Ano sa tingin n'yo pag-uusapan nila? Hahaha.
CHAPTER FOURTY-SIX: PERFECTLY IMPERFECT✿♡ KEYCEE ♡✿DINALA ko si Poppy sa guestroom na okupado niya para doon kausapin tungkol sa magiging set up nila ni Faith. Ang totoo, isang linggo bago pa man sila ikasal, nakapag-usap na kami ni Ace tungkol dito.No’ng naisara ko na ang pinto at pareho na kaming nakaupo ni Poppy sa paanan ng kama, hinarap ko siya. “Poppy . . .”“Po?”“Dati kasi, no’ng akala namin na si Chloe ang mapapangasawa ni Faith, ang plano namin sana, ibukod sila ng bahay.” Nanatili ang tingin niya sa ‘kin, nakikinig mabuti. “Pero dahil ikaw ang pinakasalan ni Faith, nag-usap kami ng Daddy Ace mo na hindi muna kayo bubukod.”Tumango siya, bahagyang nakangiti. “Okay lang po. Mas gusto ko nga po rito. Mas masaya po akong kasama kayo.”Napangiti rin ako, kasunod ang paghaplos ko sa ibabaw ng ulo niya. “Naisip kasi namin ng Daddy Ace mo na mas mapapabuti kung dito muna kayo ni Faith sa poder namin. Isa kasi sa Ipinag-aalala namin kung sakaling bubukod kayo, ay ‘yong pagtatraba
CHAPTER FOURTY-SEVEN: CONFRONTATION✧FAITH ZEICAN LEE✧I SAT on the porch with Dad, the moon casting a warm glow over the garden. The gentle breeze carried the scent of blooming flowers, creating a peaceful backdrop. Despite the tranquility, my mind was in turmoil. Hindi pa kasi binubuka ni dad ang bibig niya, pero parang alam ko na kung ano at saan papunta ang pag-uusap naming dalawa.Dad turned to me, his eyes filled with concern. “You know, Faith, when your mom and I got married, she was just eighteen. She was still studying, had her whole future ahead of her.”Mukhang tama ako ng iniisip. Alam ko na kung saan ‘to papunta. Siguradong ganito rin ang pag-uusapan ni mommy at Poppy ngayon“Yes, dad. I know. At mukhang alam ko na rin kung ano’ng pag-uusapan natin. You don’t have to tell me. I got it.”Dad chuckled softly, a faraway look on his face. “Your mom and I didn't share a room or sleep together,” patuloy niya kahit na sinabi ko nang alam ko na kung ano’ng point niya. “Keycee was
CHAPTER FOURTY-EIGHT: BABY✧FAITH ZEICAN LEE✧LUMAPIT ako kay Poppy at inilapag sa harap niya ‘yong tinimpla kong gatas. Bahagya niya ‘kong nginitian. “Salamat, Ku—” Saglit siyang natigilan at nahihiyang natawa. “Faith pala. Pasensya na, nalilito pa rin ako minsan.”“Okay lang. Masasanay ka rin.” Naupo ako sa katapat niyang upuan. Maliit lang ang bilog na wooden coffee table kaya halos magkalapit pa rin kami. May nakasindi pang ilaw sa balcony kaya ‘yon ang nagbibigay liwanag sa ‘min, idagdag pa ang sinag ng buwan sa taas at mga bituin. “Kumusta pakiramdam mo? Okay ka na?”Tumango siya. “Lagi naman akong okay kapag narito ‘ko sa inyo. Hindi ko lang inaasahan ‘yong pagdating kanina ni Ate Chloe.” Dumukwang siya sa ‘kin at hindi ko inaasahan ang pag-angat ng isang kamay niya sa pisngi ko, sa parteng sinampal ni Chloe kanina. “Masakit pa ba?” She swept her thumb gently across that spot, and my heart skipped a damn beat. “Medyo namumula pa.” Para rin akong nakuryente sa hawak niya at dumal
CHAPTER FOURTY-NINE: FAITH VS. POPPY'S PARENTS ✧FAITH ZEICAN LEE✧ ISANG linggo na ang lumipas matapos ang panunugod ni Chloe sa bahay, at ngayon lang kami ipinatawag ng mga magulang ni Poppy, dinner at para na rin daw makausap kami. Si mommyla ang nagparating sa ‘kin na kailangan naming pumunta ngayon sa mansyon ng mga Herald. Last week kasi dapat kami pupunta oras na makabalik kami after ng kasal, pero hindi ‘yon natuloy dahil nga sa eskandalong ginawa ni Chloe. Idagdag pa na sinabihan kami ni mommyla na huwag munang magpakita sa parents ni Poppy at hintayin muna naming humupa ang init ng ulo nila dahil no’ng time na dumeretso sila ro’n para ipaalam ang kasalukyang sitwasyon namin ni Poppy—na kinasal na kami—ay matindi raw ang galit ng mag-asawang Herald, lalo na si Lucio. Pero ngayon, kailangan na naming silang harapin. Gusto pa sanang sumama ni mommy at daddy dahil nag-aalala sila sa ‘min ni Poppy, pero ako ang nag-insist na huwag na lang. Kaya ko na ‘to. Kakayanin. “Poppy?” I
CHAPTER FIFTY: [MANGINGISAY NA NAMAN KAYO SA KILIG, FOR SURE! HAHAHA!] ✧FAITH ZEICAN LEE✧ “ARE you ready?” malumanay kong tanong kay Poppy. Nasa loob pa rin kami ng sasakyan ko at bahagyang nakapihit ang katawan ko paharap sa kaniya. It’s been two weeks simula no’ng manggaling kami rito sa mansyon nila at mangyari ang sagutan namin ng mga magulang niya. Pero ngayon, muli nila kaming ipinatawag para sa isang family dinner. Ayon kay mommyla nang makausap ko siya no’ng isang araw, mukhang tanggap na raw ng parents ni Poppy ang sitwasyon namin. Napilitan na lang daw nilang tanggapin dahil wala na silang choice. Pero ako, hindi ‘yon ang nakikita kong dahilan. Mukhang dahil ‘yon sa pagbabanta ko sa kanila dahil hindi nila inaasahan na alam ko ang mga ginawa nila kay Poppy at ang plano nila rito. “Hindi na kaya nila tayo aawayin?” Poppy asked nervously. Her voice trembling. Umiling ako. “Mukhang hindi na. At kung awayin man nila tayo—again—I will stand up for you. Hindi naman kita pabab
CHAPTER FIFTY-ONE: COFFEE DATE✧FAITH ZEICAN LEE✧SIMULA pa kaninang mag-drive ako palayo sa mansyon, pansin kong hindi inaalis ni Poppy ang tingin niya sa ‘kin. Hindi ko siya nililingon, pero mula sa gilid ng mata ko, alam kong nakatingin siya sa ‘kin at nakatitig.“Kaunti na lang, Poppy, matutunaw na ‘ko sa titig mo,” biro ko sa kaniya, bahagya akong nakangiti. “Puwede mo naman sabihin kung may dumi ako sa mukha o kung naguguwapuhan ka na naman sa ‘kin.”Narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis. “Nakakahanga ka kasi.” ‘Tsaka niya pa lang inalis ang tingin niya sa ‘kin, nilipat niya sa daang tinatahak namin while I continue listening to her. “Hindi ko alam na magagawa mong patahimikin si mommy at daddy, pati si Ate Chloe sa mga salita mo. Ako kasi, hindi ko ‘yon kayang gawin. Natatakot ako sa kanila. Pero ikaw, ang tapang mo. Wala pang kahit sino ang nagtanggol sa ‘kin nang gano’n. Ikaw pa lang. At ang sarap pala sa pakiramdam.” She turned to face me again kaya binalingan ko rin si
CHAPTER FIFTY-TWO: STOLEN NIGHT✧FAITH ZEICAN LEE✧THE night was still, the moon casting a pale glow through the window of my room, habang deretso akong nakahiga sa kama, nakatanaw sa kisame at hindi mapakali. My mind was consumed with thoughts of Poppy, and my heart raced with a mixture of anticipation and anxiety.Alas nuebe ng gabi kaming nakauwi kanina sa bahay. Pagdating namin, sinalubong kami nila mommy at ng mga kapatid ko para kumustahin ang pagbisita namin sa mansyon. Syempre, para hindi sila mag-alala, hindi ko na kinuwento lahat.Mag-a-alas dies no’ng natapos kaming makipagkuwentuhan at nagkani-kaniyang akyat sa kuwarto. Pero ngayon, 11:30 p.m. na, wala pa rin akong natatanggap na chat mula kay Poppy.I reached for my phone, checking it for what felt like the hundredth time, hoping to see a message from her. The screen remained stubbornly blank, and I let out a frustrated sigh. She had mentioned earlier that she might invite me to sleep in her room, just like we had done wh
CHAPTER FIFTY-THREE: A SWEET MORNING✧FAITH ZEICAN LEE✧AGAD inangat ni Poppy ang mukha niya para paglayuin ang labi namin, her breath shaky and eyes wide with a mix of emotions. Kasunod ang katawan niya. Pero ang masaklap— “Ahh!”Namilipit ako sa sakit dahil no’ng tiniklop niya ang isa niyang tuhod para alalayan ang sarili niyang tumayo, doon niya ‘yon naitukod sa maselang parte ko. The shock and intensity of the pain shot through me like a lightning bolt, making my vision blur. Natuhod niya ‘ko ro’n at pakiramdam ko katapusan na ng lahi ko.“F-Faith, p-pasensya na,” she stammered, panic evident in her voice as she crouched beside me. Pati mga kamay niya natataranta, hindi alam kung saan ako hahawakan o kung pa’no ako tutulungan.Nakatagilid ako at namimilipit sa sahig, pain bringing tears to my eyes. I gasped for breath, each inhale sharp and shallow. Mabuti na lang, ‘yong pagdaing ko kanina, hindi gano’n kalakas, napigil ko pa rin kaya kampante akong hindi kami narinig ng pamilya k