalhin n’yo na siya sa private Jet.” Nanatili siyang nakatayo habang nakakuyom ang kamao. “No, Muffin, maawa ka. Akala ko protektahan mo ako kahit anong mangyari, pero bakit? Bakit kailangan mong gawin sa akin ‘to?” NAglulupasay na ito ngayon sa lupa at pilit lumalaban sa paghatak ni Lendon. Ang isang kamay nito ay nanatiling nakakapit pa rin sa binti ni Rhayan, habang ang isang kamay ay hinahatak ni Lendon.Matalim na tinapunan ng tingin ni Rhayan si Lendon. “Lendon, naubos na ba ang lakas mo at hindi mo kayang buhatin ang babae?”Dahil sa narinig ni Lendon, tinapunan muna niya ng tingin sa itaas ng veranda si Vian bago binuhat si Nashmin. Sinulyapan naman ni Rhayan ang direksyon ng tinitingnan ni Lendon. Nakita niyang magkatabi si Hera at Vian hab
"Dad," Napalingon si Don Fernan mula sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang boses ni Hera. Kasalukuyan siyang nakaharap sa Glass Wall kung saan pinapanood niya ang mga nakakalat na Assassin sa labas ng kanyang kumpanya. "Anak," natutuwang niyakap niya si Hera. "Kumusta ka na Dad?" Umupo si Fernan sa swivel chair. Malungkot ang mga mata nito. "Dad, may problema ba?" Nag-alala na tanong ni Hera. Nagbuga ng hangin si Fernan. "Ang Lola Motsha mo, lumapit sa akin at nakiusap. Palabasin ko raw ang uncle Ramy mo at ang pinsan mong si Jed." Nadismaya na umupo si Hera sa harapan ng ama. Hinimas-himas ang baby bump niya kaya bumaba ang tingin ng kanyang ama. Halata na ang paglobo ng kanyang tiyan. "Parang kailan mo lang sinabi na buntis ka, lumubo agad ang tiyan mo." Pansin ng kanyang ama. "Paanong hindi lumobo eh, tatlo na agad ang apo n'yo." Nakangiting sagot ni Hera. "Anak ng teteng, ibig sabihin triplets ang mga apo ko? Excited na wika ni Don Fernan ngunit agad na napalis ng m
“Boss, positive, asawa nga niya si Rhayan Smith Crawford.” Napabaling si Hera sa lalaking katabi niya na nakasuot ng itim na hooded robe. Katulad ang uniform ng mga ito sa mga tauhan ni Rhayan, kaya siya sumama. Ngunit nagtataka siya kung bakit may tinawag itong boss mula sa suot na earpiece at binanggit ang pangalan ni Rhayan. Bigla siyang kinabahan dahil sa mga iniisip niya.“Teka, sandali saan ba si Rhayan, bakit kailangan natin sumakay sa chopper?” tanong niya. Kahit kinakabahan, hindi siya nagpalahata.Hindi sumagot ang mga ito. Kinalabit niya ang katabi niya ngunit patuloy ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya.“Yes, Boss, Copy.” Binalingan siya nito at tiningnan matapos makipag usap sa boss.“I said, saan si Rhayan?” galit niyang tanong.“Shut up! Di ba dapat kami ang magtatanong niyan sa’yo? Ikaw ang magiging alas namin para magpakita si Rhayan.”“What?” gulat na tanong niya. Ibig sabihin naisahan siya ng mga ito? “Rhayan,” usal niya sa sarili na siya lang ang nakakarinig.