POPPY Five years old.“Ito pa. Para sa ‘yo lahat ‘to, Chloe.”Isa-isang inilalabas ni Daddy ang mga bagong laruan sa malaking shopping bag at lahat ‘yon inaabot niya kay Ate Chloe. Habang ako, nakasalampak ako sa malamig na tiles sa sala, nililibang ko ang sarili ko sa lumang puzzle na laruan ko.“At itong ipad, sa ‘yo rin ‘to.”“Wow!”Nakikiramdam ko at umaasa na mayro’n din binili si Daddy para sa ‘kin. Pero wala. Naubos ang lahat ng laman ng shopping bag na wala man lang siyang inabot sa ‘kin. Nang makita niyang nakalingon ako at nakatingin sa kaniya, sinamaan niya pa ako ng tingin kaya agad akong napayuko at muling itinuon ang atensyon ko sa puzzle ko.Simula nang dumating si Ate Chloe rito sa bahay, siya na lang palagi ang pinapansin at kinakausap ni Daddy. Ako naman, laging pinagagalitan kahit wala akong ginagawa. Pati rin si Mommy Jody lagi akong sinisigawan.Sobrang laki ng pagbabago sa ‘kin ni Daddy. Hindi ko alam kung may nagawa ba ‘kong mali para hindi niya na ako pansinin
CHAPTER THIRTY-SEVEN: FINDING POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧ILANG minuto na ‘kong nagmamaneho at tinatahak ang malabong daan dahil sa malakas na ulan. Parang namamanhid na katawan ko sa pag-aalala kay Poppy dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. Nakailang beses na rin akong tumawag sa number niya, pero hindi pa siya sumasagot. Sa voicemail pa rin pumapasok, at hindi ko alam kung narinig na niya mga pinadala kong voicemail.‘Where are you, Poppy?’ I whispered to myself.I turned down the road that led to the park, hoping against hope that she might have sought shelter there. The trees swayed wildly in the wind, branches snapping and crashing to the ground. I had to swerve to avoid debris, my knuckles white on the steering wheel.Finally, I reached the small parking lot by the park. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng isip ko. Pero gusto kong magbaka sakali. I pulled in and turned off the engine, the silence inside the car suddenly deafening against the roar of the stor
CHAPTER THIRTY-EIGHT: NIGHTMARE✧FAITH ZEICAN LEE✧THE room was small and musty, but it was dry and relatively warm. I flicked on the light, casting a dull glow over the threadbare carpet and worn furniture. Poppy stood in the middle of the room, dripping water onto the floor."Poppy," I called out, grabbing a towel from the bathroom and handing it to her. "Magpatuyo ka muna. Bababa lang ako saglit do’n sa clerk. May itatanong lang ako.”She took the towel with a grateful smile, at lumabas muna ‘ko sa kuwarto to give her some privacy. The storm still raged outside, the wind rattling the windows and the rain drumming incessantly on the roof.“Hi, Sir,” bati sa ‘kin ng babaeng clerk nang makita niyang palapit ako.“May tinda ba kayong T-shirt dito? Or anything na puwedeng ipangbihis?”“Wala po, Sir, eh. Pero kung gusto n’yo po ng bathrobe, puwede naman po kayong mag-request. Additional payment nga lang po.”Tumango agad ako. “Sige, Miss. Puwede na ‘yon. Dalawang bathrobe.” Kaysa naman m
CHAPTER THIRTY-NINE: FAITH'S DECISION✧FAITH ZEICAN LEE✧IYAK nang iyak si Poppy habang kinukuwento niya sa ‘kin ang nangyari noon sa kaniya, noong five years old siya at muntikan na siyang patayin ng sarili niya ama dahil sa pagtakip nito ng unan sa mukha niya. Garalgal din ang boses niya at puno ng takot habang isinasalaysay sa ‘kin ang narinig niyang pag-uusap ng dalawa matapos ang insidente.“K-Kaya kinabukasan . . . pagkatapos ng insidente na ‘yon, pinalipat na lang ako ni Mommy Jody sa maliit na bahay sa likod ng mansyon. K-Kasi raw . . . baka raw ulitin ni daddy ‘yong ginawa niya sa ‘kin kung hindi ako lilipat. Kaya kahit natatakot pa ‘ko noon maging mag-isa sa maliit na bahay . . . lumipat na lang ako kaysa saktan ulit ako ni daddy.”Nasa tamang pag-iisip pa ba si Mr. Lucio? Bakit niya ‘yon nagawa sa sarili niyang anak? Poppy was just five back then. Anong isip mayro’n siya? Walang kamuwang-muwang ang anak niya, gaganunin niya para lang sa pera? Sa materyal na bagay?“Noon ko
CHAPTER FOURTY: VACATION HOUSE✧FAITH ZEICAN LEE✧SA kabila ng naging pag-uusap namin ni Poppy at ng pamilya ko na hindi namin siya pababayaan, hindi pa rin siya pumayag na umuwi kami sa bahay. Ayaw niya. Natatakot pa rin siya kahit paulit-ulit ko na siyang binigyan ng assurance.Ang sabi niya, hindi raw siya mapapanatag dahil alam niyang inaabangan ng mga magulang niya ang pagsapit ng eighteenth birthday niya. Kung iuuwi ko raw siya sa amin, siguradong ipasusundo raw siya roon at pipiliting bumalik sa mansyon sa ayaw at sa gusto naming lahat.“What are we gonna do now?” tanong ko kay Mommyla matapos kong magbuntonghininga. Kausap ko pa rin siya sa phone. Narito ako sa hallway ng motel, sinadya kong lumabas sa kuwarto namin ni Poppy para hindi niya marinig ang pag-uusap namin ni Mommyla.Alam ni Mommyla na nasa motel pa kami. Naikuwento ko na rin sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw umuwi ni Poppy, at ‘yon ang ikinagulat niya. Hindi niya akalain na gano’n ang turing ng mga Herald kay
CHAPTER FOURTY-ONE: BAHAY-BAHAYAN✧FAITH ZEICAN LEE✧MATAPOS naming mamili ni Poppy ng mga kailangan sa bahay, pumunta naman kami sa isang boutique para bumili ng mga susuotin namin sa araw-araw. Sinabihan ko si Poppy na huwag mag-alala sa gastos at piliin na lahat ng kailangan niya dahil medyo magtatagal kami sa vacation house.Sinabi ko na sa kaniya na doon na namin hihintayin ang eighteenth birthday niya, pero hindi ko pa binanggit sa kaniya ‘yong tungkol sa kasal. Baka kasi mabigya siya kapag nalamang isasabay na 'yon sa birthday niya. ‘Tsaka na lang pagdating nila Mommyla.Habang nasa panlalaking section ako, hindi ko naiwasang sulyapan si Poppy doon sa gawi ng mga pambabae. Nakita kong pinagmamasdan niya ‘yong couple na ternong pajama na nakasuot sa mannequin at para siyang nag-iisip. Pero agad niya rin iniwas doon ang tingin niya at ibinalik sa harap niya para mamili ng mga T-shirts.Pagkatapos kong mamili ng para sa ‘kin, dinala ko na sa counter ang basket ko para simulan nang
CHAPTER FOURTY-FOUR: IN FAITH's CARE✧FAITH ZEICAN LEE✧MAAGA akong gumising kinabukasan dahil excited ako sa unang umaga na pagsasaluhan namin ni Poppy na kaming dalawa lang. Pero bago ako lumabas sa kuwarto, ginawa ko na muna ang morning routine ko para masigurong okay ang itsura ko.Paglabas ko sa kuwarto, napansin kong bukas na ‘yong pinto ng kuwarto ni Poppy. Humakbang ako palapit at sumilip, only to find the room empty. Napangiti ako. Siguro nasa baba na siya at naggagayak ng almusal namin.Still smiling, I made my way down the stairs towards the kitchen. As I reached the wide doorway, I saw her setting the table. The morning light filtered through the windows, casting a warm glow on her as she carefully arranged the dishes.“Good morning, Ma’am Pop—” I halted abruptly when I saw her up close. Sobrang putla niya at para siyang nanghihina, bakas ‘yon sa kilos niyang malamya. “Poppy? A-Are you okay?”Nag-angat siya ng tingin sa ‘kin at bahagyang ngumiti at tumango. “Mauna ka nang
CHAPTER FOURTY-THREE: FAITH - THE SCAREDY-CAT.✧FAITH ZEICAN LEE✧TWO days nilagnat si Poppy kaya dalawang araw ko rin siyang bantay-sarado. Sa loob ng dalawang araw, ako ang nagsilbi sa kaniya. Doon din ako natutulog sa kuwarto niya, naglalatag ako ng comforter sa ibaba. Nakakatukso man ang sinabi niya sa ‘kin no’ng isang araw na puwede akong tumabi sa kaniya, hindi ko pa rin ginawa dahil nakakahiya sa kaniya.Ngayong ikatlong araw, okay na siya. Maghapon ko siyang inobserbahan at pansin kong bumalik na ang dati niyang sigla at maayos na rin siyang nakakakilos sa sarili niya. Ilang beses din siya nagpasalamat sa ‘kin dahil sabi niya, noon daw kapag nagkakasakit siya, wala raw nag-aasikaso sa kaniya. Kaya sobrang pasasalamat niya na hindi ko siya iniwan.Ako sana ang magluluto ng dinner namin ngayon, pero dahil okay na siya, nag-insist siyang siya na lang dahil nahihiya na raw siya sa ‘kin sa dalawang araw na ako ang nag-asikaso sa pagkain namin, kabilang na rin ang breakfast at lunch