Maraming salamat sa marunong maghintay. Si Amazing twins na naman update ko, dahil marami rin readers nag-aabang at excited sa bawat update. Thank you.
“Yes master,” agad na tumalima si Lendon, matapos marinig ang utos ni Rhayan na alamin ang kinaroroonan ni Nashmin. Tama naman pagtalikod niya nakasalubong niya si Vian papunta sa direksyon ng silid ni Hera. “Vian,”tawag niya sabay hawak sa kamay nito. Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. “I’m sorry.” nakikiusap ang kanyang mga mata ngunit tiningnan lang siya nito. “Kailangan ko pang dalhin ang mga gamot na ito kay Ma’am Hera, Excuse me.” Nagpakawala si Lendon ng malalim na buntong hininga habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Vian. Habang tumatagal mas lalong umiilap si Vian sa kanya. Ngunit kabaliktaran naman iyon sa nararamdaman niya dahil lubusan ng nahulog ang loob niya sa dalaga. Nagbuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa kanyang mission. "Love, sino 'yon?" Tanong ni Hera ng maisara na ni Rhayan ang pinto. "Si Lendon. Hinatid niya ang kwintas ng pinaghihinalaan niyang kwintas ni Nashmin." Kinuha ni Rhayan ang kwintas at binigay 'yon kay Hera. Matagal na nakati
“Rheniel, hindi ba’t ayaw mong naiistorbo ka sa mga babae mo? So I’m planning na e-hired si Brenda bilang acting CEO ng kumpanya namin ng asawa ko, habang nandoon kami sa New Hampshire.“Kuya, are you insane? She’s my secretary. We had a contract deal.” Hindi maipinta ang mukha ni Rheniel. Mukhang mawawalay sa kanya si Brenda.Nagkibit-balikat si Rhayan. “If that is so, then breach that contract. I want her to work in my company.”“Damn, Kuya. I already bought her for 20 billion. She’s mine.” Halata ang inis sa boses ni Rheniel. Ngunit nagtaka siya ng biglang pumalatak ng tawa ang kuya niya.“Twenty billion, huh?” ngumisi si Rhayan na binaling ang tingin kay Brenda. It means she’s special. I will buy her for 50 billion.” lalo niyang inasar ang kapatid. Umigting ang panga ni Rheniel habang nakatingin sa Kuya niya. Hinahanap niya sa mga mata nito kung niloloko lamang siya, ngunit seryoso ang mukha nito. Binalingan niya ang ate Hera niya. “Ate, will you allow him to do this?” Pinulupo
"Brenda, sakaling may problema sa kumpanya tawagan mo ako kaagad.” paalala ni Hera. “Yes Ma’am. Asahan niyo pong hindi kayo magsisisi ni Sir Rhayan sa pagbibigay ng tiwala ninyo sa akin.” nakangiting wika ni Brenda.Binalingan naman ni Hera ang ama. “Dad, ang sinabi ko sa’yo, wag mong kalimutan.” paalala niya.Nagpahid muna ng luha si Don Fernan bago niyakap ng mahigpit ang anak. “Mag-ingat ka doon anak. Kapag may pagkakataon, gusto kong bisitahin kita doon sa New Hampshire.”Ngumiti si Hera dahil sa sinabi ng ama. Tinapik-tapik niya ito sa balikat. “Kayo din Dad, mag-ingat kayo rito. Kilala na rin kayo ng mga kalaban ni Rhayan. Kapag may napansin kayong hindi kanais-nais na mga tao na umaaligid sa paligid n’yo, tawagan mo agad si Rhayan.” Bilin niya sa ama.Ngumiti si Don Fernan. “Nag-usap na kami ni Rhayan, anak. Sinabi niyang nag-iwan siya ng mga tauhan upang maging bodyguard ko, mula daw iyon sa Black Lion. Sabi ko huwag na dahil may mga tauhan naman ako, ngunit talagang nagpupu
Fernan, daanan muna natin ang kaibigan ko sa mall. Sinabi niyang sa Laxamall na kami magkita." Anya ni Hailey. Binalingan siya ni Fernan."Hailey, baka magtatagal na naman kayo ng mga kaibigan mo, marami pa akong dapat tapusin sa opisina." Kontra agad ni Fernan. Hininto niya ang kotse sa harapan ng Laxamall."Samahan mo na lang ako Fernan, sandali lang ito. Minsan ka nga lang sumama sa akin eh. Ipapakilala kita sa asawa ng kaibigan ko. Sobrang yaman no'n, pwede tayong makipag joint venture sa kanila sa mga malalaking projects."Nagbuga ng hangin si Fernan. Sinubukan na lang niyang sang-ayunan ang pakiusap ng asawa. Diretso silang pumasok sa mall, matapos niyang e-park ang kotse."Teka Fernan, mga bagong bodyguard mo ba iyang mga nakasunod sa atin? Bakit ngayon ko lang sila nakita?" Tanong ni Hailey ng mapansin ang mga Men In Black na nasa likuran nila. Lumingon rin si Fernan upang tingnan ang direksyon kung saan nakatingin si Hailey."Oo, mga bodyguard sila na binigay ni Dwayne. Para
Ma’am, paalala lang po na kapag na punch ko na ang items, hindi na po ito pwedeng ibalik maliban na lang kung mag change items kayo, size and colors, depende sa presyo. Considered sold na po kasi kapag na punch. hinfi kami nagvo-void ng items since klaro naman kung anong shop ang pinasukan ninyo." saad ng cashier habang hawak ang items.“No worries, ituloy mo ang pag scan, babayaran ko lahat ng mga iyan.” nakangiting wika ni Yolly, kahit pa na sa loob-loob niya, nagdududa siya kung kasya ang laman ng card niya. Marami siyang pinamili this past few weeks at paubos na ang credit limit ng card niya.“Ma’am, Do you have other cards po? Hindi po kasi kasya ang laman ng cards ninyo sa total amount na dapat bayaran. Your total bill is Fifteen Million Two hundred Thirty Five Thousand pesos, but your card balance is only one million pesos.” paliwanag ng cashier.“What?” gulat na binalingan ni Yolly si Hailey. “Mayroon ka bang pambayad diyan? Total naman sayo ang may pinakamaraming damit dito.”
“Fernan, bakit mo ako dito binaba sa harapan ng mansyon?” reklamo ni Hailey sa asawa ng huminto ang sasakyan sa harapan ng mansyon nila. “Magtatanong ka pa? Alam mo na ang sagot ko riyan. Bumaba ka na at marami pa akong gagawin sa opisina.” Nagtitimpi sa galit ang Don. “Fernan ano ba ang ikinagalit mo, ang lapit lang naman ng salon na pinupuntahan ko ah. Di ba bago tayo umalis ng mansyon alam mo na may schedule ako sa salon ngayon? Ipapaayos ko itong bu—” “Baba!” Huminto si Hailey sa pagsasalita ng bigla siyang sinigawan ni Fernan. Parang iiyak ito na tumingin sa asawa. “Fernan, sinisigawan mo na ako ngayon? Dahil ba kay Dwayne? Ano ang pinakain sayo ng lalaki na iyon, bakit nag-iba na rin ang trato mo sa akin? O, baka naman may ibang babae ka na!” umiiyak nitong tanong. Nagbuga ng hangin si Fernan bago bumaba ng kotse, at umikot sa kabilang pintuan kung saan si Hailey nakaupo. “Bumaba ka na kung ayaw mong sa harapan kita ng kulungan ibababa! Baka nakalimutan mo kung magkano
“Hmmmm..” Bahagyang nabaling ang ulo ni Hera ng maramdaman ang paggalaw ng kama dahil sa paghiga ni Rhayan. Dahan-Dahan na inangat ni Rhayan ang ulo ng asawa at pinahiga ito sa braso niya. Napangiti siya ng yumakap ito sa kanya at isiniksik ang mukha nito sa kili-kili niya. “Goodnight triplets,” Hinaplos niya ang tiyan nito at pinakiramdaman ang mga anak. “Goodnight Love,” siniil niya ng mainit na halik ang asawa bago na rin ipinikit ang kanyang mga mata. “Dreams, Love, Family—” “Rhayan, Love?” ginising ni Hera ang asawa ng marinig ang mahinang ungol nito na waring may kinakausap ngunit hindi niya matanto kung ano. Muli niya itong ginising. “Dreams–” “Love,”muling tawag niya dahilan upang magising ito at nagulat ng makita siya. “Love, nanaginip ka ba? Sandali kuhanan kita ng tubig.” Akmang babangon na siya ng hinatak siya nito pabalik at niyakap. “No, its okay, Love. Maganda ang panaginip ko.” wika ni Rhayan habang mahigpit na nakayakap sa asawa. Sumandal siya sa balikat nito
Hindi nagtagal, hininto ni Rhayan ang sasakyan sa labas ng isang pribadong tunnel. Nagtaka si Dustin dahil wala naman siyang nakitang high rise building. Binalingan ni Rhayan ang ama ng makitang hindi pa rin ito lumalabas ng kotse. "Dad, we're here." Tawag niya sa ama na prente pa rin nakaupo sa tabi ng driver seat."Here?" Senyas ng kamay nito na tinuturo ang tunnel."Yes, Dad." Pigil ang ngiti na wika niya.Alanganing bumaba ng kotse si Dustin habang nakatingin sa paligid. Hinahanap niya kung saang building ang mayroong isandaang palapag. Binalingan niya ang anak at nakita niyang pumasok ito sa loob ng malaking tunnel na may sampung talampakan ang taas. Madilim ang loob niyon. Nagtataka man ay sumunod na lang siya sa anak. Naisip niyang baka isa lamang itong frontline ng sinasabi nitong SKYLAN."Okay naman pala sa loob." Saad niya ng makapasok na siya. Clouds ang painting ng paligid ng tunnel. Hindi ito katulad sa tunnel na madalas niyang nakikita na daanan ng tubig dahil tiles ang
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an