Kuya…let me handle this..” tarantang hinawakan ni Dharyne ang kamay ng Kuya Rhayan niya na may hawak na baril. “Kuya..sige na please..” muli niyang inulit ang sinabi nang makitang parang walang balak ang kuya niya na ibaba ang baril. Patuloy lamang sa masakit na titigan ang dalawa tila ayaw magpatalo sa isa’t-isa. Akmang ibababa na ni Rhayan ang baril nang muling sumigaw si Luke.“Do it now!” “Luke ano ba!?” Galit na binaling ni Dharyne ang tingin kay Luke dahil sa pag sigaw nito. Ngunit sinalubong siya ng mapait na mga tingin ng binata.“Why Dharyne? Are you scared?” Mapait itong ngumiti. “Dharyne alam kong hindi ka manhid dahil naramdaman ko kung paano lumakas ang tibok ng puso mo sa tuwing niyayakap ko. Ngunit ikaw itong pilit sinasara ang puso mo para lang hindi maramdaman ang pagmamahal ko. Sa totoo lang ang hirap mong abutin ngunit sinubukan kong akyatin kahit pa ang pinakamataas na pader sa pagitan nating dalawa. Nagtiyaga akong hanapin ka. Lahat ng iyon ginawa ko para lang
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan upang malaman kung ano ang pina-plano ng Daddy niya. “Ano ngayon ang balak mo sa anak ko?”“Sir, I will marry–”“Dad..” Napatigil si Luke sa pagsasalita nang biglang inagaw ni Dharyne ang gusto sana niyang sabihin. Sinulyapan muna ng dalaga ang binata bago muling binalik ang atensyon sa Daddy niya. “Dad, pwede bang mamaya mo na kausapin si Luke? Baka maubusan na po siya ng dugo.” Katatapos niya lang magsalita nang biglang matumba si Luke habang nakaluhod. Hindi na kinaya ng katawan ang sobrang daming dugo na lumabas mula sa sugat nito.“Luke!” tarantang napasigaw si Dharyne nang makita ito. “Dalhin niyo siya sa clinic ni Dharylle.” kalmado ang boses ni Dustin na inutusan ang mga tauhan ngunit bakas na rin ang pag-alala sa mukha nito.“Sa tingin ko sa ospital na lang natin siya dadalhin Dad. Mukhang matatagalan si Dharylle bago makauwi rito.”Nagtatanong ang mga mata ni Dustin habang nakatingin sa panganay na anak. “May problema ba?”“Si Lendon ang
“Excuse me Sir. Bawal po kayong pumasok sa operating room. Kami na po ang bahala kay Doctora Albrecht.” Pigil ng babaeng Doctor kay Seidon bago pa man ito pumasok sa loob ng operating room.Hilamos ang mukha na napasandal si Seidon sa wall matapos isara ng Doctor ang pintuan ng operating room. Sobra siyang nag-alala para kay Dharylle. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan dahil hindi niya inaasahan ang nangyari. Masyado siyang nakampante na makakaya ng asawa ang problema niya sa kumpanya. Wala naman talaga ito sa plano niya kagabi. Ngunit inunahan siya ng asawa sa pagpunta sa kumpanya kaya no choice siya kundi sundin ang kagustuhan nito kaysa mag-away pa sila.“What the fuck is going on! Huh?” Halata ang galit at pagtitimpi sa boses ni Rhayan habang nakatiimbagang na nakatingin kay Seidon. Kanina pa niya ito tinatanong ngunit parang wala man lang narinig. Ang nakakainis pa dahil kanina pa ito tulala sa harapan niya. Nakatingin nga sa kanya ngunit parang hindi naman siya nakita
“Master,” agad na sinalubong ng Rhayaknights na sa pangunguna ni Lendon si Rhayan paglabas niya ng mamahaling kotse. Makikita sa aura ng kanilang boss ang pagtitimpi. Anumang oras sasabog na ito sa galit. Kahit sila dobleng ingat na hindi magkamali dahil tiyak madadamay sila sa namumuong galit nito. “Saan si Sonia?” bungad ni Rhayan sa seryosong mukha habang ibinibigay kay Lendon ang susi ng kanyang kotse. Kahit ang pag-saludo sa kanya ng mga tauhan ay hindi na niya nasuklian dahil nakapokus ang atensyon niya sa talagang pakay niya sa pagpunta rito. Hindi pa man nakasagot si Lendon ay direkta na ang pagpasok ni Rhayan sa loob ng presento. Abala ang mga mata nito sa paggala sa paligid tila may hinahanap. Mabilis ang mga hakbang ni Lendon na sinundan ang boss niya habang papasok ito sa loob ng opisina ng chief of police. “Master, wala pa ang mag-ina na Sonia at Thrisia rito.” Pahabol niyang sabi.Dahil sa narinig agad na tumigil sa paglalakad si Rhayan. Lumingon siya kay Lendon na na
“Thrisia, mag-iiba ang plano natin. Kailangan makaisip ako ng paraan upang makalabas rito ang Kuya mo. Nakita mo ba ang Kuya Nudge mo kanina? Kumusta ang lagay niya doon sa loob?” Nagtaka si Sonia kung bakit hindi na sumasagot si Thrisia. Binalingan niya ito at naabutan pa niya pagkagat ng labi habang nakatingin sa gawi ni Rhayan.“Hoy Thrisia! Kinakausap kita!” Pasinghal niyang bulong rito na sila lang ang ang nakarinig. Gulat naman itong lumingon sa kanya.“Mum…”“Ano ba ang nangyayari sa’yo? May gana ka pa bang mag pantasya sa Rhayan na yan sa kabila ng sitwasyon nating ito? Eh ano ngayon kung gwapo at maganda ang katawan niya? Makakatulong ba yan sa problema natin?” Panenermon niya sa anak. Ngumisi si Thrisia habang umiilaw ang mga mata na bumulong sa ina. “Mum, naalala mo ang dating plano ko?”Nagtataka naman si Sonia na pilit inaalala ang tungkol sa plano na sinasabi ni Thrisia. “Anong plano?”“Mum naman. Ang magandang plano ko noon pa na sinasabi sa’yo. Kaya lang ikaw ang aya
CHAPTER 52Napalingon si Nudge nang marinig ang pagbukas ng pintuan ng interrogation room. Hindi na siya nagulat pa nang makita si Rhayan na pumasok at halatang galit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.Hinintay niyang maupo ito sa kanyang harapan.“Kung nandito ka upang tanungin ako, abogado ko na lang ang kausapin mo.” Dumikit ang dalawang kilay ni Rhayan dahil sa sinabi ni Nudge. “Hindi ako nandito upang tanungin ka. Higit na ikaw ang may kailangan sa akin.” Sandaling hindi makasagot si Nudge sa sinabi ni Rhayan. Kailangan pa muna niyang titigan ito sa mga mata ngunit hindi niya mabasa ang nais iparating nito.“Kung kailangan kita, lumuhod na sana ako ngayon sa harapan mo.” Nakatiimbagang niyang sagot.Umarko ang itaas na labi ni Rhayan sa pagkadismaya. “Hindi kailangan na lumuhod ka dahil kahit lumuhod ka man ngayon wala ng magagawa yan. Even your voluntary imprisonment hindi uubra sa’kin. Kilala mo ako at kung ano ang makakaya kong gawin.” Mahina ngunit madiin niyang
Sumilay ang demonyong ngiti sa labi ni Thrisia nang marinig ang sinabi ng kabilang linya. Kahit kailan maaasahan talaga si Golem. Isa itong ex-convict na nakilala niya noon. Labas pasok ito sa bilangguan. Katunayan kalalabas lang nito ngayon dahil may lihim na ini-utos ang warden na trabaho sa labas. Nalaman niya ito kanina nang pumunta siya sa presento upang bisitahin ang kuya niya. Iba sana ang plano niya kaya niya pinuntahan si Golem sa selda nito. Balak niyang humingi ng tulong rito upang makatakas si Nudge. Marami na itong bilanggo na tinulungan upang makatakas ngunit hindi ito sumasama dahil mas minabuti nito na manatili sa loob ng kulungan. Wala na rin kasi itong pamilya dahil inubos nitong patayin nong mga panahon na nasa ilalim pa ito ng impluwensya ng droga.“Anak sino ang kausap mo?”Sandaling naudlot ang lumilipad na isipan ni Thrisia nang marinig ang boses ng ina. Excited niyang nginitian ito. Ngumiti na rin si Sonia nang makita ang galak sa mga mata ng anak. Ibig sabihin
SA KABILANG BANDA kalalabas lang ni Lendon sa presento nang sinalubong siya ng isa sa kanyang mga tauhan.“Boss Lendon, tumawag si Ma’am Hera. Hindi raw niya makontak si Master. Kahit ikaw raw hindi niya makontak. Kakausapin sana si Master.”Nagtaka si Lendon habang nakatingin sa tauhan niya ngunit lumilipad naman ang kanyang isipan. “Huh? Wala pa ba si Master? Hindi pa siya nakalabas?” Takang tanong niya.Kung kanina nagtataka siya sa sinabi ng tauhan mas naman itong nagtaka sa naging sagot niya. Nakamot pa nito ang ulo habang nakatingin sa kanya. “Eh di ba kayo ang magkasama sa loob? Akala ko alam mo dahil hanggang ngayon hindi pa namin siya nakitang lumabas.”Sandaling tinitigan ni Lendon si Gorio waring sinusuri kung pinagtitripan lang siya nito. “Sigurado ka? Hindi pa lumabas si Master?” Muling tanong niya.“H-hindi..” “Tangina..” Nakamot niya ang ulo.. Nagtataka siya dahil kanina nakita niya itong lumabas sa interrogation room. Hindi naman niya ito sinundan nang makita niyang p
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an