Share

Chapter 1

Penulis: blckttn
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Binilisan ko pa ang takbo habang ako’y hingal na hingal na. Kanina ko pa tinatakbuhan ang lalaking pumaslang sa aking kapatid .

Pauwi pa lang ako galing eskwelahan ng madatnan ko sa bahay nakahandusay na katawan ng aking kapatid puno ng dugo at halos wala nang malay. Nakatayo sa harap nito ang lalaking may hawak ng baril na syang pumaslang sa kanya. Bigla itong humarap sa akin at akmang lalapit sa akin ngunit di ko na hiyaan iyon at tumakbo na ako habang sumisigaw, gabi na at umuulan pa.

Nakakapagtaka ngunit wala manlang akong taong nakikita kahit manlang hingan ng tulong.

Basang basa na ako sa ulan habang tumatakbo at humanap ng mapagtataguan. Hindi ko na matukoy kung san ako papunta dahil na rin sa luha ang mahalaga ay makatakas ako sa lalaking iyun.

“Tulong!! Tulungan nyo ako!!” Sigaw ko kahit wala naman nakakarinig.

Nakita ko ang isang abandonadong warehouse kaya napag pasyahan kong dito mag tago. Pumunta ako sa isang sulok kung saan tago at may mga bakal at kahoy na nakaharang. Basa ang buong katawan,damit at pati na rin ang aking bag na bitbit.

Nanghihina na ako at hindi mapigilan ang hikbi.  Nagdasal ako sa aking isip ngunit bago pa man yun nakarinig ako ng yapak ng isang tao at hindi ako pwedeng magkamali na iyun ay ang taong yun. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Anong kasalanan ko? Ni kuya? At si nanay hindi ko nakita!

Kahit malakas ang ulan ay dinig ko ang yapak na animo’y naghahanap, kaya minabuti kong magtago at huwag gumawa ng kung anong ingay. Papalapit ng papalapit sa aking kinaroroonan ang yapak,kitang kita ko sa maliit na awang ng mga nakaharang ang sapatos nito at hawak na baril.

Mas lalo akong kinabahan at nagtago ng mabuti. Ilang minuto din itong nakatayo ng makita kong umatras na ito at dinig kong papalayo ang yapak.

Hindi ako kumibo, at nanatili na lamang sa aking kinaroroonan pinapakiramdaman ang paligid. Unti unti akong tumayo at lumabas sa aking pinagtataguan habang nagmamasid sa paligid.

Wala na sya. Yan ang nasa aking isip.           

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ng may humablot sa aking likuran at tinakpan ang aking bibig.

“Mmmmpphh!!!” Nagpumiglas ako at sinubukang sumigaw subalit sadyang malakas siya at hindi ko magawa.

“Tumahimik ka!!” Sigaw nya at mas lalo akong na alarma ng itutok nya sa aking sentido ang baril.

“Papatayin ko kita! Pati ang pamilya mo!” Halos maluha luha na ako at hindi na kinakaya ang nangyayari. Mas lalo akong pumiglas kaya tinulak nya ako ng patapon.

Sobrang sakit na ng katawan ko at nanghihina na.

“M-maawa ka” hagulhol kong sabi. “Parang awa mo na,w-wag” habang sinusubukang tumayo. Gusto kong manlaban ngunit hindi ko na kaya dahil sa pagod.

Matangkad ito at kung titignan ay parang kasing edad ko lamang ngnit di ko lubos na makita ang kanyang mukha dasil sa dilim.

Hindi na rin sya nagsalita at kinasa ang baril na hawak at itinutok sa akin.

Nanlaki ang aking mata, ngunit bago ko pa man mapigilan ay narinig ko na lamang ang isang putok ng baril. Masakit, wala akong maramdaman at hindi ako makahinga ng ayos hindi ko na rin maigalaw ang aking katawan.

“Ellie ,anak” dinig kong sambit na pamilyar ang boses.

“Anong nangyayari sayo?” Naramdaman kong may yumugyog sa akin.

Napamulat ako at nakita ang aking ina na nag aalala, tinignan ko ang paligid nasa kwarto ako. Panaginip na naman? Ilang beses ko na napapanagipin ang ganoong sinaryo.

Nilingon ko ang aking ina na nagtutupi ng mga damit habang nakaupo sa kama.

“Nanaginip ka na naman no? Sa susunod kasi wag ka na manood ng mga palabas na horror yan na napapala mo” hindi ko na pinansin iyun at dahil tama ang aking ina, mahilig ako manood ng mga ganoong genre na palabas. Kung minsan eh nag mo-movie marathon pa kami ng kaibigan kong si Carol sa kanilang bahay para lamang manood.

Umalis ako sa pagkakahiga at naupo “anong oras na ma?” Tanong ko.

“Mag a-alas dies na ,wala ka naman pasok ano?” Tanong ni mama.

Tinignan ko ang kalendaryo at nakitang sabado ngayon.

“Wala ma” sagot kong matamlay.

“Oh bumangon ka na dyan kumain ka na sa baba” tumango na lang ako

“Ma, si kuya?” Bago pa ako lumabas lumingon muna ako kay mama.

“Nasa trabaho san pa ba?” Aniya, nagkibit balikat na lamang ako at bumaba na.

Nag-aalala lang ako sa aking kapatid dahil madalas sya magpakita sa panaginip ko at laging may masamang nangyayari sa kanya.

“Ellie! Pagkatapos kong tupuin mga damit mo ikaw na maglagay sa kabinet ha!” Sigaw ni mama.

“Opo ma!” Tugon ko.

Bata pa lamang ay iniwan na kami ng aming ama, dahil ayon sa mga sabi sabi kabit daw ang aming ina at anak lang kami sa labas,hindi naman iyun tinanggi ni mama at isa itong pagkakamali sa kanyang mga naging desisyon sa buhay, dahil  binata ang pagpapakilala ng aming ama sa aming ina na kalaunan ay may bahay na pala.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit pare-pareho lang ang aking panaginip sa mga nagdaang araw simula nang may maingkwentro akong insidente. Tanging ang kaibigan kong si Carol lamang ang pinagsabihan ko tungkol sa bagay na iyun. 

Kumain na lamang ako at nagligpit ng pinagkainan pagkatapos. Nag desisyon na din ako na maligo at pumasok sa banyo.

Tinignan ko muna ang aking repleksyon sa salamin. Napag isipan ko rin na kumuha ng part time job para makatulong sa aming gastusin, alam kong si kuya hirap na rin kumita ng pera dahil high school graduate lamang siya at palipat lipat ng trabaho. Alam kong kahit hindi nya sabihin na hirap na sya kitang kita ko pa rin iyun sa tuwing sya’y uuwi.

Binuksan ko ang shower at nagsbon na, naputol ang aking malalim na pag iisip nang biglang nagsarado ang shower. Hindi ko naman ito sinarado sa pagkakaalam ko. Pinagsawalang bahala ko na lamang iyun at nagpatuloy sa pagsasabon.

Nagulantang na lamang ako nang biglang bumagsak ang shampoo sa knalalagyan nito.

Mas lalo akong nagtaka dahil imposibleng mahulog ito dahil nakalagay ito ng ayos sa kinalalagyan. Agad akong nagbanlaw nakaligtaan na din ang mag shampoo.

“Ma!” Sigaw ko at lumabas ng banyo ng nakatapis ang tuwalya sa katawan.

“Ano?” Sagot naman niya at alam kong nasa taas pa sya.

“Pina-bless mo ba itong bahay?”

“Huh? Para san pa?” Nagtataka niyang tanong. Kita ko rin na pababa na ito. “Ano pang hinihintay mo? Magbihis ka na sa taas”

Marahil ay guni-guni ko lamang iyon kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang at umakyat sa taas. Binuksan ko ang pinto ng kwarto at akmang hahakbang na papunta sa aking damitan ng bigla akong mabunggo sa kung ano at napaatras ako bigla. Wala naman nakaharang anong nangyari?. Kinakapa ko pa ang aking nasa harapan, para na akong nababaliw dito.

Bigla na lamang may parang kung sinong humawak sa aking braso at ako’y napaigtad at nakita ko ang kartolinang nakapatong sa study desk ko at kinuha iyun. Hinampa hampas ko ito sa kawalan na animo’y may kaaway. May pumigil dito na syang ikinalaki ng mata aking mata. Napaigtad at sumigaw ako sa pangyayaring iyun.

“Aaahhhhh! Ma! May multo ngaa!!” Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumaba ,nakita ko ang aking ina na naggagayat ng sibuyas para sa lulutuin.

“Ellie ano na naman ba yan,hindi ka pa nakakapag bihis!”

“Ma! May multo nga dito, eto etong kartolina hinahampas hampas ko sya tapos parang biglang may pumigil”. Saad ko na ipinakita pa ang kartolina.

"Ellie tumigil ka nga sa tinagal tagal na nating nakatira dito walang nagpaparamdam sa akin” sabi ni mama.

“Meron nga maaaa” pangungulit ko pa.

“Utang na loob bata ka umakyat ka na sa kwarto at magbihis” pagpapaalis niya sa akin.

Wala akong nagawa kaya umakyat ulit ako, dahan dahan na may halong kaba.

Hanggang sa nakarating ako sa pinto ng aking kwarto,pinakiramdaman ko muna ang paligid at tinignan pati sulok. Wala naman nangyari,hindi magulo ang mga gamit.

Nagpasya akong bilisan ang pagbihis ng matapos ko na ito  inilagay ko naman ang kartolina sa study desk. May napansin akong pilas ng papel at may nakasulat.

“Nice, average type of body huh” binigkas ko pa ito ng pabulong at nagtataka dahil sa pagkakaalam ko walang akong sinusulat na ganito magkaiba pa ng penmanship!

Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto nang bigla na lamang itong magsara na parang padabog pa.

“Ellie ano bang ginagawa mo! Umayos ka dyan” sigaw ni mama sa baba.

Kinabahan ulit ako at sumigaw. “Ma may multo ngaaa!!!!”

At nakarinig ako ng pagtawa mula sa kung saan.

Bab terkait

  • LOST AND FOUND   Chapter 2

    "Miss Agustin, kindly answer the question" sabi ng aking Prof ko sa isang major subject. Mahilig itong pumili sa index card at kung minamalas nga naman akin pa ang napili.Dinig ko ang ang tawa ng aking kaibigang si Carol na siyang katabi ko."Lasang tres ah" Saad ni Carol. Inirapan ko ang bruha maganda talaga ang mga motivation nya sa buhay nakaka stress. Tumayo ako kahit hindi alam at sigurado sa sagot." Sir, ano nga po ulit yung tanong?" sabi ko kahit na narinig ko naman na kanina. Halos kabado na ako dahil recitation ito ng binigay nya sa aming babasahin na hindi ko natapos sino ba namang gaganahan sa pagbabasa ng isang libro?"Again, Relating to Psychology what is the mean Governance?" ulit nito sa akin na halos lahat ng mga kaklase ko ay nag aabang sa aking sagot."U-uhm sir ano....mean uh...governance.." hindi ko talaga alam ang aking isasagot dahil wala ito sa aking nabasa.

  • LOST AND FOUND   Chapter 3

    Kumalat din ang insidenteng iyon sa aming campus makalipas lamang ang ilang araw, halos kaliwa’t kanan ang mga usapin at chismis sa nangyari , ang iba ko pang mga ka-blockmates ay todo tanong sakin nang malaman nilang ako ang nakakita sa katawan ng biktima.“ Si Nathan? nakakagulat din kasi ano, mabait ang taong yun at matalino pa, kabilang nga sya sa dean’s lister nung nakaraang sem” nandito kami ngayon ni Carol sa canteen at habang kumakain dinig naming ang mga pinag uusapan ng ibang estudyante sa aming likod.“Sis, Nathan Martinez yung engineering student, yun yung target ko para sayo nung isang araw diba? yung pogi” Saad ni Carol na nakatingin sakin.Bigla akong napatigil sa pag nguya at tumingin kay Carol, sya nga si Nathan yung biktima na tinuro nya sakin nung isang araw, kaya pala pamilyar ito sakin nung unang tingin ko pa lamang .“Wag na muna natin pag-usapan yun Carol, medyo kinik

  • LOST AND FOUND   Chapter 4

    Lalo kaming nagkalapit ni Sophia pagkatapos namin mag usap sa coffee shop na kung minsan sinasama na din namin sya ni Carol kung kami ay kakain sa canteen, yun ay kung sabay ang break time namin. May konting tampo sakin si Carol nang sinabi ko sa kanya na gustong makipag kaibigan sakin ni Sophia subalit nagkaayos naman kami agad."Carol!!" nandito ako ngayon sa labas ng kanilang bahay. Lunes ngayon at wala kaming pasok kaya napagpasyahan namin na mag movie marathon. May bumabagabag din sa aking isipan lalo na sa bahay nung nakaraan kaya gusto kong i-share at ikwento ito sa kanyaNakailang tawag pa ako sa kanya nang lumabas na siya."Tagal mo" sabi ko at pinagbuksan na nya ako ng gate."Naliligo po kasi ako madam pasensya na ho" sabi nya na may halong irap pa."Tusukin ko mata mo dyan eh""Gawa" mabilis nyang sagot."Teka, san pala si Phia kala ko

  • LOST AND FOUND   ......

    Author’s Note This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the product of author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident.Always remember, you are great, you are loved, and you're awesome. YOU MATTER. Thank you for choosing this chaos story. Please stay healthy and fit, always stay positive and stay negative. Just keep going the way you are. Not to spoil you, but everything is gonna be okay. “I Do

Bab terbaru

  • LOST AND FOUND   Chapter 1

    Binilisan ko pa ang takbo habang ako’y hingal na hingal na. Kanina ko pa tinatakbuhan ang lalaking pumaslang sa aking kapatid .Pauwi pa lang ako galing eskwelahan ng madatnan ko sa bahay nakahandusay na katawan ng aking kapatid puno ng dugo at halos wala nang malay. Nakatayo sa harap nito ang lalaking may hawak ng baril na syang pumaslang sa kanya. Bigla itong humarap sa akin at akmang lalapit sa akin ngunit di ko na hiyaan iyon at tumakbo na ako habang sumisigaw, gabi na at umuulan pa.Nakakapagtaka ngunit wala manlang akong taong nakikita kahit manlang hingan ng tulong.Basang basa na ako sa ulan habang tumatakbo at humanap ng mapagtataguan. Hindi ko na matukoy kung san ako papunta dahil na rin sa luha ang mahalaga ay makatakas ako sa lalaking iyun.“Tulong!! Tulungan nyo ako!!” Sigaw ko kahit wala naman nakakarinig.Nakita ko ang isang abandonadong warehouse

  • LOST AND FOUND   ......

    Author’s Note This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the product of author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincident.Always remember, you are great, you are loved, and you're awesome. YOU MATTER. Thank you for choosing this chaos story. Please stay healthy and fit, always stay positive and stay negative. Just keep going the way you are. Not to spoil you, but everything is gonna be okay. “I Do

DMCA.com Protection Status