"Wait lang, mag-CR lang ako. Hindi ko na kayang pigilin 'to hanggang sa bahay!" wika ni Belle saka tumakbo sa CR samantalang naiwan siya doon sa lamesa nila. Nakatayo lang siya doon habang hinihintay si Belle at hawak ang lahat ng pinamili nila.Naramdaman niya na naman na parang may mga mata na nakatingin sa kanya mula sa kung saan. Palinga-linga siya pero 'di na makita. Sa dami ng tao doon, siyempre may mapapatingin din talga sa kanya.Nagkibit-balikat na lang siya pero pagtingin niya sa medyo kalayuan, ay andoon na naman ang lalaking kanina pa niya pinagdududahan na nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung siya talaga ang tinitingnan nito dahil nakatago ang mukha nito, pero 'yun ang nararamdaman ng instinct niya.Nakaupo lang ang lalaki sa bench sa ilalim ng malaking puno at kunyaring nagce-cellphone pero pakiramdam niya talaga ay nag-aabang ito sa kanya. "Huuuy!"Napatalon siya nang bahagya nang kalabitin siya ni Belle."Ano ba ang nangyayari sa'yo? Bakit parang nagiging magugu
**********HUNTER'S POV:"Fuck!" Mura niya. Sino, ang lalaking nakaakbay kay Yassy? Bago pa itong nobyo ng dalaga?Sa tagal ng patagong pagsunod-sunod niya kay Yassy sa London, ay ngayon niya lang nakita ang lalaking iyon at halatang close ang dalawa. Nagawa pa nitong akbayan at halikan si Yassy. At si Yassy naman ay halatang komportable din sa lalaki.Nagtatago siya sa isang eskinita habang nakatingin sa papalayong sina Belle, Yassy, at ang lalaking kasama ng mga ito. Dalawang linggo na siya doon sa London. Wala siyang ginawa doon kundi sundan si Yassy sa lahat ng mga lakad nito.Simula nang malaman niyang bumalik si Yassy sa London ay pumunta din cya doon. Medyo natagalan lang ang pagsunod nya dahil hindi nya maiwan-iwan si Olivia. Lagi itong nakabuntot sa kanya. Kung ano ano ang hinihingi dahil sa paglilihi nito. Nakonsencya naman cyang pabaayaan dahil anak nya ang dinadala nito. Speaking of Olivia, walang kaalam-alam ang dalaga kung nasaan siya. Kapag nalaman nitong nasa London s
YASSY'S POV:Araw ng graduation niya. Dumating na ang mga magulang niya galing Pilipinas kasama si Caleb. Sa hotel ang mga ito dumiretso dahil hindi naman sila kasya lahat doon sa apartment nila ni Belle. Maging ang mga magulang ni Belle ay dumating na din. Doon na sila magkita-kita lahat sa university.Kasalukuyan na siya sa university. Nagsisimula na ang programa. Madaming tao at hindi pa niya nakikita ang mga magulang niya. Hindi sila magkasama ni Belle dahil iba naman ang course nito. Nasa iba itong upuan.Palinga-linga siya sa paligid. Hinahanap niya ang mga magulang at kuya niya kung saan nakaupo. Lumapad ang ngiti niya nang makita niyang kumakaway ang mommy niya sa direksyon niya. Nakita din siya ng mga ito.Sobrang saya niya. Natupad na din ang pangarap niya. Nakikita niyang masaya din ang mga magulang niya kahit pa noong una ay hindi ng mga ito gusto ang course niya.Muli niyang binalik ang atensyon sa programa. Muli na naman siyang napamuni-muni... Alam din kaya ni Hunter na
Pagdating ng apartment ay masaya ang kanilang pamilya. Nagkukuwentuhan ang mga magulang nila na parang naging close na din sa isa’t isa.“Kumare, ang ganda naman ng anak mong si Belle...” narinig siyang sabi ng mommy niya kay Tita Adora, mommy ni Belle.“Hay naku, kumare. Pasaway din ‘yan, matigas ang ulo. Buti nga at naka-graduate. Baka malaking influence si Yassy sa kanya kaya nagsipag din sa pag-aaral.”“Ay oo, mare. Masipag sa pag-aaral yang anak naming si Yassy. Kami lang ang umaayaw niyan kasi ayaw namin ng kurso niya pero pinaglaban niya hanggang sa wala na lang kaming nagawa kundi payagan siya. Pero malaki din ang influence ni Belle kay Yassy. Alam mo bang tomboy yang anak ko dati?”“Oh, really? Hindi halata dahil ang ganda niyang bata!”“Nahihiya nga akong malaman ng iba na tomboy ang anak ko dahil isa akong beauty queen nung kapanahunan ko. Ni hindi man lang niya sinabi sa akin ‘yon. Hihihi.” Pagbibida ng mommy nya. “But now look at them. Dalagang-dalaga na sila at may napa
"Pasok, Yassy!" sita ni Caleb sa kanya.Dahan-dahan naman siyang pumasok habang bitbit ang punpun ng bulaklak. Nakayuko siyang lumapit sa mga magulang. Nahihiya siya kahit wala naman siyang ginawang masama. "Is that Engineer Hunter Rosales?" nagtatakang tanong ni Senator Benigno. "Yes, Senator. It's Hunter," ang daddy niya ang sumagot. "What is he doing here? At bakit hindi siya pumasok?""He is Yassy's ex-boyfriend, Dad. And they are no longer together dahil may binuntis siyang babae!" kwento ni Belle sa ama."Is that so? Sayang naman. I know Engineer Rosales too. Magaling din ang batang 'yon. I've worked with him before. Magaling na engineer. Katulad ni Caleb na isang magaling din na abogado.""Mag-bestfriend sila, Dad... at parehas silang mga manloloko!" matalim ang tingin ni Belle habang nakatingin kay Caleb habang sinasabi iyon.Napangiwi si Caleb at ang mga magulang niya. Hindi na napigilan ni Belle na sabihin ang nilalaman ng puso nito kahit pa andoon ang mga magulang niya.
Kinabukasan ay uuwi na ang mga magulang nila sa Pilipinas."Mom, Dad, pwede bang si Kuya Caleb na lang ang maghahatid sa inyo? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." pagdadahilan niya. "Saka hindi na tayo kasya sa sasakyan pag kasama pa ako."Sasabay na sa pag-uwi ang parents ni Belle at ang parents niya. Plano niyang magpaiwan at sina Belle at Caleb na lang ang maghahatid sa mga ito."Sige, iha. Ikaw ang bahala. Mag-iingat ka dito, ha?""Yes, Mom… aasikasuhin ko lang ang iba ko pang permits sa school, saka babalik na rin ng Manila.""Ang pangako mo, Yassy, ha? Sa 'kin ka magta-trabaho!" nakangiting wika ni Tito Benigno sa kanya."Yes po, Tito. At salamat po sa pag-hire sa akin.""It's my pleasure, iha. See you in the Philippines."Humalik na siya sa pisngi ng mga magulang, ganoon din sa magulang ni Belle. Saka umalis na ang mga ito. Siya na lang ang naiwan sa apartment.Ang totoo ay may plano siyang umalis. May usapan sila ni Hunter na magkikita, kaya panay ang tingin niya sa kanyang
"Ahm, upo ka..." sambit ni Hunter at inalalayan siyang makaupo."What do you want to order?" nahihiyang tanong nito."Ikaw na ang bahala..." sagot niya, pinagmamasdan niya ito habang nakayuko at nakatingin sa menu book. Medyo nag-lose ito ng weight pero hindi naman ibig sabihin na hindi na ito gwapo. Ito pa din ang Hunter na minahal niya simula nang bata siya.... Ang nag-iisang first love niya.Gusto niyang maiyak habang nakatitig sa dating nobyo... God knows how she missed the guy."Ahm, gusto mo ng salad?" Napatingin ito at natigilan nang makitang namamasa ang mga mata niya. Agad siyang nagpunas ng luha. Hindi niya napansin na lumuha na pala siya."A-Are you crying, Yass?" nag-aalang wika nito."Ah, oo. Napuwing lang ako..." pagdadahilan niya. Nanatili itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung naniwala ito sa kasinungalingan niya."Salad lang sa akin saka soda." sagot niya sa unang tanong nito para ma-divert ang usapan nila."Ahm, sige..." sagot nito, pero hindi mawawala sa mu
Kapwa na sila nagpigil ng kanilang mga iyak. Ayaw naman nilang gumawa ng eksena doon sa coffee shop.Maya-maya ay nagpunas ito ng luha."Okay... if that’s what you want... but always remember, Yass... I love you and I will still love you in my own way."Yumuko siya. Hindi na siya sumagot sa sinabi nito. Gusto niyang itong yakapin for the last time pero nahihiya siya, at sa palagay niya ay hindi na iyon angkop sa relasyon na meron sila ngayon."Pwede ba kitang imbitahan sa tinutuluyan ko, Yass? I want to be with you kahit sandali lang..."Natigilan siya... Sasama ba siya? Gusto niya pero natatakot siya sa sarili niyang multo. Kalaban niya ang sarili niyang damdamin sa mga oras na 'yun.Tumango siya... pero hindi niya alam kung bakit. It's her heart that decided and not her mind.Tipid na ngumiti si Hunter saka nag-iwan ng bayad sa table nila. Tumayo ito at hinawakan siya sa kamay at inakay palabas ng coffee shop.Nagpatianod siya kay Hunter. Tila sunod-sunuran siya kung saan siya dadal
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu