"Dad," Napalingon si Don Fernan mula sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang boses ni Hera. Kasalukuyan siyang nakaharap sa Glass Wall kung saan pinapanood niya ang mga nakakalat na Assassin sa labas ng kanyang kumpanya. "Anak," natutuwang niyakap niya si Hera. "Kumusta ka na Dad?" Umupo si Fernan sa swivel chair. Malungkot ang mga mata nito. "Dad, may problema ba?" Nag-alala na tanong ni Hera. Nagbuga ng hangin si Fernan. "Ang Lola Motsha mo, lumapit sa akin at nakiusap. Palabasin ko raw ang uncle Ramy mo at ang pinsan mong si Jed." Nadismaya na umupo si Hera sa harapan ng ama. Hinimas-himas ang baby bump niya kaya bumaba ang tingin ng kanyang ama. Halata na ang paglobo ng kanyang tiyan. "Parang kailan mo lang sinabi na buntis ka, lumubo agad ang tiyan mo." Pansin ng kanyang ama. "Paanong hindi lumobo eh, tatlo na agad ang apo n'yo." Nakangiting sagot ni Hera. "Anak ng teteng, ibig sabihin triplets ang mga apo ko? Excited na wika ni Don Fernan ngunit agad na napalis ng m
“Boss, positive, asawa nga niya si Rhayan Smith Crawford.” Napabaling si Hera sa lalaking katabi niya na nakasuot ng itim na hooded robe. Katulad ang uniform ng mga ito sa mga tauhan ni Rhayan, kaya siya sumama. Ngunit nagtataka siya kung bakit may tinawag itong boss mula sa suot na earpiece at binanggit ang pangalan ni Rhayan. Bigla siyang kinabahan dahil sa mga iniisip niya.“Teka, sandali saan ba si Rhayan, bakit kailangan natin sumakay sa chopper?” tanong niya. Kahit kinakabahan, hindi siya nagpalahata.Hindi sumagot ang mga ito. Kinalabit niya ang katabi niya ngunit patuloy ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya.“Yes, Boss, Copy.” Binalingan siya nito at tiningnan matapos makipag usap sa boss.“I said, saan si Rhayan?” galit niyang tanong.“Shut up! Di ba dapat kami ang magtatanong niyan sa’yo? Ikaw ang magiging alas namin para magpakita si Rhayan.”“What?” gulat na tanong niya. Ibig sabihin naisahan siya ng mga ito? “Rhayan,” usal niya sa sarili na siya lang ang nakakarinig.
Bang! Bang! Bang! Akmang susugurin na ni Rhayan ang iba pang Gang men na papunta sa direksyon niya ng biglang pinaulanan ang mga ito ng bala1 `g kanyang mga tauhan. "Anak, itakas mo na muna ang asawa mo, bilis. Dalhin mo siya sa hospital," narinig niyang wika ng kanyang ama mula sa kanyang suot na earpiece. "Thank you, Dad," parang iiyak si Rhayan ng makita ang maraming dugo na dumadaloy sa binti ng asawa niya. "Welcome anak, ako na ang bahala rito." Tumingala si Rhayan sa itaas, at natanaw niya ang ama mula sa pintuan ng chopper. Isa-isang tumalon mula sa lubid ang mga kasamahan nitong Knights Master, na sina Soleil, Mystic Demon, Hollow Flash, Deadly Scythe, Scarlet Blade at Lethal kill. Kahit may mga edad na ang mga ito, hindi pa rin nabawasan ang kanilang lakas sa pakikipaglaban. Mas lalo pa ngang lumakas ang pwersa nila kapag pinagsama. Gustuhin man ni Rhayan na tulungan ang ama upang pulbusin ang lahat ng mga gang sa Madburn, hinayaan na lang niya sa kamay ng ama ang hatol
"Putangina!" Mura ni Rhayan ng makitang wala ng buhay ang dalawa. Nanggigigil siya. Hindi siya satisfied sa ginawa niya. Kulang pa iyon at hindi pa nahuhupa ang galit niya. Muli niyang hinugot ang hunting knife na nakabaon mula sa ari ng bihag na pinutulan niya."Ahhhhhhhhhh! Putang Ina!....Putang Ina! n'yong lahat!....PuuutaaaaaangiiiiiiNna!" Nanggigil na mura niya, habang patuloy sa pagsaksak ng dalawang bihag. Kung saan-saan lang tumatama na parte ng katawan ng mga ito ang hunting knife. Nakaawang ang labi ng mga tauhan na hawak ni Lendon, dahil sa nasaksihan. Nakakapanindig balahibo ang ginagawa ng kanilang master. Sa tuwing binabaon nito ang kutsilyo sa katawan ng dalawang bihag, sumasabay na rin sa paglabas ang iba't-ibang laman sa loob ng katawan ng mga ito. Sanay silang patayin ang mga kalaban sa deretsahan na paraan. Ngunit ngayon ramdam nila ang sobrang galit ng kanilang Master. "Burn them together with this van." Narinig nila na utos nito, habang nagpapahid ng mga dugo sa
“Psst..Fernan, sigurado ka bang mabuting lalaki ‘yang si Dwayne? Hula ko parang lider siya ng sindikato.” bulong ni Donya Hailey sa asawa. Hindi na siya nakatiis at sinabi na niya ang mga tumatakbo sa isipan niya. “Ang bunganga mo, Hailey. Nakakahiya sa manugang natin. Wala na nga tayong ini-ambag sa mga babayarin dito sa hospital. Hindi mo ba nahalata, milyon ang gagastusin bago ka makalabas dito. Gusto kong sa bahay na sila titira para naman makasama ko ang mga apo ko kapag nanganak na si Hera.” Nanlaki ang bilog ng mga mata ni Donya Hailey dahil sa narinig. “Ano? Hoy Fernan, nawawala ka na ba sa tamang pag-iisip? Alam mo naman na ikinahihiya ni Mommy Motsha ang manugang mo di ba? Isa pa hindi mo pa nga napapayag si Dwayne na ibalik ang gintong kotse na dapat sana e-regalo kay Mommy. Ngayon dagdagan mo na naman ng kahihiyan natin.” Saway ni Hailey. Kahit nag bulong-bulongan sila habang nag-uusap, hindi pa rin maiwasan na tumaas ang boses niya. “Hailey, wala akong pakialam kahit an
“Yes master,” agad na tumalima si Lendon, matapos marinig ang utos ni Rhayan na alamin ang kinaroroonan ni Nashmin. Tama naman pagtalikod niya nakasalubong niya si Vian papunta sa direksyon ng silid ni Hera. “Vian,”tawag niya sabay hawak sa kamay nito. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. “I’m sorry.” nakikiusap ang kanyang mga mata ngunit tiningnan lang siya nito. “Kailangan ko pang dalhin ang mga gamot na ito kay Ma’am Hera, Excuse me.” Nagpakawala si Lendon ng malalim na buntong hininga habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Vian. Habang tumatagal mas lalong umiilap si Vian sa kanya. Ngunit kabaliktaran naman iyon sa nararamdaman niya dahil lubusan ng nahulog ang loob niya sa dalaga. Nagbuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa kanyang mission. "Love, sino 'yon?" Tanong ni Hera ng maisara na ni Rhayan ang pinto. "Si Lendon. Hinatid niya ang kwintas ng pinaghihinalaan niyang kwintas ni Nashmin." Kinuha ni Rhayan ang kwintas at binigay 'yon kay Hera. Matagal na nakati
“Rheniel, hindi ba’t ayaw mong naiistorbo ka sa mga babae mo? So I’m planning na e-hired si Brenda bilang acting CEO ng kumpanya namin ng asawa ko, habang nandoon kami sa New Hampshire.“Kuya, are you insane? She’s my secretary. We had a contract deal.” Hindi maipinta ang mukha ni Rheniel. Mukhang mawawalay sa kanya si Brenda.Nagkibit-balikat si Rhayan. “If that is so, then breach that contract. I want her to work in my company.”“Damn, Kuya. I already bought her for 20 billion. She’s mine.” Halata ang inis sa boses ni Rheniel. Ngunit nagtaka siya ng biglang pumalatak ng tawa ang kuya niya.“Twenty billion, huh?” ngumisi si Rhayan na binaling ang tingin kay Brenda. It means she’s special. I will buy her for 50 billion.” lalo niyang inasar ang kapatid. Umigting ang panga ni Rheniel habang nakatingin sa Kuya niya. Hinahanap niya sa mga mata nito kung niloloko lamang siya, ngunit seryoso ang mukha nito. Binalingan niya ang ate Hera niya. “Ate, will you allow him to do this?” Pinulupo
"Brenda, sakaling may problema sa kumpanya tawagan mo ako kaagad.” paalala ni Hera. “Yes Ma’am. Asahan niyo pong hindi kayo magsisisi ni Sir Rhayan sa pagbibigay ng tiwala ninyo sa akin.” nakangiting wika ni Brenda.Binalingan naman ni Hera ang ama. “Dad, ang sinabi ko sa’yo, wag mong kalimutan.” paalala niya.Nagpahid muna ng luha si Don Fernan bago niyakap ng mahigpit ang anak. “Mag-ingat ka doon anak. Kapag may pagkakataon, gusto kong bisitahin kita doon sa New Hampshire.”Ngumiti si Hera dahil sa sinabi ng ama. Tinapik-tapik niya ito sa balikat. “Kayo din Dad, mag-ingat kayo rito. Kilala na rin kayo ng mga kalaban ni Rhayan. Kapag may napansin kayong hindi kanais-nais na mga tao na umaaligid sa paligid n’yo, tawagan mo agad si Rhayan.” Bilin niya sa ama.Ngumiti si Don Fernan. “Nag-usap na kami ni Rhayan, anak. Sinabi niyang nag-iwan siya ng mga tauhan upang maging bodyguard ko, mula daw iyon sa Black Lion. Sabi ko huwag na dahil may mga tauhan naman ako, ngunit talagang nagpupu