“Dad, ano ang plano mo ngayon? Kailangan natin tulungan si Dharylle.” Binaling ni Rhayan ang tingin sa ama habang nanonood ito sa video na ipinakita sa kanila ni Ciela. Nakarating sa kanila ang balita tungkol sa nangyari kay Dharylle sa kaarawan ni Sonia Albrecht kaya naisipan nilang tanungin si Ciela. Ngunit hindi nila inaasahan na makita ang mga kaganapan sa ospital kung saan naka confine ang mga pasyente ni Dharylle.Matagal munang nahulog sa malalim na pag-iisip si Dustin. “Wala muna tayong gagawin sa ngayon. Hayaan muna natin si Seidon kung paano niya ipagtanggol ang asawa niya. Ngayon niya patunayan sa akin kung karapat-dapat siya para sa aking anak.”Walang nagawa si Rhayan kundi ang pakawalan ang malalim na buntong hininga. Naintindihan niya ang point ng Daddy niya. Hanggat kaya pa ni Seidon, ayaw muna nitong makialam sila. Hanggang sa narinig niya ang sinabi nito.“Ciela, make sure na bigyan ng kopya ang anak ko tungkol sa video.”“Sinong anak master? Andami po nila.”Munti
“Nasaktan ka ba?” Puno ng pag-aalala ang mukha ni Rhayan na linapitan ang kapatid. “Damn…” mahinang mura niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Halata pa ang gasgas dulot ng malakas na pagbagsak ng bottled water. Binalingan niya si Seidon. Hindi ito umimik ngunit nakita niya na humihingi ito ng pang-unawa. "Do you know why this happened?" Seryoso ang mukha ni Rhayan habang nagtatanong. "I just started investigating what really happened." mahinang sagot ni Seidon ngunit hindi pa rin nababawasan ang kadominantehan sa aura nito. Hanggat maaari kailangan niyang magpakumbaba sa brother in law niya lalo pa at nabigo na naman siyang protektahan ang asawa. “No need. Just ask your Mom at Untie Sonia. They know how to answer you.” Agad na sagot ni Rhayan habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ni Seidon. “What do you mean?” takang tanong ni Seidon. “Bro, do I really need to answer that? Alam mo mismo sa sarili mo kung paano nila tratuhin ang kapatid ko.” “P..pero—” “Huwag mo akong
“Saan ka galing?” tanong ni Dharylle nang makita mula sa reflection ng salamin si Seidon na pumasok sa loob ng kanilang silid. Ngumiti lang ito sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Nakahubad siya ngayon dahil katatapos lang niya maligo. “May pinuntahan lang sa labas.” sagot nito. Kumalas ito sa kanya nang napansin na nagbibihis siya. “Aalis ka?” tanong nito habang inaayos ang strap ng kanyang sinusuot na brassiere sa likuran. Ito pa ang nagsara sabay halik sa batok nya dahilan upang panayuan siya ng balahibo. “Oo, kailangan kung bumalik ng ospital upang harapin ang problema ko.” Kumuha siya ng black dress na knee length lamang ang haba. Ngunit bago pa niya ito isuot, muli na siya nitong niyakap sa likuran habang pareho silang nakatingin ng kanilang sariling reflection sa salamin. “I’m sorry, Love, kung pinapahirapan ka ng pamilya ko.” Parang iiyak ang boses nito.Tipid siyang ngumiti. “Kaya kung tiisin ang lahat hanggat nakikita kong pinaglalaban mo rin ako. Ngunit may ugali ak
Taas noong pumasok si Donya Victoria sa loob ng ospital. Nang malaman niya mula kay Sonia ang balitang si Seidon ang nagmamay-ari ng St. Benedict Hospital, Dalawang tainga niya namamalakpak sa sobrang kayabangan. Nalaman niya ito dahil nagsumbong si Maricor ang isa sa mga sinuhulan ni Sonia upang magkalat ng media sa St. Benedict. Ngunit malas lang dahil palpak ang plano nila na tanggalan ng lisensya si Dharylle. Paano may-ari pala ang anak nya. Malayo pa lang sinalubong na siya ng mga reporters na nakakalat sa labas ng ospital. “Donya Victoria, anong masasabi mo sa balitang di umano'y pinatay ng surgeon mong daughter-in-law ang isa sa kanyang pasyente?” Tumigil ang Donya sa paglalakad at binalingan ang nagtanong.“Oh, pardon me, saan naman nanggaling ang balitang ‘yan? Hindi ganyan ang asawa ng anak ko.” Nakangiti niyang sagot bago nagpatuloy sa paglalakad. “Donya Victoria, Paano mo naman ipapaliwanag ang nangyaring pagkamatay ni Mr. Ronie Shawn matapos siyang operahan ng iyong man
Gustong umalis ni Victoria ngunit hindi niya alam kung ano ang idadahilan niya. Mabilis siyang tumalikod ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang may tumawag sa kanya. “Donya Victoria, akala ko po pa all-out support kayo sa manugang ninyong babae? Aalis na po kayo?” Nagngingitngit ang kalooban ng Donya na tumigil sa paghakbang. Upang makatakas sa kahihiyan na aabutin niya mamaya, biglang nakaisip siya ng dahilan. Muli siyang humarap sa press, lalo na sa reporter na naka-pansin sa pag-alis niya. “It seems my daughter-in-law doesn't need me anymore. Siguro, uuwi na lang ako.” Nakangiting wika niya sa harap ng press.Malawak ang ngiti na pinakawalan ni Dharylle ng marinig ito. Lumapit siya sa Mother-in-law. "Oh, Mom, I'm sorry if that makes you feel bad. Are you depressed because of this nurse?" Tinuro ni Dharylle ang nurse dahilan upang lalong pamutlaan ang biyenan ng mukha."Hold on...the interview is about to begin. Stay in your area and put some space between yourself and the inte
Tulad ng inaasahan, detalyado ang bawat palabas sa malaking screen. Ngunit ang hindi inaasahan ay ang paglabas ng mukha ni Sonia at ni Donya Victoria kung saan kasama nila si Christy habang ang mga ito’y masinsinan na nag-uusap. “Alalahanin mo, tapos ang lahat ng problema mo kapag tinanggap mo ang malaking halaga na ito.” Binigay ni Sonia ang makapal na sobre kay Christy. Sandali munang nai-pause ang video. “Teka, ituloy n’yo! Anong nangyari?” reklamo nang mga nanonood. “Ang video na inyong napanood ang magpapatunay kung sino ang mga taong nag-utos sa akin upang patayin ang pasyente ni Doc Crawford. Si Donya Victoria at Donya Sonia ang nag-utos sa akin.” “Walang hiya ka!” SLAP! Malakas na sampal ang pinakawalan ni Donya Victoria at dumapo ito sa pisngi ng nurse. “Anong karapatan mo para ituro na ako ang nag-utos sa’yo!?” Nanginginig sa galit ang Donya. Humagulgol ng iyak ang nurse. “I’m sorry Donya Victoria, ngunit hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang video na yan, kaya noo
"Okay lang ba sayo kung dadaanan muna natin si Mommy?" Tanong ni Seidon habang nasa byahe sila ni Dharylle. Binalingan din siya nito na may lungkot ang mga mata."Galit sa akin ang Mommy mo dahil ako ang dahilan ng pagkakulong niya. Pwede mo siyang puntahan pero magpapaiwan na lang ako sa sasakyan." Naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito kaya hindi na rin niya ito pinilit. "Okay sige..hindi na rin ako magtatagal."Tipid lang na ngumiti si Dharylle. Alam niyang mabigat sa loob ni Seidon na nakakulong ang ina nito. Ang pagkakulong ni Victoria ay nagdulot na rin ng malaking kahihiyan sa pamilya Albrecht kaya normal lang ang lungkot at bigat na nararamdaman ng asawa niya.Di nagtagal huminto ang kanilang sasakyan sa harapan ng presinto. Sakto naman na may tumawag sa cellphone niya. Si Jetro ang tumatawag."Boss, huwag muna kayong bumaba, kanina ko pa nahahalata na sinusundan kayo ng itim na SUV.”Sandaling natigilan si Seidon nang marinig ang sinabi ng alalay mula sa kabilang li
Ayon sa kagustuhan ni Seidon, kinaumagahan mismo nakulong si Donya Sonia. Ang pagkakulong nito ay nagdulot ng malaking eskandalo sa lahat ng pamilya Albrecht. Isang malaking kahihiyan na nakulong si Donya Victoria at na dagdagan pa ng makulong si Donya Sonia. Ang kalabasan nito ay isa silang katatawanan sa lahat ng kanilang mga mayayamang kakilala na dati pang may inggit sa kanila. “Seidon! Lumabas ka riyan!” Maaga pa nagising na ang mag-asawa dahil sa mga kalampag sa labas ng gate ng kanilang mansyon. Unang bumangon si Seidon at tumingin sa may bintana. “Fuck!” Napamura siya nang makita na halos lahat ng kanyang pamilya ay nasa labas ng gate. Hindi ito kayang awatin ng kanyang mga gwardya at bodyguard. Inayos niya ang pagkatali ng kanyang suot na sleepwear robe. Mabilis niyang hinalikan sa labi ang asawa na mahimbing pa rin ang tulog bago lumabas ng kanilang silid. “Seidon! Walang hiya ka! Palabasin mo si Mommy sa kulungan!” Ang sigaw na agad ni Trishia ang maririnig mula sa labas
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an