Pasensya na po kung ngayon lang ulit ako nakapag-update. I'm trying makapag update rito sa ospital. Maraming salamat sa matiyagang paghihintay. Ingat po kayo.
“Love,” Nanghihina na wika ni Seidon nang sagutin ni Dharylle ang telepono. Mabuti na lang at gumagana ang telepono sa loob ng cabin niya. “Seidon? Love nasaan ka?” Tarantang tumakbo si Dharylle papunta sa Daddy niya habang nakadikit sa kanyang tainga ang cellphone niya. “Nandito ako sa loob ng barko, hindi ko alam kung saang lugar ako dinala ng mga dumukot sa akin. Pero alam ko kalaban sila ng Kuya Rhayan mo. Ang Skylan ang habol—” “Hoy! Anong ginagawa mo? Ibaba mo yan!” Huminto si Seidon sa pagsasalita nang marinig na may pumasok sa silid. Bang! “Ahhh, Fvck!” Nabitawan niya ang telepono nang tamaan siya ng baril sa tagiliran. “Seidon! Love? Anong nangyari sa’yo? Seidon!?” Napaluhod si Dharylle sa pag-iyak habang hawak ang cellphone na nakadikit sa kanyang dibdib. Hindi na sumasagot si Seidon. May nangyari sa asawa niya..Gusto niyang ihakbang ang kanyang paa ngunit mabigat para sa kanya upang ihakbang iyon. Unti-unti nang naninilim ang kanyang paningin. “Seidon,” “Dharyll
Mabilis ang mga hakbang ni Seidon na pumunta sa unahan ng barko upang doon tumalon. “Hoy! Tigil!” Bang! “ Urgh! Fvck!” Napaluhod siya ng tamaan ng bala ang kananang paa niya. Nanilim na ang paningin niya. “Hulihin n’yo!” Nang makita niyang malapit na ang mga kalaban sa paghuli sa kanya sinubukan niyang gumapang upang tumalon sa barko. Malapit na siya sa pinakagilid nito. Dahil nanghihina na siya, wala ng kakayahan ang katawan niya upang takasan ang mga ito. Marami na ring dugo ang lumabas sa kanyang mga sugat. “Tatakas ka pa na ungas ka! Hindi mo kami matatakasan, g*go!” “Urgh! Fvck you!” Nawalan ng malay si Seidon, matapos hampasin ng baril ang ulo niya. “Dalhin siya sa pabalik sa kanyang cabin.” utos ng lider ng grupo. Nagbuga ng hangin si Nauro. Muntik na siyang mapahamak dahil sa ogag nilang bihag. Kung nagkataon na nakatakas si Seidon siguradong pati sila papatayin na rin. “Nauro, tumawag ulit si Boss. Gusto kang kausapin.” Agad nyang hinablot ang telepono mula
“Teka, sandali. Pwede mo bang ipakita sa akin–”“Right away, Master.” Mabilis na nagbukas ang screen monitor mula sa nakapalibot na glass wall. Hindi na lang nagreklamo si Rhayan nang hindi pinatapos ni Ciela ang pagtatanong niya. Nakalimutan niyang nababasa na pala nito ang isipan niya.“Ang lalaking ‘yan ang mastermind sa lahat ng mga nangyayari. Siya din ang sumira sa akin.”“Tangina!” napamura siya nang makita mismo ang mukha ni Atty Bennet na nakabalandra sa screen monitor. “Teka, paanong siya ang–”“Isa siyang psychopath.” Agaw ni Ciela sa itatanong nya sana. “Ciela, pwede bang tapusin mo muna ang tanong ko bago sumagot?” Nairita niyang wika.“Alin ba ang mas mahalaga, master? Ang bilis kong sumagot o, ang oras na sinayang natin dahil hintayin ko pa munang matapos ka sa pagtatanong mo bago ka sagutin? Anyway ikaw ang gumawa sa akin.”Napangiwi si Rhayan sa sinabi ni Ciela. May point din kasi ito. He’s just wasting time kung patuloy siyang magtatanong gayung nababasa naman ni
“Ibig sabihin mas naging hi-tech na ngayon si Ciela?” Hindi makapaniwala si Dustin sa ikinuwento ni Rhayan sa kanya. Nasa harap sila ngayon ng laptop na exclusive lamang para kay Ciela. “Yes, Dad. Malalaman na natin kung saan si Seidon.” sagot ni Rhayan habang binubuksan ang laptop. Agad niyang na access ang program ni Ciela. Lumabas ang hologram nito sa laptop.“Kaya rin bang basahin ni Ciela ang nasa isipan ko?” biglang naisipan itanong ni Dustin. “Ibaon mo muna ang brain chip sa utak mo great master, baka sakaling mabasa kita." biglang sagot ni Ciela. Napangiwi si Dustin dahil sa narinig. Binalingan niya ang anak. “Ano bang klase ng butiki ang pumasok diyan sa utak mo at tinanim mo ang brain chip diyan sa utak mo? Ang lahat ng bagay may magandang naidudulot ngunit kapag sumobra ay hindi na maganda.” Nag-alala si Dustin para sa panganay niya.Ngumiti si Rhayan. “Normal pa rin ho ako, Dad. Huwag kang mag-alala, sa panahon ngayon hindi lang ako ang naka-imbento ng ganito. Ang ma
“Someone has sent you a letter, Your Majesty." Nagdilat ng mga mata si Nikiphoros nang marinig ang sinabi nang kanyang kanang kamay na si Albus. Kasalukuyan siyang nasa kasarapan ng kanyang pagpapamasahe ngunit istorbo itong alalay niya. Alam naman nitong bawal syang istorbohin ngunit ginawa pa rin nito. Tinapunan niya ito ng nagbabanta na mga tingin. Nakita niyang nakikiusap ang mga mata nito tila importante ang sulat. "From whom?" Bumangon siya at kinuha ang sulat. Sa unang tingin pa lang niya, mukhang nanggaling ito sa makapangyarihan. Binasa niya kung kanino nanggaling. “Morpheus of Athens?” Nagtataka niyang binalingan ang kanang kamay na alalay. Ngunit mahinang tango lang tinugon nito sa kanya. Nagtataka siya. Bakit sumulat sa kanya ang monarch ng Athens gayung hindi naman iyon nakikialam sa pamamalakad nya sa kanyang teritoryo? Sa lahat ng tribu, si Morpheus ang pinakamakapangyarihan, gayunpaman, bilang pinuno ng bawat tribu na pinamumunuan nila, nananatili ang respeto nila
Di nagtagal nagsimula ang laban ng dalawa sa gitna ng arena. Si Dharylle humigpit bigla ang hawak sa braso ng Kuya Rhayan niya nang makita na sa unang atake pa lang ni Baruka muntik na agad natumba si Seidon. Mabuti na lang nakatukod ang isang kamay nito sa lupa bago pa matumba. Walang hawak na baril si Seidon kundi tanging M3 fighting knife na binigay sa kanya ni Crixus. Samantalang si Baruka ang hawak ay ang mahaba at matalim na metal, o madaling sabihin tabak o espada. Kung titingnan ang dalawa mas nakakalamang si Baruka dahil malayo pa maabot na ng espada na hawak nito ang katawan ni Seidon. Kung hindi magaling si Seidon sa pag-iwas, hindi matatapos ang round 1 may butas na ang tagiliran nito o pag minalas pa mapuputol pa ang ulo. Iyon ang eksena na hindi kayang tingnan ni Dharylle. Parang mauuna siyang mamatay bago pa man mangyari yun. Sa bawat pagtama ng espada sa katawan ng asawa niya, pakiramdam niya siya na rin ang natatamaan. Sa bawat tama ni Seidon ng fighting knife kay B
Si Rhayan nakahanda lang sa magiging hudyat ng kanyang ama. Bago pa man sila pumunta sa Argos City may sarili na silang plano ng Daddy niya. At isang pitik lang ng kanyang wristwatch kayang-kaya na niyang utusan si Ciela upang magbigay ng hudyat sa Rhayaknights na nakaabang sa himpapawid. “Get the slave out of the Arena.” Utos ni Murpheos sa kanyang mga tauhan. Ngunit bago pa gawin iyon ng mga tauhan nito ay sumenyas na si Aegeus sa mga tauhan niya na nariyan sa loob ng Arena na hawakan ang alipin na si Seidon. Lalong nagalit si Dustin nang makita niya ito. Ngayong nawalan na ng kontrol si Murpheos sa nangyayari sa dalawa wala na rin siyang pakialam pa sa maaaring mangyari sa lugar na ito. Si Seidon halos nanlalabo na ang kanyang mga mata habang matagal na nakatayo sa gitna ng arena. Wala na ring buhay si Baruka nang tigpasin niya ang lalamunan nito gamit ang kanyang fighting knife. Unti-unti nang naninilim ang paningin niya ngayon. “Love,” Parang matumba siya nang makita si Dhary
“Dad!” Napalingon si Dustin sa pinanggalingan ng boses ng babaeng anak. Nakita niya ito na inaalalayan si Seidon na halos hindi na makalakad. Nakalabas na ang mga ito sa Arena. “Fuck! Dharylle!” Sigaw niya nang makita na may humahabol pa rin sa mga ito. Matigas niyang nakuyom ang mga kamay habang patakbong sinalubong ang mga kalaban na humahabol sa mga ito. Kanina pa siya galit kaya naman balewala lang sa kanyang na pagsabayin patumbahin ang dalawa, apat, minsan limang kalaban pa na umatake sa kanila. Hindi niya alam bakit biglang dumami ang mga ito. Tila pati mga tauhan ni Nikiphoros at nagsanib pwersa na rin kay Aegeus. Si Murpheos sa sumusunod kay Dustin ay napahinto sa pagtakbo nang makita ang kaibigang Zillionaire sa muling laban nito. Kahit na may edad na si Dustin, hindi pa rin kumukupas ang lakas at tapang nito bagkus lalong nadagdagan pa. “Murpheos, I’m sorry, but I have no Choice! After this war, you will become the ruler of all cities of Greece!” Napaluhod si Murpheo
“Shit!” Napamura si Rhayan nang makita na nagkakagulo sa harapan ng ospital. Nagtataka siya dahil hindi na mga security guard ng mismong hospital ang nagbabantay sa parehong entrance at exit kundi Rhayaknights na. Ag mga tao gustong pumasok ngunit pinipili lamang ng Rhayaknights ang pwedeng papasukin. “Ciela what happened here?” Agad na lumabas ang hologram ni Ciela mula sa smart watch na suot ni Rhayan matapos marinig ang pagtawag niya.“I will show you, master.” Di nagtagal ipinapakita sa screen monitor ng kanyang sasakyan ang nangyaring pambabatikos ng mga tao sa kanilang pamilya dahil sa pagkamatay ni Trishia. “Tang’na! Kayang-kaya naman gawan ng paraan ‘yan hindi ba?” “Yes master. Pero ang Daddy mo gustong ipasara ang St. Lao Medical Center dahil hinayaan ng mga ito na guluhin ang pamamahinga ni Dharylle.”Nagbuga ng hangin si Rhayan. Ganito talaga ang lahi nila. Maiksi ang pasensya. Malamang naubusan ng pasensya ang kanyang ama kaya nito nasabi iyon. Ngunit kilala niya ito.
Bumuhos lalo ang mga luha ni Nudge dahil sa mga masasakit na salita na kanyang narinig. Mapait siyang ngumiti habang tinititigan ang kanyang ina. “Gusto ko lang tapusin ang kasamaan mo kung kaya ko nagawa ang ipakulong ka. Gusto kong pagsisihan mo sa kulungan ang lahat ng kasalanan na ginawa mo, Mum. Tama na ang isa o dalawa na pagkakamali. Kalabisan na kung naging Hobby mo na ang pagpatay. Sakit mo na yan!” “Huwag mo akong sigawan! Punyeta ka! Mamamatay muna ako bago nila ako maipakulong! Kung ikaw gustong-gusto mong nasa kulungan ka, ibahin mo ako!” Humakbang paatras ang Donya nang mapansin na marami ng pulis ang nakapaligid sa kanya.“Mum! Please! Sumuko ka na!” Sumisigaw si Nudge sa pagmamakaawa sa ina. Takot na takot siyang may mangyaring masama rito kapag lumaban ito sa mga pulis. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa ‘kin, Nudge! Ikaw ang tumawag sa mga pulis!”Magkasunod na umiling-iling si Nudge sa ina. Binalingan niya ang Chief of Police sa nagtatanong niyang mg
“Ciela.”“Young Master.” Mabilis ang paglabas ng hologram ni Ciela nang marinig ang boses ni Rhayan.“You’re aware that this would happen. Yet, I did not receive a warning from you!” Bungad ni Rhayan sa galit na boses.“I’m sorry, young master. Totoo ang lahat ng sinabi ko sa ‘yo nang huling pag-uusap natin. May balak ang mag-inang Sonia at Trishia na ipa-kidnap ka kapalit ng kalayaan ni Nudge.”“But something else happened! I trusted you! At anong hindi mo alam na maliban sa pagkidnap sa ‘kin may iba pa palang pinaplano si Trishia?”“No, master. Ang sinabi ko sa’yo noon ay naka-base lang sa kung ano ang nakikita ko. Huli na nag plano si Trishia na maka-siping ka. Hindi ko na masasabi sa’yo dahil nawalan ka na ng malay. Sinubukan kong sabihin sa asawa mo ngunit wala siyang panahon na kausapin ako. Nabulag siya ng galit at selos ng malaman niyang may ibang babae na nagdala sa’yo sa motel. Dahil nangyari na ang hindi ko inaasahan na mangyari, tinulungan ko na lang si young madam na matu
Kay Dustin tumawag VP ng Dc Bank Corp. “Sir, sorry kung sa inyo ako tumawag. Hindi kasi makontak si Sir Rhayan. Nagkakagulo po rito sa DC Bank Main Office. Hindi lang po yan, bumaba bigla ang Net worth ng kompanya dahil isa-isang nagpull-out ang mga investors. Maging ang mga customers ay unti-unti na ring nag withdraw ng kanilang account at lumipat sa ating mga kakompetensya. Dahilan nila kahit mababa raw ang offer doon basta’t nasa magandang kumpanya sila.”“Nonsense. This is bullshit! And what is their reason for doing that?” Sir, napanood n’yo po ba ang balita? Ang Pamilya nyo ang sinisisi sa pagkamatay ni Trishia Albrecht. I will send you the link.”"Hayaan mo silang magpull-out. But take note, there is no turning back! We don't need them.""Yes Sir."Kay Rihanna ang kapatid nitong si Drake Smith ang siyang tumawag. “ Kuya?”“Rianne, nasaan ka?” Bakas ng pag-alala ang boses ni Drake.“Nandito sa ospital. Bakit Kuya?” Nagtataka na rin si Rihanna bakit balisa ang kapatid sa tono n
“Ahhhh! Thriiiisia!” Muling sigaw ng Donya habang nakaluhod at nakahawak sa sofa. Pakiramdam niya nawawalan siya ng lakas upang tumayo. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanyang anak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Nudge sa kanya. “Donya Sonia! Donya Sonia!” Humihingal ang katulong habang papalabas ng silid ng Donya na kasalukuyang nililinis nito kanina.Tumigil sandali ang Donya sa pag-iyak at umangat ng mukha upang tingnan ang katulong.“Pwede ba Luisita! Huwag mo akong bwesetin ngayon baka ikaw ang pagbuntungan ko ng galit!” Tumayo siya at naupo sa sofa.“Patawad Donya Sonia. P–pero kailangan mong mapanood ito. Si–si Senyorita Thrisia–”“Ano ang sabi mo? Si Thrisia?” napatayo siya nang marinig ang pangalan ng anak. Bumalik ang kanyang pag-asa na buhay pa ito at niloloko lamang siiya ni Nudge dahil galit ito sa kanila.“B-basta Donya Sonia, panoorin nyo na lang po ang balita.” Kinuha ng katulong ang remote control upang i-on ang Tv. May TV naman sa sala kaya hindi na sila um
Napailing na lang si Rhayan sa pagiging merciless ng asawa niya. Ngunit tama lang ang ginawa nito. Kahit siya hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay si Thrisia na dukutin siya gayung walang kahit na sinong pwedeng lumapit sa kanya. Sa dinami- dami ba namang RhayaKnights na nakapaligid sa kanya sino ang mag aakala na malulusutan pa sila. Mukhang kaya naman ng asawa niya e-handle si Thrisia kaya’t tama lang na hayaan muna niya ito. Kailangan pa niyang kausapin si Lendon tungkol sa naudlot niyang plano. Si Bernard, ang chief of police kailangan rin niyang tawagan dahil nag-iba ang plano.“Rhayan…please help me…”“What the ff—fvck!” Bumaba ang kanyang mga tingin sa dalawang kamay na nakahawak sa dulo ng pantalon niya. Nakaposas ang mga iyon kaya walang duda na si Thrisia ang nakahawak sa kanya dahilan upang tumigil siya sa paglalakad. “Take off your hands!” Tumigas ang kanyang mga panga sa inis. Alam niyang sa ginawa nito lalo lamang magagalit ang asawa niya. Akmang tadyakan niya ito ng
“Anong ginawa mo sa’kin..tangina ka! Huh!?” Gigil na sinakal ni Rhayan si Thrisia sa leeg. Hindi pa man nakasagot si Thrisia nang muli na naman itong hinatak ni Hera.“Akin siya! Ako ang hahatol sa kanya!” Mabilis na tinanggal ni Hera ang kamay ni Rhayan na kasalukuyang mahigpit na nakahawak sa leeg ni Thrisia. Gusto pa niyang pahirapan ang babaeng ito nang matagal. Sa ginagawa ng asawa niya mukhang gusto na nitong patayin ang babae. Ngunit walang balak si Rhayan na bitawan si Thrisia kaya lalo siyang nainis. Nagmukha na kasing Adan at Eva ang dalawa na magkaharap dahil pareho pa rin walang saplot ang mga ito. At kapag bumabalik sa ala-ala niya ang eksena na dinatnan kanina kumukulo ang dugo niya sa matinding galit at selos.“Rhayan!” Napasigaw na siya ng malakas dahilan upang lingunin siya nito. Nagtagumpay naman siyang tanggalin ang kamay ng asawa na mahigpit pa ring nakahawak sa leeg ni Thrisia. Napa-ubo pa ang babae at habol- hininga na lumanghap ng hangin. “Rhayan, Bibihis ka ba
“What!?” Wala dyan si Thrisia? Saan siya nagpunta!?” umakyat ang dugo ng donya sa narinig. Huwag naman sanang maging tama ang hinala niya. Ngayon lang siya nagdadasal sa lahat ng santo na maalala niya. Sana walang mangyaring masama sa anak niya sakaling tinuloy nito ang pangarap na makasiping ang isang Crawford. Ngunit nakumpirma ang hinala niya nang muling magsalita ang tauhan mula sa kabilang linya.“Umalis siya kanina kasama ang bihag namin. Walang pang malay ‘yun nang dalhin niya. Hindi pa nga niya pinadala sa ospital Golem na nabalitaan ng buto. Baka pwedeng padalhan mo kami ng pera upang mapagamot namin siya. Mukhang wala nang balak si Madam Thrisia na bumalik rito.”“At bakit ako ang sisingilin nyo? Kung sino ang nag-utos sa inyo siya ang sisingilin nyo!” Akmang papatayin na niya koneksyon nila ng kausap nang marinig muli itong nagsalita.“Donya..easy ka lang. Huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil buhay namin ang nakataya rito. Tinapos namin ang aming trabaho na walang sabit.
“Ciela tawagan mo ang may ari ng Moonlight Dragon gusto kong makausap.” “Tungkol ba sa kung saan ang room number ng motel dinala si Master?”Saglit natigilan si Hera sa sinabi ni Ciela. Hindi na siya nagtaka kung alam nito ang tungkol sa pakay niya.“I can tell you Madam Master.”“Tell me..”“Right away. 5th floor, Room 507, Madam master.” agad ring sagot nito. “Thank you.” tipid niyang wika.“You’re now connected to the next line Madam master.”Hindi pa man siya nakasagot mayroon na agad siyang narinig na boses mula sa kabilang linya ng phone niya.“Yes?” bungad rin ng babae nang sagutin nito ang tawag.“I want you to be here within five minutes or else I will close this motel of yours.”“What?” Gulat nitong sagot. “Sino ka bang demonyo ka para magsabi sa akin ng ganyan?” “Ako ang anak niya.” Pabalang niyang sagot. Ramdam niya ang pag ngitngit ng mga ngipin nito sa galit. “Don’t waste your time talking on the phone. You only have four minutes left.” Walang pasabi niyang ini-off an