“Oh, Love, who is she?” tanong ni Scarlet habang nakapulupot ang kamay sa braso ni Seidon. Agad naman na tinanggal ng binata ang kamay nito at lumayo.“Love? So Love na rin ang tawagan nila? At siya ano ang special sa kanya? Pangalawa lang ba siya?” Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isipan niya. At sa bawat iniisip niya parang patalim naman yun na sumaksak sa puso niya.“Dharylle, siya si Scarlet–”So, Dharylle na ang tawag nito sa kanya ngayon. “I know.” Matapang niyang sagot. Inagaw niya ang pagpapakilala ni Seidon. “Kitang-kita ng dalawang mata ko. Siya ba ang babae mo?” Ganito siya, straight to the point kapag nagsalita, kaya nga siya tinawag ng Daddy niya na Lightning Dharylle dahil sa pananalita niya.“What? My God, Love, ano ba ang pinagsasabi mo?” Nakita niya ang pagkalito sa mukha ng binata. Nilapitan siya nito at hinawakan ngunit hindi niya hinayaan na mangyari ‘yun. “Are you jealous?”“Mayroon ba akong dapat ikaselos?" Nang-uuyam niyang tanong kaya lalong nag dikit a
"Mahal, salamat at lumaban ka." Pinilit ni Rheniel na tumayo mula sa wheelchair upang mayakap lang si Brenda na kasalukuyang tulog pa rin. Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha niya sa sobrang saya dahil sa wakas matutuloy pa rin nila ni Brenda ang kanilang naudlot na pagmamahalan. "Mahal, aray, ang bigat mo, hindi ako makahinga." Reklamo ni Brenda dahilan upang mataranta si Rheniel.Tiningnan niya ang kasintahan at nang makitang gising na ito at nakangiti habang nakatingin sa kanya, parang gusto niyang lumundag sa tuwa."Maiiwan muna namin kayo, sa labas lang kami ng silid ni Dharylle." Paalam ni Rhayan. "T-Thank you, Sir, Ma'am." mahinang wika ni Brenda habang nakatingin kay Rhayan at Dharylle. Napangiwi si Rhayan sa narinig. "Brenda, nakalimutan mo na ba kung ano ang tawag mo sa akin noon?" Naging seryoso ang mukha niya. "K-Kuya," Alanganing wika ni Brenda na waring nahihiya. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Rheniel noon, nahihiya na siyang tawagin ulit na Kuya si Rhay
"Ang sakit mahalin ng pinsan mo, Tangina." Pinahid niya ang luha at muli na namang linagok ang laman ng bote. "Pero Bro, alam mo kung ano ang nagmulat sa akin sa kahibangan kong ito? Ang nangyari kay Brenda at Rheniel. Hindi pala sapat na mahal ko lang si Brenda. Akala ko, ako na ang lalaking nagmamahal sa kanya ng walang kapantay. Ngunit ng makita ko si Rheniel how he fought for his woman, taena, nahiya ako sa sarili ko. Wala pala ako sa kalahati ng pagmamahal niya. Kahit gustong-gusto kong puntahan si Brenda upang kamustahin, nanaig pa rin ang respeto ko kay Rheniel. Ayokong dahil sa akin masisira ang relasyon nila ni Brenda.""Paano, walang hiya kasi si Dad, Ngunit hindi ko rin siya masisisi dahil mahal niya si Tito Roman. Nananalaytay na sa mga Sinco ang paghihiganti. Ngunit hindi ko na uulitin ang ginawa ni Dad. Wala naman kasalanan si Brenda eh. Oo, aaminin kong galit ako kay Rhayan Crawford dahil sa pagpatay niya sa ama ko, ngunit hindi rason yun para gumanti rin ako. Una, wala
“Dharyne.”Naudlot ang pagtawa ni Dharyne sa loob ng sariling kotse ng marinig ang boses ni Dustniel. Naka link pala ang bluetooth ng cellphone niya sa bluetooth ng kanyang sasakyan at automatic answered calls ito kaya agad na niyang marinig ang boses ng kambal na si Dustniel.“Oh, bakit?” halatang lasing ang kanyang boses.“Hinahanap ka ni Dad. Saan ka ba nagpunta? Sinabi raw ni Dharylle na sa’yo niya pinababantayan si Mommy ngunit umalis ka naman.” “On the way na ako pauwi. May pinuntahan lang akong kaibigan medyo napasarap kami ng kwentuhan.” Pagdadahilan niya.“Seriously? Sa gitna ng problema natin may time ka pang makipagkita sa mga kaibigan mo? You can lie to me but not to Kuya Rhayan. Bilisan mo na at umuwi dahil galit na ‘yon sa’yo, tinakasan mo ang mga bodyguard mo. Nagsumbong na si Ciela kay Kuya.” Mas lalo pa nitong ginatungan ang kaba na nararamdaman niya. Lahat sila mas takot sa kanilang Kuya Rhayan kaysa sa kanilang ama. Masyadong mahal sila ng kanilang Daddy Dustin ka
“Ano na naman ang ginawa mo sa kapatid mo?” tanong ni Hera matapos siyang halikan ni Rhayan sa labi. “Tinuruan ko lang ng leksyon.” Balewalang sagot nito habang inaayos ang kumot nila ng asawa. Kapwa na sila nakahiga ngayon sa kama. Ang triplets as usual kumalat na naman kung saan natulog dahil pinaghatian na naman upang makatabi sa pagtulog ng mga kapatid niya.“At ano namang leksyon ang binigay mo baka sumubra ka na naman. Hindi iyon iiyak kung hindi mo nasaktan.”“Love, hayaan mo na lang ako sa pagdisiplina sa mga kapatid ko. Nainis lang kasi ako ng pinakita sa akin ni Ciela na mayroon siyang hinalikan na lalaki sa bar. At alam mo ba kung sino pa ang hinalikan niya? Tangina si Luke pa. Ang sarap talaga niya paluhurin sa maraming langgam kung hindi ko lang siya kapatid. Pasalamat siya at hindi ko na sinabi iyon sa kanya dahil alam kong mahihiya siya. Ngunit kahit di ko naman sabihin alam niyang may nalaman na ako sa pinanggagawa niya.” Natigilan si Rhayan ng makitang pigil ni Hera
ONE WEEK LATER THE DAY BEFORE GABRIEN CRAWFORD BIRTHDAY AND CHRISTENING Maingat na bumaba si Brenda sa sasakyan ni Rheniel nang pumarada ito sa harap ng mataas na building kumpanya ni Luke. Binalingan muna niya ang kasintahan. Tumango lang ito at ngumiti sa kanya. “Mag-ingat ka. I will wait for you here.” nakangiting wika ni Rheniel. Hinalikan muna niya sa labi si Brenda bago ito tuluyang binitawan sa kamay. “Sige, hindi na rin ako magtatagal. Ibibigay ko lang itong imbitasyon at nang makapag pasalamat na rin.” Tumalikod na siya sa kasintahan at tuluyang pumasok sa entrance ng building. Dahil kilala na siya ng guwardiya agad na rin siyang pinapasok. “Nasa loob ba si Sir Luke?” tanong niya. “Oo, kararating lang, nasa loob ng opisina niya sa taas.” sagot na rin ng guard. “Salamat.” tipid niyang wika bago tinungo ang elevator. Habang nasa loob ng elevator hindi niya maiwasan na mapangiti. Naalala niya kasi ang unang araw niya na nag-aaply pa lang siya. Hindi niya akalain na si Lu
“Coffee?” inalok niya ito ng kape. Kinuha naman ni Brenda. “Wow, ayos Sir ah–” Luke na lang ang awkward pakinggan.” Pagtatama ni Luke. Ngumiti si Brenda. “Natatawa lang kasi ako, dahil dati ako pa ang taga timpla ng kape mo. Ngayon ikaw na ang taga timpla ko.” “Ngayon lang yan. Hindi na mauulit.” asar na wika ni Luke at muling humigop ng kape. “Ang sama mong lalaki. Isa ka rin pala sa secondary sponsor sa kasal ko.” Binigay ni Brenda ang isa pang imbitasyon sa harapan ni Luke. Matagal na nakatitig si Luke sa dalawang imbitasyon na bumalandra sa harapan niya. “Hindi ka na ba magpa-pigil? Baka gusto mo pang baguhin ang isip mo.” Pang-aasar ni Luke habang tumatawa. “Sira! Wala ng atrasan ‘to no. after ng binyag ni Gab, sa susunod na buwan kasal na rin namin ni Rheniel. So isa ka sa ginawa naming sponsor. I will not accept your No. Sayang din ang ambag mo.” “What!? Ang yaman ng angkan ng mapapangasawa mo humihingi ka pa ng ambag? Yan lang yata ang silbi ko kung bakit mo ako ginaw
KINABUKASAN ARAW NG BINYAG…Lahat nagtipon-tipon sa loob ng simbahan. Syempre Ninong si Rhayan, Dustniel, Luke, Lendon at Rafael. Ninang naman si Dharylle, Dharyne, Hera, Suzette Vian at si Doc Joanamay. Hindi talaga nawala si Doc Joanamay dahil naging magkaibigan na rin sila ni Brenda sa araw-araw na alaga siya nito kaya mabilis siyang gumaling. Mga kapatid na lang din ni Rheniel ang mga Ninong at Ninang dahil gusto naman ng mga ito na maging pangalawang nanay at tatay ng kanilang nag-iisang anak. Nagmamadali naman si Luke na pumasok sa loob ng simbahan nang makita na nagsisimula na ang pari sa pagbinyag kay Gabrien. Wala sana siyang balak na pumunta ngunit napag-isip isip niyang para sa pagkakaibigan nila ni Brenda set-aside na lang muna niya ang nakaraan. Tumayo na rin siya sa likuran ng mga Ninong at Ninang sa gitna habang nagbibigay ng bendisyon kay Gab. “Namatay ang kandila ko, pasindi. Bakit kasi ang lakas ng fan ng simbahan.” reklamo ni Dharyne kay Dharylle at agad na sinindi
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an