Nakamot ni Atty Bennet ang noo. Mas lalo naman naging komplikado ang lahat. “Madam, impossible ang gusto n’yong mangyari dahil ang 40% nasa pagmamay-ari na iyon ng ibang shareholders. Duda ako kung i-benta nila ang iyon.”“Atty hindi ako naniniwala na kumuha ang asawa ko ng abogado na incompetent. Alam kong marami kang paraan. Sayo ipinagkatiwala ng asawa ko ang lahat ng kanyang ari-arian. Huwag mong hintayin na kunin ko ang responsibilidad sa ‘yo at ako mismo ang hahawak niyan. How competent are you, Atty?” Deretsahan tanong niya dahilan upang mamula ang mukha ng abogado sa hiya. Sapul sa dibdib ni Atty Bennet ang sinabi ng babaeng amo niya. Tumayo siya at dinampot ang kaninang bitbit na attache case. “See you tomorrow at 9:00 a.m sharp, young Madam. I cannot guarantee to give you the 40% share but at least I can manage to give the 30% of it.”Malapad ang ngiti na pinakawalan ni Dharylle. “Okay..let see, then.”Parang iiyak ang abogado na bumalik sa silid ni Seidon. Sinigurado muna
“No!” Biglang sigaw ni Thrisia habang papasok sa may pintuan. “Hindi pwedeng siya ang maging CEO ng Albrecht Corporation!”Nagtaka naman ang ibang shareholder kung ano ang pinaglalaban ng bunganga ni Thrisia. Malinaw na sa kanila kung bakit si Dharylle ang bagong CEO dahil asawa siya ni Seidon Albrecht. Tuluyang pumasok si Thrisia at humarap sa kanila. “Hindi nyo pwedeng ipagkatiwala ang pamamahala ng kumpanya sa isang babaeng mamamatay tao. Ano ang alam niya sa pagpapatakbo sa kumpanya gayung wala siyang karanasan sa pamamalakad kahit simpleng sari-sari store? Huwag nyong sabihin na i-asa lang ninyo sa isang neurosurgeon ang inyong mga investment sa kumpanya?”Hindi sumagot si Dharylle. Hinayaan lang niyang magmukhang katawa-tawa ang sinuman sa mga angkan ni Seidon ang sumalungat sa gusto niya.Tumayo si Sonia, “Kayo,” Turo nito sa mga kamag-anak niyang mayroon din 5% capital shares tulad niya. “Papayag ba kayo na ang babaeng ito ang siyang magkaroon ng kontrol sa kumpanya natin?”R
Kalahating oras ang nakalipas nagising si Donya Sonia na sa loob na ng hospital. Agad na umikot ang kanyang paningin tila may hinahanap. “Saan si Dharylle?” Kahit narinig ni Thrisia ang tanong ng kanyang ina. Hindi pa rin niya nagawang sumagot. Nanatili lamang siyang naglalaro ng kanyang kuko sa daliri at paminsan-minsan nginangatngat ito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na isang Zillionaire si Dharylle. Kung alam lang nila ang tunay na identity nito siguro ngayon pati ang pamilya nila nakatikim na rin kung paano ang maging buhay Zillionaire. Parang gusto niyang matunaw sa kahihiyan. Lihim siyang napangiti nang maalala na naman ang mukha ni Rhayan kanina. Sobrang gwapo nito. Makisig ang pangangatawan na parang kay sarap dilaan. Gusto niyang tikman kung paano yakapin ng mga bisig nito. Kung paano humalik ang isang Rhayan Crawford. Nagbayad pa siya sa kilala niyang hacker kanina upang makakuha ng impormasyon tungkol kay Rhayan. Mas lalo lamang siyang namangha, humanga a
“K–Kuya?” Nagmistulang papel sa pagkaputla ang mukha ni Dharyne nang makita ang kuya niya na nakaabang na sa labas ng condo unit ni Luke. Madilim ang anyo nito habang nakatingin sa kanya. Base sa kanyang pag analisa, talagang galit na galit ito. Alam niyang sinagad na niya ang pasensya ng Kuya niya. May warning na siya mula rito noon. Ngunit talagang matigas ang ulo niya. “Galit ba si Kuya?” tanong niya kay Lendon nang nang salubungin siya nito.” Humugot ng malalim na hininga si Lendon. Halata ang pagkadismaya sa babaeng boss niya. “Galit siya, Young Madam. Ngunit hindi kayo dapat kabahan sa kanya, kundi sa Daddy mo.” sagot niya ‘tsaka binuksan ang pintuan. Sinara din nito ulit pagkatapos pumasok ni Dharyne sa loob. Ang buong akala ni Dharyne aalis na sila ngunit hindi pa pala dahil nakita niyang galit na pumasok ang Kuya Rhayan niya sa loob ng Condo. “No, Kuya!” tarantang tinawag ni Dharyne ang kapatid. Binuksan niya ang pintuan ng kotse ngunit agad din siyang pinigilan ni Lendon.
“Pumasok ka na.” Seryoso din ang mukha nito. Galit ba silang lahat sa kanya? “Galit ba si Dad sa akin?” pabulong niyang wika kay Dharylle.“Galit na galit. Ngunit ‘wag kang mag-alala. Hindi ka niya pagagalitan sa harap namin. Hintayin mo na lang mamaya kapag natapos siya sa meeting.” Sagot din ni Dharylle at pinaupo ang kapatid sa tabi niya. Sa likuran sila banda nakaupo. “Bakit ano ang mayroon?” tanong niya?“Pag-uusapan ang problema tungkol sa sabay-sabay na pag atake ng kalaban sa parehong Smith at Crawford.”Napansin din ni Dustin ang pagpasok ng anak niya dahilan upang bahagya siyang natigilan sa pagsasalita. Ngunit agad din niyang napigilan ang galit. May panahon para kausapin ang anak niya. Ayaw rin niyang pahiyain ito sa mga kapatid at sa mga pinsan nito. “Dustin baka pwede nating balikan ang lahat ng mga nakalaban ninyo noon ni Rhian. Naniniwala akong isa sa kanila o sa angkan nila ang malaking kalaban natin ngayon. Nakapagtataka naman na halos lahat tayo pinagsabay-sabay.
“I’m sorry, Dad. Simula ngayon magpapakabait na po kami.” Wika ni Eignzo. Sumang-ayon na rin ang iba.“Dad, mas mabuti sigurong dito na muna si Brenda at si Gab. Lalo pa at buntis si Brenda.” Bakas ng pagtutol ang mata ni Brenda ngunit wala itong magawa kundi ang pumayag para sa kaligtasan nila. Muntik na rin silang makidnap na mag-ina habang namimili siya ng mga damit ng kanyang pinagbubuntis. Mabuti na lang at alerto ang mga tauhan ni Rheniel kaya hindi sila nakuha.“Dad, feeling ko, tinatakot lang tayo ng kalaban. Bakit masyado naman obvious na halos lahat tayo may mga problema?” tanong ni Dharylle.“Strategy yan ng kalaban upang malito tayo kung sino ang kalaban natin. Tulad ng sa’yo. Ginamit ang pamilya ni Seidon upang hindi natin maisip na may koneksyon sa kalaban ni Dad o sa akin. Ang mga anak ko muntik na rin ma kidnapped buti si Dad ang sumundo sa kanila. Si Brenda at Rheniel muntik na rin makidnap at ginamit ang van ng kakompetensya niya sa negosyo. Sina tito Drake na hack
“Anong nangyari sa board meeting?” Tanong ni Seidon nang pumasok si Atty. Bennet sa silid niya.“Ayun, kusang nagpakita si Rhayan Crawford sa meeting kaya hinimatay ang Auntie Sonia mo.” Kinuha ni Atty Bennet ang upuan dinala sa harapan ng kanyang Boss upang upuan ito.Pinilit ni Seidon ang sarili na umupo upang makapag-usap sila ng maayos ni atty. “Bakit siya pumunta? May nangyari ba?”“Ewan ko doon sa kanila. Basta’t ang pag-intindi ko, sinundan ng kalaban si Ma’am Dharylle habang papunta siya sa Albrecht Corporation kaya sinundo siya ng Kuya niya. Ayun, nalaman ng lahat na isang malupit na Zillionaire pala ang asawa mo. Baka nga kalat na ang balitang iyon sa buong kumpanya.”Kinabahan si Seidon. Hindi basta-bastang susundo si Rhayan sa kumpanya kung walang nangyari. Sandali siyang nag-isip ng paraan kung paano protektahan ang asawa niya. Ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa pagkatao nito, hindi pwedeng wala siyang gagawin.“Atty, nailibing na ba si Mommy?”“Yes, Boss. Siguro nako
Kalahating oras ang nakalipas, bumalik si Dharylle sa loob ng silid ni Seidon. Nagtataka siya kung bakit hindi na nagbabantay ang mga bodyguard sa labas ng silid ng kanyang asawa. Nakaupo na ang mga ito sa mga nakahilerang upuan tila siya lang ang hinihintay. Agad na tumayo ang mga ito ng makita ang kadominantehan sa aura niya.“Andrew,” tawag niya sa isang bodyguard dahilan upang lumapit ito. Ngayon niya lang naalala na hindi na pala nakaasign ang 6 Knights Commander ng Daddy niya rito upang mapahigpit ang seguridad sa pagbabantay sa asawa niya. Sana pinaiwan na lang niya si Soleil para kahit paano may mapagkakatiwalaan siya sa loob at labas ng hospital.“Young Madam,” wika ni Andrew nang nakalapit na ito sa kanya. “Bakit doon kayo nagbabantay? Hindi n’yo binabantayan ng maayos ang asawa ko?” Halata ang galit sa boses niya na hindi niya. “Tingnan mo nakabukas pa pala ito.” Dagdag niya ng pihitin ang door knob.Napaawang ang labi ni Andrew habang nakatingin sa babaeng boss ng may pagt
“Pigilan nyo sila!” sigaw ng chief nang makita na sa direksyon ng selda ni Sonia papunta ang mga ito. Gayunpaman huli na ang mga pulis dahil pinagtutulungan na ng mga ito na kalmutin at sampalin si Sonia.Ngunit ang Donya parang walang pakialam sa ginagawa sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang iniinda ang pananakit sa kanya ng mga tao.“Gusto ko nang mamatay. Please patayin nyo na ako.” Nagmamakaawa ang Donya. Napatigil naman ang mga tao sa kanilang ginagawa nang mapansin na tila manhid na ang katawan ng Donya kahit anong pananakit pa ang kanilang gagawin. “Maawa kayo, patayin nyo ako. Bakit kayo tumigil!? Patayin nyo na ako!” Naghihisterical na ang Donya. Pinilit niyang abutin ng kamay ang kahit sinong tao na pwede nyang hawakan ngunit umatras ang mga ito.“Ano pang hinihintay nyo! Patayin nyo na ako upang matapos na ang pagdurusa ko! Sasamahan ko ang mga anak ko sa impyerno! Ah..hahahahaha!”Bam!“Bweset! Ang ingay! Ano ba!” Bumangon ang malaking tibo mula sa higaan nitong imp
“Dad, Mom,” bungad ni Rhayan pagpasok nila ni Hera sa loob ng silid ni Dharylle. Matapos yakapin si Dustin at Rihanna, si Dharylle naman ang sunod na niyakap nito na kasalukuyang yakap din ni Seidon.“Tama na ‘yan, Ako naman.” Sita niya kay Seidon na halos ayaw pakawalan si Dharylle. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong nito matapos yakapin ang kapatid.“Okay na ako, Kuya. Gusto ko na ngang lumabas eh.” nababagot na sagot ni Dharylle.“Kanina pa ‘yan nakikiusap na lumabas na. Ayaw namin dahil dumudugo pa ang sugat niyan. Umaandar na naman ang katigasan ng ulo.” sumbong ni Rihanna sa anak na panganay.“Mom, isa akong Doctor, alam ko kung makakaya ko na ang sarilo ko o hindi. Isa pa, nag-aalala na ako sa mga ang anak ko, baka hinahanap na ako ng mga iyon.” Katwiran ni Dharylle.“Sweetheart, sundin na lang natin sina Mom at Dad. Isa pa ang sabi ng doctor after 3 days pwede ka nang umuwi upang sa bahay na magpagaling. Hindi namin nakakalimutan na Doctor ka, ngunit mabuti nang makakasigu
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba