Share

BOOK 5 C12 - VICTORIA's IMPRISONMENT

"Okay lang ba sayo kung dadaanan muna natin si Mommy?" Tanong ni Seidon habang nasa byahe sila ni Dharylle. Binalingan din siya nito na may lungkot ang mga mata.

"Galit sa akin ang Mommy mo dahil ako ang dahilan ng pagkakulong niya. Pwede mo siyang puntahan pero magpapaiwan na lang ako sa sasakyan."

Naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito kaya hindi na rin niya ito pinilit. "Okay sige..hindi na rin ako magtatagal."

Tipid lang na ngumiti si Dharylle. Alam niyang mabigat sa loob ni Seidon na nakakulong ang ina nito. Ang pagkakulong ni Victoria ay nagdulot na rin ng malaking kahihiyan sa pamilya Albrecht kaya normal lang ang lungkot at bigat na nararamdaman ng asawa niya.

Di nagtagal huminto ang kanilang sasakyan sa harapan ng presinto. Sakto naman na may tumawag sa cellphone niya. Si Jetro ang tumatawag.

"Boss, huwag muna kayong bumaba, kanina ko pa nahahalata na sinusundan kayo ng itim na SUV.”

Sandaling natigilan si Seidon nang marinig ang sinabi ng alalay mula sa kabilang li
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
buti naman at nanindigan ka seidon at hindi ka nadala sa mga salita ng iyong ina
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status