**********YASSY'S POV:Habang nasa kotse siya kasama ang mga magulang niya, ay hindi niya maiwasang mapaisip. Bigla na lang nagdesisyon si Hunter na bumalik siya ng London. Tila ayaw nitong makisali pa siya sa problema nito sa kompanya kahit pa gusto niyang andoon siya sa tabi nito.May parte sa puso niya na nagtatampo siya kay Hunter, pero pinili niya ding intindihin ang boyfriend dahil marahil ay nahahati ang oras nito sa kanya at sa problema nito."Anak..." tawag-pansin ng papa niya habang nagda-drive. "May hindi ba kayo pagkakaunawaan ni Hunter kanina? Pansin ko kasi medyo tahimik kayong dalawa. Saka bakit ka nagdesisyon agad-agad na bumalik ng London? Akala ko ba ay magpapahinga ka muna?""Kay Hunter po ito desisyon, 'Pa. Baka ayaw niya akong maging sagabal sa trabaho niya." nagtatampong wika niya. Pilit niyang iniintindi ang nobyo, pero kahit anong gawin niya ay nagtatampo pa din siya. Pakiramdam niya kasi ay isa lang siyang nuisance at walang maitutulong."Baka naman ayaw ka l
Doon na natulog si Hunter sa kwarto niya, pero bago magliwanag at bago magising ang mga magulang niya kinabukasan, ay umalis na ito. Kinabukasan, ang pamilya naman ni Hunter ang dumayo sa kanila para mag-breakfast. Wala silang kaalam-alam na doon na nanggaling si Hunter at doon natulog sa kwarto niya. Di lang sila nagpahalata. “Iha, mamaya na kayo umalis, after lunch ha? Mag-bonding pa tayo ng konti. Nami-miss na kasi namin kayo.” Ngumisi siya ng malaki. “Okay, Mom,” sabi niya, pagbibigyan niya ang mga magulang dahil ilang buwan na naman siyang hindi makauwi kapag nakabalik na siya sa London. Maya-maya, dumating na din ang paboritong niyang pinsan na si Ate Almira. Agad siyang tumayo at sinalubong ito. “Ateeee!” sigaw niya. “AO mo ha!" komento nito sa kanya, pero deep inside alam niyang nami-miss din siya nito. “Di ka man lang nagpasabi na uuwi pala kayo. Sana nagpaluto ako kay Nanay ng kakanin.” “Biglaan lang ang pag-uwi namin, Ate,” wika niya. “May pasalubong ka ba
Actually, ay pupunta sila dito ngayon, pinsan. Nung nalaman ko kasi na andito ka, ay chinat ko sila agad ni Liam, dagdag pa si Almira.Nakikinig lang siya pero naiinis siya sa pinsan niya sa panghihimasok nito sa kanya. At si Hunter naman, na nakikinig lang sa kanila, ay hindi na maipinta ang mukha.And speaking of the devil, at dumating nga si Elijah kasama ang pinsan nitong si Liam, na kababata din nila."Look who's here? Ang ating soon-to-be mayor!" Masayang anunsyo ng papa niya nang makita si Elijah at Liam. Halatang magiliw ang lahat kay Elijah, lalo na’t kababata nila ito.Tatay ni Elijah ang kasalukuyan nilang mayor, at palagi nitong sinasabi sa kanila noon na pagdating ng panahon, ay ito ang papalit sa ama nitong bilang mayor. Dati pa iyong pangarap na ni Elijah."Hello, everybody!" Magiliw ding bati ni Elijah, palapit sa kanila. Magaan ang aura ni Elijah dahil palangiti ito, kaya hindi nakapagtataka kung mananalo ito sa susunod na eleksyon. Wala namang nakakatalo sa pamilya n
"Yeah. Hindi na ako magtataka kung may galit siya sa'yo. Mahangin kasi 'yun. Gusto niya siya lagi ang bida. Ayaw nung magpalamang. Nakabangga ko rin siya dahil sa isang project na binaldog niya. Akala mo kung sino, baldog naman kung gumawa!" inis na wika ni Elijah."Don't worry, tutulungan kita kung sakaling may gagawin silang masama laban sa'yo. Sa likod mo ako, bro. Ugh, I hate his guts!"Biglang nagluwang ang mukha ni Hunter. "Thanks, bro! Hindi ka pa man mayor, mukhang kina-career mo na ah.""Alam mo naman, I work for Dad, right? Tinutulungan ko siya sa mga project sa lungsod. At di maiiwasan na may palpak talagang mangyayari dahil sa mga maling kompanyang nakukuha, like Mike Saragoza.""Don't worry, bro. Kapag naging mayor na ako, ikaw ang ire-refer ko sa mga project ng gobyerno dito sa atin."Lalong lumaki ang ngisi ni Hunter. Maging siya ay natuwa sa sinabi ni Elijah."Thanks, bro. Appreciate it much!""Basta sa isang kondisyon!" nakangising wika ni Elijah."A-ano yun?""Wag mu
"Ohh… damn… shit, ang init ng loob mo, babe… Wag mo akong ipagpapalit dito ha… Ako lang ang makakapagpaligaya sa'yo ng ganito… I will make you happy as long as I live, baby…" ungol ni Hunter habang tinitira siya sa likod. Halos hahalik na siya sa pader sa lakas ng pagkady*t nito sa kanya.Lihim siyang napangiti. Kahit si Hunter Rosales na ito-- isang sikat na engineer sa bansa, ay mayroon pa ring insecurities sa katawan. Nagseselos pa ito kay Elijah at takot na maagaw siya.Natigil ang pag-iisip niya nang nilamas nito ang dalawa niyang bundok at nilaro ang nakapatong na mapupulang ut*ng niya doon. Nangingilo siya sa sarap. Para siyang naiihi na ewan."Ohh… ahh…" mahinang ungol niya. Ayaw niyang gumawa ng malakas na ingay kahit pa gustong-gusto na niyang umungol nang malakas sa sarap.Maya-maya ay hinarap siya nito at hinawakan ang isang paa niya pataas. Nakakapagod ang standing position pero masarap. Humawak siya sa balikat ni Hunter para manghiram doon ng lakas. Tanging pagbubungguan
“Mag-ingat ka dun ha...” wika niya kay Hunter habang hinahatid ito sa kotse. Nakapulupot ang kamay niya sa bewang ng nobyo habang ang mga kaibigan ay nakasunod sa likod nila. “Bumalik ka agad sa Manila ha…” sabi din nito. Tumango siya. Tumigil sila sa harap ng kotse nito. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tumingin sa nobyo. “Aalis na ako, babe. Kayo na muna ang mag-enjoy dito. Sabihin niyo lang kay Manang kung anong gusto niyong kainin para ipagluto kayo.” “Don’t worry about us. Nagdala na si Elijah ng pagkain para sa amin.” nakangiting wika nya. Nagulat cya ng may dala si Elijah at puro mga paborito nya. Mukhang nag effort talga ang binata sa pagdating nya. Tumango ito at hinalikan siya sa labi saka sumakay na ng kotse. Kumaway pa siya habang papalayo ang kotse nito. “Tama na nga yan! Nakakapangilabot na ang ka-kornihan niyong dalawa!” reklamo ni Almira. Kung dati ay boto ito kay Hunter, ngayon ay parang iba na. Hindi pa rin ito makamove-on sa ginawa ni Hunter sa kanya. Siya
"Elijah… alam mo naman dati pa na kami na ni Hunter, ‘di ba? Akala ko ba ay naintindihan mo?" mahina ang wika niya. Naghahanap siya ng mga kataga na maipaliwanag ng maayos kay Elijah nang hindi ito ma-offend."Binabasted mo na ba ako, wala pa man, Yassy?""Hindi kita binabasted dahil hindi ko tinatanggap ang panliligaw mo. Ano ba ang gusto mo? Masira ang pagkakaibigan natin? Ipagpapalit mo ba ang masaya nating relasyon?" madiing wika niya."Kahit pa mag-break kami ni Hunter, hindi kita sasagutin dahil kaibigan ang turing ko sa’yo. I love you as a friend, Elijah." Hindi niya gusto ang nangyayari, pero kailangan niyang sabihin at maging totoo kaysa paasahin pa ang kaibigan niya.Tumahimik ito. Ramdam niya ang pagbabago sa pagitan nila ni Elijah. Hindi na ito tulad ng dati, hindi na ito ang masayahin. Pakiramdam niya ay may puwang na namamagitan sa kanila.Nararamdaman niya ang bigat ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ang ingay nina Almira at Liam lang ang naririnig nila... masaya
TRICIA'S POV:"Napaka-swerte mo nga naman talaga, Yassy. Pinag-aagawan ka ng mga poging lalaki. Ano ba ang meron ka na wala kaming lahat?... at patay na patay sa'yo si Hunter at Elijah!" galit na wika nya habang masama ang tingin sa direksyon ni Yassy. Nanlilisik ang mga mata niya habang patagong nakatingin sa mga ito. Nasa isang malaking kahoy siya nagtatago. Nang malaman niyang dumating si Hunter mula sa Manila, pumunta agad siya doon sa bahay ng binata.Simula nang naghiwalay sila, ay hindi na niya ito nakita. Marahil ay pinagtataguan siya. Gusto sana niyang makita at makausap muli si Hunter, pero hindi niya ito naabutan. At ang malas pa, andoon din ang mahaderang si Yassy kasama ng mahadera ding pinsan nito na si Almira.Napangiti siya nang nakakaloko. Ngayon, may nalaman siya... Nakita niyang nakikipaglandian si Yassy kay Elijah habang wala si Hunter. Gusto pa ata tuhugin ang dalawang magkaibigan.Akala mo kung sinong birhen, malandi din pala! Pinaalis lang nito si Hunter, saka
"What are you doing here, Mike?" wika niya, nanginginig. "Relax, Olivia. Hindi mo ba ako na-miss?" wika nito saka tumayo sa kinauupuan at humalik sa kanyang pisngi."Umupo ka muna..." sabi nito saka inalalayan siyang umupo sa harap ng upuan nito. "Kamusta ka na? Long time no see. Di mo man lang ako binisita sa ospital noong na-disgrasya ako. Parang wala tayong pinagsamahan, ah..." biro nito sa kanya na may halong panunumbat. "Ano ang ginagawa mo dito, Mike?""Na-miss lang kita. Ilang araw na akong balik-balik dito sa restaurant mo... Pumunta din ako sa condo at bahay mo pero wala ka doon. Saan ka ba nakatira ngayon?" malumanay na wika nito. Tinitigan niya itong mabuti. Parang hindi siya makapaniwala na si Mike ang kaharap niya. "Wala ka na doon kung saan ako nakatira!" supladang wika niya. Ngumiti ito ng tipid saka napasulyap sa tiyan niya. Agad niya iyong tinakpan para matago ang umbok ng tiyan niya. "Malaki na pala ang tiyan mo... Balita ko buntis ka... Ako ba ang ama?" direts
"Ano ang gusto mong kainin, anak?""Pasensya ka na sa bahay natin, ha.""Hindi ako gutom, Tay... Andito ako dahil may ipapagawa ako sa'yo." Diretsahang sabi niya habang nakaupo sa tapat ng kanyang ama."Ano 'yon, anak?" Tanong ng ama na halatang nag-aalala pero bukas pa rin sa sasabihin ng anak."Gusto kong idispatsa mo ang lalaking 'to..." Sambit niya sabay abot ng litrato ni Mike."A-anak... kakalabas ko lang ng kulungan. Gusto mo bang bumalik ulit ako doon?" May halong takot at lungkot sa tinig ng ama."Maatim mo bang saktan ako ng lalaking 'yan?" Tanong niya, sabay haplos sa kanyang tiyan."Siya ang ama ng dinadala ko, Tay. Pero hindi ko siya gusto para sa amin ng anak ko. May iba akong mahal. Kaya gusto ko siyang mawala... para wala na akong inaalala."Tahimik ang kanyang ama, tila iniisip ang bigat ng hinihiling ng anak."S-Sige, anak. Gagawin ko ang gusto mo... Makabawi man lang ako sa mga pagkukulang ko sa’yo."Ngumiti siya at tumayo. "Salamat, Tay. Hindi na ako magtatagal. Ba
Kinabukasan ay hinintay niya lang na umalis si Hunter saka din siya umalis. Pupuntahan niya ang tatay niya. Kailangan niya itong makausap bago pa siya maunahan ni Mike. "Saan ka pupunta, Ma'am Olivia?" tanong ng kasambahay nang makita siyang palabas ng bahay, dala niya ang kanyang handbag. "Ahm, pupunta lang ako sa doctor, Manang. Schedule kasi ng check-up ko ngayon.""Di ba dumating na si doc kagabi? Saka mahigpit na ipinagbilin ni Senyorito Hunter na hindi kayo palalabasin ng bahay. Delikado po, lalo na buntis ka.""Sandali lang ako, Manang. At sana ‘wag na lang din makarating kay Hunter na lumabas ako. Alam mo naman po ‘yun, natatakot na anong may mangyari sa akin, lalo na’t dinadala ko ang anak niya."Bahagyang umasim ang mukha ng kasambahay. Alam niyang walang itong gusto sa kanya para sa amo nilang si Hunter. Pero wala na silang magagawa, balang araw ay siya na ang magiging reyna sa bahay na ‘yun at walang makakapagpigil sa kanya.Umalis na siya. Hindi na rin siya pinigilan ni
Tahimik lang si Hunter saka tinanggap ang reseta.“Mauuna na po ako, Sir. Sakaling may nararamdaman po ulit si Ma’am Olivia, tawagan n’yo na lang po ako,” paalam ng doctor saka umalis na. Dalawa na lang sila ni Hunter ang naiwan sa kwarto.“Hunter, ’wag mo akong iwan. Natatakot ako sa pagbalik ni Mike...”Nanatiling tahimik lang si Hunter habang nakatingin sa kanya.“Gusto man kitang tulungan, pero may kasalanan ka pa rin sa akin, Olivia. Sinira mo ang buhay ko. Hindi ko maatim na makita ka araw-araw dito sa bahay ko. Pagkatapos mo diyan, ipapahatid na kita sa bahay mo.”“Hunter, please, ’wag! Mag-isa lang ako doon at walang kasama. Baka puntahan ako ni Mike doon!”Muling tumahimik si Hunter at tila nag-iisip.“Sige, tutulungan kita. Pero ipaliwanag mo kay Yassy ang lahat. Ipaliwanag mo kung paano mo kami sinira... ikaw ang magpaliwanag para maintindihan niya na hindi ako nagkasala sa kanya. At ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito. Tutulungan mo akong bumalik si Yassy sa akin.”“Fuc
Napayuko siya. Hindi niya akalain na aabot sila ni Hunter sa ganito. Hindi niya akalain na malalaman nito ang lahat."Hunter, let me explain huhuhu..." Napaupo siya sa kama. Ang sakit ng dibdib at tiyan niya. Pakiramdam niya ay manganganak na siya sa mga oras na ‘yon dahil sa stress."Explain what, Olivia? Sa pulis ka magpaliwanag sa pagpatay mo kay Tricia. Hindi ako makakapayag na hindi mo pagbayaran ang lahat ng kasalanan mo!""NO! Hunter, please! Huhuhu...." sigaw niya habang hawak ang kanyang tiyan. Hindi niya lubos maisip na ipapakulong siya nito sa kabila ng kanyang kalagayan."Yes! Guilty ako sa sex video natin! Inutusan ko si Tricia para kunan tayo ng video at isend iyon kay Yassy para hiwalayan ka niya. Pero hindi ako guilty sa pagpatay kay Tricia!.... Wala akong kasalanan!""Paano mo ma-e-explain ang lahat ng iyon... ang pagka-aksidente niya na kasama si Mike? Magsabi ka ng totoo, Olivia, dahil hindi ako naniniwalang coincidence lang ang lahat."Tumahimik siya... paano niya
Hindi naman nagtagal ay dumating si Hunter. Seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya."Hunter... I'm glad you're here! Natatakot ako..." agad cyang lumapit at nyakap ito pero kinalas nito ang kamay nyang nakapulopot sa leeg nito"Natatakot saan, Olivia? Sa sarili mong multo?"Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito pero hindi na nya iyon inintindi."Bakit andito ka sa baba?""Natatakot kasi ako doon sa kwarto... Wala akong kasama.""Walang multo sa bahay ko. Unless may sinama kang multo dito?" Matalinghagang sabi na naman ulit nito.Sa uri ng pagtingin ni Clark sa kanya, ay nararamdaman niyang may gusto itong sabihin pero halatang nagpipigil lang."Umakyat ka na sa kwarto mo, Olivia." wika ni Hunter saka nagpatiuna na sa paglakad. Dali-dali siyang sumunod sa likod nito.Pumasok ito sa inookupa niyang kwarto. Nagulat siya dahil hindi naman ito pumupunta doon, pero ngayon ay nauna pa itong pumasok.Lihim siyang napangiti... Baka na-realize ni Hunter na kailangan niya ng
Pumatak ang mga luha niya habang inaalala iyon. Ayaw na niyang balikan ang sitwasyong ‘yon. Nagkaroon siya ng depresyon dahil sa ginawa ni Mike, at ngayong bumalik na naman ito… ano na ang mangyayari sa kanya?Ang akala niya ay tapos na ang lahat. Malapit na niyang makuha si Hunter. Kaunti na lang ay mapapayag na niya itong magpakasal sa kanya.Mabilis na lang namang dayain ang hinihingi nitong DNA test kung ito nga talaga ang tunay na ama. Magagawan niya ng paraan 'yon. Pera lang ang katapat nun. Pero paano na ngayon kung buhay pala ang demonyong si Mike? Totoo nga ang kasabihan na "masamang damo ay matagal mamatay!"“Fuck! Sana namatay ka na lang, hayop ka!” sigaw niya.“Olivia!?.... Olivia!?”Napatalon siya sa gulat nang marinig si Hunter na kumakatok sa kanyang pinto. Agad niyang inayos ang sarili at dali-daling binuksan ang pinto.“Ahm, Hunter… may kailangan ka ba?” wika niyang pilit ang ngiti. Nababanaag pa rin sa mukha niya ang takot at pag-aalala.“I heard na sumigaw ka. May n
"I forgot to tell you, habang nasa ospital ka noong nalaglag ka sa hagdan, ay bumisita pala si Mike. And guess what.... buhay siya."Nanlaki ang mga mata nitong napatingin sa kanya.“B-buhay si Mike?”“Yes… at binisita ka niya. Hindi lang siya tumagal dahil may pupuntahan pa daw siya. Pero bibisitahin ka daw niya ulit.”“No!” Agad na sabi nito na nanginginig. Agad naman siyang naalarma sa pinapakitang reaksyon ni Olivia.“What is it, Olivia? Takot ka ba kay Mike? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?”“Ah, eh wala… it’s just that I don’t want to see him anymore....”“May ginawa ba si Mike sa’yo? Tell me para matulungan kita…” Sandaling lumambot ang puso niya sa dalaga. Mukhang hindi ito nagda-drama lang sa takot nito. Parang nakonsensya siya tuloy na sinabi pa niya ang pagbisita ni Mike.“Ah, eh… wala.”Hindi na siya nakapagtanong ulit dahil dumating na sila sa bahay niya. Nauna na itong lumabas. Hindi man lang siya nito hinintay na alalayan niya.“Ahm, magpapahinga muna ako sa guest
Hindi siya agad nakasagot. Pinagmasdan niya si Olivia, na ngayon ay parang balisa at takot na takot. Totoo ba ang sinasabi nito? O isa na namang drama para makuha ang simpatiya niya?“Pwede ba, Olivia? Huwag mo akong paikutin. Ano pa ba ang kailangan mo? Pinatira na kita sa bahay ko, di ba?” malamig niyang tugon habang pinipilit kontrolin ang galit sa dibdib.“Umuwi ka na. I need my privacy!” dagdag pa niya. Kailangan pa niyang tingnan muli ang cellphone ni Tricia at baka may makikita pa siya doon na lead, pero paano niya magagawa iyon kung andoon din si Olivia? Akmang isasara na niya ang pinto nang biglang napahawak sa tiyan si Olivia.“Aray… ang sakit!...” Napaupo ito sa sahig na parang hirap na hirap.“Olivia? What happened?” Hinawakan niya ito at pilit na itinayo. Kahit na galit siya dito, hindi naman niya matiis na balewalain ito. Kawawa namang bata sa sinapupunan nito. “What do you feel?”“Parang naninigas ang tiyan ko... baka... baka may mangyari sa baby natin… ang sakit huhuhu