“Love, may sasabihin sana ako sa’yo.” wika ni Rhayan habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain. Umangat ng mukha si Hera na tiningnan ang asawa niya. “Mukhang seryoso ang asawa ko ah. Ano ba ‘yan?” nakangiti niyang tanong. “Tungkol kay Nashmin.” napalis ang ngiti sa labi niya dahil sa narinig. Sa lahat ng pangalan na kinakatakutan niyang marinig ay ang pangalan ni Nashmin. HIndi siya natatakot kay Nashmin. Natatakot siya, dahil pakiramdam niya nakikipag kompetensya siya sa childhood sweetheart ng asawa niya. Hindi niya maiiwasan na hindi magselos, dahil ito ang babaeng unang naalala ng asawa niya. Ito ang babaeng laman ng panaginip nito. Hindi niya lang masabi kay Rhayan ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya masabi na nagseselos siya sa babaeng hindi pa niya nakikita pakiramdam niya inaagaw na sa kanya ang asawa niya. “Love, okay lang ba na pag-usapan natin?” tanong muli ni Rhayan ng makitang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng asawa niya. “Yes, Love, sure. Kaysa naman itago mo di
“Love, ano sa tingin mo, sa labas na lang ba tayo kakain, or sa condo na lang? Pag sa condo, ako ang magluluto. Hindi mo pa natikman ang luto ko.” wika ni Rhayan, habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe. Akmang sasagot na sana si Hera ng biglang sumingit si Nashmin sa kanilang usapan. “Muffin, di ba dapat si Hera ang nagluluto para sa’yo? Isa sa mga gawain ‘yan ng babaeng asawa.” Nagkatinginan si Rhayan at Hera dahil sa sinabi ni Nashmin. Ramdam ni Rhayan na nagpipigil lang ng galit ang asawa niya. Sinulyapan niya si Nashmin sa likurang upuan mula sa rear view mirror. “Nashmin, walang problema sa akin, ganito ko kamahal ang asawa ko. Isa pa, ayaw ko siyang mapagod dahil ipinagbubuntis niya ang anak namin.” Sinulyapan ni Hera si Nashmin mula sa salamin; ramdam niya ang pag ngitngit ng kalooban nito. “Pero muffin, kung ako ang asawa mo, kahit buntis ako, i-pagluluto parin kita. Hindi naman mabigat na gawain ang pagluluto.” Pamimilit pa rin nito. “Ngunit hindi mo asawa si Rhayan, Na
“Lendon, ihatid mo bukas si Nashmin ng maaga, kailangan ko lang samahan ang asawa ko para sa check-up niya.” utos ni Rhayan habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain na lima. Nakiramdam lang si Hera sa magiging reaksyon ni Nashmin. Hindi siya nagkamali, halata ang pagkadisgusto sa mga mata nito na tumingin kay Rhayan. “Muffin, akala ko ba, kinuha mo ako para manatili sa tabi mo? May balak ka palang pauwiin ako, di mo na lang sana ako kinuha sa bar na iyon.” naiiyak ito habang nagsasalita. Nagbuga ng hangin si Rhayan. “Nashmin, matagal ka ng hinahanap ng pamilya mo hindi ba? Bakit ayaw mo bang umuwi sa inyo?” “Ayaw kong umuwi.” umiiyak na sagot nito. Tumayo ito at tiningnan si Rhayan. Ang laki na ng pinagbago mo, muffin. Sumumpa ka sa akin na kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay. Nagtiis akong magtrabaho sa Club, dahil alam kong darating ang araw na mahahanap mo rin ako. Ngunit hindi ko inakala na isang malagim na trahedya lang pala ang makapaghihiwalay sa atin. Kung alam ko
Samantalang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ni Hera habang nagmamaneho. Kahit anong pigil ng emosyon niya, tila naman ayaw makinig ng kanyang puso. Mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya kesa dinidikta ng utak niya. Sinasabi ng utak niya na umuwi na at hayaan na lang si Rhayan sa kanyang desisyon. Ngunit nasasaktan ang puso niya ng maalala ang tagpo kanina. Alam niyang mahal siya ni Rhayan. Malaki ang tiwala niya rito. Ngunit mahal rin ng asawa niya si Nashmin. Kahit pa sabihin na mahal nito ang babae bilang kapatid, natatakot pa rin siya na pwedeng magbago iyon lalo pa at pumayag si Rhayan na manatili sa piling nila si Nashmin. Hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niya ng taong may makakausap. Sobrang komplikado ng sitwasyon nila ng asawa niya.“Daphney,” garalgal ang boses niya ng tawagan niya ang kaibigan.“Oh, anong nangyari sa’yo babae ka? Akala ko naman kinalimutan mo na ako. Masyado ka ng nalunod sa pagpapaligaya ng asawa mo at hindi mo na ako nakasama sa lahat ng
“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Hera ng makapasok na sila sa loob ng kotse.” “Sinubukan kong e-hack ang cellphone mo kaya natunton ko kung saan ang lokasyon mo.” nakangiting sagot nito sa kanya. Hindi siya umimik. Ibig sabihin kahit saan pala siya magtago matutunton pa rin siya ng asawa niya dahil may talent ito sa pagiging hacker. Ano pa ba ang identity nito na hindi niya alam? Halos araw-araw na lang na magkasama sila, lagi na lang siya nagugulat sa character ng asawa niya. Naramdaman ni Rhayan ang biglang pananahimik ng asawa niya kaya naman hinawakan niya ang kamay nito. “Love, galit ka pa rin ba sa akin?” tanong niya at deretsahan na tiningnan ito sa mga mata. “Aaminin kong nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon kapag naalala ko ang nakita ko kanina, ngunit mahal kita, hanggat kaya kitang intindihin, gagawin ko.” Buong suyo niyang dinampian ng halik ang kamay nito. “Pangako hindi na iyon mauulit,” kakasabi niya lang ng biglang lumapit ang tauhan niya sa kanya. A
“Medyo, humina ang heartbeat ng triplets. Sir kailangan n’yo pong bantayan ng maigi ang asawa ninyo, upang hindi na maulit ang ganito. Nasa first trimester pa lang ang pinagbubuntis niya at posibleng mawala sila kapag maulit ito.” “Yes Doc, maraming salamat.” mahinang sagot ni Rhayan. Sobrang stress niya ngayong araw. Simula ng pinalabas niya si Nashmin sa club, tila hindi na siya nawalan ng problema. Umupo siya sa gilid ng kama ng asawa ng lumabas na ang Doctor. Ilang sandali pa tumunog ang kanyang cellphone. Ang mommy niya ang tumatawag. Bumili siya ng bagong cellphone. Lahat ng cellphone ng pamilya niya ginawan ng maraming security firewalls upang hindi kaagad ma hack ito ng kalaban. Mabuti naman at effective ang ginawa niya. “Son,” bungad ng ina niya ng sagutin na niya ito. Tila nahulaan na niya kung bakit ito napatawag. “Mom,” mahinang sagot niya. “Son, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko ang nangyayari sa’yo diyan.” “Mom, I know. Nagkamali po ba ako na pinalabas si Nashm
“Love, hanggang ngayon, galit ka pa rin ba sa akin?” Buong suyo niyang hinawakan ang balikat ni Hera upang ipaharap ito sa kanya. Kanina pagpasok nila sa loob ng silid, walang lingon itong humiga sa kama at tumagilid patalikod sa kanya. Kahit anong suyo niya, lumalaban pa rin ang katawan nito, halatang ayaw humarap sa kanya.“Love, sorry na, hindi ko naman alam na hindi pa siya nakauwi.” sinubukan niyang magpaliwanag. Nanatiling nakatalikod lang ang asawa niya, ngunit alam niyang nakikinig rin ito sa sinasabi niya. Ngayon lang siya nahirapan na suyuin ito. Humiga siya at niyakap ito mula sa likuran. Patudyo-tudyo niyang hinalikan ang likuran ng tainga nito dahilan upang bahagya itong napaliyad. Lalo niyang hinapit ang katawan nito upang idikit sa mainit na katawan niya.“Love, sorry na..para na akong mababaliw kapag patuloy tayong ganito,” nang-aakit ang boses niya habang binubulong ang mga katagang iyon sa tainga ng asawa. “I missed you.” Nakita niyang nagsimulang mag-tayuan ang bal
Bago umuwi ang dalawa, lihim na niyang nilagyan ng hidden camera ang loob ng silid ng mga ito. Nakapasok siya sa condo dahil kay Lendon. May access ito sa bawat palapag ng Condo kaya naman nong nakiusap siya na kunin lang niya ang kanyang mga gamit bago umalis ay pumayag ito. Nagbakasakali siya na baka bukas ang silid ng dalawa at nagtagumpay naman siya na pasukin iyon ng makitang bukas. Nakalimutan yata ng mga ito na isara dahil sa pagmamadali nong nangyari ang kaguluhan. “Sige lang, lubus-lubusin mo ng patirikin ang mga mata mo sa sobrang sarap, Hera, dahil pagkatapos nito, sisiguraduhin kong ang mga mata ko naman ang titirik kapag nakuha ko na si Rhayan.” kinakausap niya ang sarili. Minsan nagsisisi siya kung bakit masyado siyang nakampante sa atensyon na binibigay sa kanya ni Rhayan noon. Sana noon pa, niyaya na niya itong magpakasal. Ngunit ilang beses din naman niyang pinakitaan ng motibo si Rhayan upang angkinin siya nito, ngunit hanggang sa kalagitnaan lang sila ng paghahal