"Dad, kailangan muna natin unmute si AI Ciela. Siya lang ang makapag paliwanag sa atin ng tungkol dyan sa video." "Damn," Nilingon ni Dustine si Ciela na kasalukuyang umiikot sa loob ng Cylinder. Gusto naman matawa ni Rhyan ng makita ang ama na matalim ang titig kay Ciela, tila ba gustong suntukin ito. Si Ciela naman parang nang-aasar pa dahil sumasayaw pa ang body hologram nito sa loob ng Cylinder. Hindi na niya hinintay pa na magreklamo ang kanyang ama. Kailangan niya ang paliwanag ni Ciela. Akmang pipindutin na niya ang unmute ng kanyang remote control ng biglang nagsalita ang ama. âAnak, mayroon bang language si Ciela na walang ness?â Nakahawak si Dustin sa baba niya, habang patuloy sa pag-obserba sa ginagawa ni Ciela. Sandaling nag-isip si Rhayan. âHmmm, parang meron Dad, pero hindi ko sure kung anong language. Marami ka bang alam na language Dad?â tanong niya sa ama. âMga 10 languages lang ang alam ko. Siguro naman sa sampung language na alam ko, may isa doon na walang ness.
"Ciela replay mo from the start." Utos ni Rhayan. Muling binalik din ni Ciela mula sa simula ang pag play ng video. Nakita nila na nagpark ang itim na SUV. Hindi maaninag ang plate number nito dahil hindi mahagip ng CCTV footage. Makikitang lumabas mula sa SUV ang lalaki. Naka-all black ito maging ang suot na sombrero. Pumasok ito sa loob ng coffee shop na sa gilid lang din ng airport. Ilang sandali pa, makikitang lumabas ito ng coffee shop ngunit hawak na ng maraming gang men. Dahil nanlaban ang lalaki sandaling nabitawan ito ng limang humahawak sa kanya at natanggal ang sombrero nito. Agad na bumalandra ang kamukha niya ngunit ito ang sinasabi ni Ciela na katawan ng kaibigan niya ang nag-gumaya ng mukha niya. Matagal pa muna itong nakipaglaban ng suntukan at karate sa mga gang men ngunit sa huli hindi na rin nito kinaya ng muling ginapos ng mga ito ang kamay sa likuran.Makikitang may tinatanong ang mga ito sa lalaking kamukha niya. Malamang iba ang sinagot ng lalaki dahil nagalit
"Love, anong nangyari ba't ang tagal ninyong nakauwi? Kung hindi pa ako tumawag kay Lendon, hindi ko pa nalaman na doon pa kayo sa Skylan." tanong ni Hera sa asawa habang hinahanda ang mga damit pantulog na isusuot nito. "Tumawag ka kay Lendon?" May halong selos ang tono ng boses ni Rhayan."Hindi kasi kita makontak. Busy ang line ng phone mo." Sagot niya sabay bigay ng tuwalya nito. Hinapit siya ni Rhayan sa baywang at inilapit ang mukha sa kanya. "Love, don't do that again. Gusto kong ako lang ang laman ng inbox at call history mo. Okay?" Siniil siya nito ng mainit na halik sa labi. Halik na puno ng pagkasabik."Hmmmp, mukhang naamoy ko ang selos sa mga halik mo." Mas lalo niyang inasar ito.Kinuha nito ang tuwalya sa kanya at binuhat siya papasok sa banyo."Love, teka..anong balak mo?""Sabayan mo akong maligo." Nang-aakit ang boses nito, ramdam ang pagnanasa na angkinin siya."What? Katatapos ko lang maligo." Tarantang sagot niya."Walang problema. Hindi tayo nagtitipid sa tubig
Kumalas ng yakap si Hera kay Rhayan ng lumuwag na ang pakiramdam niya. Nahihiyang nagpahid siya ng luha ng mapansin na marami na sila sa loob ng silid.âAhh, Mom, Dad, nandito pala kayo. Sorry, naudlot yata ang tulog ninyo dahil sa akin.ââWalang problema anak. Kahit ako sa kalagayan mo, sisigaw din ako. Sino ba ang nagpadala ng pictures?â wika ni Rihanna.Umupo ng maayos si Hera sa kama habang nakahawak pa rin si Rhayan sa mga kamay niya. âHindi ko kilala ang number, Mom. Bast pagbukas ko ng cellphone ko, yan kaagad ang bumungad sa akin.â Napahawak si Hera sa dibdib niya ng maalala na naman ang dilat na mga mata ni Jimmy habang nakatingin sa kanya ngunit pugot na ang ulo nito.Nagkatinginan lang si Dustin at Rhayan ngunit alam na nila ang dapat gawin. âLove, kumusta na ang pakiramdam mo?â nag-alalang tanong ni Rhayan.âOkay na ako, Love. Medyo kumalma na ang dibdib ko. Nagulat kasi ako kanina kaya napasigaw ako.â sagot ni Hera.âAnak, subukan natin itanong kay Ciela, baka sakaling ma
Mabilis na kinuha ni Rhayan ang charger ng laptop at sinaksak iyon. Muling lumitaw si Ciela at binati sila. Kung pwede lang ni Dustin e-skip ang laging sinasabi nito sa intro ay ginawa na niya upang hindi na maantala ang panonood nila.âOh, ano pa ang hinihintay mo?â tanong ni Dustin kay Ciela ng makitang tulala pa rin ito habang nakatingin sa kanila.âNaghihintay nes ng nes mga nes tanong nes nyo nes.â sagot ni Ciela kay Dustin.âDamn, Ipakita mo na ulit sa amin kung ano nangyari kay Jimmy after nilang lumabas ng hotel.â naiiritang sagot ni Dustin.âSure nes master nes Dustin nes.âNagngingitngit talaga ang mga ngipin ni Dustin kapag naririnig na tinatawag siya ni Ciela ng Dustines, pakiramdam niya nagmumukha siyang bakla sa pangalan niya. "Easy Dad, hayaan niyo susubukan kong ayusin ang program ni Ciela upang mawala na ang nes niya sa dulo." wika ni Rhayan ng makitang aakyat na naman ang dugo ng ama. Muli silang nagfocus sa panoonood ng video.Makikitang nakasunod si Jimmy sa liku
âMaster,â sabay-sabay na yumuko sina Moris, Altair, Nikel at Lendon sa harapan niya bilang tanda ng pagbibigay-galang. Tinungga ni Rhayan ang alak sa loob ng baso at humarap sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tauhan at tinuturing na rin na mga espesyal na kaibigan. Isang buwan na ang nakalipas simula ng malaman niya ang tungkol kay Nashmin at Lenard at ang koneksyon ng mga ito sa Nostraelita Gang. Nalaman na rin nila na pekeng ulo ang pinadala sa cellphone ni Hera dahil wala namang dumating na orihinal na pugot ng ulo nito. Muli niyang tinanong kay Ciela kung ano ang nangyari kay Jimmy at napag-alaman nilang dinala ito sa dungeon ng Nostraelita Gang. Palaging stress ang asawa niya simula ng tumawag ang Daddy Fernan nito na pumunta sa opisina nila ang ina ni Jimmy dahil hindi na raw nito makontak ang anak. Kung siya lang ang masusunod ayaw na sana niyang iligtas pa si Jimmy, ngunit galit siya ng malaman na nagpadala ng video ang mga kalaban sa ina ni Jimmy at sinasabi sa video nito na
"Master, nakita ko na ang pamilya ni Raji." Biglang inagaw ni Rhayan ang teleskopyo mula sa kamay ni Lendon at itinuon din ang lens niyon sa kanyang mga mata. Mula sa malaking bato kung saan sila nakatayo nakikita niya sa teleskopyo niyang hawak ang isang mid thirties na babae kasama ang dalawang anak nito sa isang silid na gawa sa bato. Tantiya niyang limang taong gulang ang batang babae samantalang sampung taong gulang naman ang batang lalaki. Parehong nakagapos ang dalawang kamay at paa ng mga ito at may busal ang mga bibig. Pinagmasdan niya ang paligid at pinag-aralan kung saan sila pwedeng dumaan upang iligtas ang pamilya ni Raji. Natunton niya ang teritoryo na ito ni Gandhes, dahil kay Ciela. Nalaman niya rin mula dito na mayroon sandaan na tauhan si Gandhes na nagbabantay sa loob at labas ng mansyon nito sa Isla Fuerte kaya naman nagdala siya ng isa at kalahating daang libong tauhan upang mapagtagumpayan na makuha ang pamilya ng kanyang kaibigan. Binalik niya ang Teleskopyo
"Already on the Safe Zone Master." Narinig niyang wika ng kanyang mga tauhan mula sa suot niyang earpiece. Narinig din ito nina Lendon, Moris, Altair at Nikel. Nagkatinginan silang lima."Plan C tayo." Iyon lang ang hudyat na hinihintay nilang apat na sabihin ng kanilang master ang pangatlong plano. "Within 30 minutes, dapat nandito na ang lahat." Dagdag sa sinabi ni Rhayan."Yes, master." Sabay-sabay naman na sagot nina Lendon, Altair, Moris at Nikel. Nag hiwa-hiwalay ang mga ito at isa-isang nagtungo sa bawat sulok ng mansyon. Nang makita na umalis na ang apat niyang pinagkakatiwalaan na mga tauhan sandali muna siyang nagtago sa likuran ng malaking puno ng pine Tree at kinuha ang cellphone. Muli niyang binuksan ang program ni Ciela na naka link sa cellphone niya at tinanong ito. âCiela, ipakita mo sa akin kung saan ngayon ang kinaroroonan ni Nashmin at Gandhes.âAgad naman lumabas ang video sa cellphone niya ang kinaroroonan ni Gandhes at Nashmin. Nasa rooftop ang mga ito tila
âPigilan nyo sila!â sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.âGusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.â Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. âMaawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!â Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.âAno pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!âBam!âBweset! Ang ingay! Ano ba!â Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
âDad, Mom,â bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.âTama na âyan, Ako naman.â Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. âKumusta na ang pakiramdam mo?â Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.âOkay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.â nababagot na sagot ni Dharylle.âKanina pa âyan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.â sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.âMom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.â Katwiran ni Dharylle.âSweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
âShit!â Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. âCiela what happened here?â Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.âI will show you, master.â Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. âTangâna! Kayang-kaya naman gawan ng paraan âyan hindi ba?â âYes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.âNagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. âGusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!â âHuwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!â Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.âMum! Please! Sumuko ka na!â Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. âHindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa âkin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!âMagkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
âCiela.ââYoung Master.â Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.âYouâre aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!â Bungad ni Rhayan sa galit na boses.âIâm sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa âyo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.ââBut something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa âkin may iba pa palang pinaplano si Trishia?ââNo, master. Ang sinabi ko saâyo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi saâyo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala saâyo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. âSir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon bastaât nasa magandang kumpanya sila.ââNonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?â Sir, napanood nâyo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.â"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. â Kuya?ââRianne, nasaan ka?â Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.âNandito sa ospital. Bakit Kuya?â Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
âAhhhh! Thriiiisia!â Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. âDonya Sonia! Donya Sonia!â Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.âPwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!â Tumayo siya at naupo sa sofa.âPatawad Donya Sonia. Pâpero kailangan mong mapanood ito. Siâsi Senyorita ThrisiaâââAno ang sabi mo? Si Thrisia?â napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.âB-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.â Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kayaât tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.âRhayanâŠplease help meâŠââWhat the ffâfvck!â Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. âTake off your hands!â Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
âAnong ginawa mo saâkin..tangina ka! Huh!?â Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.âAkin siya! Ako ang hahatol sa kanya!â Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.âRhayan!â Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. âRhayan, Bibihis ka ba