Share

CHAPTER THREE

last update Huling Na-update: 2020-08-13 20:08:01

Calissa's Pov

Kabadong-kabado ako habang nakatingin sa kaniya, no one can know about the wedding thingy or else klent might gonna kill me, bakit ba napaka Careless ko ! Whaaaaaaaaa! Alonica asan kana ba?.

"Its yours,"- sabi nito, sa tunong siguradong siguradong akin nga yun!

"Ahh ehh --- How--- where--- when-- haysst where did you get this ?,"- Di makapaniwalang tanong ko.

"You drop it inside my car yesterday,"- deretso lang ang tingin nito, na para bang hinuhuli ang mga reaction sa mukha ko.

"Ahh t-thanks . Can i hand it na?,"- nahihiyang saad ko, kasi hanggang ngayon hawak niya parin yung wallet.

"Mhmmm,"- Tinitigan niya ang wallet, na para bang pinang iisipan niya kung ibabalik ba niya o hindi.

Kinakabahan naku . Mukhan nakung dagang di maihi !

"You can get this, in one condition,"- nang tumingin ako sa kaniya, nakangisi na ito sakin .

Whaaaaa did he know something already? did he saw what's inside that wallet ?

"C-condition? w-what is it?,"- kinakabahang tanong ko, kasi kinakabahan ako baka ipagkalat niya yung laman nun, matetegi ako nito ni klentttt. Tumingin muna ito sa relo niya sa kamay bago sumagot.

"I'll see you after class,"- tapos tumalikod na ito, akmang maglalakad na palayo pero pinigilan ko.

"T-teka M-markus . How 'bout my wallet ?can i have it now?,"

"You'll get it soon, after we talk. See you later baby,"- kumindat pa muna ito bago naglakad papalayo.

B-baby? what the heck is wrong with that person? myghod pinagpapawisan ako ng malagkit !

"Cally? did you find it? bakit parang namumutla ka?,"- biglang sulpot ni Alonica ! bakit ngayon lang to umintrada, kung kelan mukha nakung naghihingalong langaw dito !.

"At bakit parang, i saw Markus ? "- pilit niya ring tinatanaw si Markus, na malayong malayo na .

"G-girl i-i t-think im a d-dead m-meat,"- parang tangang wala sa sariling sambit ko.

"Why? ano bang sinasabi mo? nakita mo ba wallet mo?,"-

Bigla akung humarap sa kaniya, na kinagulat niya, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya sabay sabing----

"WHAAAAA ! WHAT SHOULD I DOOO?, "

"Ano bang nangyayari sayo?,"- Nagtatakang tanong nito, kasi bigla bigla nalang akung ngumawa.

"What should i do?, Markus saw my wallet and i think he knew it,"- mukha nakung desperadang palaka, kakangawa.

"Omyghod ! so nahulog mo nga sa kotse niya? Klent might kill you,"- mas lalo akung nag ngangangawa sa sinabi niya .

"Asan naba yung wallet mo?,"

"Nakay Markus parin,"- Sagot ko, habang nangawa padin.

"What? ba't dimo pa kinuha?,"- Sigaw nito sakin.

"Yun na nga Nics ee . Ibibigay niya lang yun after namin mag usap, "

" Kelan?,"

" Anong kelan?,"-kunot noong tanong nito .

"Aray !,"- pinitik ba namam yung noo ko.

"Bopols ka talaga, ibig ko sabihin kelan kayo mag uusap !,"

" After class daw, "

"Morning or afternoon ?,"- nawerduhan naman ako sa tanong niya.

"After class ng ano? umaga o hapon?,"- pag uulit niya sa tanong .

At talagang itinagalog pa . Iniisip siguro nitong diko naintindihan yung sinabi niyang english, kaya tinranslate.

" I- i dont know . Ang sabi niya lang after class, wala siyang sinabing morning or afternoon,"

"Hindi mo man lang tinanong? jusmeyo marimar ! tara na nga sa classroom, malilate na tayo mas lalo tayong maiihaw ng buhay kay dragona !,"

------- Naglalakad na kami papaakyat sa floor namin, hindi ko mapigilang mapasulyap sa classroom nila Klent na nakikipag landian na naman sa kabet niya.

Oo kabet ! kabet niya kasi ako ang asawa ! grrrrr gigil mo si ako malantod ka !.

"Girl nakatingin sayo si Markus, ayieeeee ,"- kinikilig na bulong nito, napakunot noo naman ako sabay hampas sa kaniya.

"Hindi ito ang oras para kiligin gaga ! Bilisan mo na nga maglakad, baka makita na naman ako ni Klent dito,"

"Che ! yung Klenton mo kinakalantari na ng iba ,"

"Shattap, ang ingay mo na naman !,"

"Ikaw kasi, si Markus ang sinasabi ko si Klenton naman ang binabanggit mo !,"- depensa nito .

I can't help but to glance at him while his busy flirting somebody ! Nahagip naman ng mga mata ko ang iniiwasan kung makita, Markus Nivera anong magiging papel mo sa buhay namin ? whaaaaaa nagiging exag. naku bat kasi antagal namin maglakad.

"Dalian mo na nga !,"- hinila ko na ng mabilisan si Alonica, kasi mukha kaming nasa prosisyon sa bagal naming lumakad !.

------------------

Pagdating namin sa classroom siya namang ding dating ng teacher namin, which is si Dragona ang terror sa pinaka terror na guro namin !.

"Go to your proper seat in One----two--"- dali daling nagtakbuhan ang mga kaklase naming wala sa tamang mga upuan . Yan si Dragona !

"Agang aga ata wala sa mood si Dragona,"- natatawa tawang bulong ni Alonica.

"Kelan ba naging good mood yan? ,"-natatawang anas ko din dito.

"Palibhasa matandang dalaga ! Hahaha,"- Napamulagat ako ng bigkasin ni Alonica ang mga katagang yan ng malakas.

Halos gustuhin ko ng hambalusin ng libro si Alonica, dahil sa kadaldalan.

"What are you laughing at Miss Torres?,"

*Huk*- halos masamid sa sariling laway si Alonica, danger zone na naman dahil sa bibig niyang anlakas lakas . Siniko ko naman ito para umayos.

"Nothing Miss,"- kinakabahang sagot nito.

"So your laughing for no reason?,"- sarkastikong tanong nito.

"Sorry Miss,"- napapayukong sagot nito.

"Bakit kasi ang lakas ng boses mo ee,"- bulong ko, at inismidan lang ako nito .

"So our topic for to day is ----blah blah blah---- blah---- blahh---"

Wala akung naintindihan letse ! bigla na namang sumagi sa isip ko yung wallet ko, idagdag pang mukhang alam na ni Markus plus machuchugi ako ni Klent ! .

What on earth is going on!

Bakit ba kasi napaka careless ko, kaya ako tinatawag na stupid at engot ni Klent ee. Oras na malaman ng iba ang big secret ni Klent, paniguradong mapagpepyestahan siya sa showbiz whaaaa at ako ang magiging dahilan .

AT ANG MASAMA PA, SI MARKUS NIVERA ANG NAKAALAM ! ORAS NA HINDI KO SIYA MAPAPAYAG NA E KEEP ANG SECRET MADEDEADS NA TALAGA AKO ! WHAAAAA !

"MARKUS NOOO----!"

Lunok laway .

"MISS HERMOSA !,"- sigaw ni Dragona na mukhang nawindang sa sigaw ko ! whaaaa !.

"BUHAHAHAHA ! DAYDREAM PA"

- tawanan ng mga kaklase ko . Whaaaaaa kahihiyan to the highest level Calissa !

"Stop daydreaming inside my class ! Hindi ito ang oras para sa pagpapantasya !"- Gigil na saad ni Miss, jusko Calissa what did you do na naman ! engot as ever

"S-sorry m-miss"- halos lumubog na ako sa kinauupuan ko sa kahihiyan.

"Girl Pro-Markus kana ba?,"- hagikgik na bulong ni Alonica, napapikit nalang ako . Hindi ko namalayan na sa lahat ng maisisigaw ko pangalan pa ni Markus whuaaaat daaaaa heekkkk !

Lamunin ako ngayon na !

"Physically present, but mentally absent ! yan ang nakukuha niyo sa kakatili jan sa kabilang section ! aren't you ashamed ? Present kayo sa kakatili, pagdating sa klase absent minded ! Hindi ba't, i told you before ayuko ng nadidistract ang klase ko !"- mahabang litanya nito, na nakapag payuko sa mga babae.

Hindi ako nag fafan girling noh ! kasi im living literally, sa lalaking kinababaliwan ng karamihang studyante dito !

Gusto ko na namang ibulalas yung nasa isip ko, pero naisip ko wag na lang baka mapatay pa ako ng mga followers ni Klent.

"Ahyyyy Hermosa kasi !"

"Napaka epal kasi ayan tuloy pati kami nadamay !"

"Masyado kasing ilusyunada !"

"Di naman kagandahan !"

Mga side comment ng mga bida bidang kaklase ko.

kasalanan ko bang naisigaw ko yung pangalan ni Markus ? Ilusyunada agad ? baka pagnalaman niyong asawa ako ng kinahihibangan niyong Klent Mariano, baka mag lulupasay kayo sa sahig !

" Heeeppppp ! wag niyo naman pagkaisahan ang bestfriend ko"- depensa ni Alonica.

"ENOUGH SINABI KO BANG MAG INGAY KAYO? Hindi lang si Hermosa ang pinagsasabihan ko ! all of you, especially those girls na sobra kung makatili .Naiintindihan ko kayo sa pagiging Fan fan na yan . But please sa labas ng klase Fan kayo, pero inside the class studyante kayo ! set aside niyo muna ang pag papan girl niyo ! ityendes? DISSMISS !"

Paglabas ng teacher sari saring komento at pagpaparinig na naman ang mga kaklase namin.

----------------

Pagkatapos ng Morning class deretso Cafe na kami .

"Hoy babae, ano bang nangyayari sayo't kung makasigaw ka ng Markus Nooo, para ka namang gagahasain"- pang eechoes sakin ni Alonica.

"Lower down your voice, talagang pinaalala mo pa yang kahihiyan na yan !"

"Lakas maka Pro ee . Hahahaha so, Maka Markus kana hindi kana Kle----"- i cut her off baka may makarinig na naman, at sumulpot na namang parang kabute si Margareth kasama si Klent! .

"Shattap girl its not what you think, okay? binabagabag kasi ako kung anong pag uusapan namin ni Markus"

"Ano kaba girl, hindi ka naman siguro kakainin nung tao. Tiyaka isa pa, if balak niya talaga ipagkalat yung secret niyo, edi sana dinumog kana ng fans club ng asawa mo !"

Sabagay may point siya.

"Pero malay mo naman isasagawa niya palang bukas or sa makalawa diba?,"

"Masyado kang exaggerated girl, ini- stress mo lang sarili mo"

"Pano kun------"- someone cut me off

Uso ba dito mamutol ng sasabihin ?

"Can i join you?"- napa arko ang kilay ko bago napatingin kay Alonica na nakataas ang tingin sa dereksyon ng likuran ko . Hindi ako pwedeng magkamali sa boses nayun, kahit ilang beses ko palang naririnig.

"If it is okay-----"- Alonica cut him off

"Sure Markus . You can seat here as long as you want"-

Abot langit ang ngiting sambit ni Alonica.

"Thanks !"- Umupo ito sa bakanteng upuan-----------sa tabi ko.

Bakit dito pa, may space naman sa tabi ni Nica.

Bakit ba sa twing napag uusapan namin ang isa sa mga celebrities sa school natu, ee nagmimistulang mga kabuteng bigla bigla nalang sumusulpot kung san san? juice ko po !

"By the way . Im Alonica "- ngiting pagbasag ni Nica sa katahimikan

"Markus here"- nagshake hands pa ang dalawa. Sigurado akung abot bunbunan na ang kilig ng bruhang to, dahil nahawakan niya ang kamay ng Iniidolo niya kuno !

"Nice meeting you again, Miss Alonica"- Magalang na sambit nito.

"Ano kaba drop the pormalities, Alonica na lang, you can also call me Nica"- ngiting ngiti parin ito mukha na siyang clown sa lawak ng pagkakangiti niya.

"Yeah Nica"-

Magalang pala to bukod sa palangiti . Sana nga at mapapayag ko siyang wag ipagsabi yung sa'min ni klent.

Nagulat ako ng bigla itong napatingin sakin, at dali daling ibinaling sa ibang dereksyon ang tingin ko.

"Are you alright?, you look pale"- saad nito, napalingon ako kay Alonica na ngingiti-ngiti padin.

"Ahh y-yeah i-m fine . Gutom lang siguro ako"- at nagsimula nakung sumubo ng pagkain, nakatingin padin sila sakin.

"Girl hinay hinay lang, dika naman sobrang gutom niyan?,"- natatawang anas ni Alonica, pinagpatuloy ko padin ang pagkain at dahil lapitin ako ng kahihiyan----

*Cough* * cough*

Nabulunan ako wahhhhhhh

"Need water?,"- tanong ni Markus, sabay abot ng bottled water hinahampas ko ang dibdib ko habang hinihimas naman ni Nica ang likod ko .

*Cough- sala- cough - mat*- huminga pa ako ng malalim.

"Hinay hinay ka lang kasi girl, dika namin aagawan promise hahahaha !"

"Im just argh----"- tumingin ako banda sa entrada ng cafe, nakita ko kasi sila Klent at Marga papasok naka hawak pa ito sa braso ni klent .

Arggghhhh landian 101

"Breathe first"- Markus

"Okay na'ko pasensya na nagutom lang"- nahihiyang hinging paumanhin ko .

Wala na ata akung matinong nagawa sa harap ng taong to, nakakahiya.

Uminom ulit ako ng tubig, at dahil kaakibat na ng pangalan ko ang salitang engot , halos maibuga ko yung tubig ng marinig kung magsalita si Alonica, expect niyo ng nasa danger zone na naman ang bibig niya

"Tsk Asawa mo lumalandi na naman------"- halos lumuwa ang mata ni Alonica dahil sa kadaldalan niya, sabay pa kaming napalingon kay Markus na kumakain na pala na para bang hindi niya narinig yung sinabi ni Alonica . Inismiran ko naman ito at sumenyas ng Ano-kaba-ang-daldal-mo-look habang nakakunot pa ang noo, nagpeace sign pa ito sakin.

"Ahh By the way, may gagawen ba kayo after class?"- tanong bigla ni Markus, nakahinga naman ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman niya pinansin yung kadaldalan ni Alonica.

"Ah-ahh ----"- tumingin ako kay Alonica, kasi sigurado akung ito na yung pag uusap na sinasabi niya.

"Diba wala ka namang lakad Nica?"- saad ko, na para bang gusto kung iparating na samahan muko girl look

"Me?, ahh may lakad ako girl ee"- Napabagsak nalang ang mga balikat ko, ayukong maiwan mag isa kay Markus at hindi ako pwedeng tumanggi if ever mag aya siya, dahil nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan ng aming sekreto ! Arghhhh .

"Mhmmm . How 'bout you Cally?"- napaangat naman ako ng tingin sa kaniya.

Bakit ba nag tatanong pa siya?, ee obvious namang kahit di siya mag tanong automatic sasama ako, nasa kaniya ang mahiwagang wallet ko.

"Ahh ano bang meron ?"- Tanong ko nalang .

"Wala lang . If ever gusto niyong mamasyal or hang out"- saad nito, na sa battled water lang nakatingin.

"Diba wala ka namang gagawen ngayon Cally? Why not sumama kana kay Markus, para dika maburyo sa inyo"- pag uudyok nito sakin .

Lakas talaga ng amats nito ipagtulakan pa ako ganun?

Binigyan pa ako nito ng Go-kaya-mo-yan-friend-look

"Ahh . Titignan ko if wala akung gagawen"- naasabe ko nalang, ngumiti naman ito sakin .

----------------->>>>After Class

Ito na . Ito na . Ito na ang oras na ayaw ko na atang dumating, ngayong oras mabubunyag sa isang tao ang lihim na dapat mananatiling lihim !

Para naman akung may malagim na tinatago nito !

Kaya mo yan Calissa, hindi ka naman siguro kakatayin ng Markus nayun .

Tiyaka mukha naman siyang trustworthy. Feeling ko lang ha.

"Hindi kaba talaga pwede ngayon Nics ?"- makailang beses ko ng paulit ulit na sinasabi kay Alonica yan, para lang makumbinsi itong sumama.

"Ano kaba Cally girl . Hindi ba obvious na moment niyo to ?"

Moment? bakit mag jowa ba kami?

"Pretty please !"- pagmamakaawa ko.

"Ano kaba Cal kaya mo yan . Mabaet si Markus, baka naman trip niya lang talagang makasama ka sa hang out"- pagpapalubag loob nito.

"Ano kaba. May asawa naku, i dont have time for hang outs noh"

"Gaga asawa mo nga busy kakahang out with someone, tapos ikaw nagpapakaloyal ka"- dada nito.

Napaka straight forward talaga nitong magsalita.

"Kahit na noh"- depensa ko.

"Tiyaka hindi ka naman makikipagdate gaga, wag kang assuming teh ! Hahaha . masyado kang threatened sa wallet mo, dapat nga si Klenton ang kabahan dahil na lalabi na ang kasikatan niya "

"Ano kaba Asawa ko pa din yun, tiyaka kasalanan ko naman kung bakit napunta kay Markus yung wallet ee."

"Malay mo pagbumagsak ang career ng asawa mo, ikaw na ang aatupagin niya"- kinikilig na saad nito.

"Baka nga paglamayan naku kapag nag kataon"

Hindi ako natatakot malaman ng iba na mag asawa kami kaso im worried about his career mahal ni klent ang pag aartista.

"Kaya mo yan. Mag uusap lang naman kayo iconvice mo siyang wag ipagsabi, hindi naman siguro ganun ka desperedo si Markus para gumamit ng personal issue, mapabagsak lang yang asawa mo"

She had a point . Siguro ako lang tong hibang kakaisip na ibubunyag ni Markus yung nalalaman niya.

"Sige na. Baka nag aantay na si Markus, mauuna na din ako okay ?"

Napatango nalang ako, at naglakad na papuntang parking lot, kung saan sinabi ni Markus na mag aantay sakin, anong oras na din wala ng masyadong studyante . Natanaw ko na itong nakasandal sa kotse niya, mukha siyang modelo.

Kung tititigan, wala naman silang pinagkaiba ni klent bukod siguro sa ugali. Nang malapit naku tumingin tingin muna ako sa paligid bago nagtungo sa kinatatayuan niya.

"Let's go?"- tanong nito, pagkalapit ko.

Ano pangaba? as if i have a choice.

"Mhmm"- pinagbuksan naman ako nito ng pinto sa shotgun seat, this is the second time na sasakay ako sa kotseng to .

"Where we're going?"- tanong ko nalang .

"Mhmm where do you want to go?"- balik tanong nito .

So ? inaya niyako without a plan?

"Ahh ehh--"- wala akung maisip, kasi hindi naman ako mahilig mag gala taong bahay lang kaya ako.

"Mhmm alam ko na . Umiinom kaba?"

What kind of question is that? ofcourse im drinking !myghod ! edi sana namatay naku sa dehydra-----

Naputol ang kakadada ko sa isip ko ng bigla siyang tumawa.

Naks heaven, ansarap sa ears ng tawa niya.

"HAHAHA ! its not what i meant . what i mean is, if your drinking with alcohol"- saad nito, pano niya nalamang iba ang pumasok sa utak ko sa tanong niya?

Mind reader?

" Hindi ako mind reader . Its just that nababasa sa mga reactions mo"

Ganun?

"Ah hehehe"- pilit na tawa nalang ako .

"Your funny"- nakangiting anas nito

Funny ganun? clown ako ?

"Ano are you in? dito lang tayo sa malapit"- patungkol nito sa tinanong niya if umiinom ako

"Dont worry, wine lang naman. Hindi kita lalasingin"- natatawang anas nito .

Ano napansin niya na namang worried ako, dahil baka malasing ako ganun? t'yka isa pa we're not even close, kahapon ko nga lang siya na encounter ee.

"Wag ka mag alala wala naman akung gagawen sayo ee . "-

See? mind reader siya

"Hahahaha. Dito lang tayo sa malapit"- saad pa nito, napatango nalang ako at hindi kumibo, hanggang sa makarating kami sa parking lot ng 'The Sushi Bar' mas okay ng dito lang kami, para incase malasing ako dito nalang ako magpalipas ng gabi dahil kilala ko naman ang may ari t'yaka baka andito si Nica .

Pag mamay ari nila Nica ang resto bar na ito.

"Lets go"- inalalayan pa ako nito pa baba .

"Wait"- napatingin ako sa suot namin, nakasuot siya ng maong pants, at nakahoody ito ng red na may tatak na King with cap, napatingin naman ako sa suot ko Uniform at white shoes buti pa siya, ready to go, napansin ko ding napatingin siya sakin.

"Studient is not allowed"- Sambit ko, habang nakatingin sa kaniya.

"Wait"- bumalik ito sa kotse niya na para bang may hinalungkat na kung ano.

"Here"- Inabot niya sakin yung Hoodie jacket na kulay yellow, na satingin ko above the nee.

"Pasensya kana yan lang meron ako para matakpan yang suot mo"- saad nito na napakamot pa sa batok. Mas mahaba nga ito compared sa palda ng uniform ko.

"Okay lang"- isinuot ko na ito, at napatingin sa kaniya na nakatingin na pala sakin.

"O-okay lang ba ?"- nahihiyang saad ko .

Nagulat pa ako ng maglakad ito papalapit sakin, at isinuot yung isang cap sa ulo ko.

Kelan pa niya hawak yang sumbrero?

Inayos niya ito sa ulo ko, at isinuot din yung hood ng jacket, sa hiya at naiilang din ako, ibinaling ko nalang sa kabilang dereksyon ang tingin ko

Buti nalang pala nag white shoes ako, kung nagkataong naka school shoes mag mumukha akung katawa tawa.

"Tara na"- hindi ko namalayang nakalayo na pala ito sakin, ngumiti ako tiyaka sumabay papasok . Pinapasok naman kami, dahil hindi naman na ako mukhang studyanteng naligaw ng skwelahan.

Pagpasok palang sa entrada, rinig na rinig na ang malakas na tugtugan, at kitang kita na ang mga taong nagsasayawan, napansin ko namang ibinaba ni Markus yung sumbrerong suot niya para takpan ang mukha niya.

Oo nga pala, nawala sa isip kung artista si Markus.

Bakit andami atang tao ngayon dito? myghod ang hirap maglakad, siksikan ang aga pa dagsaan na ang tao, nauuna ng maglakad si Markus napapayuko nalang ako dahil baka madanggil ako Ghod!

Halos kapusin naman ako sa hininga, nang maramdaman kung may humawak sa kamay ko at hinila ako papalayo sa mga taong nagsasayawan . Napatingin ako pababa sa kamay kung hawak hawak ni Markus, bigla akung kinabahan na ewan .

Shems ang lambot ng kamay ! pero aside for malambot, parang nakaramdam ako ng kakaibang feeling na para bang pamilyar sa pakiramdam ko.

Napatitig ako sa likod niya, kasi medyo nahuhuli ako habang hawak hawak niya padin ang kamay ko . Kung titignan halos hindi nagkakalayo ang postura nila ni Klent . Pareho silang Matangkad, Hindi rin nalalayo ang pananamit nila siguro dahil pareho silang artista, halos pareho din sila ng tindig, pero masasabi kung mas mahinahon si Markus compared to Klent na masungit. Hindi ko namamalayang binitawan niya na pala ang kamay ko at inalalayan ako paupo .

Pumwesto kami sa pinaka sulok, dahil baka nga naman mapansin ng iba na andito si Markus, baka dumugin pa kami ng mga tao at isa pa ayukong maissue.

"Two glass of white wine"- sambit nito sa waiter

"Madalas kaba dito?"- wala sa wisyong tanong ko .

"Yeah, dito ako madalas magpalipas ng oras . How 'bout you? first time mo dito?"

" Ako? Hindi ,madalas din akung tumambay dito kapag weekened"- Oo madalas lang kaming nandito ni Nica para tumambay

"Really ?"- ngiting saad nito

"Mhmm . This is my bestfriend's family business"- ngiting sagot ko, nakakahawa yung ngiti nya napaka genuine.

"Really? Si Alonica ba ang tinutukoy mo?"

"Mhmm mhmm . Wala naman akung ibang kaibigan bukod sa kaniya hahaha"- tawa ko pa sa huli

"Halata nga . By the way about your wallet"- gusto kung masamid sa sarili kung laway, dahil ito na talaga hindi ko alam anung sasabihin.

"Is it true?"- tanong nito

"A-ang a-lin?"- kinakabahang tanong ko, kahit alam ko namang ang tinutukoy niya ay yung laman nito sa loob, which is yung Wedding ring at Picture, kung yung ring lang sana ang nandon, masasabi kung ordinary ring lang pero yung picture hindi naman mukhang edited. Napasandal ito sa kinauupuan at tumingin sakin.

"That you're Mariano's wife"

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
kay Markus k nlng Cally feeling ko gusto k din ni Markus...
goodnovel comment avatar
Virgie Dela Peña Enguito
Kay Markus kana lng,
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Kay Markus ka na lang Wala naman pakielam si Klent sa iyo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER FOUR

    "That you're Mariano's wife,"Expect kuna na ito ang sasabihin, at itatanong niya, pero bakit kinakabahan pa din ako?. Magrereact na sana ako when his continue talking."Am i right Mrs. Calissa Marie Phobee Hermosa- Mariano"Nanlaki literally ang mga mata ko, and i almost drop my jaw, how would he knew my full name?. I didn't even mentioned my real name."H-how would you know my full name?,"- parang tangang tanong ko, tumingin naman ito sakin, napa bang yun na yung pinaka hindi pinag-isipang tanong na narinig niya."I saw your I.D, inside your wallet,"Tsk i almost forgot, nakapaloob din pala sa wallet nayun yung mga I.D's ko before."Tama ba ako?, Phobee?,"P-phobee? bakit parang pamilyar sakin ang way ng pagtawag niya sa third name ko?."Your right, in what?,"- Ano bang malay ko, kung sa pangalan ba o sa tanong niyang asawa ako ni Klent, na mukha namang hindi tanong kundi confirmation na ."Klent Mariano's wife,""C-can i a-ask y-you a f-favor?,"- halos lunukin ko na lahat ng laway k

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER FIVE

    "My queen"- Napaangat ang tingin ko, ng bigkasin niya ang mga salitang yan, napakurap pa ako ng tatlong beses. At gustong manlambot ng tuhod ko ng ngumiti siya .Kyhaaaaaaaa!, ang pogiii ng hubby ko. Huuuuuu, kung ganitong ngiti ba naman ang makikita ko after ng bangayan namin, naku araw-araw nakung magpapasaway para lagi siyang magbunganga, at after ng catfight ganyang ngiti ang ibibigay niya."My what?"- Tanong ko dito, kasi baka iba naman pala yung dinig ko, masabihan na naman ako ng assuming!."My King"- Sabay ngisi nito,My king?, hindi ba't queen yung sinabi niya?."I told you to stop imagining things !"- saad nito, sabay pitik sa noo ko."Hey, you said My queen""Your acting stupid again. Do you even know how to read?"- he said, What does he mean."Ofcourse ! "- confident na sagot ko."Nakita mo na ba 'yang suot mo?"- nagtatakang napatingin ako lalo sa kaniya."Anong kunek ng suot ko?"- kunot noong tanong ko."Read it""Ang alin?"- lumapit siya sakin, at hinawakan ang ulo ko at

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER SIX

    Inantay kung bumaba ito ng kotse. Napangiti ako, lalo dahil katindig ito ni Klent, but it turns out that it wasn't him, instead it's MARKUS !.Disappointed?, hayst ba't kasi umaasa kang hahanapin ka nun?."Are you alright?,"- Tanong nito, tiyaka naglakad papalapit sakin ."Ahh, ee kasi ano -- nasiraan ako ng kotse,"- nahihiyang saad ko."Oh is that so? ,"-Sumakay ito sa kotse ko, at tinry i start ang kotse pero ayaw talaga."Ahm pauwe kana ba?,"- tanong nito."Yeah, nanggaling kasi ako sa japanese garden,""I'll drive you home,"- saad nito."huh?, how about my car?,""Kung okay lang sayo, iwan muna natin to sa malapit na talyer . May kilala akung malapit dito ipapahila nalang natin,"- tumango naman ako, mas okay na yun kesa gabihin sa daan. Pagdating namin sa talyer, pinakiusapan niya yung may ari tiyaka pinahila ang kotse."So tara na?, gabi na ano ba kasing ginawa mo sa garden?, nag sight seeing?"- sambit nito."Sort of!"- pinaandar niya na ang kotse, at nagmaneho papalayo."Alam ba

    Huling Na-update : 2020-08-14
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER SEVEN

    Bago paman ako tuluyang bumagsak, alam kung may mga kamay na sumalo sakin. There's one person came up in my mind.Klent!------------->> ClinicThird Person's Pov"Nurse, how is she?, how's my bestfriend?"- Nag-aalalang tanong ni Alonica sa kalagayan ng kaibigan."She's just over fatigue, i think she didn't eat anything yet. She need a rest to gain her strength"- Sagot ng nurse sa kaniya, napatango-tango naman ito."How about her fever?, bumaba na ba?"- Markus Ask."Yes . Kelan pa siya nilalagnat?"- balik tanong ng Nurse, at sabay namang napalingon si Markus at Alonica kay klent na nakatayo lang sa gilid . Napalingon na din ang Nurse dito, marahil nagtataka ito kung bakit napalingon ang dalawa sa binata."Ah-ah kahapon okay pa naman po siya"- Si Alonica na ang sumagot, dahil baka maghinala ang nurse kapag si klent ang sumagot

    Huling Na-update : 2020-09-07
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER EIGHT

    Alonica's PovHaysst! what on earth is going on, ang gulo ng lovelife ng bestfriend ko . Kaya nga ba ayuko magkajowa eeAs if Alonica, may nangahas maging jowa mo ! haysstPagbukas ko ng pinto ng clinic, tumambad sa harapan ko si Markus na nakataas pa ang kamay na sa hula ko, bubuksan niya sana ang pinto, but unfortunately nauna ang lola niyo, HAHAHAHA! (evil me)."Oh Markus, ba't ngayon ka lang?"- tanong ko dito, dahil anong oras na ngayon pa ata dadalaw kay Cally. Isa pa ito mukhang may gusto kay Cally girl ."Huh?"- nagtatakang anas nito."Kanina pa kita inaantay"- saad ko, mas lalo namang nagtaka yung itsura niya.Napaka inosente ng lalaking to."I mean, kanina pa gising si Cally hindi mo ba nareceived ang text ko?, tiyaka tapos na ang 15mins break ahh"- Napakunot lalo ang noo niya."Text?, Al

    Huling Na-update : 2020-09-08
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER NINE

    Cally's PovTulala lang ako sa bintana ng kotse, Walang umiimik samin. I dont know why?. Siguro nagpapakiramdaman kami, haysst. I want to cry!,I want to shout!."Phobee---"- I cut him off again."Im okay, Markus"- Saad ko, without looking at him maka ilang beses na niya ring natanong kung ayos lang ako.Ayos nga lang ba ako?, after what i've seen?."Where do you wanna go?"- He ask, nang medyo nakalayo na kami sa school."Somewhere?! "- Sagot ko sa tunong hindi sigurado, pero napaisip ako parang feel ko maglasing!."Sa Sushi Bar nalang. I want to relax"- Pilit na ngiting saad ko, bago lumingon sa kaniya."Haysst!, Okay if you said so"- He sigh."Mhmm. Thanks Markus"-Tango ko."No problem, you can lean on me if you want to!"- Napatango naman ako.

    Huling Na-update : 2020-09-08
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER TEN

    Third Person's Pov"PHOBEE"Nakatitig lang ang dalawa, sa mata ng isa't-isa. Nakaramdam naman ng bahagyang pagkailang si Cally sa titig ng binata."Hahaha, you've got to be kidding me?"- Natatawa-tawang anas nito, mukha na siyang baliw dahil may luha-luha padin ang mga mata nito, dulot ng pagiyak habang pilit na tumatawa."No!, im not"- Walang kurap pading sagot nito, na nakapagpatigil sa pilit na tawa ni Cally."We got the same name huh!, is she beautiful like me?"- Tanong pa nito, na nakapagpa ngiti ng bahagya sa binatang kaharap, napakurap-kurap naman ng ilang beses si Cally.Bakit ba ang ganda ng ngiti niya?- Cally thought to herself."She's beautiful and cute, at the same time"- Hindi pa din mawala ang pagkakatitig ng binata sa kaniya, kaya itinuon na lamang niya ang paningin sa mga alak, na nasa harapan nilang dalawa.

    Huling Na-update : 2020-09-09
  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER ELEVEN

    Third Person's Pov"Im sorry------- Andre"Napatitig si Alonica at Klent, sa isa't- isa ng sambitin ni Cally ang mga katagang ito.Sabay pa nilang ibinalik ang tingin kay Cally, na mahimbing pading natutulog sa backseat ng kotse ng kaibigan.Nang akmang hahawakan na ito ni Klent, mas lalo siyang napatanga ng magsalita ulit ito."Ralph-------wait"- Sambit nito sa kalagitnaan ng pagtulog, at nagpabaling baling pa ang ulo sa kaliwa at kanan, na mistulang binabangungot. Hindi nakagalaw si Klent sa kinatatayuan, nang mapansing may butil ng luhang lumandas sa pisnge ni Cally.Nang mapansin ni Alonica na hindi na gumagalaw si Klent, siya na mismo ang lumapit sa kaibigan upang gisingin."Cally, wake up"- Inalog-alog niya ito."Mhmmm---"- Daing ni Cally, natauhan naman si Klent."I'll carry her . You Can go home after"- saad nito kay Alonica

    Huling Na-update : 2020-09-10

Pinakabagong kabanata

  • LIFE FULL OF LIES   EPILOGUE

    Five years later"Its been along time, how are you?"Its been five years, since the day he left. Ang araw kung saan, sobrang sakit at pait nang lahat. Akala ko, pagkatapos nang lahat nang iyon ay magiging maayos na kami. But he left me, alone. Sobrang sakit at hirap, para sa aking mag adjust nang mag isa. Namuhay ako sa sarili naming tahanan, nang wala siya.I finished my studies. I graduated in collage without him, by myside. I lived my life, full of pain and regrets. Yung sakit na kahit sino man ay hindi kayang ibsan. Pagsisisi na mahirap nang maibalik. I love him, until now.And i'd waited for him, to came back."Yes, its been five years. And still, i can't forget you"

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-SEVEN

    "You must be my wife's, bastarda"Bastarda?, hindi naman ako putok sa buho, o anak sa labas. Unless fake ang kasal nila daddy."Nakuha mo ang pagmumukha nang ama mo. Akalain mo nga naman, hanggang ngayon humihinga ka padin, pagkatapos nang lahat nang aksedenteng nangyari sayo"- Sarkastikong sambit nito.He knew everything, i guess."Pero mukhang wala sayo ang swerte ngayon, ija"- sinundan pa nito nang pagtawa niya. Tawang nakakakilabot.Mag ama nga sila, parehong mga takas sa mental.Nagulat na lamang ako, nang pahablot niyang hinawakan ang panga ko. At, i swear to god. Ang sakit, halos maluha na ako sa higpit n

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-SIX

    Im totally lost. Until now, hindi pa din madigest nang sistema ko, lahat nang nalaman ko. From being felt betrayed, to broken family, until being loved by someone i couldn't chose before.*Bzzt, bzzt, bzzt*I look at my phone, and took it.1 message received, from unknown|Hi sissy, lets meet up. I'll text to you the address, aryt?. See you, lil'sis|I know, it was Margareth. Ano namang kelangan nito nang ganitong kaaga?. The heck.|1 hour later|What's with this girl?. She asked me to go to the abandoned building?. Ano namang gagawen ko doon?. Magkukwentuhan daw kami?. Hindi k

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-FIVE

    "BECAUSE I STILL CARED FOR HER, AND I CAN'T STAND SEEING HER IN PAIN BECAUSE OF YOU AGAIN, ASSHOLE"Ano na bang nangyayari sa mga tao ngayon?."Do you think matatanggap ka uli niya after what you did?"- klent"I just did that because i don't have a choice, you know that. Of all people, ikaw dapat ang isa sa nakakaalam niyan, Mariano. You know, what we've been through.""But she's fine know, she totally forget about you, forget about everything.""Stop acting as if, you treated her so well. As far as i remember, you never been nice to her, since the day she chose me over you. You know what?, you just see me as a threat, kaya ka nakipag ayos sa kaniya hindi ba?. Your worried that she might like

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-FOUR

    Calissa's Pov2 weeks. Its been two weeks had passed, simula nang mangyari ang insidente sa parking lot, and its been effin' 2 weeks, magmula nang kumalat ang isuue tungkol sa 'rumored' girlfriend ni Markus, and caught of being with klent. Hanggang ngayon, hindi padin matukoy kung ano ba ang dahilan nang nangyaring pamamaril, at nababahala na ang karamihan pumapasok sa school dahil doon."Let's go?"- aya ni klent. Palagi na talaga kaming sabay ni klent, pero sinasakto talaga naming wala nang masyadong tao sa parking lot, para iwas na din sa issue. Lalo pa't nababalitang ako yung rumored girlfriend ni Markus."Mhmm, tara na"- nakangiting ani ko, naglakad na kami papalabas nang bahay, sumunod naman si Manang para sana pagbuksan kami nang gate, pero napatigil si klent sa paglalakad nang tumunog ang cellphone niy

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-THREE

    Alonica's PovRinig na rinig kung nag announce na may kakanta daw muna, for introduction bluh bluh bluh."Asan si Cally?"- i asked Markus,and Steven, but they're both shrugged. Asan na yun?. Hinanap siya ng mga mata ko, and my eyes almost come out, when i found her standing at the center of the stage.What is she going to do there. Even Markus and Steven are both shocked. Naalala ko, inanounce na may kakanta. Don't tell me, its her. What the heck, hindi ito pwede. Tatabko na sana ako papunta doon para pigilan siya. But someone pulled my arm."Let me go ano ba?. She needs help"- pagpupumiglas ko."The help is already there"- napatingin ako sa stage at napatigil, when i saw C

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-TWO

    Calissa's PovThe next day morning, nanatili pa kami doon until 3PM, sinubukan naming mag jetski together, snorkling, and also diving. Naglibot libot din kami sa pamilihan to buy some pasalubong. This is the happiest memories that we shared together. Yung dating hinihiling ko lang, ngayon isa na sa pinaka magandang alaalang meron ako."Nag enjoy ka ba?"- He asked, nang makasakay na kami pareho sa kotse, babyahe na kami pabalik sa manila."Sobra pa, sa sobra"- nakangiting sagot ko sa kaniya, pero mas napangiti ako nang masilayan ko muli ang magaganda niyang ngiti, na kita pati ang kaniyang mapuputing ngipin."That's good to hear"- He said."Thank you for this day, thank you for making this day

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY-ONE

    Calissa's Pov"Im sorry, and i mean it. I want to start a new one, with you. And this is the right time to do that"Paulit ulit yang nag eecho sa pandinig ko, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, para itong musika sa aking tenga, ang sarap sa feelings.Andito ako ngayon sa veranda nang hotel room na pinareserved ni klent, meron itong dalawang bedroom. Dito din mismo sa resort, syempre tig isa kami ng kwarto. Kasalukuyan ako ditong nakatayo habang dinadama ang ihip nang malamig na hangin na dumadampi sa aking balat, habang tinatanaw ang napakalinaw na tubig nang dagat, nagtatayugang puno nang niyog, at may mangilan ngilan ding pool area na matatanaw, meron din itong cottage malapit sa mismong dagat. Makikita rin mula dito, ang iba't ibang nagtitinda nang kung ano ano, i think they're called it 'Changge/Tiya

  • LIFE FULL OF LIES   CHAPTER THIRTY

    Calissa's PovAng sakit, sobrang sakit nang ulo ko. Hindi ko din maidilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko sobrang bigat nito.Haysst!, heto na naman ako, naaalala na naman ang kahapon.|Flash back|"Im going to leave you for awhile, for you to have space to breath and think. I know you need space for your self"- nilingon ko si Markus, nang sambitin niya ang mga katagang ito.Im very lucky, having a friend like him. Yung tipong wala ka pa mang sinasabe, pero nararamdaman ka niya?. I smiled to him."Thank you"- sambit ko, bago ito tumayo at umalis ay ginulo niya pa muna ang buhok ko. 

DMCA.com Protection Status