Sorry kung late na ako nakapag update. kahit sovrang pagod ko, sinubukan ko pa rin makapagsulat dahil alam kong naghihintay kayo. Dami kong trabaho kanina at buong araw na lamog sa biyahe. Kaya sana imaintidihan nyo. bumabawi naman ako ng maraming chapters oag may oras ako. maraming salamat.
Labag man sa kalooban ni Donya Hailey ang pakiusap ng asawa niya, wala syang magagawa kundi sundin ang kagustuhan nito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero ng anak. Kasalukuyang nakahiga sa kama ang mag-asawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Hera sa bedside table. “Love, sandali may tumatawag.” inawat ni Hera si Rhayan nang akmang hahalikan muli siya nito. Napahagikhik siya ng muli nitong kiniliti ng halik ang leeg niya. "Rhayan, my goodness, stop it." Medyo tumagal pa ang paghaharutan nila sa isa’t-isa hanggang sa tumigil na ang pag-ingay ng ringtone ng cellphone niya. “Love, kanino kaya mag mamana si baby?” excited na tanong ni Hera. Binuhat siya ni Rhayan at ipinatong sa ibabaw ng katawan nito, sabay yakap ng mahigpit. “Malamang sa’yo magmamana sa kagandahan pag baby girl ang anak natin.” nakangiting sagot ni Rhayan. “Feeling ko lalaki ang Baby natin, kaya sa’yo talaga magmamana sa kagwapuhan—” napahagikhik siya ng bigla na naman siyag kiniliti nito sa lee
KINABUKASAN, unang pumunta si Hera sa Harrigan Corp. upang tingnan kung ano ba talaga ang nangyari. Nagkasabay pa ang meeting nila with investors kaya napagkasunduan nila ni Rhayan na ito na muna ang makipag meet-up sa mga investors at siya na lang ang pupunta sa Harrigan Corp.“Mag-ingat ka Love, tawagan mo ako, kung sakaling magkaproblema ka.” Hinapit nito ang baywang niya at mainit na siniil ng halik sa labi. Ang simpleng halik na iyon ay tumagal dahil tinugon niya iyon. Tila nasarapan ang asawa niya ngayon sa labi niya kaya naman halos ayaw nitong bitawan. “Remember, ingatan mo ang tagapagmana ko.” nakangiting sabi nito at muli siyang siniil ng mabilis na halik.“Masusunod po, master,” nakangiti niyang sagot rito dahilan upang bahagya nitong pisilin ang ilong niya.Hinintay muna ni Rhayan na makapasok ang ang asawa sa loob ng sasakyan, bago sinenyasan si Lendon na lumapit sa kanya. “Lendon, siguraduhin mong mababantayan mo ng maayos ang asawa ko. Baka naman ang mga mata mo manana
“The audacity of you na pumunta rito!” Galit na hinagis ni Ramy Harrigan ang pinirmahan na dokumento sa harapan ni Hera, ngunit agad naman itong sinalo ni Lendon.“At ikaw, uncle, anong tawag sa ‘yo? Your face is too thick to take my father's seat.” madiin na wika ni Hera. Ramdam niya ang pag-akyat ng dugo sa ulo nito dahil sa sinabi niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.“Nagpunta ka ba rito upang bawiin ang posisyon ng daddy mo? Hah! Manigas ka, dahil ako na ngayon ang bagong presidente ng kumpanya. Walang karapatan ang Daddy mo lalo na ikaw, dahil kampon kayong lahat ng mga magnanakaw. Hinayaan ng Daddy mo ang asawa mo na nakawin ang limang bilyon na profit share ng kumpanya. Hindi nakapagtataka kung nakapag patayo kayo limampung palapag na building dahil nanggaling iyon sa pagnanakaw!”“Uncle Rammy, kung marunong ka. Kung talagang matalino ka, bakit hindi ka marunong mag compute kung ilang bilyon ang nagastos namin sa limampung palapag na building na sinasabi mo? Limang bilyon kamo
“Ayos na ang lahat, master.” pagbibigay-alam ni Lendon.“Good, bilisan n’yo diyan. Ihatid mo rito ang asawa ko, may ibang ipapagawa ako sa’yo.”wika ni Rhayan bago pinatay ang tawag at muling tinuon ang atensyon sa kaharap.“Speak,” utos niya sa mga taong kaharap. Akala ng iba, investors ang mga kausap niya ngunit sila lang ang nakakaalam na hindi. Nagpanggap lamang ang mga ito na maging investors sa mga kumpanya na pinili niya upang mag-imbestiga. Mabuti na lang at hindi niya kasama ngayon ang asawa niya. Ayaw niyang madagdagan ang pag-alala nito sakaling may ibabalita ang mga ito na hindi maganda.“Master,” pabulong na wika ng mga ito, na sila lamang ang nakakarinig. “Nakita namin si Ma’am Nashmin sa loob ng bar, dito lang din sa Langford City. Ayon sa aming pag-iimbestiga, nakita rin daw siyang nasampay sa tabing dagat ng mag-asawang Gaspe. Minalas siya sa nakakita sa kanya dahil binenta raw siya ng mag-asawa sa Rich’n go Night Club.”“Matagal na ba siya roon?” tanong niya. “Mahi
“Love, may sasabihin sana ako sa’yo.” wika ni Rhayan habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain. Umangat ng mukha si Hera na tiningnan ang asawa niya. “Mukhang seryoso ang asawa ko ah. Ano ba ‘yan?” nakangiti niyang tanong. “Tungkol kay Nashmin.” napalis ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig. Sa lahat ng pangalan na kinakatakutan niyang marinig ay ang pangalan ni Nashmin. HIndi siya natatakot kay Nashmin. Natatakot siya, dahil pakiramdam niya nakikipag kompetensya siya sa childhood sweetheart ng asawa niya. Hindi niya maiiwasan na hindi magselos, dahil ito ang babaeng unang naalala ng asawa niya. Ito ang babaeng laman ng panaginip nito. Hindi niya lang masabi kay Rhayan ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya masabi na nagseselos siya sa babaeng hindi pa niya nakikita pakiramdam niya inaagaw na sa kanya ang asawa niya. “Love, okay lang ba na pag-usapan natin?” tanong muli ni Rhayan ng makitang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng asawa niya. “Yes, Love, sure. Kaysa naman itago mo di
“Love, ano sa tingin mo, sa labas na lang ba tayo kakain, or sa condo na lang? Pag sa condo, ako ang magluluto. Hindi mo pa natikman ang luto ko.” wika ni Rhayan, habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe. Akmang sasagot na sana si Hera ng biglang sumingit si Nashmin sa kanilang usapan. “Muffin, di ba dapat si Hera ang nagluluto para sa’yo? Isa sa mga gawain ‘yan ng babaeng asawa.” Nagkatinginan si Rhayan at Hera dahil sa sinabi ni Nashmin. Ramdam ni Rhayan na nagpipigil lang ng galit ang asawa niya. Sinulyapan niya si Nashmin sa likurang upuan mula sa rear view mirror. “Nashmin, walang problema sa akin, ganito ko kamahal ang asawa ko. Isa pa, ayaw ko siyang mapagod dahil ipinagbubuntis niya ang anak namin.” Sinulyapan ni Hera si Nashmin mula sa salamin; ramdam niya ang pag ngitngit ng kalooban nito. “Pero muffin, kung ako ang asawa mo, kahit buntis ako, i-pagluluto parin kita. Hindi naman mabigat na gawain ang pagluluto.” Pamimilit pa rin nito. “Ngunit hindi mo asawa si Rhayan, Na
“Lendon, ihatid mo bukas si Nashmin ng maaga, kailangan ko lang samahan ang asawa ko para sa check-up niya.” utos ni Rhayan habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain na lima. Nakiramdam lang si Hera sa magiging reaksyon ni Nashmin. Hindi siya nagkamali, halata ang pagkadisgusto sa mga mata nito na tumingin kay Rhayan. “Muffin, akala ko ba, kinuha mo ako para manatili sa tabi mo? May balak ka palang pauwiin ako, di mo na lang sana ako kinuha sa bar na iyon.” naiiyak ito habang nagsasalita. Nagbuga ng hangin si Rhayan. “Nashmin, matagal ka ng hinahanap ng pamilya mo hindi ba? Bakit ayaw mo bang umuwi sa inyo?” “Ayaw kong umuwi.” umiiyak na sagot nito. Tumayo ito at tiningnan si Rhayan. Ang laki na ng pinagbago mo, muffin. Sumumpa ka sa akin na kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay. Nagtiis akong magtrabaho sa Club, dahil alam kong darating ang araw na mahahanap mo rin ako. Ngunit hindi ko inakala na isang malagim na trahedya lang pala ang makapaghihiwalay sa atin. Kung alam ko
Samantalang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ni Hera habang nagmamaneho. Kahit anong pigil ng emosyon niya, tila naman ayaw makinig ng kanyang puso. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya kesa dinidikta ng utak niya. Sinasabi ng utak niya na umuwi na at hayaan na lang si Rhayan sa kanyang desisyon. Ngunit nasasaktan ang puso niya ng maalala ang tagpo kanina. Alam niyang mahal siya ni Rhayan. Malaki ang tiwala niya rito. Ngunit mahal rin ng asawa niya si Nashmin. Kahit pa sabihin na mahal nito ang babae bilang kapatid, natatakot pa rin siya na pwedeng magbago iyon lalo pa at pumayag si Rhayan na manatili sa piling nila si Nashmin. Hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niya ng taong may makakausap. Sobrang komplikado ng sitwasyon nila ng asawa niya.“Daphney,” garalgal ang boses niya ng tawagan niya ang kaibigan.“Oh, anong nangyari sa’yo babae ka? Akala ko naman kinalimutan mo na ako. Masyado ka ng nalunod sa pagpapaligaya ng asawa mo at hindi mo na ako nakasama sa lahat ng
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an