SORRY MEDYO BUSY WHOLE DAY KO NGAYON. NEXT LAST TWO CHAPTERS. THE WEDDING FINALE. MARAMING SALAMAT.
ONE MONTH LATERBRENDA + RHENIEL WEDDING"Congratulations, insan." Maluha-luhang niyakap ni Rafael si Brenda pagkababa nito sa yate. Napaiyak naman si Brenda na gumanti ng yakap sa kanyang pinsan. "Thank you Rafael. Salamat at tinanggap mo ng buo ang lalaking pinili kong makasama habambuhay." Bahagyang tinapik ni Rafael ang likuran ng pinsan niya. "Mahal kita, Brenda. Hindi mo man yun nararamdaman kay Dad at Tito Roman, sana maramdaman mo iyon sa akin. Siguro may dahilan kung bakit hinayaan pa ako ng Diyos na mabuhay sa kabila ng mga kasalanan na ginawa ko sa'yo. At iyon ang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa sa 'yo ni Dad."Bahagyang tumango si Brenda habang patuloy sa pagbagsak ng mga luha niya. "Salamat sa suporta at pagmamahal mo Rafael. Sana mapatawad mo rin ako kung ako ang naging dahilan ng pagkawala ni Tito Ismael. Dahil sa pagmamahal na pinaglalaban ko, nagawa kong isakripisyo ang sarili kong pamilya."Kumalas ng yakap si Rafael kay Brenda at pinahid ang mga luha nito. "Paa
“Sunshine,” Binalingan ni Rheniel ang mga audience na nakaawang ang mga labi habang naghihintay ng wedding vows niya. “Wag nyo na palang itanong kung bakit sunshine ang tawag ko sa kanya.” Napangiti naman ang lahat dahil sa sinabi niya. Muling itinuon niya ang mga mata kay Brenda. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bigla na lang akong na takot sa klase ng tingin ng asawa ko. Hindi pa tapos ang kasal ngunit pakiramdam ko maging outside the kulambo na naman ako nito.” Umugong naman ang tawanan ng mga witness dahil sa sinabi niya. Pinandilatan siya ni Brenda ng mga mata. Ramdam niyang parang gusto siya nitong batukan. “Ahmm.. If there's one thing I'm grateful for, it's the day my car got stuck on the side of the road. That day, you captured my heart in a way I hadn't imagined. But my heart was determined to get back what was mine. Sobrang saya ko noong minahal mo ako. Kung mapapansin mo, puro crystal ang palibot ng venue. Dahil ganyan kita kamahal. Ang katulad mo ay isang babasag
“Paano naman ako Rheniel? Kung hindi ko pa napanood ang kasal ninyong dalawa sa mga billboard sa daan, hindi ko pa malalaman na ikakasal ka na. Kaya pala ipinatapon mo ako sa ibang bansa iyon pala dahil may Brenda ka na!” “Nelsa, ibaba mo ang baril mo!” sigaw ni Rheniel. Bakas naman ng pagkasindak ang mga mata ng lahat dahil sa biglang pag sulpot ng babaeng ito mula sa kung saan. “Damn, son, bakit nakalusot ang babaeng ito?” Umigting ang panga ni Dustin na binulongan ang tainga ni Rhayan, Nakamot ni Rhayan ang ulo. Hinawakan niya ang suot na earpiece. “Lendon, patahimikin mo nga ang babaeng yan!” Bakas ng pagka-inis ang boses ni Rhayan. “Si Luke na ang bahala boss.” Sagot nito dahilan upang tingnan niya si Luke. Habang naglalakad si Nelsa sa gitna ng aisle hindi niya alam na biglang hinarangan ni Luke ng kanyang paa ang daanan nito. “Papatayin ko ang babaeng yan, Rheniel! Haha—Aaahhh!” Naudlot ang pagtawa ni Nelsa ng biglang may pumatid sa kanyang paa dahilan upang madapa siya s
BOOK 5: TITLE: CHASING MY ZILLIONAIRE WIFE (SEIDON & DHARYLLE) CHAPTER 1 "Seidon, napadalaw ka." Napalingon si Seidon matapos marinig ang boses ni Dustin. "D-Dad," utal-utal niyang wika. Natatakot siya na baka ano na naman ang sasabihin nito kapag maisip nitong hindi niya kayang protektahan ang kanyang asawa. Daddy na ang tawag niya rito dahil yun ang gusto nito, ngayong kasal na siya kay Dharylle. “May problema na naman ba kayong dalawa?” tanong ni Dustin habang humihigop ng kape. “Ahmm, konting hindi pag-uunawaan lang po, Dad. Nandito ako para sunduin sana si Dharylle.” Marahan na tumango si Dustin habang nakatingin sa susi na hawak ni Seidon. “Good Luck. Isang Lightning Dharylle ang pinakasalan mo. May baon ka ba?” “Po?” Nagtataka si Seidon. HIndi niya na- gets ang ibig sabihin ng biyenan niya. “Ang sabi ko may baon ka ba? Tulad ng panakip sa tainga mo kapag nagsimula ng kumulog. Tapos dapat may dala ka rin na shield sakaling kumidlat para may panangga kapag tinamaan ka.”
"Wow, you're the most stunning lady tonight, Scarlet." Maging ang mga mata ni Scarlet ay nakangiti nang marinig ang papuri sa kanya ng mga bisita pagpasok niya sa loob ng venue. Para siyang nakalipad sa ulap dahil lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya na may puno ng paghanga. Para siyang dyosa sa paningin ng mga ito."Ang ganda naman ni Scarlet ngayong gabi.""Oo, nga. Ang nightgown na suot niya tingnan mo, sobrang ganda. Bagay na bagay talaga sa kanya.""Halata naman na mamahalin ang suot niyang gown. Nag-iisa ba namang tagapagmana ng pamilya Shimmer kaya hindi nakapagtataka kung siya ang center of attraction ngayong gabi. Bagay na bagay talaga sila ni Seidon, ang CEO ng Albrecht."Tila walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ni Scarlet dahil sa mga papuri na narinig niya mula sa bisita simula pa lang pagpasok niya sa pintuan ng venue. Sinadya naman talaga niyang magpaganda ngayong gabi dahil alam niyang nandito rin si Seidon. Kilala na siya ng buong pamilya nito bilang fiance
Mabilis na kinuha ni Seidon ang leather Jacket at pinasuot iyon sa basang katawan ng asawa. Halata ang baby bump nito dahil kumapit na ang basang damit nito sa hourglass nitong katawan. “What happened?” tanong ni Nudge nang makalapit na sa kanila habang nakatingin sa nanginginig na katawan ng kapatid. “Kuya, tinulak ako ni Dharylle.” Nanginginig sa iyak si Trishia na yumakap sa Kuya niya. “What?” Halata ang galit sa boses ni Nudge dahil sa narinig. Tinapunan muna niya ng matalim na tingin si Dharylle bago kinuha ang blacksuit na suot at tinakip iyon sa basang katawan ng kapatid. Gustong magulat ni Dharylle nang marinig ang sinabi ni Trishia ngunit hindi na lang niya pinahahalata. Kailangan niyang ihanda ang sarili. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit nahulog sa pool si Trishia. Pinlano ng mga ito ang lahat. Mabilis na nakarating ito kay Donya Victoria na kasalukuyang kasama ang celebrant na si Sonia. Agad ang mga ito na pumunta sa poolside upang alamin ang nangyari. Dahil
“Sonia, alam kong malaki ang naging parte ng anak ko sa kahihiyan na inabot ng pamilya Albrecht ngayong gabi. Ngunit ako na mismo ang humihingi ng paumanhin sa’yo. Hayaan mo, kausapin ko ang anak ko.” Binalingan ni Sonia si Victoria nang may pagkadismaya. “Hah! Huwag na Victoria! Kung talagang may pakialam ang anak mo sa pamilya natin hindi na sana niya ipinagtanggol ang babaeng ‘yun!” Naninikip pa rin ang dibdib ni Sonia habang nakasandal sa couch. Maagang natapos ang kanyang kaarawan dahil sa isang iglap lamang na kahihiyan na dulot ng asawa ng kanyang pamangkin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na makakaya siyang pahiyain ng isang hamak na ordinaryong neurosurgeon lamang. “Makikita ng babaeng iyon. Kung kailangan tanggalan ko siya ng lisensya sa pagiging neurosurgeon niya gagawin ko. Sisiguraduhin kong walang ospital na tatanggap sa kanya.” Puno ng guilt ang nararamdaman ni Victoria dahil sa ginawa ng anak niya. Mas lalo lamang nadagdagan ang galit niya kay Dharyl
“Mommy, ano na ngayon ang gagawin natin? Gagawin ba natin ang public apology na sinasabi ni Kuya?” Nag-alala si Trishia baka madagdagan na naman ang kahihiyan na inabot niya.“No. Hindi natin gagawin ‘yan. Alam mo naman ang Kuya mo, hindi ba? Noon pa man hindi ka na niya kayang tiisin. Hayaan mo siya. Ilang araw lang, uuwi din ‘yan. May pinaplano na ako para sa surgeon na ‘yan.” buo ang loob na wika ni Sonia. Desido siyang pahirapan si Dharylle.“Kung ano man ang plano mo, asahan mong nasa likuran mo lang ako naka suporta. Hindi lang ikaw ang may galit sa babaeng yun. Kahit ako, gusto ko rin mawala siya sa landas ko. Hanggat nandyan ang babaeng ‘yan, hindi ko magawang mapasunod si Seidon.” namumula din ang tainga ni Victoria habang nagsasalita.Nakapamewang na kinuha ni Sonia ang telepono at mayroong tinawagan. “Hello, may gusto akong ipatrabaho sayo. "Anong trabaho madam. Tamang-tama kailangan ko pa naman ng pera ngayon. " Napangiti ang Donya sa narinig mula sa kabilang linya. "Mak
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an