KINABUKASAN ARAW NG BINYAG…Lahat nagtipon-tipon sa loob ng simbahan. Syempre Ninong si Rhayan, Dustniel, Luke, Lendon at Rafael. Ninang naman si Dharylle, Dharyne, Hera, Suzette Vian at si Doc Joanamay. Hindi talaga nawala si Doc Joanamay dahil naging magkaibigan na rin sila ni Brenda sa araw-araw na alaga siya nito kaya mabilis siyang gumaling. Mga kapatid na lang din ni Rheniel ang mga Ninong at Ninang dahil gusto naman ng mga ito na maging pangalawang nanay at tatay ng kanilang nag-iisang anak. Nagmamadali naman si Luke na pumasok sa loob ng simbahan nang makita na nagsisimula na ang pari sa pagbinyag kay Gabrien. Wala sana siyang balak na pumunta ngunit napag-isip isip niyang para sa pagkakaibigan nila ni Brenda set-aside na lang muna niya ang nakaraan. Tumayo na rin siya sa likuran ng mga Ninong at Ninang sa gitna habang nagbibigay ng bendisyon kay Gab. “Namatay ang kandila ko, pasindi. Bakit kasi ang lakas ng fan ng simbahan.” reklamo ni Dharyne kay Dharylle at agad na sinindi
Huminto si Dharylle sa paglalakad palabas ng simbahan ng mapansin ang sasakyan ni Seidon sa di kalayuan. Hindi niya alam kung nakita na siya nito. Pero nagdadasal siya na sana hindi pa sya nakita. Taranta siyang bumalik sa loob at planong sa kabilang pintuan siya dadaan. “Kambal, saan ka pupunta?” tawag ni Dharyne sa kanya. “Ah…dito ang sasakyan ko sa gilid ng simbahan kaya naisip kong dito na dumaan.” pagdadahilan niya sa kapatid. “Ah, ganun ba? Oh, sige. Yang damit mo palitan mo agad pagdating sa venue ha. Mga malalaki na tayo hindi na kaaya-aya tingnan na pareho tayo ng suot na damit. Kung alam ko lang na pareho tayo ng susuotin hindi ko na ito sinuot.” Nakamot ni Dharylle ang pisngi sa kadaldalan ng kapatid. “Oo, sige, sige na..Marami ka pang sinasabi, uwian na eh.” Agad niya itong tinalikuran sa takot na baka makita pa siya ni Seidon. Nagtaka man si Dharyne sa kilos ng kapatid hindi na lang niya ito pinansin. Deretso siyang lumabas ng simbahan. Napansin niyang wala na ang la
Hinawakan ni Luke ang buhok ni Dharyne dahil pakiramdam niya kulang pa rin ang paliwanag niya. Hindi talaga siya natunawan sa lalaking ito. Muli siya nagsalita. “This woman's hair is short and ebony, while your woman’s hair is long and blonde.“Amazing! What a perfect explanation.” Pumalakpak si Dharyne habang nakatingin kay Luke. “Mukhang kinabisado mo na lahat ng anggulo ng mukha ko. Okay na sana kaya lang may kulang eh.” Nakakunot naman ang noo ni Luke na tumingin sa dalaga. Inaalam nito kung ano pa ang kulang sa paliwanag niya. “Maasim ka ba?” tanong niya.“Bakit?” takang tanong naman ni Luke at inamoy pa ang sarili kung amoy pawis siya.“Kulang na lang kasi ng toyo para maging sawsawan yang mukha mo. Kulang ka sa ngiti.” Nang makita ni Dharyne na umuusok na naman ang ilong ni Luke, mabilis niyang hinatak ang kamay ni Doc May. “Run,”“Huh?” nagtataka si Doc May kung bakit sila tumatakbo ngunit sinunod na lang niya ang kalokohan ni Dharyne. Pumalatak ng tawa si Dharyne ng pumasok
Binaba ni Dustin ang kamao at matagal na inaral ang mukha ni Seidon. Gusto niyang masiguro ang sinsiridad sa mga mata nito. "Then, you have to marry her, right now!" "But I don't want to marry him, Dad!" Umiiyak na sigaw ni Dharylle. Pinahid niya ang luha at binalingan si Seidon na kasalukuyan nakatingin sa kanya na puno ng pagtataka. Hindi makapaniwala ang mga mata ni Rihanna at Dustin nang marinig ang sinabi ni Dharylle. “Pwede ba bigyan mo ako ng malalim na dahilan kung bakit ayaw mong magpakasal sa kanya?” Tanong ni Dustin. Sandaling tumahimik si Dharylle. Yumuko siya upang maiwasan ang tingin ng mga nakapaligid sa kanya. Paano ba siya magpapaliwanag sa kanyang ama? “Love,” Hinawakan ni Seidon ang kamay ni Dharylle ngunit tinabig ito ng dalaga. “Hindi ba matagal na natin pinaplano ang pagpapakasal?” Umangat ng mukha si Dharylle at direktang tiningnan sa mga mata si Seidon. “Tama ka, pero dati iyon,” sagot niya dahilan upang magguhit ang sakit sa mukha ng binata. May binulong
“Tangina, Bro. Yan ang nakuha mo sa loob?” Parang gusto niyang tumawa ng makita ang marka ng suntok sa mukha ni Seidon. Hinawakan naman ni Seidon ang bahaging tinuturo ni Luke. “Damn, bonus lang ito. Halika sumama ka sa akin.” Inakbayan niya si Luke at inakay papasok. “Wait..saan tayo pupunta? Huwag mong sabihin maghahanap ka ng tao na sasalo sa suntok ng mga Crawford?” Tanong ni Luke ngunit nagpa-tangay na rin kay Seidon. “Magpapakasal na kami ngayon, at ikaw ang witness ko.” Bagaman may pasa ang mukha, hindi iyon pinansin ni Seidon. Nag-uumapaw ang kaligayahan niya matuloy ang kasal nila ni Dharylle. Hindi man ito ang d****e wedding niya para sa babaeng mahal niya ngunit siguruhin na lang niya kapag maayos na ang lahat at napatunayan niya sa ama nito ang tapat na pagmamahal niya yayain niya ulit si Dharylle na magpakasal sila sa kahit saan mang lupalop ng mundo na gusto nito. “What? Hanep ka pare. Pumayag ka lang suntukin tapos ikakasal na agad kayo?” Hindi makapaniwala si Luke
“Anak, mahal mo ba siya?” Nakabalik si Dharylle sa malalim na iniisip niya ng marinig ang tanong ina. Nagpahid siya ng luha at magkasunod na tumango. “Bakit hindi ka masaya na kinasal ka sa kanya gayung mahal mo naman pala siya?” “Hindi ko alam Mom, kung ano ang nararamdaman ko ngayong kasal na kami ni Seidon. Nawalan ako ng tiwala sa kanya.” “Dahil ba sa Mommy niya?” “Dahil sa Mommy niya kung bakit nagawa akong saktan ni Seidon. Alam ko may mali rin ako dahil nagawa kong sagut-sagutin ang kanyang ina. Kahit anong mangyari ina pa rin naman niya ‘yun. Kaya lang ang sakit kasi na malaman na…mayroong babae si Seidon.” Nahihirapang paliwanag niya dahil sa pagpigil na umiyak. “Bakit sigurado ka bang babae niya talaga ‘yun?” “Hindi..po.” mahinang sagot niya. Hinaplos ni Rihanna ang buhok ng anak. “Yun na pala eh. Kung wala ka naman nakita na naghahalikan sila o, nasa isang kama sila ng babae na ‘yun bakit ka maniniwala? Anak sa isang relasyon hindi sapat ang narinig mo lang. Too go
“Ma’am Dharyne, may naghahanap po sa inyo sa labas.” Umangat ng mukha si Luke nang marinig na binabanggit ang pangalan ni Dharyne. Tinungga niya ang natirang Spirytus Vodka sa baso niya at pasimpleng sinulyapan si Dharyne na kasalukuyang dumaan sa gawi nila at sinalubong ang Staff ng resort. “Sa akin may naghahanap? Sino raw?” takang tanong ni Dharyne. May hawak din siyang Ladies Drink sa kamay. Nagkatuwaan din sila na mag-inuman nina Dharylle at Joanamay sa pool side ng resort. “Ang sabi niya ‘Waylon’ daw Ma’am.” sagot ng staff. “Si Waylon?” Bakas ang inis sa mukha ni Dharyne ngunit natuwa din nang may naisip na naman na kalokohan. Nagdikit ang dalawang kilay ni Luke nang makita ang saya sa mukha ni Dharyne. Muli siyang nagsalin ng Vodka sa baso niya habang panay ang sulyap sa gawi ng babae. “Cr muna ako.” Paalam niya kay Rhayan nang makita na lumabas si Dharyne. Tumango lang si Rhayan habang kausap si Seidon at pinangaralan. Silang tatlo na lang ang umiinom dahil hinatid ni Dus
ONE MONTH LATERBRENDA + RHENIEL WEDDING"Congratulations, insan." Maluha-luhang niyakap ni Rafael si Brenda pagkababa nito sa yate. Napaiyak naman si Brenda na gumanti ng yakap sa kanyang pinsan. "Thank you Rafael. Salamat at tinanggap mo ng buo ang lalaking pinili kong makasama habambuhay." Bahagyang tinapik ni Rafael ang likuran ng pinsan niya. "Mahal kita, Brenda. Hindi mo man yun nararamdaman kay Dad at Tito Roman, sana maramdaman mo iyon sa akin. Siguro may dahilan kung bakit hinayaan pa ako ng Diyos na mabuhay sa kabila ng mga kasalanan na ginawa ko sa'yo. At iyon ang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa sa 'yo ni Dad."Bahagyang tumango si Brenda habang patuloy sa pagbagsak ng mga luha niya. "Salamat sa suporta at pagmamahal mo Rafael. Sana mapatawad mo rin ako kung ako ang naging dahilan ng pagkawala ni Tito Ismael. Dahil sa pagmamahal na pinaglalaban ko, nagawa kong isakripisyo ang sarili kong pamilya."Kumalas ng yakap si Rafael kay Brenda at pinahid ang mga luha nito. "Paa
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an