Sa mga ganitong oras, si Dharylle hindi na kayang bilangin ang bilis ng heartbeat niya. Kanina pa siya kinakabahan. Ilang beses niyang tinawagan si Seidon ngunit hindi sumasagot. Alas dyes na ng gabi. Ang kaninang excitement niya sa dinner date nila ay nawala lahat dahil sa kabang nararamdaman niya. Hindi naman excitement itong nararamdaman niya. Tinawagan niya si Jethro.“Jethro, nasa ospital pa rin ba kayo ngayon?”“Ako Ma’am nasa ospital pa rin. Pero si Boss mga isang oras nang umalis. Hindi nga ako hinintay eh. Bakit wala pa rin ba siya?”Nahawakan ni Dharylle ang dibdib dahil sa narinig. “W..wala pa rin siya. Hindi ko na siya makontak.” Bumagsak ang luha niya.“Huh? Sandali Ma’am, susundan namin siya.” Natarantang sagot ni Jethro.Nanginginig ang kamay ni Dharylle na tinawagan ang Kuya niya. Dapat kanina pa niya ito ginawa. Ilang ring pa ang ginawa niya bago siya nito sagutin. “Kuya,”“Dharylle?” Halatang namamaos ang boses ng Kuya niya. Parang nanggaling ito mula sa himbing na p
“Seidon, lumaban ka, paano na lang ang kumpanya kapag nawala ka?”Napalingon si Jethro nang marinig na may humihikbi sa likuran niya. Nakita niya si Donya Sonia na pinipilit pahirin ang luha kahit wala naman lumalabas sa mga mata nito. Napaismid siya. Kanina lang parang gusto ng mga itong patayin ang Boss niya. Ngayon halata naman na kaplastikan lang ang ipinakita ng mga ito dahil nakaabang ang media sa loob at labas ng ospital. Lahat ayaw magpahuli sa balita tungkol sa sitwasyon ng batang CEO. "Tsk..tsk..mabuti pa ang maskara mapagkamalan pang totoo, ngunit ang mga kamag-anak ng boss niya purong peke lahat."May binubulong ka ba?"Lumingon si Jethro sa Donya. "Wala naman Donya Sonia. Nagdadasal lang ako na sana iligtas ng mga Doctor si Boss dahil kailangan siya ng Albrecht."Hindi sumagot ang Donya. Nagpatuloy lang ito sa pagpahid ng pekeng luha. Saka palang na napansin ni Jethro na halos lahat ng kamag-anak ng Boss niya na pinalayas niya kanina nandito pala lahat nakaabang sa laba
Ang tagpo ng madaling araw na iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Rhayan. Magdamag din siyang nanonood mula sa kanyang cellphone upang malaman ang status ni Seidon. Walang cctv footage sa loob ng surgery room kaya hindi niya malalaman kung ano ang totoong status nito. Kung hindi pa lumabas ang doctor mula sa surgery room hindi rin niya malalaman ang status ng bayaw niya.Sinulyapan niya ang kapatid. Tulog pa rin ito. Nagising na ito kanina ilang oras after ipanganak ang kambal ngunit pinili niyang sabihin sa Doctor na patulugin ulit ito. Ayaw niyang umabot sa punto na maghysterical ito para lang puntahan si Seidon.“Dad,” tawag nya sa ama na ngayon malalim pa rin ang iniisip. Mula ng dumating ito kanina, hindi na maipinta ang mukha nito. Halatang maraming iniisip. Binalingan siya nito.“Anak, puntahan mo ang Skylan. Ako na ang bahala sa kapatid mo rito. Make sure na rin na safe lahat ng mga kapatid mo.”Mahinang tumango si Rhayan. “I’m sorry Dad, mukhang nailagay ko pa yata sa k
Hindi makuha ni Larry kung ano ang pinupunto ni Soleil. Hanggang sa mag ring ang cellphone niya. Nagtaka siya dahil isang himala na tumawag ang Director General nila. Agad niyang sinagot. “Sir–”“Larry..saan ka?” Hindi pa man natapos magsalita ni Larry nang inagaw na ng Boss niya ang kanyang pagsasalita. Lumayo muna siya ng ilang hakbang upang hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan.“Nasa ospital, Sir. Kasalukuyang in-imbestigahan ang kaso ni Donya Victoria Albrecht.”“Sino ba ang prime suspect?”“Si Dharylle Crawford, Sir. Siya ang nakita na pumatay sa Donya.”“What do you think the main reason kung bakit gagawin ni Dharylle iyon sa ina ng kanyang asawa?”“Ayon sa pag-iimbestiga namin matagal nang may alitan ang dalawa. Laging pinapahiya ng Donya si Dharylle at ito ang nag-udyok sa babae upang patayin ang matanda, Sir”“Larry, sa tingin mo sapat na basehan na iyon upang gawin iyon ni Dharylle?”“Iyon lang ang nakikita kong dahilan para gantihan niya ang matanda, Sir.”And you su
"Boss, may I know why you suddenly changed your mind?" Binuksan ni Atty Bennet ang hawak na attache case at may kinuha sa loob niyon.“If you can't manage the one month I'm asking, just let me know, Atty.” Halatang nairita si Seidon sa abogado niya kaya iba ang kanyang sinagot.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Atty Bennet. Kahit pa matagal na siyang nasa serbisyo bilang personal na abogado ni Seidon Albrecht hindi pa rin niya makuha ang timpla ng mood nito. Magtataka pa ba siya? Simulat sapul naging Client niya ito lagi na itong pabago-bago ng desisyon. Sa asawa lang yata nito hindi nagbabago ang nararamdaman. “ I can still manage, Boss.” sagot na lang niya at iniba ang topiko. “Siya nga pala. Dala ko ang ebidensya kung sino ang babaeng nagpanggap bilang asawa mo upang patayin ang iyong ina.” Binigay niya ang dokumento na may kasamang ilang litrato.Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Seidon. Inunat niya ang kamay upang tingnan ang mga pictures. Hindi maganda ang pagsalub
Si Seidon isang mata lang ang nagawang ipikit nang makita ang Father in law niya.“Seidon,” tawag ni Dustin. Hinila nito ang wooden chair at umupo sa harap ng kama ni Seidon.Umamin ang mga mata ni Seidon dahil nagdilat na rin ito tanda ng pagsuko sa kanyang pagpapanggap. “D..Dad.” mahinang wika niya.“Kumusta ang pakiramdam mo?” seryosong tanong ni Dustin.Pinilit ni Seidon ang bumangon. “There’s no need to do that. Hindi ka pa fully recovered.”Mahinang bumalik siya sa paghiga. “I’m sorry Dad.” Una siyang humingi ng tawad dahil sa pagpapanggap niya. “Kumusta si Dharylle?”“Ano pa nga ba ang inaasahan mong mangyari sa anak ko gayung akala niya na comatose ka?” Sinuri ni Dustin ang pinsala na natamo ng katawan ni Seidon. “Anong nangyari?”Ilang beses muna na naglunok ng laway si Seidon. Hangga't maaari sana ayaw niyang ibahagi ang problema niya sa pamilya ng asawa niya.“Seidon, alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ang ugali ko. Ngunit sa pagkakataong ito hindi mahalaga ang
"Tangina, Bro. Ngayon ko lang nabalitaan ang nangyari sa 'yo.” Kahit nakapikit si Seidon, ramdam niya sa boses ni Nudge ang sensiridad sa pananalita nito. Alam niyang naawa ito sa sinapit niya. Naririnig pa niya ang pag singhot nito halatang umiiyak.“Huwag kang mag-alala, Bro. Tutulong ako upang mapanagot ang asawa mo. Pinakita sa akin ni Mommy ang video. Ang asawa mo ang pumatay kay Tita Victoria. At hindi na ako magtataka kung may kinalaman din siya sa pagka-aksidente mo. Posibleng ginawa niya iyon upang ma solo ang yaman mo. Alam kong mahal na mahal mo siya, Bro. Ngunit hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo na iyon. Sana magising ka na dahil nagkakagulo na sa kumpanya ng Albrecht.”Parang gustong magdilat ng mga mata ni Seidon habang nagsasalita si Nudge. Gusto niyang pigilan ito sa binabalak sa asawa niya. Hindi gaanong kilala ni Nudge si Dharylle dahil noon lang niya ito pinakilala sa kaarawan ng kanyang Tita Sonia. Alam niyang sa lahat ng pamilya niya tanging sin Nudge lam
Nakamot ni Atty Bennet ang noo. Mas lalo naman naging komplikado ang lahat. “Madam, impossible ang gusto n’yong mangyari dahil ang 40% nasa pagmamay-ari na iyon ng ibang shareholders. Duda ako kung i-benta nila ang iyon.”“Atty hindi ako naniniwala na kumuha ang asawa ko ng abogado na incompetent. Alam kong marami kang paraan. Sayo ipinagkatiwala ng asawa ko ang lahat ng kanyang ari-arian. Huwag mong hintayin na kunin ko ang responsibilidad sa ‘yo at ako mismo ang hahawak niyan. How competent are you, Atty?” Deretsahan tanong niya dahilan upang mamula ang mukha ng abogado sa hiya. Sapul sa dibdib ni Atty Bennet ang sinabi ng babaeng amo niya. Tumayo siya at dinampot ang kaninang bitbit na attache case. “See you tomorrow at 9:00 a.m sharp, young Madam. I cannot guarantee to give you the 40% share but at least I can manage to give the 30% of it.”Malapad ang ngiti na pinakawalan ni Dharylle. “Okay..let see, then.”Parang iiyak ang abogado na bumalik sa silid ni Seidon. Sinigurado muna
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba